NAKATINGIN lang si Tyra kay Colin habang tahimik na tinutuyo ng binata ang buhok niya gamit ang tuwalya.
“Magpalit ka na ng damit mo, Tyra,” utos ni Colin sa mahinahong boses.
Tumango siya. “Okay.”
“Tatlong beses ka nang sumagot ng “okay”, pero hindi ka naman kumilos.” Tumayo ito at binuksan ang drawer niya. Naglabas ito ng isang puting sando at pajama bottom. Nang akmang pupunta na ito sa drawer niya ng mga underwear ay tumayo siya at hinarang ang katawan niya para hindi nito mabuksan iyon.
“Perv!”
Ngumiti ito. “Nag-react na rin sa wakas ang tigress ko.” Masuyong ginulo nito ang buhok niya. “Magbihis ka na.”
Sinimangutan niya ito. Tinalikuran niya ito para kumuha ng undies niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang mga damit sa kama at dumiretso siya sa banyo para magbihis. Sa pag-aakalang umalis na si Colin sa kuwarto niya ay lumabas siya ng banyo habang sinusuot pa lang ang sando niya. Napasinghap na lang siya nang makita si Colin na nakatayo sa harap ng painting na nakasabit sa dingding ng kuwarto niya. Mabilis na bumaba ang tingin ng walanghiya sa dibdib niya.
“Perv! Get out!” sigaw niya, saka mabilis siyang tumalikod.
Tumawa lang ito habang palabas. “Rawr!”
Napaupo siya sa kama. Damang-dama niya ang nag-iinit niyang mga pisngi. Nakakainis lang pero kahit anong kapilyuhan ni Colin, hindi pa rin niya magawang magalit dito. Kahit naman kasi paminsan-minsan ay nanantsing ito at namboboso, hindi siya na-o-offend dahil alam niyang hindi naman siya nito momolestiyahin. Nakakainis man aminin, gusto rin niya ang mga ginagawa nito.
Humiga siya sa kama. Hindi niya magawang pumikit sa takot na bumalik na naman sa isip niya ang pagpapakamatay ni Diamond. Tumayo siya at dinala siya ng mga paa niya sa kuwartong pansamantalang ginagamit ni Colin sa bahay niya.
Naabutan niya si Colin sa kalagitnaan ng pagsusuot ng sando. Parang babae na tumili ito at tinakpan pa ng mga braso ang dibdib nito. Halata namang umaarte lang ito kaya nilagpasan niya lang ito.
Nakapamaywang na tumayo si Colin sa harap niya. “Nagugulat pa rin ako sa pagiging indifferent mo kapag nakakakita ka ng hubad na katawan ng lalaki.”
“Nasa college pa lang ako, maraming hubad na katawan na kong nakita. Sa tingin mo, maiilang pa ko kapag nakita kitang nakahubad?”
Natawa ito. “You have a point.”
“Isa pa, malalawak ang isip ng mga artist. Siguro karamihan sa mga hindi nakakaintindi ng art, iisipin na pervert ako dahil forte ko ang pagguhit sa hubo’t hubad na katawan ng mga lalaki. But for me, it’s purely art.”
“Now that you mentioned it, bakit nga ba `yan ang forte mo?”
Napangiti siya. “Wala namang sentimental reason. I suck at drawing people’s faces, that’s why I only focus on their bodies.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Colin. “Seriously?”
Tumango siya. “`Yon ang dahilan kung bakit hindi ko sinasama ang ulo at mukha ng mga modelo sa mga painting ko. Pero `yong mga kapwa ko artist, puring-puri ang pagguhit ko sa katawan ng mga nagiging modelo ko noon. Pangarap kong maging kilalang artist, at hindi `yon mangyayari kung average lang ang kakayahan ko. I excel at nude painting, kaya iyon ang napili kong forte.”
“What a heartwarming story from the famous Miss Tyra Penelope Lopez,” natatawa at sarkastikong sabi nito.
Ngumiti lang siya. “Ang totoo, masaya ako sa pagpipinta ng mga lalaking nakahubad. I don’t know why but I feel superior whenever I see a naked man before me. I feel like I’m powerful while he’s vulnerable because he’s baring everything he got in front of me.”
“Hanggang sa pagpipinta, sadista ka pa rin,” nakangiting sabi ni Colin.
Natawa lang siya. “I love painting.”
Lumamlam ang mga mata nito. “I know.”
Natahimik siya. Dahil sa pagkukuwento niya ay kumalma na siya. Bumuntong-hininga siya. “Colin, can I sleep here in your room?”
Ngumiti si Colin. “Of course.”
Humiga na siya sa kama. Hindi na siya nag-react nang humiga sa tabi niya si Colin. Pagod siya kaya wala siyang panahong mag-inarte. Yumakap siya sa baywang ni Colin at sinubsob ang mukha niya sa dibdib nito. He felt him stiffen.
“Tyra?” tila nananantiyang tawag nito sa kanya.
“Can I cuddle you tonight, Colin?” Nagulat siya sa paglalambing na nahimigan niya sa sarili niyang boses.
