My Beautiful Assassin Chapter 27

Satinne POV

Nakasuot ako ng wig at makapal na make up. Para hindi ako mamukhaan ng taong sinusundan ko dito sa pilipinas.

Dalawang araw na ako nasa pilipinas. Sinundan ko ang aking kapatid. Kanina siya tinitignan ang relo. Mukhang may hinihintay na tao. Kahit gustuhin ko siyang kausapin at usigin. Alam ko sa tamang panahon mag haharap din kami. Dahil hindi pa humihilom ang sugat sa puso ko.

Masakit sa akin na iniwan niya ako sa kamay ng mga dumukot sa akin. Nalaman ko na buhay pa ang magulang namin. Nandoon ang saya sa puso ko. Sa ikinuwento sa akin ni Agent Arrow kung paano nila ako iniligtas.

Napakunot noo ako pumasok ang babaeng hindi ko akalain makikita ko pa na kasama ng aking kapatid. Hinalikan niya ito sa labi. Seryoso silang nag uusap.

Akalain mong dito ka lang pala nag tatago Lady Xelena at kasama mo pa ang kapatid ko.

Napailing ako saka kumuyom ang aking kamay.

Napapikit ako may pumasok sa isip ko.

Siya ang babaeng iyon?!

Naalala ko na ang lahat. Tahimik akong umalis sa lugar kung saan magkasama si Lady Xelena at ang kapatid kong lalake.

***

Tulad ng pinangako ni Agent Arrow tinago nila ang huling lalakeng dumukot sa akin. Nasa harap ko na siya ngayon. Nakikita ko ang takot sa kanyang mata at pag sisi.

Si Rogellio Carrillo nakaharap sa akin at nakaposa ang kanyang kamay. Magkaharap kami ngayon sa interrogation room.

"Ikaw nga ang batang babae iyon. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang iyong magandang mukha. Ang laki na ng pinag bago mo" Malungkot ang kanyang pagkakangiti.

Hindi ko siya sinagot. Malamig ko siyang tinitigan.

"Nabalitaan ko din na patay na ang apat kong kasamahan" Yumuko siya habang lumuluha ang kanyang mata.

"Dati kong kasamahan ang iyong ama. Naging magkaibigan kami. Nagpanggap na tauhan ni Master Bryan MacKenzie. Nalaman ni Master Bryan na ang ama mo ang may kagagawan kung bakit nahuli ang mga tauhan niya sa Russia dahil isa siyang Secret Agent at lalo na't kasintahan ni Master Bryan ang iyong ina" Napaawang ang labi ko sa nalaman at nang hina ako sa sinabi niya.

"Matagal ka ng sinusubaybayan ni Master Bryan dahil kamukhang kamukha mo ang iyong ina lalo na't mahal na mahal niya ito. Palihim siyang tumatawag sa iyo marinig lang ang boses mo" Patuloy nito. Naalala ko ang mga tawag tuwing gabi sa akin.

"Si Master Bryan MacKenzie, ang nag utos sa amin na ipapatay ang magulang mo. Siya ang lalakeng gumahasa sa iyo. Iniutos din niya sa amin na panoorin ka habang ginagalaw ka niya. Inaamin ko naawa ako sa iyo dahil naiisip ko ang anak kong babae. Ako at ang aking ina tinatawag mong Lola Maria ang tumulong sa iyo na mailabas ka sa warehouse at tumawag sa mga pulis." Yumugyog ang balikat ni Rogelio.

"Ayokong gawin ang pinapagawa niya sa amin Satinne. Subalit buhay ng pamilya ko ang kapalit. Nagtago ako. Dahil si Master Bryan MacKenzie hindi ko na maatim ang kasamaan niya. Isa lang ang kahilingan ko. Kung papatayin mo ako. Itago mo ang asawa't anak ko. Wala silang alam dito nag mamakaawa ako sa inyo" Punong puno ng luha ang aking mata.

"Alam mo ba?! Na ang anak ko namatay dahil sa kagagawan ninyo?" Umagos ang luha sa aking mata.

"Ang batang iyon ang ala ala ng lalakeng mahal ko" Nanginginig ang aking katawan.

"Patawarin mo ako. Hindi ko kagustuhan ang nangyari sa iyo Iha!" Pag mamakaawa niya.

Malakas na sigaw ang lumabas sa akin bibig.

Sising sisi ako dahil nag tiwala ako kay Master Bryan. Siya pala ang may kagagawan ng lahat!

Niyakap ako ni Agent Arrow sa walang pagtigil ko sa pag iyak.

