My Beautiful Secret Agent Chapter 17

Einah POV

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad ako sa aisle kasama si Uncle Samuel. Natupad na din ang pangarap ko na maikasal sa taong mahal na mahal ko.

Solemn ang kasal namin dahil ayokong pag piyestahan ng media. Ayokong mapahamak ang pamilyang Black. Narinig ko ang Wedding Song namin ni Ivan.

Ikaw at Ako by Moira de la Torre and Jason Hernandez.

Nasa harap ng altar si Ivan. Nakangiti at naluluha ang kanyang mata. Pagkatapos akong hinatid ni Uncle Samuel. Ibinigay niya ang kamay ko kay Ivan

"Take care of my Niece. I love her so much like my own daughter." Madamdaming wika ni Uncle Samuel

"Yes! Uncle Samuel. I'll promise you that i will take care of your niece" Kinuha ni Ivan ang kamay ko. Sabay kaming umupo sa harap ng Pari.

"I love you Sweetheart!" Bulong ni Ivan bago pinisil ang kamay ko.

"I love you too!" Gumanti ako ng pisil sa kanyang kamay.

***

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng kinasal kami ni Ivan.

"Sweetheart? Hindi ka pa ba babangon?" Nag aalalang tanong ni Ivan. Niyakap niya ako sa baywang subalit ungol lang ang sinagot ko. Antok na antok pa rin ako. Dalawang araw na akong ganito. Kiniliti ako ni Ivan sa baywang.

"Stopt it! Inaantok pa ako!" Reklamo ko pinigilan ko ang kamay niya. Nahihilo pa rin ako. Natawa si Ivan bago bumangon. Narinig ko bumukas ang shower. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Plano kong magpa check up lalo na sinisikmura ako ngayon.

Hanggang sa ginupo na ako ng antok. Naramdaman ko ang pag halik niya sa pisngi ko.

"I have to go now. Sweetheart. I love you!" Narinig kong paalam niya. Hindi ko pa rin siya sinagot. Dala ng sama ng pakiramdam.

***

Mag a alas dose na magising ako. Pinilit kong bumangon dahil nakaramdam ako ng gutom. Naligo ako at nag bihis. Nakita ko ang mga hinandang pagkain ni Ivan may kasamang sticky notes.

"Breakfast for my Beautiful Wife" Napangiti ako. Pag bukas ko ng cover. Gusto kong masuka sa amoy ng pancake. Tinakpan ko ulit ang plato. Hindi ko alam kung bakit wala akong ganang kumain. Parang may hinahanap ako na hindi ko alam kung ano iyon.

Tinawagan ko si Ivan. Sinabi ko pupunta ako ng hospital. Ilang araw na akong ganito. Nagtaka ako dinala ako sa OB - Gyne. Kaya kinabahan na ako. Nakaupo ako ngayon sa harap ng Doktora na may magandang ngiti.

"You are two weeks pregnant. Mrs. Black." Napaawang ang labi ko. Nagawi ang kamay ko sa aking tyan.

Buntis ako! Gusto kong mag tatalon sa tuwa. Malapit na ang birthday ni Ivan. This is my suprised gift to him para sa birthday niya sa susunod na araw. Akalain mo yun nabuntis ako ni Ivan ng Engagement Party namin. Ibinalita ko sa kanyang magulang ang tungkol sa pag bubuntis ko sinabi ko na ilihim namin ang plano kong suprised para sa Birthday ni Ivan.

***

Nagkaroon ng Company's Party para i celebrate ang birthday ni Ivan kasama ng magulang niya at kapatid na babae. Ako naman kanina pa pangiti ngiti.

"Sweetheart, anong gift mo sa akin?" Halos lahat sila may mga regalong ibinigay kay Ivan. Ini abot ko sa kanya ang maliit na box. Kumunot ang noo niya.

"Bakit ang liit naman nito?" Reklamo ni Ivan. Ako naman nag pipigil na tumawa. Ang magulang ni Ivan hindi napigilan na humalakhak.

"It's a suprised! Sige na buksan mo na!" Excited kong sinabi. Binuksan niya ang regalo ko. Nagtaka pa siya na kulay puti at may nakaguhit na dalawang line.

