My Beautiful Assassin Chapter 3

Lacey POV

Mag isa akong nag pa practice ng Formation sa Taekwondo. Actually Junior Black Belter First Dan na ako. Gusto ko talaga mag Gymnastics kaso eto si Daddy pinagpipilitan na mag aral kami ng Martial Arts. Pati sa pag hawak ng baril kabisado ko na. Mga iba't ibang klase ng baril pero hindi ko ginagamit ang kaalaman ko sa school.

I'm just pretending na weak ako. Ayokong maging ilag at katatakutan ako ng mga kaklase ko.

Ganito ako kapag na lulungkot. binubuhos ko sa pag e-ensayo. Buong araw si Andrew ang laman ng isip ko. Tinamaan talaga ako sa kanya.

Anong nangyari sa kanya? Sinusubukan kong makipag kaibigan sa kanya. Pero hindi man lang niya ako pinapansin. Kaya malungkot akong umuwi ng bahay. Saturday ngayon walang pasok. Wala din si Mommy. Umalis sila ni Kuya Roldan para mag Grocery.

Tinapos ko na ang pag e ensayo. Narinig ko ang Notification sound sa Facebook kaya dinampot ko ang Cellphone.

Saka ko sinilip ang notification. Nanlaki ang mga mata ko dahil si Andrew Winterson ina accept niya ako sa facebook. Gusto kong tumalon sa tuwa.

Lumabas ang mga picture niya naka private. Una kong tinignan ang kanyang album. Nag aral pala siya sa Massachusetts.

May picture din siyang kasama ang Father niya. Napansin kong walang picture ang Mother niya. Nakita ko din mga pinsan n'ya. Mga gwapo din may pagkakahawig din sila. Yun kase sinasabi sa wall ng mga pictures. At mga places na pinuntahan niya sa ibang bansa. Ang iba kasama mga pinsan niya.

Pumunta ako sa Messenger nanginginig ang kamay ko. Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago nag send ng message.

Thank you sa pag accept

How are you?

Hinintay ko muna siya mag reply. Halos sampung minuto ako nakaupo. Nakita ko lang naka seen.

Hindi man lang siya nag reply? Nakadama ako ng lungkot. Kaya't binitawan ko na lang Cellphone.

I feel disappointed. Ganito ba ang pakiramdam pag hindi ka gusto ng taong gusto mo.

Siguro kung kasing seksi lang ako ni Kathleen baka magustuhan din niya ako.

Ano kaya kung mag papayat ako? Baka pansinin niya ako.

Why not?

Tumakbo ako sa kwarto para kuhain ang Diary ko.

Oplan Skinny Diet

Nag browse ako sa google kung ano ang way para pumayat.

Sa exercise wala naman akong problema. Simula bukas mag start na ako gumising ng maaga para mag jogging. Sasama na ako kay Mommy para mag jogging sa umaga.

Tama! Hindi ako mawawalan ng pag asa. Balang araw magugustuhan ako ni Andrew. Kailangan mag effort sa kanya.

***

Napakunot ang noo ni Mommy napansin niyang namumula ang labi ko.

"Anak, kailan ka pa gumamit ng make up para pumasok?" Nagtataka niyang tanong.

"Starting today. maganda na ba ako Mommy?" Tanong ko. Inayos ko ang pagkakatali sa buhok ko.

"Of course nag mana ka sa akin eh. Mukhang alam ko na kung kanino ka nag papaganda" Kinikilig na sinabi ni Mommy.

"Mom?!!" Nahihiya talaga ako.

"Okay lang yan anak. Susuportahan kita sabihan mo lang ako kung kailangan mo turuan kita mag ayos." Ibang klase talaga ang Mommy ko. Pag dating sa akin Super Supportive. Marami pa kaming pinag usapan ni Mommy. Medyo na inggit ako kase bata pa lang s'ya nag mo model na. Samantalang ako puro pag aaral lang ang inatupag.

Sana maging katulad ko din siya.

***

Mag isang nakaupo si Andrew sa bench ng Gym namin sa School. Tapos na ang klase namin dahil P. E ang huling subject. Naunang umuwi ang dalawang kaibigan ko si Misha at Kira kaya mag isa ako ngayon.

