My Beautiful Secret Agent Chapter 6

Einah POV

Pagkatapos ng barilan nangyari sa Restaurant. Nahuli ang nag iisang lalakeng bumaril sa amin. Si Ivan na tulala pa rin dahil hindi makapaniwala sa nangyaring gulo kanina. Tumawag na ako sa TDS para i inform ang nangyaring gulo at muntikan pagkakabaril kay Ivan.

Sinabihan ako ni Uncle Sam na hindi biro ang kinalaban namin na grupo.

Ayon sa imbestigasyon lumalabas na may kinalaman ang Dragon Mafia. Pumapangalawa sa pinakamalaking organisasyon bukod sa Royal Mafia. Mahirap kalabanin ang dalawang grupong ito. Lalo na ang Royal Mafia para kang pumasok sa impyerno.

Pero wala akong pakielam. Gagawin ko ang lahat mapatay ko lang si Bryan MacKenzie. Kahit kapalit pa ng buhay ko.

Inalis ko sa isip ang tungkol sa Royal Mafia.

Nandito kami sa hospital para ipa check ang Vital Signs niya lalo na nahimatay siya kanina.

"Hey! Are you okay? Kanina ka pa tahimik?" Nag aalala kong tanong. Tumayo si Ivan mula sa kama. Lumapit siya sa akin.

"Yeah. I'm okay. I'm worried to you. Because muntikan ka na matamaan kanina" Hinawakan niya ang kamay ko. Biglang sumikdo ang tibok ng puso ko.

"W - wala yun" Nauutal kong sinabi. Pasimple kong inalis ang kamay niya. Gusto ko sanang sabihin na mas malala pa dyan ang nararanasan ko subalit nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi pwedeng malaman ng iba ang inpormasyon ko. Lalo na isa akong Secret Agent. Ang pangalan ko nanatiling lihim lalo na si Bryan MacKenzie maraming mata sa buong mundo.

"Penelope, I know it's too early to tell you this but I really like you a lot. I mean - I think I'm falling inlove with you. Please be my girlfriend!" Kinuha niya ulit ang kamay ko. Inilagay sa kanyang dibdib. May emosyon sa kanyang mukha. Palihim kong kinakagat ang labi.

"I - I'm sorry Ivan but - I can't be your girlfriend. Because i love - my boyfriend" Pilit kong inalis ang kamay ko sa kanya. Nagulat ako bigla niya akong hinila at marubdob niya akong hinalikan sa labi.

My first kiss!

Nanlalaki ang mata ko nakatitig kay Ivan samantalang nakapikit ang kanyang mata. Ilan sandali binitiwan niya ang labi ko. Hindi ko man lang siya pinigilan sa mapangahas na pag halik niya.

"Wala akong pakielam kung may boyfriend ka na. Aagawin kita sa kanya" Mariin niyang sinabi. Nanlalaki pa rin ang mata ko sa pagkabigla. Samantalang naka titig sa kin si Ivan. Tuluyan nang nag ramble ang utak ko sa sinabi niya.

"W - Wait! Kailan lang tayo nagkakilala tapos mahal mo na ako agad?" Wika ko. Lumayo ako ng konti sa kanya. Ngumiti si Ivan sa akin.

"Alam ko naman gusto mo din ako. Kaya pag isipan mong mabuti ito. Break up with your boyfriend and please be mine!" Matapang niyang sinabi. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

***

Mag isa akong umiinom ng alak sa Seven Gland Bar. Isa sa sikat na bar sa Los Angeles. Gusto ko munang mapag isa dahil gusto kong iwasan si Ivan. May taong nakabantay sa kanya. Kaya hindi na ako nag alala kung may mangyari sa binata. Kahit nagsalita na ang lalakeng nahuli. Kailangan pa rin niya ng proteksyon lalo na hindi pa nahuhuli ang Leader ng Drug Syndicate. Naguguluhan ako dahil alam ko sa sarili na gusto ko si Ivan. Ngunit hindi ako maaring ma inlove sa kanya.

Gusto ko pa makapag tapos ng pag aaral. Marami pa akong pangarap at higit sa lahat gusto kong makita si Bryan MacKenzie na lumalangoy sa sarili niyang dugo.

