MARIING magkadikit ang labi ni Quinn ang isara ang bagong collection ng love poems na isinulat ni King, ang paboritong author ng kaibigang si Sosimo. Nasa book signing siya ng naturang author at nasa gitna ng mahabang pila. Nasa klase pa ang kaibigan at gabi na daw ito matatapos. Habang siya naman ay kinulit nito na pumunta sa book signing ng author na gusto nito.
“Love? Anong love bears all wounds? Anong love is blind? Lovers are blind dapat! Baliw lang ang nagbabasa nito,” aniya at nanghahaba ang nguso na pinagpalipat-lipat ang nakatayong paa dahil nangangawit na siya. “Wala namang forever.”
Naiinis siya sa mga topic tungkol sa pag-ibig. Bagamat nanonood siya ng mga teleserye at kinikilig paminsan-minsan, ayaw naman niyang magbasa ng mga love poem. Parang nananadya kasi. Parang siya ang laging pinatatamaan ng mga mensahe doon. At kapag tinatamaan siya, napapaaray siya. Matagal na niyang itinakwil ang pag-ibig. Hindi iyon para sa kanya.
Naniniwala kasi siya na minsan lang siya magiging hangal. Natuto na siya ng leksiyon. Mas gusto niya ang mundo kung saan puro utak ang gumagana. Di niya kailangan pa ng emosyon. At para sa kay King na siyang author ng mga love poem na hawak niya, ito marahil ang hari ng kahangalan.
He reminded her of the idiot that she used to love. At ayaw na niyang maalala pa ito. Hindi sa ngayon na nasa gitna siya ng pila walang naririnig kundi ang kilig ng mga tao sa paligid niya.
Nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya agad nang tawag nang makitang si Sosimo ang caller. “Hello.”
“Nakapagpa-sign ka na ba? Anong masasabi mo kay King? Basta huwag mong kakalimutan na magpa-fansign saka... Beso at hug na rin. Ipasa mo na lang sa akin.”
Umikot ang mga mata niya. “Okay na ‘yung fansign. Wag lang ‘yang beso at hug.”
“Guwapo daw ba siya?”
Tumirik ang mata niya. “Hindi ko alam. Di ko pa nakikita.”
“Pag gwapo, iuwi mo na sa akin. Please. I think kami na ang forever. Nararamdaman ko ang connection namin.”
“Connection ka diyan. Ang corny mo. Kasing corny ng librong ito. Sa palagay ko inuuto ka lang ng writer nito.”
“Babaeng bato! Huwag mong sasabihing nang-uuto lang si King! Hina-high blood ako sa iyo. Siya ang lalaking hihilingin ng kahit sinong babae. Napaka-romantic niya at kapag nagmahal siya, mamahalin niya mula ulo hanggang paa pati atay at balun-balunan. Nakakakilig!”
“Sabihin na nating romantic siya. Paano kung pangit? O kaya matanda na?”
“Paano kung guwapo tapos single pa? Kung bet mo si King kapag nakita mo, ibabalato ko na sa iyo. I love you, friend.”
“Ayoko sa mga pa-martir na lalaki.”
“Hindi ka pa rin nakaka-get over kay Chance.”
Tatlong taon na niyang hindi nakikita si Chance. Isang buwan matapos ang pagsuko nila sa pagkakaibigan nila ay in-anunsyo ang paglipat ng pamilya nito sa Italy. Wala na siyang nabalitaan mula dito o mas tamang sabihin na di na siya interesado. He broke her heart. Pinrotektahan niya ang puso niya sa mayayabang na gaya ni Turvey pero kahit pala sa mabait at di guwapo at makisig ay masasaktan din siya.
Minahal niya ito sa kabila ng ibang itsura nito. Pero di siya nito sinuklian. Paano pa siya makakahanap ng guwapo at mabait at prinsipe gaya ng sinasabi ng iba na nababagay sa kanya? Kaya focus na lang siya sa pag-aaral. May mapapala pa siya.
“Oo na. Basta ikaw ang mamamahala sa activity sa support center sa Sabado.”
Umungol ito. “Mapapa-emo na naman ako.”
“They love you. Napapasaya mo sila.”
Psychology student siya at volunteer para sa isang grupo na nagsisilbing support system sa mga nabu-bully. Di man siya biktima ng bullying pero alam niya ang impact nito sa ibang tao. Nakita niya kung anong ginawa nito kay Chance. Ayaw na niyang maulit iyon sa iba.
“Eee! Ang guwapo ni King!” tili ng mga babae sa unahan. Kasunod niyon ay ang pagkikislapan ng camera. Parang artista ang kinukunan ng mga ito.