All this time, siya ang may pakana ng lahat ng ito. Bakit ako nag tiwala sa kanya. Ang tanga tanga ko! Kasama ko pala ang lalakeng gumahasa at pumatay sa anak ko. Ginamit niya ako sa sarili niyang kapakanan.

Gusto niyang ipapatay sa akin ang inosenteng bata na anak ni Lady Xelena.

Hindi ko maatim na pumatay ng bata naiisip ko ang kaawa awa kong anak!

Hinayaan ako ni Agent Arrow na umiyak ng umiyak. Hanggang sa wala na akong mailabas na luha sa aking mga mata.

"Agent Arrow, Help me please. Gusto ko na mamuhay ng normal" Para akong basang sisiw. Bumalik sa akin ang nakaraan. Ang masayang araw ko noon. Mga panahon na kasama ko ang aking pamilya.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I will help you Satinne. Please stop crying." Pag aalo niya sa akin lalong lumakas ang iyak ko kahit wala nang luha. Ilang taon na nakakalipas hindi pa rin nawawala ang sakit sa pagkawala ng aking anak.

Paulit ulit bumabalik sa akin ang nakaraan. Siya ang dahilan ng lahat dahil sa pag hihiganti.

Gusto kong bumalik sa normal na buhay. Hindi ko pinangarap na ganitong buhay.

Ayoko nang pumatay! Gusto ko na mamuhay na katulad ng dati. Punong puno na ng dugo ang kamay ko. Mga taong pinatay ko sa loob ng pitong taon.

Sa nangyari sa akin sobra sobra na ito. Tumayo ako pagkatapos kong mahimasmasan. Kailangan kong bumuo ng plano. Lumapit ako kay Rogelio.

"Rogelio Carillo, I won't kill you. We will keep you and your family" Hinawakan ko ang kamay niya. Tanda ng isang pangako.

Huminga ako ng malalim para lakasan ang aking loob.

I know. Pinapasundan niya ako. Kailangan ko maging handa sa mangyayari sa akin.

***

Pag pasok ko sa loob ng Condo. Nagpanggap akong nagulat. Nakaupo si Bryan MacKenzie sa sofa. Naninigarilyo habang hawak niya ang Samurai.

"Saan ka galing Satinne? Matagal tagal tayong hindi nag kita halos isang linggo kang nawawala dito sa Russia." Tumayo siya habang ako nanatiling hindi makagalaw. Naramdaman ko may mga tao nasa paligid ko.

"O, kasama mo si Agent Arrow sa pilipinas? Tama ba ako nakikipag kita ka sa CIA agent?" Huminto siya sa harap ko. Nilabas nito ang samurai mula sa lalagyanan saka itinutok sa aking leeg.

"Do you think hindi ko alam ang pakikipag sabwatan mo sa Agent Arrow na iyon?" Akmang ilalabas ko ang baril biglang lumabas ang anim na lalake sa loob ng Condo ko. Itinutok nila ang baril sa akin. Kaya hindi ako makagalaw. Kinuha nila ang kamay ko bago pinagtulungan akong talian ng mahigpit.

"You'll see, Satinne. Plano ko sanang pakasalan ka lalo na malaki ang pagkakagusto ko sa iyo. Bata ka pa lang inaalagaan na kita. Pero parehas lang kayo ng iyong Ina!" Sinampal niya ako ng malakas kaya dumugo ang labi ko.

"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ang pag hihirap ng pamilya ko at pang bababoy mo sa akin!" Ang higpit ng pagkakatali nila sa akin. Pilit akong nagpupumiglas.

"Oo, Akala ko nga virgin pa kita makukuha eh! Kaso naunahan ako ng iba! Akalain mo ang bata mo pa hindi ka na birhen" Tumawa si Bryan na parang dimonyo.

"Anyway tapos na kitang napakinabangan kaya ngayon kailangan na kitang dispatyahin!" Tumingin siya sa mga tauhan niya. Iniutos nito na bugbugin ako. Nanghihina ako. Pagkatapos nila akong bugbugin tinakpan ng scoth tape ang aking bibig.

"Ilabas ninyo ang babaeng iyan dalhin n'yo sa sasakyan" Utos ni Bryan pilit akong nag pumiglas sa dalawang lalaki kahit hinang hina na ako. Inilabas nila ako sa condo. Hanggang sa pinasok nila ako sa loob ng kotse. Bumiyahe kami hindi ko na alam kung saan nila ako dinala.

Nakikita ko ang bangin.

Pagkatapos nilang ma I set up ang sasakyan. Pinaupo nila ako sa driver seat habang nakatali ako. Iniwan nila ako. Habang nag tatawanan sila.

Unti unting umandar ang kotse.

I know bangin na ang babagsakan ko.

Pinikit ko ang aking mata.

"God, please guide me!"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.