My Beautiful Assassin Chapter 28

Satinne POV

Kailangan matupad ang plano namin. Bago bumagsak ang sasakyan sa lupa nakatalon na ako palabas. Ramdam ko ang sakit ng aking katawan mula sa pag ka bagsak ko sa mabatong lupa. Nakalayo na ako bago sumabog ang sasakyan.

Habang nakadapa ako sa lupa. Kahit hirap na sa pag hinga at hindi makawala sa pagkakatali sa akin. May dalawang paa ang lumapit sa kin. Binuhat niya ako kaya napangiti ako sa kanya. Umusal ng pasasalamat sa taong tumulong sa kin sa pagpa plano na makatakas sa kamay ni Bryan MacKenzie.

Gusto ko nang bumalik sa normal na buhay. Na walang pinapatay at walang namamatay.

Ayoko na ng ganitong buhay. Punong puno ng dugo ang aking mga kamay.

Gusto kong makasama ang pamilya ko.

At ang taong mahal na mahal ko. Babalikan ko siya. Pinapangako ko yan.

Hindi ko na kinaya ang sakit ng aking katawan mula sa pambubugbog sa akin. kaya't nandilim ng tuluyan ang paningin ko.

"You're free!" Mahina usal ng lalakeng nag ligtas sa akin.

***

After Nine Years

Lacey POV

"Good morning world!" Maganda ang gising ko. Sure ako na matatanggap na ako sa ina apply an kong trabaho. Naka ilang pasa na ako ng resumesa bawat kumpanya. Buti na lang may isang tumanggap sa akin.

Napatingin ako sa orasan.

My gosh! Seven thirty na!

Nine o' clock ang start ng interview. Dali dali akong tumakbo sa banyo para maligo. I reach the highest break ten minutes natapos akong maligo at mag bihis.

"Ma'am Lacey kakain po ba kayo?" Tanong ng kasambahay namin.

"Hindi na po late na ako sa interview. Byeeeeee!" Napailing na lang sa akin si Nanay Martha.

Dali dali akong sumakay ng taxi.

Magkano na lang pera ko? Juice colored five hundred na lang! Nakakahiya kay Aaron kung mangungutang pa ako.

Akala ko late na ako. Limang minuto na lang Nine o' clock na. Parang naging dalawang ang ulo ko nang makita ang haba ng pila. Feeling ko nasa dulo ng walang hanggan este dalawang hilera ang pila. Parang pinag sisihan ko na late ako nakatulog at hindi kumain ng breakfast.

Halos apat na oras na akong naghihintay sa wakas na tawag na din ang pangalan ko.

"Ms. Lacey Florencio" Tawag ng magandang babae.

"Present!" Nag taas ako ng kamay.

Sana makapasa na ako.

"Come with me" Sumunod ako sa babae. Doble ang tibok ng puso ko. Sana maipasa ko na ito kailangan ko na magka trabaho para sa ikakaaangat ng ekonomiya.

Nakailang lunok ako sa pag pasok ng opisina ng may ari ng W. Group of Companies LTD. Balita namin na mismong CEO ang mag i interview. Ang Main Branch nito nasa US. Nakita kong malungkot ang mukha ng mga aplikante. Mukhang hindi nakapasa sa interview.

Sana eto na ang lucky charm ko!

Huminto ako sa harap ng desk nang may ari. Nakatayong nakatalikod siya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa table. May malaking name plate.

Mark Andrew T. Winterson

CEO

What the H?!! Si..si First love? Piping sigaw ng isip ko.

Ang pagkakaalam ko si Brixton Saavedra ang mag i interview sa akin?! Nanlalaki ang aking mga mata.

Mas lalong lumaki ng humarap siya sa akin. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Good afternoon Ms. Lacey. Long time no see" Matalim na tingin ang binigay niya sa akin.

Bakit ganyan ang binigay niya sa kin na tingin? Teka ako dapat yun ah?!

Luh? Bakit parang may kasalanan pa ata ako sa kanya? Bakit galit s'ya? Mukhang itlog ang result sa interview ko. Huwag naman sana!

"G-good afternoon Sir" Nag bago ang tingin niya. Napayuko ako sa matiim n'yang titig.

Bakit bigla akong nanginig sa harap niya?

"Please take a seat" Sabay kaming umupo. Kinuha niya ang resume ko. Nakapatong sa lamesa nito. Hiningi kanina ng magandang babae sa amin. Binasa muna niya hindi ko maintindihan ang expression ng mukha ni Andrew.

Shit!

Mas gumuwapo na siya ngayon at mas tumangkad siya siguro mahigit 6'1 na s'ya? Teka, Nasaan na ba panty ko?

"Tell me about yourself? " Panimula niya.

"I'm Lacey Florencio, 26 years old, I'm Married. -" Umangat ang ulo niya sa binabasang resume ko. Biglang nag salubong ang kilay. Napahinto ako sa kanya.

"Wait! You're married?!" Gulat na sigaw nito.

"Oo naman! alangan tumandang dalaga ako?" Pamimiloso kong sinabi.

Abuh, anong akala niya sa akin habang buhay broken hearted sa kanya? Nu siya sinuswerte?

"To who?" Tanong niya hindi ko alam kung galit or galit?

Galit siguro!

"Aaron Florencio" Shock ang nasa mukha niyang nakatitig sa akin.

"Kayo din pala ni Aaron ang nagkatuluyan" Napailing si Andrew. Ang dami niyang tinanong sa akin.

