Andrew POV
Napahimas ako sa batok. Mag tatatlong buwan ko nang Secretary si Lacey. Actually she's really good and very reliable. Tama nga ang sinabi niyang gagawin nito ang lahat kahit late na minsan nakakauwi. But she's really naughty. Sa sobrang inis nito sa akin dahil hindi ko siya pinayagan mag half day off.
I hate to see her with Aaron Florencio.
Flashback
"Mrs. Florencio, call the Eternal I club for reservation." Tumaas ang kilay ni Lacey sa akin.
Nakita ko ang inis sa mukha niya. Alam ko ang rason dahil sa hindi ko pag payag sa half day off na hinihingi niya sa akin.
"Okay" Nakasimangot na umalis siya sa harap ko. Alam ko naman kung bakit galit ito. Palihim akong napangiti. I heard that may date sila ni Aaron. Naudlot ang date nilang dalawa dahil hindi ako pumayag.
We are happy celebrating the stag party sa Eternal I Club in makati. Isa itong sikat na bar. Of course with my bestfriend Brix.
"Thank you my soon brother in law for the party" Masayang bati niya sa akin.
Ang iba sa amin magkakaibigan may mga asawa na. Tatlo na lang kami ang wala pang asawa. Well, two weeks from now Brix will getting married to my eldest sister. Kaya dalawa na lang kaming binata. Pero kung ikukumpara sa amin magkakaibigan ako naman ang batang naging ama. Malaman ko lang ang ina ng aking anak. I'll make sure na pakakasalan ko siya kung sino man siya. Sa ayaw o sa gusto niya pangarap kong buo ang pamilya namin. Ayokong lumaking mag isa ang anak ko.
Pero di ba ganon na din ang nangyayari ngayon sa anak ko?
Bumalik ang isip ko nang tinapik ako ni Brix sa balikat.
"You’re welcome" Hinihintay na namin ang main course means ang babaeng sasayaw sa loob ng malaking box.
Siyam kaming magkakaibigan. I'm glad na tumino na si Brixton at papakasalan niya si Ate Misha. Akala ko lolokohin n'ya ang kapatid ko. Kaya sinugod ko si Brix sa Condo at nahuli ko silang magkasama.
Noon una nag meet sila nung birthday party ni Andrei dito sa pilipinas that was 4 years ago. Galing si Ate Misha sa japan at broken hearted sa naging boyfriend niya. Hanggang sa nag trabaho si Ate Misha sa Winterson Hotel. Hindi na pinakawalan pa ulit ni Brixton si Ate Misha.
Buti pa ang kapatid ko magpapakasal na. Napabuntong hininga ako.
Bumalik ako ng pilipinas para sa kanya. But I thought na may babalikan pa ako. Inalis ko sa isip ang nakaraan. Narinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan namin.
Lacey arranged this party. We are waiting for the women na lalabas sa loob ng Box.
I heard the "Body Language" Song by Queen. Naghiyawan ulit ang mga kaibigan namin. Excited na bumukas ang malaking box.
Napaluwa ang mata ko sa nasaksihan lumabas sa loob ng Box.
"The Fuck??!" Napasigaw ako. Gulat na gulat kami sa nakita. Sumasayaw na lumapit sa amin ang apat na lalake. Halos mag takbuhan kami palabas ng Room.
"Damn you. Andrew! What is this? We are not gay!" Sigaw ni Brix. Diring diri kami sa apat na lalakeng sumasayaw sa harap namin naka hubad baro at naka tarzan costume pa.
"I'm gonna kill your secretary, Andrew!" Narinig kong sigaw ni Brix. Alam nito na si Lacey ang nag plano ng lahat. Napailing na lang ako. Since then I decided never ruined my Secretary request.
***
Lacey POV
"Achooo!" Parang may nakaalala sa kin ah?
Sa loob ng tatlong buwan na pagiging secretary ni Andrew. So Clean, So Good naman parang Sogo lang. Nakailang babae na akong nakakaaway sinabi nitong girlfriend daw ni Andrew.
Ewan ko ba naman sa lalaking iyon. Tanungin ko tungkol sa mga babae sasabihin single daw sya at wala daw girlfriend.
