Lacey POV
Kakatapos ko pa lang mag aral. Maaga pa para matulog. Wala sa loob na binuksan ang facebook ko.
Nag check ako ng notification. Wala naman masyadong important puro kay Kira at Misha sa wall ko.
Puro heart na lang dahil crush nila si Kuya Luis lalo na pag nag post ako ng picture namin ni Kuya. Marami kaseng nagkakagusto sa kanya. Kaso wala si Kuya ngayon nasa US para ituloy ang Master's Degree niyang Business Management. Matanda sa akin ng anim na taon si Kuya Luis.
Napabuntong hininga na lang ako. Biglang pumasok sa isip ko si Andrew.
Wait? May facebook kaya siya? Tanong ko sa sarili.
Pinuntahan ko ang search
“Mark Andrew Winterson”
Maraming lumabas na Mark Andrew Winterson ang iba taga ibang bansa pa.
May isang nakalagay na picture ng batang lalake nakangiti. Kamukha ni Andrew ang batang lalake. From Massachusetts ang home town niya. Dala ng curiousity binuksan ko ang facebook niya.
Halos lahat naka private nag dadalawang isip ako kung I add ko or hindi. Baka I declined niya ako.
Bahala na! Pikit mata akong I add siya sa facebook.
Habang nag hihintay sa pag accept. I decided to go to kitchen. Para kumuha ng snack. Kakainis ang bilis kong magutom kaka dinner pa lang namin. Hindi naman ako obese. Malaman talaga ako. Sabi nga nila sexy chubby nga daw ako lalo na malaking babae ako.
Pagcheck ko sa Ref. May nakita akong Strawberry cake.
Ayos!
Paglabas ko ng Strawberry cake. Nagulat ako nasa likod ko pala si Mommy. Muntikan ko na tuloy mahulog ang cake.
"Mommy naman, huwag ka naman manggulat ng ganon!" Napahawak pa ako sa dibdib. Humagikgik lang ang magaling kong ina.
"Trip ko lang anak na gulatin ka"
Ayos din itong nanay ko. Minsan iniisip ko kung anong nagustuhan ng Daddy ko sa kanya.
Mas matanda ng limang taon si Mommy kay Daddy. Half german kase si Daddy at Half Spanish naman si Mommy. Syempre ang lumabas kami ni Kuya Luis na gwapo at maganda.
Ahihihi. Pareho namin kamukha si Mommy.
Na I kwento sa akin ni Mommy na niloko siya ng Ex boyfriend niya. Feeling niya walang mag se seryoso sa kanya since lumabas ang Scandal niya noon. Halos pagtawanan siya dahil nag Mo model si Mommy. Sa sobrang na depress plano na niyang magpakamatay. Buti na lang si Daddy nasa rooftop. Niligtas niya si Mommy sa tiyak na kamatayan kundi wala kami ni Kuya. Limang taon silang nag live in ni Daddy hanggang sa mahulog din ang loob nila sa isa't isa. Natatakot noon si Mommy baka iwanan siya ni Daddy nang malaman niya na buntis siya kay Kuya Luis. Pero Suprised wedding ang ginawa ni Daddy.
"Hays! hindi ko alam kung paano ka natitiis ni Daddy?" Pang aasar ko. Wala kase si Daddy nasa ibang bansa. CEO si Daddy ng Madrid Techno Cars Incorporated. Kaya madalas wala siya sa bahay. Palaging may meeting sa ibang bansa. Minsan nag tataka ako ang bahay namin nakatago sa liblib ng Maynila. Sabi ni Mommy regalo daw ito ng Lolo namin kay Daddy.
Nag tataka din ako bakit may Men in Black sa bahay at hatid sundo pa ako ni Kuya Roldan. Anyway hindi naman malaking issue sa akin iyon.
"Mom, hmmm paano mo malalaman kapag may nagugustuhan ka na lalake?" Napakagat ako sa labi. Open talaga kami sa isa't isa ni Mommy.
"Uyyy, Ang Baby Girl ko may nagugustuhan na" Pang aasar pa niya sa akin.
