My Beautiful Secret Agent Chapter 11

Einah POV

Tuluyan akong napasimangot kay Silver.

"Anong gagawin ko dito?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Chill! Einah! Chill! may kailangan lang ako balikan." Umawang ang labi ko. Isang kislap mata umalis na lang na parang hangin si Silver. Iniwan lang ako nakatanga.

Alam ni Silver na bubulyawan ko siya at ang bilis niya um exit.

***

Napabalikwas ako ng bangon na marinig ko ang tawag sa 5110 Nokia kong cellphone. Sarap ibato sa taong tumawag sa akin ngayon. Wala pang tatlong oras ang tulog ko. Dahil gumawa pa ako ng report.

"Hello!" Masungit kong sagot. Biglang may tubig na laglagan sa mukha ko.

Saan galing to?! Napatingin ako sa kisame. Umuulan?

"Penelope?" Si Ivan biglang naglaho ang antok ko na marinig ko ang boses niya.

"Na - napatawag ka?" Napabangon ako sa kama. Tumingin ako sa alarm clock mag a alas singko pa lang ng hapon. Madilim na ang paligid. Mukhang may bagyo.

"I'm worried to you because it's raining outside" Hindi ko na maintindihan ang sinabi ni Ivan. Basta ko na lang binitawan ang cellphone. Parang nagkaroon ng bagyo sa loob ng bahay.

"Oh shit!" Biglang bumagsak ang gulong galing sa bubong. Kinuha ko agad ang dalawang attache case ko at isang bagahe minadali kong ipinasok sa loob ng Luggage at ilang pirasong damit ko nasa aparador. pinaka importante ang Electronic Kettle ko. Kukuhain ko na ang isang cellphone ko para tawagan si Silver at magpahatid sa condo ko. Biglang bumukas ang pinto.

Nanlaki ang mata ko sa gulat biglang dumating si Ivan na humihingal.

"Anong ginagawa mo dito?" Naitago ko bigla ang phone.

"You come with me!" Pinagmasdan niya ang suot ko na silk sleepwear. Hinubad niya agad ang jacket at isinuot sa akin.

"Teka! Sandali - !" Binuhat niya ang Luggage at Bag ko. Saka niya ako hinila at ipinasok sa loob ng sasakyan. Isinarado niya ang pinto. Bago inilagay ni Ivan ang Luggage ko sa compartment ng sasakyan niya.

"Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko pagkapasok niya sa driver seat.

"You will stay with me!" Pinaharurot niya ang sasakyan.

***

Kahit anong pakiusap ko kay Ivan hindi niya ako hinayaan bumalik sa tinitirhan kong bahay. Hindi ako makakilos dahil palagi siyang kasama ko. Kahit mag report ako sa TDS hindi ko magawa dahil kahit sa opisina niya isinasama ako kung saan siya pumupunta. Tumatawag na lang ako kay Uncle Samuel at inamin ko na magkasama kami ni Ivan sa pilipinas.

Mukhang nagkamali ako dahil hindi niya ako binibigyan ng Mission. Mas natutuwa pa siya na may boyfriend ako dito.

"Sweetheart, How was your day?" Tanong ni Ivan na may dalang mango float cake. Alam niya paborito ko ang pasalubong niya sa akin.

"Eto walang magawa. Buong mag hapon nanonood ng netflix!" Nakasimangot kong sinabi sa kanya. Napangisi si Ivan. Nakakaloko ang kanyang ngiti.

"Dito ka lang sa Condo. Kaya naman kitang buhayin." Ang kamay niya nasa dibdib ko pinag lalaruan ang dalawang nipples ko. Nakasuot ako ng T - shirt niya. Hindi pa ako nakakapunta ng Condo para kumuha ng mga gamit.

"Bukas lalabas tayo para mamili ng mga gamit mo" Bulong niya bago pina pwesto niya ako sa harap.

"Talaga?" Sa wakas makakalabas na din ako ng bahay.

"As of now, move your body" Bumaba ang labi ko sa kanya. Buong magdamag kaming nag paligaya sa isa't isa.

***

Anim na buwan na kami ni Ivan nag sasama. Kahit si Silver hindi ko na ma contact hindi ko alam kung anong nangyayari sa lalakeng iyon.

Si Ivan hindi niya ako pinapayagan na lumabas. Sa totoo lang hinawakan niya ako sa leeg pero ako naman willing magpahawak. Hanggang ngayon hindi ko pa rin inaamin kay Ivan ang pagkatao ko. Natatakot ako na baka madamay siya sa magulo kong buhay

Kasalukuyan akong nag luluto sa kusina ni Ivan narinig ko may nag door bell. Sinilip ko ang doorbell camera. May dalawang tao sa labas.

Sino kaya sila? Pamilyar sila sa akin. Kinakabahan kong binuksan ang pinto.

"Hi?" Alanganin kong bati sa kanila. May edad na ang dalawang. Mukhang mag asawa. Isang may lahing amerikano at isang socialite na babae nasa harap ko. Ang may edad na babae tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Basta na lang sila pumasok sa loob ng Condotel.

"Where's Ivan?" Tanong ng matandang babae na may pagkakahawig kay Ivan. Naka ilang lunok ako bago ko sinagot.

