Einah POV
Pagkatapos mailibing si Uncle Samuel. Isang linggo na nakakaraan. Pinuntahan ako ni Silver sa Mansion namin ni Ivan kasalakuyan nasa trabaho ang asawa ko. Si Nicholas iniwan ko kasama ang yaya niya.
"Dumating na ang may ari ng Titan Defense Services si Mr. Leonardo Madrid." Huminga ng malalim si Silver.
"Einah, I have to tell you something." Mariin ang titig ni Silver.
"What is it?" Kinabahan ako sa seryosong mukha ni Silver.
"Bryan MacKenzie is searching for you. Nalaman niya tungkol sa iyo. Kailangan mong mag tago kasama si Ivan at Nicholas madadamay ang pamilya mo Einah. Isa ito sa pinag usapan namin ni Mr. Leonardo Madrid. Hindi titigil si Bryan MacKenzie hangga't hindi nauubos ang lahi ninyo" Napakuyom ang kamao ko. Alam ko ganito ang mangyayari. Simula hinawakan ni Papa ang kaso ni Bryan MacKenzie. Nasira na ang buhay namin.
Talagang hindi lulubayan ni Bryan MacKenzie ang pamilya namin. Lalo na ako na lang ang nag iisang Sandoval. Isang plano ang pwedeng mangyari para sa kaligtasan ng asawa at anak ko.
Ang magpanggap na patay! Nagpapatunay na walang Einah Alonzo Sandoval ang e exist.
"Silver, I - I have a plan." This is the last option ang maligtas ko ang asawa at anak.
"Tell me?" Bumuntong hininga ako ng malalim. Isa isang nag laglagan ang luha sa mata ko. Sinabi ko ang plano kay Silver.
"I need to die. Help me to pursue my plan" Napatayo si Silver. Gulat na gulat sa mga sinabi ko.
"Damn it! Are you out of your mind?! Einah, Suicide na ang plano mo! Kaya ayaw ibigay sa iyo ni Uncle Samuel ang misyong ito." Sumigaw na sa inis si Silver.
"We don't have a choice Silver. Ang pasukin ko ang buhay ni Bryan MacKenzie. This is the only way. Otherwise palagi akong tumatakbo at nagtatago sa kanya. And worst hindi lang si Ivan ang madadamay kasama din ang buong pamilya niya. Wala silang kasalanan dito. Kailangan ko siyang harapin at labanan. Kung sasabihin ko kay Ivan ito. Pipigilan niya ako dito at baka madamay din siya at ipapatay ni Bryan MacKenzie. Hindi ko kakayanin na may mawala pa sa pamilya ko. Kailangan kong mamatay. Hindi ko alam kung makakabalik pa akong buhay." Masakit sa akin mawawalay ako sa anak at asawa. Huminga ng malalim si Silver. Tumingin sa itaas bago minasahe ang noo. Mariin pumikit ang mata.
Alam ni Silver na tama ako wala na kaming option.
"Kailan natin sisimulan?" He said halata ang pag alala sa kanyang mukha.
"As soon as possible!" Tumango si Silver. Nag usap kaming muli para sa mag plano.
***
Buo na ang plano namin ni Silver. Kung paano ako mamatay.
"Sweetheart, hindi mo ba ako mahihintay?" Kausap ko sa phone si Ivan. Nagpaalam ako sa kanya na pupuntahan ang Providence Restaurant niya sa San Diego. Ako ang makikipag meeting sa investor para mag franchised ng Providence Restaurant sa Colorado. Isa ito sa mga plano namin ni Silver.
"Sweetheart, alam mo naman ang trabaho ko ito. Don't worry uuwi din ako agad. Okay?" Narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya.
"Alright! Tumawag ka agad sa akin kapag natapos na ang meeting mo sa kanya." Halatang natalo siya sa usapan. Alam ko masyadong protective husband and father si Ivan.
"Of course. Ikaw pa? Ubod ng seloso!" Mahinang natawa si Ivan.
"May Misis ba naman akong napakaganda. Sinong hindi mag seselos!" Pag susungit niya.