Hindi ko maiwasan maalala ang mukha ni Andrew pagkapasok ko sa Office dahil sa stag party nila. Galit na galit siya sa akin. Lihim akong napangisi ng oras na iyon. Kaya pinag overtime niya ako ng dalawang linggo. Pinagsisihan ko din naman.
Hehehe at least nakaganti na din ako.
"Ms. Lacey, you need to go home early. Para makapag ayos ka because we are going to attend the wedding of my friend" Napataas ang kilay ko sa kanya. Sasagot na sana ako biglang bumukas ang pinto.
"Daddy!!!" Pumasok ang napakagwapong bata nakita ko sa buong buhay ko. Tumakbo ito papunta kay Andrew. May pumitik na kirot sa puso ko.
"Andrei, don't run!" Niyakap ni Andrew ang batang lalake sa bisig nito. Kasunod nito ang matandang babae naka uniform na maid. All this time may asawa at anak na si Andrew. Sa likod ng isip ko nakadama ako ng lungkot. Masuyo kong tinignan ang bata sa harap ko masayang nakangiti sa ama.
"How's my big boy?" Niyuko ni Andrew ang bata. Nakita ko ang pag ningning sa mata nilang dalawa.
"Sir, Sorry po nagpumilit na pumunta dito sa office n'yo" Paliwanag ng yaya ng bata.
"It's okay. Yaya Luning" Sagot ni Andrew.
"Look Dad, I got a perfect score!" Masayang sinabi ng pinabatang Andrew. Pinakita niya ang test paper kay Andrew. Masaya nitong kinarga ang anak bago lumapit sila sa mesa ko.
"Very good. My Son, mana ka talaga sa akin" Halata ang pagiging proud ni Andrew sa anak.
"By the way Lacey. This is my Son Andrei" Nakatitig ako sa mukha ng bata. Masaya akong lumapit sa kanila.
"Hi Andrei, Nice to meet you!" Kinuha ko ang maliit niyang kamay.
"Nice to meet you too Tita Lacey. You are so beautiful" Parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan nang mahawakan ko ang kamay ng bata. Napangiti ako sa sinabi ni Andrei.
"Thank you Baby Andrei" May humaplos sa puso ko sa sinabi niya sa akin. Napasimangot siya sa sinabi ko.
"I'm not a baby anymore. Imma big boy now!" Salubong ang kilay ni Andrei. Pinag krus pa ang braso. Palihim akong napangiti. He remind me someone. Sa mga kilos ni Andrei pag naiinis.
"Oppps sorry! Sir Andrei" Nag peace sign ako.
"How old is he?" Bumalik ang tingin ko kay Andrew.
"He's turning eight years old" Bumalik ang kirot sa dibdib ko after palang umalis ni Andrew papuntang US. Nag asawa na pala sya. Biglang pumasok sa isip ko ang babaeng nakita ko sa facebook.
Baka iyon ang Nanay ng bata. O hindi kaya si Misha?
Kaya nag deactivated ako noon.
"Where is -" Pinutol ni Andrew ang sasabihin ko. Tumingin siya sa relo kaya napatingin din ako. Mag a alas dose na ng tanghali.
"Lacey, you can go now. Ipapasundo kita sa driver ng company around 3:00pm. I need a secretary for the wedding" Wala sa loob napatango ako. Nagtataka man hindi na lang ako nag salita.
"Bye Sir Andrei, See you later!" Hinawakan ko ang pisngi niya. He is really very good looking boy. Maswerte ang ina ng bata.
"Bye Tita Lacey" Kinuha ko ang bag.
Bago ko isinarado ang pinto narinig ko pang masayang nag ke kwentuhan ang mag ama. Humawak ako sa aking dibdib. Kaya pala hindi ako minahal ni Andrew may babae palang minamahal si Andrew dati. Masyado kase akong nagpakatanga sa pagmamahal ko sa kanya. Gustuhin ko man umiyak pero mag mumukha lang akong tanga. Alam ko naman na umpisa pa lang wala nang gusto sa akin si Andrew.