Einah POV
Narinig kong nag mamakaawang sinisigaw ni Lincoln ang pangalan ni Harriet. Subalit hindi siya nilingon nito.
"Kumapit ka sa akin!" Sumunod sa kin si Harriet. Kumapit siya sa likod ko. Bago tumalon kami sa Verandah. Tumakbo ako habang karga ko siya sa likod.
Malapit na kami kung saan naka pwesto si Ivan habang nakatayo. Nang makita niya kami nakatitig siya kay Harriet na may halong pagmamahal. Umalis sa likod ko si Harriet. Pareho silang nagkatitig sa isa't isa. Hanggang sa tumakbo si Ivan papunta kay Harriet.
Nakita kong lumuluha si Ivan habang yakap yakap niya ng mahigpit si Harriet halos ayaw nilang bitiwan ang isa't isa sa higpit ng pagyakap nila.
Isa isa naglaglagan ang luha sa aking mata.
Wala na akong babalikan! Masakit sa akin na hindi niya ako pinili.
Napakagat ako sa labi na tumalikod. Tumakbo ako ng mabilis papalayo sa kanila. May nakita akong bakanteng lugar saka ako napaluhod. Walang tigil ang pag agos ng luha ko sa aking mata. Halos masuntok ko ang aking dibdib sa sobrang sakit.
I need to go! I really need to let him go! Sigaw ng isip ko.
Tama na Einah! Una pa lang talo ka na sa laban. Wala ka ng babalikan na asawa.
Si Ivan na mismo ang nakiusap sa iyo. Ibigay mo na sa kanya ang kalayaan na magsama sila ni Harriet. Huwag mo na ipilit ang sarili mo sa lalakeng wala ng pag mamahal sa iyo.
Mas lalong lumakas ang pag iyak ko.
***
Silver POV
Nag halo ang luha at sipon ni Einah. Awang awa ako ngayon kay Einah. Kitang kita ko ang sakit at hinagpis sa kanyang mukha. Sa tagal namin pagkakaibigan at partner sa trabaho.
Akala ko isang matapang at palaban na babae si Einah at hindi susuko sa lahat ng laban. Kung pwede ko lang saluhin ang sakit na nararamdaman niya para ko na rin siyang kapatid. Sinadya kong ligawan si Harriet para mailayo siya kay Ivan. Pero kahit anong gawin ko mas pinili ni Harriet na sumama kay Ivan.
Dahil alam ko na masasaktan si Einah kapag na inlove si Ivan sa iba at hindi nga ako nagkamali. Napakuyom ang kamao ko. Inaamin ko hindi ko gusto si Ivan para kay Einah. Pero wala akong magawa nang sabihin ni Einah na magpapakasal na sila ni Ivan. Isang taon pa lang nawala si Einah, nagmahal ng iba si Ivan sinubaybayan ko ang buhay niya sa pakiusap na din ni Einah na protektahan ang pamilya niya.
I let you cry, Einah ibuhos mo ang lahat ng sakit. Balang araw makakahanap ka din ng lalake na mas higit pa kay Ivan Lester Gonzales-Black at hinding hindi ko hahayaan na masasaktan ka ulit ng ganito.
***
Einah POV
Mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas pagkatapos na mangyari ang hostage taking kay Harriet. Nandito kami sa korte para pirmahan ang divorce papers na inihain ni Ivan. Pinagmasdan ko silang dalawa na magkahawak kamay. Naninikip ang dibdib ko. Pinanatili kong matigas ang mukha ko para lang ipakita na malakas ako.
Ibinigay ng Lawyer ang papel sa akin nag sasaad na matatanggap kong alimony kay Ivan. Sinabi ko wala akong tatanggapin maski singko kay Ivan. Kay Nicholas na lang niya ibigay alam ko naman hindi niya pababayaan ang anak namin.
Inamin ni Harriet nag dadalang tao siya sa anak nila ni Ivan.
Pikit mata kong pinirmahan ang Divorce Papers. Isa lang ang kahilingan ko kay Ivan ang makasama ko ang anak namin si Nicholas. Kaya pumayag siya sa hiling ko. Lumapit si Ivan sa akin. Umusal ng pasasalamat.