"Oo na po! Nag seselos din naman ako lalo na pag maraming babae ang nakatingin sa iyo." Napadiin ang pag hawak ko sa phone. Narinig ko ang masayang tawa ni Ivan. Naglaglagan ang mga luha sa mata ko. Pinilit kong hindi mabasag ang boses ko.
"I love you very much. Wife" He said pinatunog pa ang halik sa phone.
"I love you too. Husband. Please take care of yourself and also to our son Nicholas" Hindi napansin ni Ivan ang sinabi kong pamamaalam. Pagkatapos namin mag paalam sa isa't isa.
Lumapit ako sa anak namin si Nicholas. Yumakap ako ng mahigpit sa nag iisa kong anak. Mag a apat na taon na siya next month. But hindi ko pwedeng patagalin pa ang mission ito kay Bryan MacKenzie.
I need to do this!
***
Kasalukuyan akong nag da drive. Habang nasa tabi ko ang kinuha namin bangkay ng isang babae sa morgue. Isinuot ko sa kanya ang damit at sapatos ko. Inilagay ko ang engagement at wedding ring sa kamay niya. Walang tigil sa pag luha ng mata ko. Napapakagat labi ako sa pag pipigil na lumakas ang pag iyak ko.
"I'm so sorry. Ivan and Nicholas. I need to do this! Para sa kaligtasan n'yo. Kailangan kong mamatay para hindi na kayo guluhin ni Bryan MacKenzie lalo na pinaghahanap niya ako" Narinig ko ang tawag ni Silver sa kabilang phone ko.
"Phoenix, I'm ready" Malalim ang boses ni Silver. Lumipat ako sa passenger seat. Nakasuot ako ng itim na damit at bonnet para hindi ako makita sa loob ng sasakyan kapag nag check ng CCTV. Buti na lang gabi na.
Alam namin ni Silver kung paano dadayain ang CCTV. Pina andar ko na ang sasakyan. Smooth ang pag drive ko. Malapit na ako sa bangin. Nang binunggo ni Silver ang sasakyan ko hanggang sa mapunta sa bangin.
Bago bumagsak nakalabas na ako sa loob ng sasakyan. Hanggang sa direchong bumagsak ito pababa ng bangin. Napaluhod ako na nakita kong sumabog ang sasakyan.
"Good bye Ivan and Nicholas. Hindi ko alam kung buhay pa akong makakabalik sa inyo" Walang tigil ang pag iyak ko.
***
Ivan POV
Mag aalas onse na. Kanina ko pa hinihintay si Einah. Pinatulog ko na si Nicholas. Kanina ko pa tinatawagan ang phone niya pero nakapatay.
Narinig ko ang cellphone ko nag ri ring. Hindi ko kilala ang caller kaya hindi ko sinagot ang tawag. Ilang beses ito nag ri ring ang phone ko. Kaya napilitan akong sagutin ang tawag.
Maybe I need to answer this call.
"Hello? -" Naiirita kong sagot.
"Sir, are you Mr. Ivan Lester Black?" Tanong ng Caller.
"Yes? Who's on the line please?" Bigla akong kinabahan.
"This is from FBI agent. I just want to tell you that you wife. Einah Sandoval - Black is - " He paused. Napadiin ang pag hawak ko sa cellphone.
"Met the accident and now she's in morgue. You need to come here in Los Angeles Hospital." Nabitawan ko ang hawak kong cellphone.
***
Pinagupit ko ang aking buhok at dala ko ang mga information nasa ibang katauhan bilang Serene Lacsamana. Nag ta trabaho bilang domestic helper dito sa Russia. Sira sira na ang damit ko at may mga pasa sa katawan.
Tumakbo ako sa kalye kung saan alam ko dadaan ang sasakyan ni Bryan MacKenzie. Puno ng luha ang mata ko habang hinahabol ng tatlong kalalakihan. Nakita ko ang itim na sasakyan ni Bryan MacKenzie. Sinadya kong harangan at ibunggo ang sarili sa gilid.
Huminto ang kanyang sasakyan. Lumabas ang taong inaasahan ko. Nagpanggap akong hirap na bumangon.
"Help me -" Pag mamakaawa ko. Bigla akong hinimatay.
"Get that woman!" Narinig kong sinabi ni Bryan MacKenzie sa kanyang mga tauhan.