Nakita kong nag babasa siya ng libro nahihiya man pero lumapit ako sa kanya. Lakas loob na lang ang puhunan para sa ikaaangat ng ekonomiya.

"Hi!" Bati ko umupo ako sa tabi niya.

Hindi man lang siya sumagot sa pag bati ko.

"Ano yan binabasa mo?" Tanong ko. Ni hindi man lang umangat ang ulo niya para tignan ako. Tinignan ko ang librong binabasa niya.

"William Shakespeare"

Kinuha ko ang backpack para kumuha ng junk food.

"Tara, kain muna tayo habang nag babasa ka" Pa anyaya ko sinarado niya ang libro. Tumayo siya subalit naupuan ko ang jacket na suot niya kaya hindi niya ma i angat ang sarili. Napilitan akong tumayo.

"Tapos ka na mag basa? " Tanong ko sa kanya ulit.

"Can you please leave me alone?" Pag susuplado niya sa akin.

"I - I just want to be your friend" Lakas loob kong sinabi sa kanya.

"I don't need friends. I just want to be alone" Kinuha niya ang kanyang bag saka lumakad palayo sa akin.

"Wait! Andrew sasabay na ako sa iyo" Pangungulit ko. Hindi ako susuko sa kanya.

"Bakit ba ang kulit mo?" Halatang naiirita ang kanyang mukha. Humarap siya ulit.

"Because -" Napalunok ako.

Hinihintay niya ang sagot ko. Nangangamatis na sa sobrang pula ang buong mukha ko.

"Kung wala ka naman sasabihin. I have to go" Tumalikod si Andrew palabas ng gym. Naiwan akong nakatayo at bumuntong hininga bago ko binuka ang bibig. Pumikit ako para sabihin sa kanya.

"Because I like you!" Kulang na lang lumubog ako sa kinatatayuan ko.

"Sorry but I don't like you!" Napamulat ako ng mata sa sinabi niya sa akin. Tuloy tuloy siyang naglakad. Malapit na si Andrew sa exit. Nang sumigaw ako ulit.

" Gagawin ko ang lahat. Magugustuhan mo din ako at hindi ako susuko" Pahabol kong sinabi sa kanya.

Narinig ko ang pag "Tsk" niya. Sa wakas na sabi ko din sa kanya ang nararamdaman ko kaya napangiti ako.

***

Masaya akong umuwi sa bahay. Pagkatapos kong mag dinner. Kumuha ako ng stationary at gumawa ng sulat para kay Andrew. Plano kong mag lagay ng Chocolate sa locker niya bukas.

Plano ko na simulan ang panliligaw ko sa kanya. Kahit mag mukha akong desperada basta magustuhan din ako ni Andrew.

Nagtatago ako sa gilid. Malapit sa mga Locker. By section ang locker namin kaya alam ko kung saan ang locker ni Andrew nag pasimple ako na sinilip siya habang nilalagay niya ang mga libro. Nakasabit sa Handle ng locker ang isang supot ng Lindt Chocolate kasama ng Love letter.

Kinuha niya ito at binasa ang Love letter na isinulat ko. Nakita kong napa kunot noo siya. Kinakabahan ako baka itapon ni Andrew ang binigay ko. Pero laking tuwa ko nang nilagay niya sa bag ang chocolate kasama ng sulat. Wala sa loob napangiti ako. Masaya na ako doon na ma appreciate niya ang binigay ko sa kanya.

Halos isang buwan ko siyang pinapadalhan ng Chocolate, Stuff toys or na i baked kong Cup cake kay Andrew. Kahit hindi man niya ako kinakausap masaya na ako doon. Minsan sinusundan ko siya pauwi sa bahay nila nalaman ko din kung saan siya nakatira. May sarili siyang Condo malapit sa school namin. Buti na lang hindi nag susumbong si Kuya Roldan kay Daddy dahil sinabihan na din siya ni Mommy. Kaya walang magawa si Kuya kundi napapangiti na lang sa amin ni Mommy. Minsan ina advice niya ako na huwag maging desperada sa panliligaw sa lalake hindi maganda sa isang dalagang katulad ko. Pero wala akong magawa inlove na ako kay Andrew.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.