My Fat Chance (Filipino) Chapter 27

Pumikit siya at ninamnam ang init ng yakap nito. Fat suit nito ang yakap niya at parang isang malaking stuffed toy ang may yakap sa kanya. Pero wala siyang maramdamang kahit anong lamig. Parang may isa siyang makapal na comforter. At iyon si Chance para sa kanya nang mga oras na iyon. Inaalis nito ang anumang pangamba at takot na nararamdaman niya nang nakakaraang sandali. Mamahalin niya ito at gagawin niyang maging masaya ang bawat oras na kapiling ito.

“I regretted that day, Quinn. Hindi na mauulit iyon.” Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Thank you for taking me back in your life.”

“IBA ang aura mo, friend. Blooming ka,” puna ni Sosimo habang nanananghalian sila sa cafe na nasa tabi ng university lagoon. “Baka gusto mong ikwento kasi tanda ko kahapon depressed ang ganda mo.”

“Pinuntahan ako ni Chance pero bilang Chance na mataba.”

Tumaas ang kilay mo. “Ganoon?”

Tumango siya at ipinakita dito ang picture nila ng binata. “Nagpataba siya para sa akin. Sabi niya ginawa daw niya iyon dahil gusto daw niyang tanggapin ko ulit siya sa buhay ko.”

“Nagpakipot ka ba?”

“Siyempre hindi na. Saka kahit naman hindi na siya magpataba makikipag-ayos na din ako sa kanya. Naku! Muntik pa ng akong mapaaway. May naligaw siyang fans doon tapos nilait-lait siya. Pinigilan lang ako ni Chance. Basta parang napakasarap ng pakiramdam ko ngayon. Ayaw ko nang basta-basta magalit.”

“That is love,” kinikilig na sabi nito. “Kailan kayo magde-date?”

“Heh! Friendzone pa rin kami hanggang ngayon.”

Inalog nito ang braso niya. “Ligawan mo na kasi.”

“Anong ligawan? Gusto mong ibitin ako ng patiwarik ng nanay ko? Sabi niya hindi daw dapat nanliligaw ang katulad ko. Sayang naman daw ang gandang ipinamana niya sa akin.”

“Umaasa ka na liligawan ka na niya ngayon?” tanong nito.

“Di naman ako nagmamadali. Gusto ko munang mag-enjoy kami ng ganito. We are good again. Ang totoo niyan susunduin daw niya ako ngayon. Isasama niya ako na pumunta sa publication para daw kasama niya akong mamili ng cover ng libro niya na ilalabas next month.”

Nanghaba ang nguso nito. “Di man lang ako isasama.”

“May pasok ka. Hayaan mo na kaming magsolo.”

“Fine. Dahil love na love ko kayo, hahayaan ko na kayo sa date ninyo. Just enjoy the feeling. Wag na kung anu-ano ang isipin. Okay?”

“Okay,” aniya at tumango.

Lutang si Quinn habang nagkaklase. Kahit na muntik na siyang di makasagot sa recitation dahil sa kalutangan ay okay lang. Di niya sinisisi si Chance o ang sarili niya. Basta masaya siya.

Siya pa ang unang lumabas ng classroom. Muntik pa niyang unahan ang professor niya kundi lang siya natigilan. “In a hurry, Miss Barrameda? May date ka yata?”

“Hindi naman po, Sir. May pupuntahan lang po kami ng friend kong writer. Sorry po.”

Tumango lang ito. “Okay.” At lumabas na ng silid.

Inilabas agad niya ang cellphone at tinawagan si Chance. Wala kasi siyang nakuhang text mula dito. Baka naman papunta na ito ng school at di lang nakapag-text agad.

Kumunot ang noo niya nang di pa rin nito sinasagot ang tawag matapos ang sampung ring. Sinubukan niyang tawagan ulit ang binata at isang boses ng babae ang sumagot. “Hello, Quinn. Ang Tita Vera ito.”

“Hello, Tita. Pasensiya po sa abala. May usapan po kasi kami ni Chance ngayon. Sabi po niya susunduin niya ako dito sa school dahil pupunta po kami sa publication ngayon.”

“Ganoon ba? Iyon siguro ang sinasabi niya kanina bago siya makatulog. Tawagan daw kita. Hindi na siya natuloy pumunta sa publication dahil idinala namin siya sa ospital kanina umaga.”

“Po?” bulalas niya. “Isinugod siya sa ospital?” Maayos naman ito kahapong magkasama sila. O hindi lang niya napapansin dahil masyado siyang enjoy na kasama ito.

“Nagka-allergy siya dahil sa fat suit at sa prosthetics na ginamit niya. Nagka-rashes siya,” paliwanag ng matandang babae. “Pasensiya na ka na kung hindi agad ako nakatawag at kung hindi natuloy ang lakad ninyo, ha?”

“Pwede ko po ba siyang dalawin ngayon, Tita?”

“Sige. Walang problema.”

Nag-taxi siya papunta sa dating bahay nila Chance. Pagdating niya ay sinalubong agad siya ni Vera sa gate. “Kumusta na po siya?”

“Tulog pa rin. Gusto mong silipin?” tanong nito.

Tumango si Quinn. Sa kuwarto ni Chance ay mahimbing ang tulog nito. Naka-boxer shorts lang ito na bahagyang natatakpan ng kumot. Pero nakita niya ang pamumula ng katawan nito at binti.

“Nakulob ang balat niya, pinagpawisan at natuyuan. Pinaino na siya ng gamot

Kailangan lang niyang tiisin ang pangangati at pamumula ng balat niya.”

Bago pa may pumigil sa kanya ay tuloy-tuloy na siyang pumasok sa kuwarto ni Chance. Nakadapa ito sa kama nang walang anumang saplot sa katawan maliban sa nakatabing na manipis na kumot sa gitna ng katawan nito.

“Kaya hindi muna siya pwedeng magdamit dahil di pwedeng makulob ang balat niya.”

“Sorry po, Tita. Sorpresa daw po ni Chance sa akin iyon kasi sabi ko nami-miss ko ang dating Chance,” malungkot niyang usal. “Kung alam ko lang po na ganyan, sana pinahubad ko agad sa kanya ‘yung fat suit at prosthetics niya.”

“Huwag mong sisihin ang sarili mo.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Masaya naman si Chance pag-uwi niya sa pakikipagkita sa iyo. Ako rin naman na-miss ko ang pagiging chubby niya.” At humagikgik ito. “Saka masaya ako dahil mas komportable na ang anak ko sa sarili niya. Tumaba man o payat siya, confident na siya. At alam ko na malaki ang naitulong mo sa pagbabago niya.”

Nag-ring ang cellphone nito at may kinausap. Saglit itong lumayo sa kanya habang siya naman ay hinila ang upuan at umupo sa tabi ng kama ni Chance. Pinagmasdan niya ito habang natutulog.

Di nagtagal ay bumalik din si Tita Vera na bakas may pag-aalala ang anyo. “Hija, pwede ba kitang maiwan dito? May kailangan lang akong bilhin. Mamayang gabi pa kasi ang balik ng househelp ko. Walang kasama si Chance.”

“No problem, Tita. Nagpaalam naman po ako sa bahay na dito po ako pupunta para dalawin si Chance. Ako na po ang magbabantay sa kanya.”

“Kung gusto mong kumain o maiinom, you know your way around the house just like before. Feel at home.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.