"He went to the grocery store for buying some stock." Tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng T- shirt ni Ivan at boxer short.

"And who are you?" Tanong ng matandang amerikanong lalake.

"I'm his girlfriend Penelope Caballero" Napakagat ako sa labi. Pareho silang nagulat. Tumalim ang tingin ng matandang babae sa akin.

"Tell this to my son that i need to talk to him" Bago sila umalis ng Condo. Sinabi ko kay Ivan na pumunta ang magulang niya pagkadating niya mula sa grocery. Napansin ko natahimik siya at hindi nagsasalita. Ilang araw na bumabagabag sa akin ang nangyaring pagpunta ng magulang ni Ivan.

Walang sinasabi si Ivan sa akin. Kahit gustong gusto ko siyang tanungin. Nahihiya naman ako. Lalo na may mga lihim ako sa kanya.

***

Nag tataka ako pinabihis ni Ivan ng Black Evening Gown sinabi niya isasama n'ya ako sa Company's Party nila.

"You are so beautiful!" Napakagat ako sa labi. Titig na titig si Ivan sa akin. Hinawakan niya ang isang kamay ko inilagay sa kabilang braso niya. Pag labas namin ng kotse may mga paparazzi lumapit sa amin.

"Mr. Black, who is she?" Tanong ng reporter.

"Mr. Black is that true. You broke up your relationship with Megan Quinto?" Tuloy tuloy lang sa pag lakad si Ivan habang hila niya ako. Hindi niya pinansin ang mga paparazzi humarang sa amin. Lumapit kami sa magulang niya. May mga kasamang mayayaman din na tao. Tinignan nila ako ulit mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang galit sa mata nila.

"Ivan, why did you bring that low class prostitute here? Hindi kita pinanganak para lang bumagsak ka sa babaeng yan?!" Nanlisik ang mga mata ng ina ni Ivan. Napayuko ako sa sinabi ng kanyang ina. Lahat ng mga tao nakatingin sa amin at nagbubulungan.

"Mom, huwag n'yong pahiyain ang girlfriend ko. I love her!" Pagtatanggol ni Ivan sa kin.

"Nagdala ka ng isang prostitute na babae. Kuya Ivan? Ganyan na ba kababa ang taste mo sa babae?" Sabi ng isang babae may pagkakahawig kay Ivan. Eto siguro si Amira. Napakagat ako sa labi.

"Shut up! Amira. You don't know my girlfriend para pagsalitaan mo siya!" Galit na saway ni Ivan. May humaplos sa puso ko sa sinabi niya iyon. Kahit ang bigat bigat ng dibdib ko.

"She's a gold digger slut. Look at her ni walang maipagmamalaki sa buhay. Ni walang tinapos man lang. Nag usap na tayo dito. Ivan, hiwalay mo ang babaeng yan!" His father said namuo ang luha sa mata ko sa kahihiyan narinig ko sa magulang at kapatid ni Ivan.

"Stop it Mom and Dad! Hindi ko dinala ang girlfriend ko para pahiyain ninyo! Gusto ko pormal na ipakilala siya sa inyo!" Kumuyom ang kamao ni Ivan. Pinigilan ko si Ivan na sumagot sa magulang niya.

"Luciano and Romina! Don't make scene here. She is Ivan girlfriend. Huwag n'yong pahiyain ang anak n'yo! " Narinig namin ang boses ng isang matandang lalake. May pagkakahawig sila ng ama ni Ivan. Lumapit sa akin ang lalake.

"I'm Jackson Black. Uncle ni Ivan. Nice to meet you. Iha!" Nakangiting pakilala ng matandang lalake sa akin.

"Kuya, huwag kang makielam sa problema ng pamilya namin" Marahas na sinabi ng ama ni Ivan. Humarap sa akin si Uncle Jackson hindi niya pinansin ang sinabi ng kanyang kapatid. Hinawakan niya ako sa balikat. Humihingi ng paumanhin sa inasal ng kapatid niya.

"Hindi ito ang lugar para mamahiya kayo ng bisita" Ganting sagot ni Uncle Jackson.

"Ivan, iuwi mo na ang girlfriend mo." Nakatiim bagang na tumango si Ivan. Nagmamadaling inilabas ako ni Ivan sa party. Naglaglagan ang luha sa mata ko sa pagkapahiya sa akin ng magulang ni Ivan kanina ko pa tinitiis na hindi umiyak. Niyakap ako ni Ivan nang makasakay kami sa sasakyan.

"I'm sorry! Dinala kita dito para ipakilala kita sa magulang at kapatid ko. I didn't expect na ganito ang mangyayari" Malungkot ang mukha ni Ivan. Nakikita ko sa mata niya ang sakit.

"I know. I want -" Pinigilan ni Ivan ang sasabihin ko.

"Shhhh. Kahit anong mangyari. Ikaw lang ang babaeng mahal ko at pakakasalan. Kahit mawala na ang lahat sa akin. Mahal na mahal kita Penelope" Mas naiyak ako sa binanggit niyang pangalan. Feeling ko ang laki laki na ng kasalanan ko kay Ivan. Ibubuka ko sana ang labi. Subalit itinikom ko ulit. Hindi maaring malaman ni Ivan ang pagkatao ko. Natatakot ako hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya ang totoo tungkol sa trabaho ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.