Einah POV
Tatlong araw na ang nakakalipas. Nalaman namin kung sino sino ang mga kasabwat ng Vice President ng UCLA. Nagsalita ang isa sa mga tauhan nito. Sa ngayon hinahanap namin ang ibang mga grupo nito.
Dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon nanatili kami ni Silver na pumapasok sa UCLA at nag papanggap pa rin na mag kasintahan. Sa totoo lang naiinis kami ni Silver kung bakit kailangan pa namin maging ganitong nag papanggap na lovers. Pareho kami ng edad ni Silver or Jake Ortega De la Cuesta. Isa siya sa inampon ni Uncle Samuel. Nalaman ko na dating girlfriend ni Uncle Samuel ang Ina ni Silver. Umasa ang Ina ni Silver na babalikan siya ni Uncle Samuel dahil sa pag aaral nito ng military sa UMA. Pinangako na pagkatapos mag training ni Uncle Samuel magpapakasal na silang dalawa. Naghintay ang ina ni Silver subalit naligaw ng landas si Uncle Samuel nagkaroon ng iba't ibang girlfriend.
Hanggang sa makalimutan ni Uncle Sam ang ina ni Silver. Isa din sa nalaman ko na ibinenta ang ina nito ng kanyang tiyahin sa alemanya nagbabakasyon sa Laoag. Natipuhan ang Ina ni Silver at ginahasa hanggang sa magdalang tao. Umalis sa poder ng kanyang tiyahin at nag trabaho ang Ina nito sa pamilyang Castillo bilang katulong. Umuwi si Uncle Samuel sa pilipinas nang mamatay ang magulang ko. Nakita niya si Silver na ulila na sa kanyang ina. Dala ng guilty sa pinangako ni Uncle Samuel sa ina ni Silver. Hindi nag dalawang isip na ampunin nito si Silver. Kaya nag offer si Uncle Samuel na susuportahan sa pag a aaaral hanggang sa dinala na sa US kasama ko. Itinuring kong parang kapatid si Silver kaya't palagi kaming partner sa lahat ng bagay.
Napansin ko na masama ang tingin ni Silver nakatitig kay Ivan. Actually pareho lang sila ayaw ang isa't isa.
"Mukhang type na type ka ng lalakeng yan!" Nakasimangot na sinabi ni Silver. Umiiral ang pagiging protective brother.
"Hayaan mo siya" Natatawa kong sinabi.
"Kung hindi ba naman nakielam hindi siya ma ba bad shot sa akin" Pareho kami ng iniisip ni Silver.
"I know right. Let's go!" Next week hindi na kami papasok ni Jake. Tapos na ang imbestigasyon dito sa UCLA. Ngayon chi - ne check namin kung may mga kasabwat pa sa loob ng eskwelahan.
***
Mag isa akong kumakain sa Blaze Pizza isa sa restaurant ng eskwelahan. Akmang isusubo ko na ang pizza umupo si Ivan sa tabi ko. Umangat ang isa kong kilay. Naamoy ko ang mabango niyang pabango.
Why so bango naman this guy? Ilang beses kaya itong maligo sa isang araw?
"What do you want?" Mataray kong tanong. Kabaliktaran sa nararamdaman ko. inaamin ko kinikilig ako na makatabi ko siya.
"I miss you!" Bigla akong natameme sa sinabi niya.
"Sorry but I don't miss you!" Tinuloy ko ang pag subo. Nagpanggap na walang pakielam pero ang puso ko dumadagundong sa sobrang lakas nito.
Ang kulit ng lalakeng ito hindi ba ito tinatablan ng masamang tingin ni Silver?
"I don't think so because I know that you are pretending to your feelings" Napaigtad ako sa sinabi ni Ivan. Pasimple akong lumunok. Sinubukan kong maging sarcastic.
"Oh really? In your dreams!" Deny ko pa rin kahit anong mangyayari hindi ako aamin sa kanya.