Isa sa mga babaeng galing na sa pila ang dumaan sa tabi niya. “Dapat makabili ako ng marami pang libro. Kailangang ako ang makasama niya sa date.”
“Ako rin! Bibili pa ako ng dalawang dosena. Ibibigay ko ang lahat basta maka-date ko lang siya,” sabi ng isa pang babae. “Single daw siya at walang girlfriend.”
Hindi makapaniwala si Quinn sa narinig. Nagagawang gumastos ng mga ito sa pagkamahal-mahal na libro? At bibili pa ng dalawa para lang sa pagkakataong makipag-date. That was absurd. Mukhang magkakaedad lang sila at karaniwan ay asa pa sa mga magulang. Hindi siya gagastos ng malaking halaga para lang manalo ng date sa isang author kahit na gaano pa ito kaguwapo. Kundi lang dahil kay Sosimo, hindi talaga siya magtitiyaga doon.
Lumabi siya. Maniwala siyang walang girlfriend si King. Binuklat-buklat niya ang libro nito at pahapyaw na binasa ang mga tula. Dalawang bagay lang daw ang possible sa mga writer na lalaki. Kung hindi torpe kaya dinadaan sa tula ay babaero kaya magaling mambola. Kung guwapo si King, malamang ay maraming babae na ito na nabola. Malas lang nito. Ayaw niya sa mga katulad nito.
Malapit na siya sa unahan nang bahagya niyang masilip si King. Sa kabila ng mga nakaharang sa kanya ay nakita niya na nakangiti ito habang pumipirma. Light tan ang kulay ng balat nito. Bahagyang kulot ang buhok na ang ilang hibla ay bumabagsak sa noo nito. Nakakaakit ang mga mata nito. Parang wala itong problema kapag nakangiti. Nagniningning ang mga iyon. At nang nagtama ang mga mata nila ay parang nauga ang mundo niya. Unti-unti nitong hinihigop ang lakas niya.
Ngumiti ito. “Miss, you are next.”
Ang ganda ng ngiti nito. Pwedeng-pwede na pang-commercial ng toothpaste. At minsan na niyang naramdaman ang pakiramdam na parang lumulutang dahil lang sa isang ngiti - kay Chance.
“Miss, ikaw na!” untag sa kanya ng babae sa likuran niya. “Nganga ka pa diyan.”
Napapitlag siya at saka natuklasan na nasa harap na pala siya ni King. Hindi lang ito basta hari ng kahangalan. Hari rin ito ng kakisigan. Naka-dark blue Lacoste polo shirt ito na nakatupi hanggang sa kalahati ng braso nito. Mukhang matatag ang mga bisig nito. At kapag niyakap siya niyon, tiyak na tunaw ang mga buto niya.
“Hi!” bati nito at inilahad ang kamay. “Anong papipirmahan mo?”
“Hi!” bati rin niya at natulala na lang dito. Loadingggg. Ang tagal mag-process ng brain niya sa sinabi nito. An
“Miss, mamaya ka na matulala! Kanina pa kami naiinip dito,” angil ulit ng babae sa likuran niya.
“S-Sorry,” aniya at inabot kay King ang libro. Wala naman siyang pakialam sa mga guwapo. Di siay dapat natutulala. Di siya dapat nag-aaksaya ng oras na titigan ito.
“It’s okay. Napagod ka siguro dahil sa haba ng pila.”
“Hindi masyado.” Pero parang hapong-hapo siya dahil pinangangapusan siya ng hininga. Maganda rin ang boses nito. Bakit ba puro maganda ang nasasabi niya tungkol dito? Gusto naman niya itong pintasan pero wala siyang maipintas. Wala pa.
“So what’s your name?”
“Sosimo.” Buti ay naalala niyang para kay Sosimo ang libro. Kahit paano ay unti-unti nang bumabalik sa sirkulasyon ang utak niya.
Natigagal ito. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya at sa libro. “What? Sosimo ang pangalan mo?” Napabuga ito ng hangin. “Whew!”
Ipinilig ni Quinn ang ulo. “Hindi! Hindi ako si Sosimo. Kaibigan ko siya. Pero hindi siya makakarating ngayon kaya ako na lang ang nagpa-sign para sa kanya.”
He chuckled. Nahiling niya na huwag na lang itong tumawa dahil nanginginig na naman ang tuhod niya. “Madidismaya ako kung Sosimo nga ang pangalan mo. You are so pretty. Hindi bagay sa iyo ang masculine name.”
“Thank you.” Pinuri siya dito. Dapat ay di siya nagpapasalamat dito. Ayaw niya nang binobola siya. Pero huli na. Nakapagpasalamat na siya. Magaan kasi ang boses nito. Napaka-friendly. Masarap itong pakinggan kapag nagsasalita at kapag tumatawa. Drat! She was starting to love everything about this man.
