My Beautiful Secret Agent Chapter 25

Einah POV

Sumama ako kay Ivan papuntang sa Office Room niya.

"Einah, I - I need your help!" Umpisa ni Ivan. Kitang kita ko ang pag alala sa mukha niya.

"Harriet is kidnapped from her ex - boyfriend. Ikaw na lang ang inaasahan ko na mag liligtas sa kanya!" Isa isang nag labasan ang luha sa mga mata ko.

"I know imma selfish man. I'm so sorry Einah but i tried - to love you back. Alang ala kay Nicholas but my feelings for you are not same like before. Sinubukan ko pero hindi ko na kaya." Halos malunok ko ang aking laway sa pag pipigil na humagulgol.

"Alam mong minahal kita noon pero nag bago ang lahat simula nawala ka. And now, I really love Harriet siya na nilalaman ng puso ko!" Itinuro nito ang puso.

"Kung sinabi mo agad ang plano mo noon hindi ko sana binuksan ang puso ko kay Harriet. Hindi sana ganito ang mangyayari sa atin" Lumitaw ang luha sa mata ni Ivan.

"I love her so much. Patawarin mo ako Einah hindi ko sinasadya na mag mahal ng iba. Ngayon hindi ko na mapilit ang sarili ko na mahalin pa kita ulit" Tuluyan nang humagulgol si Ivan. Nanatili akong tahimik walang boses na lumabas sa akin. Para akong papel na unting unti pinupunit ang puso ko sa sakit na nararamdaman. Sa mga sinabi ni Ivan alam ko na pinili na niya si Harriet.

"I did my best na kalimutan si Harriet para maging buo ang pamilya natin. Pero hindi ko na kaya Einah. Siya na ang buhay ko ngayon. Nagmamakaawa ako sa iyo!" Lumuhod sa harap ko si Ivan.

"Please save her. Einah, nakikiusap ako sa iyo" Kumuyom ang kamao ko sa tinitiis kong sakit.

"I know na ikaw na lang ang pwedeng mag ligtas sa kanya" Yumakap sa baywang ko si Ivan. Sa ilang taon namin pagsasama ni Ivan. Hindi siya umiyak ng ganito sa akin. Hindi pa rin ako nagsasalita. Sinusubukan ko tanggapin ang lahat.

Ang sakit! Sobrang sakit na ang taong mahal na mahal mo nagpapaalam sa iyo. Ganito pala ang ma broken hearted. Totoo pala ang kanta ng sinaktan mo ang puso ko ni Michael V. Sa description niya. Akala ko katatawanan ang kantang iyon. Pero akmang akma sa nararamdaman ko ngayon.

Lady Satinne is right. I'm stupid pinili ko ang mission na patayin si Bryan Mackenzie kesa sa pamilya ko. Eto pala ang kapalit ng lahat ang mawala ng taong mahal na mahal ko.

"I - I'll help you" Mahina kong sinabi.

"Thank you Einah! Thank you so much!" Wala pa rin tigil sa pag iyak si Ivan.

"I'm so sorry kung hindi ko na maibigay ang pag mamahal na katulad ng dati. I know I'm a jerk but what can i do?" Kinalas ko ang kamay ni Ivan sa baywang ko. Isang desisyon na dapat ko na ibigay kay Ivan noon pa man. Naging makasarili ako. Pinipilit ko ang sarili ko sa taong wala ng natatangi sa akin. Siguro nga eto na ang wakas ng relasyon namin bilang mag asawa.

"I'll set you free" Yan lang ang sinabi ko. Tumalikod ako sa kanya habang nag uunahan umagos ang luha ko na walang tigil sa pag bagsak.

***

Nasa loob ako ng kwarto namin ni Ivan. Mabilis kong kinuha ang cellphone.

"Silver, I need you now. Please? Ang sakit sakit! Nakipag hiwalay na siya sa akin. I need to set him free!" Padausdos akong umupo sa kama.

"Einah, wait me there! I'm coming!" Natatarantang sigaw ni Silver sa kabilang linya.

***

Nicholas POV

Pagkaalis nina Mommy at Daddy papunta sa office ni Daddy dito sa Mansion. Palihim akong sumunod sa kanila. Buti na lang nakabukas nang konti ang pinto ng office. Hindi nila nai lock ang pinto. Hindi ko pinahalata na nagtatago ako gilid ng pinto.

