Einah POV
"I have mission for you Einah" Ibinigay sa akin ni Uncle Sam ang folder. Binuksan ko ito. Napakunot ang noo ko nang makita ang mukha ni Ivan.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nangyari ang hostage taking. Hindi na kami pumapasok ni Silver simula nahuli ang mga Admin na kasabwat sa mga nagbebenta ng drugs at bentahan ng mga babae. Nahuli na din ang Vice President nagpapasok ng drugs sa UCLA.
"Maraming natanggap na death threats si Mr. Ivan Lester Gonzales Black. Simula nangyari ang hostage taking at kinalaban niya ang sindikato. Now, you need to protect him and find the leader of the syndicate. I think kailangan mong bumalik sa UCLA para ikaw ang mag protekta sa kanya" Napakamot ako sa noo. Kung hindi sana siya nakielam hindi malalagay sa panganib ang buhay niya.
"Are you in?" Tanong ni Uncle Sam. Napilitan ako tumango. Kaya napangiti si Uncle Sam. Parang nabunutan ng tinik.
"Ako na ang bahala sa kanya" Huminga ako ng malalim. Wala naman ako magagawa kailangan kong sumunod.
"Good! I count on you Niece" Nagpaalam kami sa isa't isa. Sinalubong ako ni Silver pagkalabas ko ng opisina ni Uncle Sam. Napapailing siya sa akin.
"Mukhang magtatagpo ang landas n'yo ni Lover boy" Natatawa nitong wika. Alam niya ang pangungulit sa kin ni Ivan.
"Yeah and I need to be his bodyguard" Tamad kong sagot. Nakakatamad maging isang bodyguard ng pasaway na lalake.
"Well, good luck to your journey" Tinapik niya ako sa balikat.
***
Dahil may mga mission si Silver hindi ko na siya kasama ngayon sa UCLA. Mag isa akong pumapasok sa eskwelahan. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko siyang naka abang sa Classroom na pinapasukan ko.
"Hi! Long time no see, Sweetheart!" Napangiwi ako sa pag tawag niya sa kin. Ang cheesy ng endearment n'ya. Nasa mukha niya ang excitement na makita niya ako ulit. Peke akong ngumiti.
"Hello" Tamad ko sagot. Nanatiling poker face ang mukha ko.
Kung pwede ko lang tirisin ang taong ito. Hindi sana pinag iinitan ng mga sindikato.
"Are you free tonight?" Napakunot noo ako.
Seryoso ba siya? May banta na nga sa buhay niya pero ang lakas ng loob mag yaya. Anyway mabuti na din para matapos na ang pagiging bodyguard ko sa kanya at mahuli ang nag babanta sa buhay ni Ivan. Tumango ako sa kanya sa pag payag. Kitang kita ko ang pag ningning ng kanyang mata. Napaigtad ako ng kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Parang may kuryenteng pumasok sa loob ng katawan ko.
"You make me so happy. Sweetheart. See you later" Nanlalaki ang mata ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Wala sa loob napahawak ako sa dibdib ko.
Ano ba itong nararamdaman ko? Umalis na siya pero nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa dinaanan ni Ivan.
I need to protect myself to him. Hindi magandang senyales ito.
***
Papalabas na ako ng Classroom. Nakita ko ang taong inaasahan ko nakatayo sa pinto. Halata sa mukha ni Ivan ang saya.
"Hi!" Bati niya sa akin. Nanatili lang ako nakatayo.
"How long you stay here?" Tanong ko sa kanya.
"Secret!" Kumunot ang noo ko sa sagot niya.
"Shall we go?" Tumango ako. Nagulat ako kinuha niya ang aking bag. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan dahil sa nararamdaman kong pagka ilang sa kanya.
Nakarating kami sa Providence Restaurant.
Isa sa Fine Dining Restaurant na kilala dito sa Los Angeles. Inalalayan niya akong umupo. Naging malikot ang mata ko sa paligid. May namataan akong tatlong naka itim na lalake. Napakunot ang noo ko nang mapansin naka black rubber shoes silang tatlo.
Taragis naman! Magpapanggap din lang hindi pa nilubusan sa pag aayos. Gusto kong mapailing. Bumalik ang tingin ko kay Ivan. Magkasalubong ang kilay.
"What?!" Mataray kong tanong.
"I'm here Sweetheart. I don't want you to look to other man while you are with me" Napakunot noo ako.
Anong pinagsasabi ng lalakeng ito? Hindi ko na lang siya sinagot sa pag iinarte niya kaya napabulong na lang ako.
