My Beautiful Assassin Chapter 30

Lacey POV

Nakailang buntong hininga ako sa harap ng tokador. Hindi ko maintindihan si Andrew kung bakit kailangan pa isama ako sa kasal ng kaibigan niya.

Nagtataka ako naka suot din ng formal attire si Aaron.

"By the way bukas aalis ako may Medical Mission kami sa mindanao. Kaya maiiwan ka mag isa dito" Paliwanag ni Aaron.

"Ah... hanggang kailan naman pag stay mo?" Tanong ko. Habang nag me make up ako.

"Dalawang buwan kaya ikaw muna ang bahala dito sa bahay" Napakunot ang noo ko.

"Okay pero teka saan pala ang punta mo? Naka formal attire ka ata?" Takang tanong ko sa kanya.

"Secret walang clue" Nakakalokong sagot nito. Kaya napasimangot ako.

Kita mo to parang timang kapag kausap. Wala akong makuhang matinong sagot.

"By the way, Kumusta na kayo ni Kira?" Tanong ko ulit sa kanya habang naglalagay ng lipstick sa labi.

"Still the same. Ayaw pa rin niyang aminin about sa bata" Bumuntong hininga si Aaron. Alam ko naman ang dahilan ng lahat kundi ako.

"Inamin mo na ba sa kanya?" Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata.

Umiling lang ito. Maybe one day ako na mismo ang makikipag usap kay Kira. Hindi ko na lang ipapaalam kay Aaron.

Narinig ko ang busina sa labas ng bahay namin ni Aaron. May kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ma'am, nandyan na po ang sundo ninyo" Paalam ng kasambahay namin. Bumaling ang tingin ko kay Aaron.

"Sige mauna na ako sa iyo" Humalik ako sa pisngi niya. Naglakad ako palabas ng kwarto. Narinig ko pa ang sinabi ni Aaron.

"Mag iingat ka, Lace" Huling sinabi niya. Nag mamadali akong lumabas. Nakita ko ang driver ng company ng WGC. Kaya pumasok na ako sa loob ng kotse.

***

Dinala ako sa St. Andrew Apostle Church sa Makati. Nakita kong nakatayo si Andrew kasama ang anak niyang si Andrei. Lumapit ako sa kanilang dalawa para bumati.

Parehong gwapo ang mag ama.

"Hi Andrei! How are you? " Nakangiti kong tanong sa bata.

"Hello Tita Lacey, ang ganda n'yo po. Sana ikaw na lang ang Mommy ko" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Andrei.

Bakit? Wala ba ang ina ng bata?

Tumikhim si Andrew sa min.

"Let's get inside" Magkabilaan kaming nakahawak sa kamay ni Andrei papasok sa loob ng simbahan. Kung titignan kami ng ibang tao para kaming isang masayang pamilya. May mga bumati kay Andrew. Napatingin ako sa kabilang upuan kumunot ang noo ko.

Anong ginagawa ng Mother ni Misha si Tita Erlinda katabi ang isang matandang amerikano.

May pagkakahawig kay Andrew. Tumingin siya sa pwesto namin. Kumayaw si Tita Erlinda kaya gumanti din ako ng pagkaway. Mamaya pagkatapos ng kasal lalapitan ko si Tita Erlinda para kumustahin.

Halos lahat naghihintay sa pag dating ng ikakasal. Nakita kong nakahilera na sila sa Entourage. Nakadama ako ng inggit sana maranasan ko din na ikasal balang araw sa loob ng simbahan. Napadako ang tingin ko kay Andrew nakatitig siya sa akin. Nakadama ako ng pagkailang kaya binitawan ko ang tingin sa kanya. Inanunsyo na dumating na ang Bride.

Habang naglalakad sa Aisle. Nanlaki ang mata ko makilala ang babaeng ikakasal.

It's Misha?! Bumalik ang tingin ko ulit kay Andrew. Ngumiti siya sa akin na parang may sinasabi ang mga mata niya.

Napaiyak ako sa Wedding Vow nilang dalawa. Sinabi ni Misha ang hirap nito sa piling ni Brix kaya pala wala kaming balita noon kay Misha. Gusto kong makausap si Misha. Sana mapatawad niya ako sa ginawa ko sa kanya noon.

Pagkatapos ng kasal pumunta kami sa Makati Winterson Hotel. Pag aari ng pamilya ni Andrew. Sobrang busy ng mag asawang Brix at Misha. Napadako ang tingin ko kay Kira na masamang nakatitig sa akin. Umalis siya sa kinauupuan niya. Napag desisyonan kong sundan siya para kausapin. Nagpaalam ako kay Andrew na mag c CR lang.

Nakita ko si Kira nasa balkonahe habang naninigarilyo. Nakatalikod siya sa akin. Tumikhim muna ako bago nag salita.

"Kumusta. Kira?" Bumuntong hininga ako para kumuha ng lakas ng loob.

"What do you think?" Sarcastic niyang sagot. Nabanaag ko ang galit sa mata niya.

"I'm sorry. Kira" Napayuko ako kay Kira. Hindi ako makatingin sa nag uusig niyang mata.

"Sorry for what? Why? Feeling guilty? Aagawin mo din ba ang asawa ni Misha? Ibang klase ka din Lacey. Alam mong may relasyon kami ni Aaron pero inagaw mo siya sa akin. Ilang taon ko hinintay si Aaron malalaman ko na mag asawa na pala kayo?" Napatakip ako ng bibig sa pag pipigil ng iyak.