“So this Sosimo, is he a special friend?”
“Yes. Special. Pero hindi kami special friends na magiging boyfriend-girlfriend. Please! Magugunaw ang mundo. Mas ahit pa ang kilay niya sa akin.”
Tiningala siya nito. “How about your name?”
“Me? Quinn.”
“Parang king and queen? Bagay pala tayo.”
Nagtuksuhan ang mga nasa likuran niya. “Uyyy! Diyan nagsimula ang nanay at tatay ko.”
“Naku, ha! Akin kaya si King! Wag kayong ano diyan,” anang binatilyong bading sa likuran niya. “Ako ang tunay na queen.”
Mapapaaway pa siya sa lalaking ito. Umiling tuloy siya. “Ay! Hindi tayo love team. Mine is Q-U-I-N-N.”
Sa halip na tumawa ay kumunot ang noo. “Sosimo... Quinn? Quinn Barameda?”
“Ako nga!” Natigilan siya. “Bakit kilala mo ako?” Hindi naman siguro ito stalker kaya nakilala siya. Di rin siguro ito manghuhula.
“I am Chance.” Inabot nito ang libro sa kanya. “Kaklase mo ako sa high school.”
“Chance?” Natutop niya ang labi. “I-Ikaw na si Chance? Chance Anonuevo?”
Napakurap siya nang tumango ito. No. Pinaglalaruan lang siya ng paningin niya. Imposibleng ito ang Chance na dati niyang kilala. Na dati niyang kinabaliwan. Nasaan na ang excess fats nito? Ang patong-patong na baba? At sandamakmak na bilbil?
Ang nasa harap niya ay lalaking fit na fit at pwedeng kabaliwan ng kahit sinong babae. Subalit ang mga nangungusap nitong mata at magandang ngiti ay katulad din ng dating Chance na kilala niya. Masarap pa ring pakinggan ang mga halakhak nito. Gusto niya itong titigan tuwing ngumingiti ito kahit di sa kanya ang mga ngiti nito noon.
“Kumusta ka na? Kumusta ang mga classmates natin sa academy? Magkasama pa pala kayo ni Sosimo hanggang ngayon.”
No! No! No! Hindi pwede! Bumalik na si Chance.
Makalipas ang tatlong taon ay nasagot na ang tanong niya - mukhang maayos na ang buhay nito. He was looking good. Bukod sa sikat na itong author kahit nineteen pa lang ito, malayo na ito sa dating Chance na mahiyain at parang laging pinapaliit ang sarili. He was now oozing with confidence. Ito ang tipo ng lalaki na hindi maba-basted at magugustuhan kahit pa ng isang beauty queen.
“Kumusta ka na?” tanong ng binata. “Kumusta na kayo? You still look good, Quinn. More beautiful than ever.”
Nasa dulo ng dila ni Quinn ang isasagot. Marami din siyang gustong itanong dito, marami siyang gustong sabihin para magmukha siyang normal at walang ibang nararamdaman dito. Pero hindi niya magawa. Nararamdaman niya na parang matutunaw siya. Hindi na siya tatagal pa sa pakikipag-usap dito. She would just make a fool out of herself. Gaano na naman katagal bago niya makalimutan ang sakit? Tapos ay malalaman pala niya na hindi pa nawawala ang nararamdaman niya dito. Kailangan niyang iligtas ang sarili.
Hinablot niya libro ang mula dito. “Thank you, King. Congratulations!” she said in stiff voice then turned her back on him.
Her first love was back with a vengeance. This can’t be! Hindi nawala ang pagkagusto niya dito. Nandoon pa rin iyon. Nararamdaman niya sa pagra-rock ‘n roll ng puso niya at sa panlalamig ng kamay niya dahil sa ngiti nito. At mas guwapo na ito kaysa sa dati. Tiyak na parang pinasagasaan na naman sa MRT ang puso niya. Magkakalasug-lasog. At di siya papayag na mangyari iyon. Kailangan niyang makalayo agad dito para maisalba ang sarili.
“Quinn? Quinn, sandali!” tawag ni Chance sa kanya ngunit di na niya ito nilingon pa. Nagkunwari siyang walang narinig.
Ayaw na niyang makita pang muli si Chance. Parang isa itong multo na nagbabalik mula sa nakaraan.
Lakad lang, Quinn. Huwag mo siyang lilingunin. Hayaan mo siya. Save your heart.
It was an effort to stop her self from looking back. Hindi na siguro sila magkikita pa ni Quinn. Babalik na ito sa Italy. Hindi na nito magugulo pa ang buhay niya.