"What's this?" Takang tanong ni Ivan. Gusto ko tuloy mapairap. Hindi ko alam kung nagtatanga tangahan o likas lang pagiging tanga n'ya?

"It's a pregnancy test!" Blanko ko siyang tinitigan sa mata.

"P - pregnancy test?" Gulat niyang tanong. Biglang namuo ang luha sa kanyang mata.

"Y - You mean? Bu - buntis ka?" Gumaralgal ang boses ni Ivan. Masaya akong tumango.

"Mag kaka baby na tayo!" Sabi ko. Nagulat ako bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Thank you! Thank you Sweetheart! You never failed me! I love you so much!" Yumuko siya sabay hinalikan ang tyan ko.

Lahat ng tao nakapanood sa min nag palakpakan at masayang binati si Ivan na tuwang tuwa.

***

After Four Years

Sa loob ng apat na taon na pag sasama namin. Walang kasing saya ang puso ko. Nakatitig ako sa napakagwapo kong anak na kamukhang kamukha ko.

Sobrang spoiled kay Ivan minsan nagagalit na ako dahil araw araw palaging may pasalubong sa anak niya. Natutuwa ako dahil matalino ang aming anak. Marunong na siyang mag salita. Kahit mag a apat na taon pa lang. Mahal na mahal ni Ivan ang anak namin lalake.

Ipinangalan kong Nicholas isinunod ko sa pangalan ni Papa. Napapansin ko lang na iba ang kulay ng buhok ni Nicholas habang lumalaki nag ku kulay brown at ang ilong niya iba din sa amin. Siguro dahil bata pa. Actually napagkakamalan na anim na taon ang anak namin.

Matangkad siya para sa ordinaryong bata. Narinig ko ang tunog ng kotse sa labas. Dumating na ang asawa ko. Masaya kong sinalubong ang asawa ko.

Habang karga ko ang anak namin si Nicholas. Masaya ako sa napili kong buhay. Sana ganito na lang kami palagi. Hindi ako nag sisi na pinili ko ang buhay na may asawa kasama ang anak namin si Nicholas.

***

Sa loob ng apat na taon naging masaya ang pag sasama namin ni Ivan kasama ang anak namin si Nicholas.

Napakunot ang noo ko. Tumatawag si Silver. Bihira lang siya tumawag sa akin para mangamusta. Mukhang mahalaga ang itinawag niya. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib.

"Hello? Silver what's up?" Masayang bati ko. Napansin ko natahimik ang kabilang linya. Narinig ko humihikbi si Silver.

"What happened? B - bakit ka umiiyak?" Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Einah, you need to come here in Los Angeles Hospital. You're Uncle Samuel. He - he was ambushed of Bryan MacKenzie's men." Nabitawan ko ang cellphone hanggang sa unti unting akong napadausdos ng pag upo sa masamang balita sa akin ni Silver.

***

Wala pa rin akong tigil sa pag iyak. Simula namatay si Uncle Samuel. Si Ivan nanatili sa tabi ko. Nakikisimpatya sa nararamdaman kong sakit sa pagkawala ni Uncle Samuel ang nag iisa kong kamag anak.

Mahal na mahal ko si Uncle Samuel. Inihulog ko ang puting rosas sa kabaong ni Uncle Samuel. Habang ibinababa na sa lupa.

Akala ko titigil na si Bryan MacKenzie sa pamilya namin. Tama nga ang balitang nakarating sa amin na matinik si Bryan MacKenzie. Hindi ka niya titigilan hangga't hindi nauubos ang angkan namin. Babalik at babalik siya para lang makapag higanti.

Nagpapalamig siya para hindi namin mahalata ang mga plano niya. Natatakot ako sa kaligtasan ng pamilya ko. Alam ko kailangan ko ihanda ang sarili ko sa susunod. Kailangan ko mag isip ng plano.

Tumiim ang bagang ko bago kinuyom ang kamao ko.

Mag tutuos tayo Bryan Mackenzie! Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakikita lumalangoy sa sarili mong dugo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.