"Mommy naman eh?!" Nagpapadyak pa ako ng paa.
"Okay lang yan anak! Sino ba itong nagugustuhan mo?" Namumula ako habang kinukwento ko ang nangyari kanina sa school.
"Mom, what can I do? Ayokong magkagusto baka masaktan lang ako" Tanong ko. Nahahapo akong napayuko sa lamesa.
Ngumisi si Mommy sa akin.
"Ako na ang bahala anak" Nagtataka akong napatingin sa kanya.
"Ikaw ang bahala? Bakit anong gagawin mo Mommy?"
"Basta mag tiwala ka lang sa akin anak" With evil smiled. Parang nagkamali ata ako ng sinabihan na tao.
***
"Mommy, alis na ako!" Paalam ko sa kanya.
"Wait anak! Eto gumawa ako ng Club Sandwich" Pansin kong apat na sandwich.
Bakit apat? Ang dami naman ata? Tanong ko sa sarili.
"Mommy, hindi ko to mauubos lahat?" Angal ko. Nag babawas na nga ako ng pagkain para medyo pumayat naman ako.
"Tsk! hindi naman lahat sa iyo yan anak. Para kay Andrew yan" Todo ngiti pa ni Mommy.
"Mom?!" Namula ang mukha ko sa panunukso ni Mommy.
"Sige na. Pumasok ka na!" Humalik muna ako at nagpaalam na papasok sa school.
"Bye Kuya Roldan. Mamayang alas singko ang uwi ko" Sabi ko. Tumango sa akin si Kuya Roldan.
Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko.
"Huli ka!" Napairap ako sa ere.
"Ano na naman kailangan n'yo?" Kinuha nila ang dalawang kamay ko at kumapit sila magkabilaan.
"Wala ka pang na I kwento sa amin sa nangyari kahapon" Kira said to me.
"Ano yun ha?" Dagdag pa ni Misha.
"Ah? Eh wala yun?!" Namula tuloy ako.
"Anong wala?! Kinuha niya Ham Sandwich mo tapos kinain niya. Indirect kiss yun!" Kinilig ang dalawang bruha kong kaibigan.
"Tumigil nga kayo?! Baka may makarinig" Tumingin ako sa paligid. Buti naman walang nakapansin sa amin.
"Mukhang malilibre kami ng isang linggong lunch" Napakagat ako sa labi.
"Oy! Wala pa naman akong nagugustuhan ah?!" Angal ko sa kanila.
"Anong wala?! Para kang kamatis na mumula dyan. Huwag ka nang mag denied. Halatang may gusto ka kay Andrew" Tinakpan ko ang bibig niya. Ang ingay talaga ni Kira.
"Ang ingay mo! Sige na. Next week sagot ko na ang lunch n'yo!"
"Ayieeeeee! May crush na din ang bestfriend namin" Hanggang sa pumasok kami sa Classroom tinutukso pa rin nila ako. Napansin kong bakante ang upuan ni Andrew. Maaga pa naman may thirty minutes bago mag start ng klase.
Paulit ulit akong tumitingin sa orasan. Five minutes na lang mag start na ang klase subalit wala pa rin si Andrew.
Nabuhayan ako ng loob ng sabay silang pumasok ng Adviser namin. Mukhang may pinag uusapan sila. Gustuhin ko man makinig sa pinag uusapan nila pero alam kong personal iyon.
Naamoy ko ang pabango niya.
Bakit ba ang bango niya? Hayssss...
Kung ako ang girlfriend ni Andrew araw araw ko siyang yayakapin.
Nakinig lang ako sa Lecture ng Teacher namin. Kinuha ko ang bag para ilabas ang Club Sandwich na gawa ni Mommy.
Sana tanggapin niya please.
I cross my finger. Hmmmm. Kaya ko to!
"Hey, gusto mo nang Club Sandwich?" Napakagat tuloy ako sa labi.
"No" Malamig na sagot niya.
Ouch! Halos mayanig ang mundo ko.