"It's not what you think. Kira, Aaron and I were -" Napahinto ako nang magsalita si Aaron sa likod namin.

"Stop it Lacey! Don't you ever try!" Galit na saad ni Aaron. Yumakap siya sa aking likod nagtataka ako napatingin kay Aaron.

Invited din ba siya sa kasal? Wala man lang siya sinabi sa akin?

"Tita Lacey?!" Boses ni Andrei. Lumapit siya sa akin habang nakahawak ang kamay nito kay Andrew. Nagtatakang palipat lipat ang tingin sa amin tatlo. Nakayakap si Aaron sa likod ko samantalang si Kira na masama ang tingin sa amin.

"See? Dalawang lalake sa buhay mo nandito sa tabi mo. Lacey! So Slutty!" Pa insultong sinabi ni Kira sa akin.

"Shut up Kira! You don't understand - !" Ganting sigaw ni Aaron. Pinigilan ko ang galit ni Aaron habang nakayakap sa kanya nakita ko ang sakit sa mukha ni Kira kaya napailing siya at tumakbong umiiyak.

"Aaron, please follow her! Baka kung ano ang mangyari kay Kira!" Nag aalalang sinabi ko sa kanya. Napatingin ako kay Andrew na masama ang tingin sa amin ni Aaron. Napalunok ako sa nakikita kong galit sa mata niya.

"Go with her Aaron" Bulong ko sa kanya. Walang alinlangan na sinundan ni Aaron si Kira. Sinundan ko ng tingin ang papaalis na si Aaron.

"Who is he. Tita Lacey?" Tanong ni Andrei nagtataka sa amin.

"Let's go Andrei!" Tawag ni Andrew sa anak niya.

"But I want to stay with Tita Lacey, Dad" Pakiusap ni Andrei sa ama.

"But Tita Lacey is busy to her husband" Salubong ang kilay ni Andrew. Nakatiim ang bagang.

"But Dad?!"

"Let's go!!!" Sigaw ni Andrew sa anak. Nakayukong nagpipigil ng iyak. Nakadama ako ng sakit sa dibdib sa itsura ni Andrei kaya lumapit ako sa bata at niyakap ko sa aking bisig.

"Sir, huwag n'yo naman pagalitan ang bata" Naiinis kong sinabi. Mas tumiim ang bagang ni Andrew nagpipigil ng galit sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit si Andrew ngayon.

"Let's go back inside Lacey!" His eyes are cold. Parang ayokong makipag usap kay Andrew sa nakikita ko sa kanya. Tumango ako saka sumunod sa kanila sa Wedding Reception.

Nakita ko ang saya sa mukha ni Misha at ang asawa nitong si Brix. Tahimik lang ako nagmamasid sa paligid.

Mukhang hindi pa bumabalik si Aaron at Kira? Kumusta na kaya silang dalawa? Sana magkaayos na din sila para sa anak nila.

Nagpaalam si Andrew na ihahatid sa Penthouse ng Hotel si Andrei kasama ng yaya nito. Nakatulog sa pagod ang bata. Sinabi ni Andrew huwag muna akong umalis kaya nag hihintay ako sa kanya.

Tahimik akong iniinom ang Champagne.

"Kumusta Lacey?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Misha. Nahihiya akong ngumiti. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya pagkatapos ng ginawa ko sa kanya noon.

"Mabuti, Ikaw kumusta na? " Alanganin kong tanong. Akalain mong dating Nerd na si Brix ng San Agustin University. Ngayon isa nang napakagwapong lalake at asawa na ni Misha. Iba talaga pag si tadhana ang kumilos.

"Mabuti din" Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Pero isa lang gusto kong sabihin.

"I'm sorry Misha" Namuo ang luha sa mata ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"No need to say sorry. Ako mismo nagsabi kay Andrew na i invite kita dito" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Half brother ko si Andrew. Kapatid ko siya sa ina" Umawang ang labi ko sa gulat.

"Actually matagal ka nang hinahanap ni A -" Napatigil si Misha nang lumapit si Brixton nakasimangot. Natawa ako dahil sa nangyaring Stag Party.

Nagtatakang nag tanong si Misha sa asawa. Hanggang sa napilitang mag kwento si Brix sa nangyari. Tawa kami ng tawa ni Misha. After ng Honeymoon nilang mag asawa plano namin mag bonding para magka kwentuhan ng matagal. Na miss ko na silang dalawa ni Kira. Sana dumating ang time na magkakasundo din kami.

Hindi ko akalain na magkapatid pala si Andrew at Misha. Ang tanga ko nasaktan ko pa ang kapatid ni Andrew. Kaya pala kung titigan ko si Misha at Andrew may pakahawig sila. Pareho nilang nakuha ang feature ni Tita Erlinda.

Arghh! Gusto kong saktan ang sarili ko. Wala sa loob na napainom ako ng marami.

Nahihilo na ako. Bakit ang tagal naman ni Sir Andrew? Mauna na kaya akong umuwi.

Gumegewang akong naglalakad. Siguro kukuha na lang ako ng taxi. Kahit hilong hilo na pilit pa rin ako nag lakad. May humigit sa braso ko kaya humarap ako sa taong humila sa akin.

"what the - " Isisigaw ko sana subalit halik ang sumalubong sa akin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.