Einah POV
Masaya kaming kumakain ni Ivan ng lunch habang nag ke kwentuhan. Parang walang nangyari issue noon Company's Party nila.
Sabay kaming napahinto dahil may tumawag sa kanyang cellphone. Kumunot ang noo niya bago sinagot.
"Hello Mom?" Malumanay niyang tanong sa ina.
"What?!" Nagtaka ako biglang napasigaw si Ivan. Binaba niya ang tawag. Nang hihinang napaupo si Ivan.
"What happened?" Nag aalala kong tanong. Namula ang mata ni Ivan habang nakatitig sa akin.
"Si Daddy na - nakidnap!" Pumiyok ang boses niya nag pipigil sa pag iyak. Kumuyom ang kamao niya. Napatakip ako sa bibig nang marinig ko ang sinabi ni Ivan.
"Dito ka muna. I need to go to my Mom!" Paalam ni Ivan akmang aalis na siya. Hinawakan ko siya sa braso.
"Wait! I'll go with you!" Napatitig siya sa kin bago napilitan tumango si Ivan. Nagmamadali kaming nag bihis.
***
Nakarating kami ng maayos sa Mansion nila. Naabutan ko umiiyak ang ina ni Ivan.
"Mom? Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Ivan sa kanyang Ina. Yumakap ang kanyang ina sa kanya.
"Ang Daddy mo! Baka may mangyaring masama sa kanya!" Humagulgol ang kanyang Ina. Hindi pa rin niya ako pinapansin kahit ang kapatid niyang si Amira. Nag kwento ang kanyang ina sa nangyari habang ako naman nakikinig sa pinag uusap nila. Tinignan ko ang mga pulis nag uusap usap din.
"Huwag kang mag aalala Mom. Everything will be okay. Gumagawa na ng paraan ang mga pulis" Napakagat ako sa labi. Mukhang malabo sa mga pulis. Halos lahat sila nandito subalit wala man lang kumikilos. Nag hihintay ng tawag mula sa mga Kidnapper. Naaawa akong nakatingin sa ina at kapatid ni Ivan. Walang tigil sa pag iyak.
Narinig ko may tumawag sa cellphone ng Ina ni Ivan.
I don't have a choice. Kailangan ko na kumilos. Binuksan ko ang bag at kinuha ang phone detector. Lumapit ako sa Ina ni Ivan habang hawak ko ang device. Narinig ko ang malakas na pag singhap ng mga pulis.
"T- that device?!" Narinig kong sinabi ng Chief of Police. Nagtatakang napatingin din si Ivan sa hawak ko.
"Ma'am, give me your cellphone" Matapang kong sinabi sa ina ni Ivan.
"What are you doing here?! Hindi namin kailangan ang babaeng galing sa club!" Bulyaw ng Ina ni Ivan. Uminit ang ulo ko wala akong pakielam kung magalit sila. Sa inis ko inagaw ko ang phone.
"Penelope!" Babalang sigaw ni Ivan sa kin. Masama ko siyang tinignan. Bumitaw ako ng tingin sa kanya bago ko tinignan ang cellphone. Unknown number nakalagay. Nagulat sila kinabit ko ang kanyang cellphone sa phone detector ko.
"What this?" Nag salubong ang kilay ni Ivan. Akmang kukuhain ang phone detector pinigilan ko siya at ibinigay sa Ina ni Ivan ang cellphone. Ang mga pulis nanlalaki pa rin ang mata.
"T- that device is exclusive for military officer in US army!" Sabi ng Chief of Police. Napasinghap ang Ina ni Ivan sa sinabi ng pulis.
"Answer the call!" Matigas kong utos sa ina ni Ivan. Hindi ko pinansin ang sinabi ng pulis. Nanlalaki ang mga mata nila makitang emotionless ang mukha ko. Naramdaman nila ang malamig kong expression tuwing nasa mission ako. Alam ko natakot sina Amira at si Mrs. Romina Black sa nakikita nilang panganib sa aking mukha.