"Thank you Einah! I'm sorry because i hurt you. I hope you can find a man better than me. I wish you good luck in your life and please take care of our son. Nicholas" Pinilit kong ngumiti sa kanila.
"You're welcome and take care of yourself too and to your new family. I wish your happiness with Harriet." Yumakap sa akin si Ivan.
Tinapik ko siya sa likod. Papalabas na ako ng pinto sumulyap ako ulit kay Ivan bago lumabas sa korte. Sumakay ako ng kotse habang nasa dibdib ko ang kaliwang kamay ko.
Sobrang naninikip ang dibdib ko sa sakit. Hindi ko na kinaya pa. Humagulgol ako sa manibela.
Dito na nag tatapos ang lahat sa amin ni Ivan. Eto ang kapalit sa lahat ng sakripisyo ko sa kanila. Alam ko mahirap na sa amin ibalik pa ang lahat. Hindi na ako ang nilalaman ng puso niya.
Ako at si Nicholas na lang ang magkasama ngayon. Hindi ko na ma ibibigay sa kanya ang masayang pamilyang hinahangad niya.
Pagkauwi ko sa condo na pinamana sa kin ni Uncle Sam. Mabilis akong pumunta sa kwarto ng anak ko. Niyakap ko ng mahigpit si Nicholas habang natutulog.
Isa isang pumasok sa isip ko ang masayang ala ala namin ni Ivan.
Flashback
"Einah Sandoval, alam ko masyado pang maaga para sa atin magpakasal but my heart beating so fast tuwing kasama kita at ikaw nagpabago sa akin. I'm afraid that one day mapahamak ka sa mga mission mo. Hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko. Ayokong papiliin ka but you can't blame me everytime I seen you with bruises and wounded from your mission. My heart bleeds. Please choose me over your career because I Love you so much" Naghulugan ang mga luha sa mata ko.
"Ivan, I will marry you!" Napalunok si Ivan. Namula ang kanyang mata tanda na naiiyak sa sinabi ko. Inilabas niya ang kahita sa kanyang bulsa at isinuot sa aking daliri. It's 24 karat of Tiffany and co. Diamond Ring. Tumayo si Ivan binigyan ako ng halik sa labi. Gumanti ako ng halik.
"I love you Einah Sandoval Black" Madamdaming niyang sinabi.
"I love you too Ivan Lester Gonzales Black" Nakangiti kong sinabi.
"Sweetheart, anong gift mo sa akin?" Halos lahat sila may mga regalong ibinigay kay Ivan. Ini abot ko sa kanya ang maliit na regalo. Kumunot ang noo niya.
"Bakit ang liit naman nito?" Reklamo ni Ivan. Ako naman nag pipigil na tumawa. Ang magulang ni Ivan hindi napigilan na humalakhak.
"It's a suprised! Sige na buksan mo na!" Excited kong sinabi. Binuksan niya ang regalo ko. Nagtaka pa siya na kulay puti at may nakaguhit na dalawang line.
"What's this?" Takang tanong ni Ivan. Gusto ko tuloy mapairap. Hindi ko alam kung nagtatanga tangahan o likas lang pagiging tanga n'ya?
"It's a pregnancy test!" Blanko ko siyang tinitigan sa mata.
"P - pregnancy test?" Namuo ang luha sa kanyang mata.
"Y - You mean? Bu - buntis ka?" Gumaralgal ang boses ni Ivan. Masaya akong tumango.
"Mag kaka baby na tayo!" Sabi ko. Nagulat ako bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Thank you! Thank you Sweetheart! You never failed me! I love you so much!" Yumuko siya sabay hinalikan ang tyan ko.
Napakagat ako sa labi sa mga magandang ala ala namin ni Ivan.
"I'm sorry. Son, kung hindi ko na maibibigay pa ang masayang pamilya. Huwag mong iiwan si Mommy. Sa iyo lang ako kumukuha ng lakas" Piping usal ko sa aking anak habang natutulog.
Ivan is my First Love. A man that i really love.
But now, I need to let him go and find his own happiness with Harriet. Hindi na ako ang mag bibigay ng kasiyahan pa sa kanya.
And this is my story. I, Einah Alonzo - Sandoval. A Beautiful Secret Agent and A Broken Hearted Woman.
THE END