Hmmp! Pasalamat ka na lang gwapo ka kundi may halik ka sa kin. Napansin ko ang pag ngiti niya.
"Why?" Takang tanong ko.
"Nasaan ang kiss na sinasabi mo?" Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat.
Putspa! Nakakaintindi siya ng tagalog?
"Na I intindihan mo ako?" Tumango siya bago malapad na ngumiti. Napamura ako sa isip.
"Yes! Sweetheart" He smirked.
Argh! Gusto kong murahin ang sarili ko. Kung pwede ko lang i flush ang sarili ko sa inidoro ginawa ko na.
"Bakit hindi mo sinabi sa kin?" Na aasar kong tanong.
"Nag tanong ka ba?" Balik tanong din niya sa akin.
"Hmmp!" Halukipkip ko. Kailangan kong labanan ang kahihiyan sa harap ng lalakeng ito.
Bakit ba ako nag iinarte ng ganito?
"Anyway, Sweetheart, did you order your food?" Nakakaloko niyang tanong kaya namula ang mukha ko sa pagkapahiya.
"Ikaw na bahala." Siya na omorder sa kin. Sa likod ng mata ko pinag mamasdan ko ang tatlong lalake naka amerikanang itim. Wala kay Ivan ang concentration ko. Nagsimula na kaming kumain. Nanatili pa rin akong nag mamatyag sa tatlong lalake.
Nakita kong nag paalam ang dalawang lalake papunta sa CR. Alam ko naman hindi mapapahamak si Ivan dahil may mga naka sunod sa amin na bodyguard. Bukod pa sa akin.
"Ivan, can I go to restroom?" Tanong ko.
"Sure. Sweetheart basta bumalik ka agad sa akin" Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko pinahalata na kinilig ako. Mabilis akong umalis. Sinundan ko ang dalawang lalake na pumasok sa loob ng men's toilet. Pinapanood ko ang dalawang lalakeng amerikano inaayos nila ang baril. Nakita nila ako sa pinto nakatayo. Bigla silang nataranta at itinutok sa akin ang silencer gun.
"Uh huh! Hey! Boys who's your target?" Inosente kong tanong.
"That's none of your business!" Pinaputok ng isang lalake ang baril. Dali dali akong umiwas. Nilapitan ko sila at binigyan ng axe kick sa mukha. Inagaw ko ang baril niya bago binato sa isang lalake sa mukha nito. Niyakap ako ng matangkad na amerikano sa likod.
"Who are you lady?!" Galit na tanong ng maliit na lalake. May dugo sa ulo niya.
"I'm your nightmare" Itinaas ko ang dalawang paa papunta sa ulo ng maliit na lalake. Lahat ng pwersa ko napunta sa matangkad na lalake. Binali ko ang leeg ng lalakeng maliit. Kaya bumagsak ito sa sahig. Ang lalakeng nasa likod ko. Tumalon ako sa likod at siya naman ginamit ko ang kamay para baliin ang kanyang leeg.
"No sweat!" Napailing ako tinignan sila nakahiga sa sahig. Kinuha ko ang cellphone para tawagan ang ibang mga kasamahan ko. Para linisin ang kalat. Nagmamadali kong inayos ang sarili. Nakangiti akong bumalik sa table kung saan naghihintay si Ivan.
"What took you so long?" Nakasimangot niyang tanong. Nagkibit balikat ako. Lumipat ang tingin ko sa natirang lalake. Nagtataka kung bakit natagalan ang dalawang kasamahan niya. Tumayo siya at nagmamadaling pumunta sa toilet. Tuluyan ng sumalubong ang kilay ko. Si Ivan nag tataka sa kinikilos ko.
"Hey? Anong nangyayari sa iyo?" Nagtataka niyang tanong. Hindi ko siya sinagot. Nakita ko nagmamadaling lumabas ang lalake. Tumingin siya agad sa pwesto namin at iniumang ang baril kay Ivan.
"Damn!" Tumalon ako kay Ivan para maharangan ko agad siya.
"Penelope!" Sigaw ni Ivan. Narinig niya ang putok ng baril. Dali dali ko siyang itinago sa likod ng upuan. Narinig ko nag palitan ng putok ang mga bodyguard ni Ivan at sa nag iisang lalake.
Si Ivan, kitang kita ang takot sa kanyang mukha. Dahil hindi kinaya ang takot biglang hinimatay sa bisig ko.
"Ivan!" Sigaw ko.