Narinig ko ang pakiusap ni Daddy kay Mommy. Alam ko pinipilit ni Mommy na maging masaya. Ganon din si Daddy. Hindi ko maiwasan mag laglagan ang luha sa mata ko.

My dream is not like same before. I know we are broken now at isa na ako sa mga batang may pamilyang hindi buo.

I know nasasaktan si Mommy ngayon. Ayokong makitang umiiyak siya.

Bago lumabas si Mommy sa office. Mabilis akong nakapag tago at sinundan siya sa kwarto nila ni Daddy.

Huwag kang mag aalala nandito lang ako. Hinding hindi kita iiwan. Kung nawala ang pagmamahal sa iyo ni Daddy.

Nandito ako na anak mo na nag mamahal sa iyo. Pipiliin kita kahit anong mangyari. Mommy. Gagawin ko ang lahat na maging masaya ka ulit. Alam ko hindi mo ito kagustuhan na nangyari sa pamilya natin. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Habang nakasilip kay Mommy na humahulgol.

***

Einah POV

Tumawag ako sa TDS para humingi ng tulong na mailigtas si Harriet. Nalaman namin na kanyang Ex - boyfriend si Lincoln ay isang sa tauhan na kilalang mafia si Cholo Sandejas "Sandejas Empire"

Ginamit ang lahat ng CCTV ng Los Angeles simula sa condo unit ni Harriet hanggang sa dinala siya sa Arizona.

Nagmamadali kaming pumunta ni Silver sa bahay ni Lincoln sa Arizona kasama si Ivan na halos hindi makausap dahil sa pag aalala kay Harriet. Nagkanya kanya kaming pwesto sa bahay ni Lincoln.

Nag sign ako kay Silver na mauuna akong pumasok sa loob.

Si Ivan naiwan sa sasakyan kasama ang mga FBI. May sampung katao sa loob ng bahay ni Lincoln. Nauna akong pumasok sa gate. Sinipa ko ang pinto ng bahay ni Lincoln nagpaulan ng bala ang mga kalaban. Kami ni Silver at ibang back up gumaganti kami ng putok ng baril.

Tumakbo kami ni Silver sa likod ng bahay. Napakayaman ni Lincoln sinayang niya ang kanyang buhay para lang sa babae. Hindi kami gumawa ng ingay. Dahan dahan kaming umakyat sa Verandah. Dito ako bihasa sa pag akyat.

Nakita ko si Harriet nakatali ang dalawang kamay. Hinuhubaran ni Lincoln ng damit. Babasagin ang pinto ng Verandah ni Lincoln. Pinaputukan ko ng baril ang lock ng pinto.

"Damn it!" Tumayo si Lincoln habang hawak si Harriet. Ngumiti ng nakakaloko. Nakatutok ang baril ko sa kanya.

"I know you Woman! Einah Sandoval - Black" Nanatiling walang emosyon ang mukha ko.

"The stupid wife of Ivan Lester. Why did you help him to save his girlfriend?" Galit na sigaw ni Lincoln. Natahimik ako sa sinabi niya. Nakatutok ang baril ko sa kanya.

"You give them a chance to cheating on you. Do you know that both of them are seeing each other. Do you know that?!" Napalunok ako sa sinabi ni Lincoln.

Alam ko Lincoln. Matagal ko ng alam. Bumaling ang tingin ko kay Harriet na lumuluha ang kanyang mata habang hawak siya sa leeg ni Lincoln.

"I'm so sorry Einah. But I love Ivan so much. Kung nakagawa kami ng mali sa iyo. Sana maintindihan mo kami. Mahal namin ang isa't isa." Umiiyak na sinabi ni Harriet. Napakagat ako sa labi sa mga sinabi ni Harriet. Bumaling ang tingin ko kay Lincoln.

Nakita ko si Silver nasa likod ni Lincoln. Sa kabilang kwarto siya dumaan. Hindi napansin ni Lincoln na bumukas ang pinto sa likod niya. He did the silent walk. Nag sign siya sa akin.

Dahan dahan siyang lumapit sa likod ni Lincoln. Inangat niya ang kamay para hawakan sa ulo. Bago sinipa ni Silver ang likod nito. Inagaw niya ang baril sa kamay ni Lincoln. Hinila ko agad si Harriet palabas ng Verandah.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.