"Damn! Ano ba itong pinasok ko!" Sumakit lalo ang ulo ko sa kakaisip. Nakaramdam na ako ng hilo. Naka anim na baso ako ng Tequila nang biglang may lumapit na napakagwapong lalake.

"Hi! Miss" Hindi ko pinansin ang gwapong lalake. Tuloy pa rin ako sa pag inom.

"Hey! I just want to introduce myself to you" Pangungulit ng lalake

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Not bad! Ngumiti sa akin ang lalake. Mukhang mabait naman.

"And who are you?" Binitiwan ko ang baso. Inilagay ko sa table.

"I'm Zandro Daniels and you are?" Iniumang niya ang kamay.

"I'm Penelope Caballero" Tinanggap ko ang kamay niya. Siguro nga kailangan ko makipag kwentuhan para makalimutan ko si Ivan.

Masayang kaming nag ke kwentuhan ni Zandro hindi ko na napansin ang oras. Matanda siya sa akin ng dalawang taon at isang Half filipino . Hinahanap niya ang kapatid n'yan babae. Nag yayang sumayaw si Zandro at pinaunlakan ko naman. Namumula na ako dahil sa dami ng ininom kong alak. Napayakap ako kay Zandro ng biglang may tumulak sa akin.

"Penelope, Are you okay?" Nag aalala niyang tanong. Sasagot na sana ako biglang may humila ng kamay sa akin. Pag harap ko sa kanya. Si Ivan nanlilisik ang mata.

"Wait!" Pilit kong inaalis ang kamay ni Ivan.

"Dito lang pala kita makikita at nakikipag sayaw ka pa sa ibang lalake!" Bulyaw niya sa akin. Hindi ko maalis ang pag hawak niya sa kamay ko. Pasalamat siya dahil lasing na ako kundi babalian ko ng buto ang lalakeng ito. Si Zandro napatulala sa nakitang eksena namin ni Ivan. Sinamaan lang ito ng tingin.

"Teka nga! kahit sinong lalake gusto kong makasayaw. Wala ka ng pakielam dun!" Ganting sigaw ko. Halos sumadsad na ako sa sahig sa pagmamadaling pag hila sa akin. Nasa labas na kami ng Bar malapit sa parking ng sasakyan. Binuksan niya ang pinto at pilit niya akong ipinasok sa loob ng kotse. Pumasok na din siya sa driver seat.

"Kanina pa ako tumatawag sa iyo hindi mo sinasagot ang tawag ko. Tapos makikita lang kita dito nakikipag harutan sa ibang lalake?" Halatang nag seselos siya kay Zandro.

"Ano bang pakielam mo? Hindi naman kita boyfriend ah!" Nahihilo na ako. Dalawa na ang mukha niya sa paningin ko. Hindi niya ako sinagot. Dumiin ang kamay niya sa manibela ng sasakyan. Dahil sa bilis ng pag drive niya. Bumabaliktad na ang sikmura ko. Pinipilit ko pa rin hindi masuka. Hindi ko na alam kung saan niya ako dinala. Basta hila hila niya lang ako.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Galit kong sigaw.

"Shut up! Huwag mong painitin ang ulo ko!" Natahimik ako sa kanya. Pumindot siya sa elevator hindi ko na natandaan kung saan floor kami umakyat. Hanggang sa pumasok kami sa Condo niya. Pagkasara ng pinto nagulat ako bigla niya akong marubdob na hinalikan. Pilit akong pumipiglas.

"Let me go!" Nanghihina ako sa mga halik niya.

"Akin ka lang Penelope! Walang ibang aangkin sa iyo kundi ako lang" He said pilit pa rin ako nagpupumiglas dahil gusto ko nang sumuka. Kanina ko pa gustong ilabas ang laman ng tyan ko. Kaya wala na akong choice kundi bigyan ng isang malakas na pag tulak si Ivan. Akmang lalapit siya biglang lumabas ang mga kinain ko at ininom kong alak sa damit niya.

"Oh Damn!" Narinig kong mura ni Ivan. Bago ako nawalan ng malay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.