"H - hello?" Takot ang boses na sagot ni Mrs Romina. Binulungan ko siya.
"Tagalan mo ang tawag Mrs. Black!" Mariin kong sinabi. Tumango ang ina ni Ivan. Nakipag usap sa mga kidnapper.
"What?! 100 million dollars?! It's not easy to withdraw that money within 24 hours!" Sigaw ng ina ni Ivan.
"Okay gagawa kami ng paraan basta ligtas ang asawa ko!" Pakiusap ng ina ni Ivan sa mga Kidnapper.
"Gotcha!" Napangiti ako nang makita ko ang address kung saan dinala ang ama ni Ivan. Pagkatapos binaba na ang tawag. Nasa San Pedro Laguna ang ama ni Ivan. Lumapit ang Chief of Police sa akin.
"Who are you?" Malumanay na tanong ng Chief of Police sa akin. Tinitigan ko siya at hindi ko sinagot ang tanong niya. Saka ako ngumisi sa kanya. Kinuha ko ang cellphone para tawagan ang taong alam ko na makakatulong sa akin.
"Hello! Good Evening! General Jose Faustino. This is Lieutenant Colonel. Einah Sandoval. I need your help!" Matigas kong pakikipag usap sa General ng pilipinas. Narinig ako ang malakas na singhap sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko alam kung sino sa kanila.
"Yes Sir! I expect you to come. ASAP!" Pinutol ko ang tawag. Si Ivan nanlalaki ang matang nakatitig sa akin pati sina Mrs Romina at Amira. Mga isang oras nakalipas. Dumating ang Lieutenant General Jose Faustino ng Philippine Military.
"Lieutenant Colonel Einah Sandoval of U.S Army." Nag pugay ako sa kanan kilay bilang pag galang sa isa sa pinuno ng Military ng Pilipinas.
"Hindi ko akalain nandito ka sa pilipinas" Napailing si Tito Jose. Isa siya sa mga kaibigan ni Uncle Samuel.
"Kailangan ko ng tulong para mailigtas ko si Mr. Luciano Black" Matapang kong sinabi sa General. Tumango siya bago kinuha ang cellphone. May tinawagan si General Jose. Hinawakan ako sa braso ni Ivan. Nalilito at nagtataka.
"Anong ibig sabihin nito Penelope?" Takang tanong ni Ivan.
"Mamaya ko na sasagutin lahat ng katanungan mo. Sa ngayon we need to save your father" Malamig kong sinabi sa kanya.
"Lieutenant Colonel Sandoval. Tayo na! Paparating na ang Chopper" Wika ng General.
"Maraming salamat General. Tatanawin ko na utang na loob ito" Tinapik ako ni General Jose.
"Hindi iha! Malaki ang utang na loob ko sa Uncle mo. Kung hindi dahil sa kanya wala na ako ngayon dito" Nakangiti ang mukha ni General Jose. Isa siya sa Iniligtas ni Uncle Samuel noon si General Jose nang ma kidnap ito ng kabataan pa.
"Tayo na't kailangan natin mag madali" Saad ng General.
"S - saan ka pupunta?" Tanong ni Ivan salubong na ang kanyang kilay. Bumaling ang tingin ko sa kanya
"Dito ka muna. Kailangan na namin mag madali" Sinalubong ko ang tingin niya.
"Hindi! sasama ako sa inyo. Baka may mangyari masama sa iyo. Ayokong mawala ka sa paningin ko." Nag aalalang mukha ni Ivan.
"Hindi ka maaring sumama sa amin. Mapanganib para sa iyo" Tanggi ko.
"Hindi ako makakapayag na iiwan mo lang ako dito. Sasama ako sa iyo! Please?" Pangungulit ni Ivan. Napabuntong hininga ako. Mukhang wala na akong magagawa pa. Nakatitig ang kanyang mata sa akin nakikiusap.
"Kung ganon. Tara na!" Nagmamadali ko siyang hinila.