"I really like you Penelope." He said biglang nag ramble ang utak ko sa sinabi ni Ivan. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
Damn! Bakit ako kinikilig sa kanya? Tumayo ako saka kinuha ko ang bag. Ayokong mahalata niya na kinikilig ako sa sinabi niya.
"Why leaving so soon?" Nagtatakang tanong ni Ivan.
"Because - I don't want to be with you" I said to him. Matapang ko siyang tinitigan. Bago iniwan siya sa upuan. Kailangan ko na siyang iwasan. Ayokong mahulog ang loob ko sa kanya. Marami pa akong pangarap kailangan matupad lalo na isa akong Secret Agent. Hindi maaring ma inlove ako sa isang lalake dahil ayoko siyang madamay sa gulo ng buhay ko.
***
"Everything is clear" Saad ni Silver habang nag mi meeting kami sa loob ng opisina ni Uncle Samuel sa TDS. Pagkatapos namin na confirm ang mga tauhan ng grupo sa loob ng eskwelahan tinanggal ang mga kasabwat dito lalo na ang mga mapa empleyado or estudyante ng UCLA.
"How about you Einah?" Bumaling ang tingin ni Uncle Samuel.
"She's sad kase may maiiwan siya sa loob ng school" Pang aasar ni Silver sa kin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Shut up! Jake baka gusto mong gilitan kita ng leeg!" Asar kong sinabi. Napabungisngis ang loko loko kong Uncle.
"Wow! I never thought na magkakagusto ang pamangkin ko sa isang lalake. Minsan iniisip ko na lesbian ka. Kaya nawalan na ako ng pag asa na magkaroon ng pamangkin sa iyo" Mahinang natawa si Uncle Samuel.
"Isa ka pa Uncle!" Pareho silang natawa. Sa inis ko iniwan ko ang dalawang lalake nag tatawanan.
***
Pagod akong humilata sa kama. Maraming pumapasok sa isip ko. Napapikit ako naalala ko ang napakagwapong mukha ni Ivan.
Sino ba niloloko mo Einah? Si Ivan naman ang gumugulo sa isip mo.
Hindi siya mawaglit sa isip ko. Aaminin ko na gusto ko din siya. Pero kilalang playboy si Ivan Lester sa UCLA. Ayokong magpaloko sa kanya at makasama sa mga babaeng pinaglalaruan niya. Kaya nga hangga't maari iiwasan ko ang lalakeng iyon. Tinignan ko ang bulaklak na binigay niya sa akin. Malapit na itong matuyo. Bukas hindi na kami papasok pa sa UCLA. Tapos na ang imbestigasyon sa ngayon kailangan ko mag focus sa pag aaral. Isang buwan na lang babalik na ako sa military training. Gusto kong makapag tapos. Sa ngayon kakalimutan ko muna ang nararamdaman ko sa kanya.
***
Ivan POV
"She's not here" Wika ng pinagtanungan ko. Isa sa mga nakakakilala kay Penelope.
Dala ko ang teddy bear at bulaklak nabili ko sa kilalang flower shop.
Ilang araw na ako naka abang kay Penelope subalit hindi na naman siya pumasok. Napabuntong hininga ako ng malalim.
First time ko na makaramdaman ng ganito sa isang babae. Nakikita ko sa kanya ang pagiging misteryosa. Parang marami siyang tinatago sa kanyang katauhan. Hindi ko mabasa ang isip niya. Gusto ko siyang kilalaning mabuti. Gusto kong alamin ang tungkol sa kanya subalit walang maibigay ang mga nakakakilala kay Penelope. Kapag nagkita kami ulit sisiguraduhin ko na hindi ko hahayaan na mawala siya sa paningin ko. Ilang araw na siyang gumugulo sa isipan ko. Ang kanyang napakagandang mukha. Nakikita ko ang sarili na ikakasal sa kanya. I really like her a lot.
Maybe I'm starting to fall in love with her. Sa totoo lang hindi naman talaga ako playboy. May hinahanap ako sa isang babae nakikita ko kay Penelope.
I'll make sure she will be mine kapag nag kita kami ulit. Hindi ko na siya pakakawalan pa.
Where are you now Sweetheart?