"I'm sorry Mrs. Florencio but I think you are not qualified in this position as my Secretary. Because married women are probihited. I hate emergency leave etc" Napaawang ang labi ko.

Taena nito! Ilang oras ako nag hintay sasabihin lang sa akin na hindi ako tanggap.

"And based on your working experience. This is your first time to have a job. What happened to you nine years ago?" Mariin niyang tanong sa akin. Napalunok ako.

Tumayo siya habang lumalakad palapit sa akin.

Hala?! kailangan ko na ng trabaho. Bahala na!

Lumapit ako sa kanya biglang lumuhod. niyakap ko ang mga tuhod niya.

"Sir Andrew, hindi na ako galit! Tanggap ko na walang forever sa ating dalawa. At lalong hindi ako bitter tinigil ko na uminom ng ampalaya capsule. kailangan ko ng trabaho. Gagawin ko ang lahat basta tanggapin mo lang ako. Hindi ako mag hihiganti. Di ba friendship naman tayo noon? May nangyari pa nga tapos nag toooot pa nga tayo. Ang sakit kaya dalawang araw akong hindi nakalakad sa sobrang laki n'yan. Promise hindi na ako mag i stalker sa iyo basta tanggapin mo na ako pleaseeeee?" Pakiusap ko kailangan ko na talaga magka trabaho. Nakita kong napalunok siya sa sinabi ko.

"Stand up Lacey! Ano bang ginagawa mo?!" Bulyaw niya sa kin.

"Sir Andrew, tanggapin mo na ako. Papayag akong hiwalayan si Aaron para maging single ako. basta magka trabaho lang. Alalahanin mo malaki ang kasalanan mo sa akin" Kunwaring iyak ko pwede na talaga ako maging best actress sa Famas Award. Napailing si Andrew sa akin. Pilit niyang inaalis ang kamay sa akin.

"You do?" Nagdududang tanong ni Andrew.

"Alin doon?" Takang tanong ko.

"Hihiwalayan mo ang asawa mo?" He's smirked.

"Syempre joke lang iyon! Ang mahal mahal ng annulment. Ni wala pa akong trabaho" Sagot ko. Wala pa nga akong pera. Nawala ang mapang asar niyang ngiti. Napailing na lang siya ulit.

"Sige na tanggapin mo na ako. Gagawin ko ang lahat kahit 24/7 akong gising" Ngumiti ako ng pagkalaki laki.

"Alright! Alright! You're hired!" Halatang walang magawa ang itsura ni Andrew.

"Please tell to Mrs. Smith. The lady who bring you here that you are hired and your work starts now!" Kung bomba lang binagsak ni Andrew sa harap ko kanina pa ako sumabog.

Akalain mo mag ta trabaho na agad ako? Wala pa akong lunch?!

"B - but?" Parang nag alanganin tuloy ako.

"No more but Ms. Lacey! Go to Mrs. Smith to trained you now!" Madiin niyang sinabi.

Tengene naman o! Gutom at uhaw na ako. Kahit isang buong lechon kakainin ko sa gutom ko ngayon. Bakit naging ganito naman kalupit ang tadhana sa kin?

***

Tinawagan ko si Aaron pagkatapos ng duty ko sa kumpanya ni Andrew.

"Dahan dahan ka lang kumain para ka naman patay gutom n'yan. Lace" Sa Sobrang gutom ko. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Aaron sa akin. Kape at tubig lang ang laman ng aking tyan.

Taragis din si Andrew. Wala man lang awa sa akin hindi man lang ako pakainin kahit snack sa dami ng nakatiwangwang na trabahong iniwan ng secretary nito nabuntis at nag resign. Halos 7:00 pm na ako natapos. Sa sobrang gutom ko napilitan akong tawagan si Aaron kahit may duty pa ito sa hospital.

"Gutom ako, Aaron! huwag muna akong kausapin baka pati ikaw lamunin ko" Natawa na lang siya sa akin.

Isang Surgeon Doctor si Aaron at si Kira naman naging Nurse niya. Si Misha naman. Well, wala na kaming balita sa kanya bigla na lang nawala nang parang bula. Ako naman Psychology Graduate kaso ewan ko ba bat bumagsak ako sa pagiging secretary ngayon. Nagtataka ako ina apply an ko is Assistant Human Resources sa W. Group of Company LTD. Anyway sa ngayon importante may trabaho na ako.

"Sabi mo si Andrew ang Boss mo sa WGC? Bumalik na pala siya" Nagdududang tingin ang mukha niyang nakaharap sa akin.

"Bat ganyan ang tingin mo sa akin?" Balik tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang Coke. Ang sarap para akong nagka energy.

"Baka ma inlove ka na naman at bumigay ka ulit sa kanya. Umayos ka Lace!" Binatukan ko lang siya sa ulo.

"Aray ko naman!" Sinamaan lang ako ng tingin.

"Anong akala mo sa akin? Bata?! Ipapa iral ko ang pagiging dalagang pilipina ko sa puso't diwa. Hindi na tayo high school! Matanda na tayo. Aaron, Noon wala akong isip ngayon meron na. Promise hindi na ako mag hahabol sa kanya. Sa ganda kong ito?! Hmmmp!" Tumaas ang kilay ni Aaron halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Weehhh? Kanina nga muntikan na mawala panty mo eh. Sagot ng malandi kong isip.

"Just make sure. Baka magulat na lang ako iiyak ka na lang dyan. Ibitin kita ng patiwarik" Banta nito.

"Oo na oo na!" Pagkatapos namin kumain. Masaya kaming umuwi sa bahay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.