Gumanti ng yakap si Colin sa kanya. “What’s wrong with my tigress?”
Umiling siya. Hindi pa siya handang ibahagi kay Colin ang nakaraan niya dahil ayaw niyang madamay pa ito sa problema niya. “I miss your soft tummy, Colin.”
Natawa ito. “Madali lang `yan.” Bumangon si Colin, pagtapos ay naglagay ito ng unan sa tiyan nito. Saka siya nito hinila uli pahiga sa tiyan nito. “Okay na ba?”
Napangiti siya dahil sa ginawa nito. “Hindi tulad ng tiyan mo noon, pero puwede na rin. I missed the old days when the only thing I need to do to be calm is to lay on your tummy.”
“I’m just wondering... did you like me then, Ty?”
“I did.”
“But you still turned me down after I confessed to you.”
Naaalala niya ang panahong nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya. It was Valentine’s, weeks after Diamond committed suicide. Nagdesisyon siya no’n na lumayo sa lahat ng taong may kinalaman sa nakaraan niya, kaya naging malupit siya sa pagtataboy kay Colin noon. “Kahihiwalay lang namin ni Tyrone no’n,” sabi na lamang niya.
“Alam ko. Kaya nga sinubukan ko. Akala ko kasi, may espesyal ka na ring nararamdaman para sa’kin, since you were nice to me.”
Tiningala niya si Colin. “You were my comfort then, Colin. Nang naging kaibigan kita, you made me feel that my life is still normal. Pasensiya ka na kung sa tingin mo, pinaasa kita.”
Bumaba ang tingin ni Colin sa kanya. Nabasa niya ang pang-unawa sa mga mata nito. “Aaminin kong sumama ang loob ko sa’yo no’n. Inisip ko na pinaasa mo ko para mapalitan ng galit ang sakit na naramdaman ko sa pagtanggi mo sa’kin. Now it’s clear to me. I wasn’t mad at you. It’s just that... I was lonely because you left without saying goodbye to me.”
Pagkatapos kasi niyang magtapos ng kolehiyo ay nagtungo siya sa Europe para sa career niya. “Look at the bright side na lang, Colin. Dahil sa pambabasted ko sa’yo, nagkaroon ka ng motivation na magbawas ng timbang.”
Napangiti ito. “Right. I lost weight.”
“You didn’t lose weight. You turned into a Greek god!” natatawang panggagaya niya sa linya nito noon.
Nagkatinginan sila, saka sabay na natawa.
“Good night, my tigress.”
“Rawr,” biro niya rito.
Natawa uli si Colin. “Rawr. Rawr. Rawr.”
“Anong ibig sabihin no’n?”
“Secret.”
MAGANDA ang gising ni Colin kanina dahil pagmulat pa lang niya ng mga mata niya ay ang magandang mukha na ni Tyra ang agad na sumalubong sa kanya. Pagkatapos, para itong maamong tupa dahil hindi siya nito sinungitan. Ngayon naman, isinama siya nito sa pagsha-shopping nito. Nasa fitting room ang dalaga habang siya naman ay tumitingin-tingin ng damit na bibilhin niya para rito. Balak niya itong bilhan ng dress nang hindi nito alam, saka niya ito aayain ng date.
“Colin?”
Nalingunan niya si Adrian, ang pinsan niya sa father side. “Adrian. I didn’t expect to see you here.”
“Neither did I. Anyway, this boutique is Mia’s,” proud na sabi nito na ang tinutukoy ay ang nakababata nitong kapatid.
“Wow. Hindi ba’t kaka-graduate lang ni Mia ng kolehiyo last year?”
“Yes. Sa Paris siya nagtapos ng Fashion Designing. Nakilala agad ang pangalan ng kapatid ko sa fashion industry, kaya nag-hit itong shop niya. She’s very successful at a very young age.”
Ngumiti lang siya.
“Mana sa kuya,” pagpapatuloy ni Adrian. “Maganda rin ang takbo ng wine brewery ko. In fact, may kausap na kong kliyente sa Europe na gustong i-export ang wine ko. Ikaw, kumusta ka? I heard Tito Clarence kicked you out of the company.”
Gusto niyang ngumiwi. “Ah... true.”
Bumakas ang simpatya sa mukha nito. “That’s very unfortunate.” Dinukot nito mula sa breast pocket nito ang isang calling card at inabot iyon sa kanya. “Call me if you need a job, Colin. Hahanapin kita ng posisyon sa kompanya ko.”
Okay. His pride was downright bruised. “Hindi ko kaila –”
“You’re with your girlfriend?” sansala ni Adrian sa sinasabi niya. Halatang nag-e-enjoy ang walanghiya sa pangmamaliit at pang-iinsulto sa kanya. “The clothes here are very expensive. Don’t worry, Colin. Ipakuha mo lang sa girlfriend mo ang magugustuhan niyang damit, ako nang bahala sa pagbabayad.”
Ang kapal ng mukha ng gagong `to para alukin siyang bayaran nito ang ipapamili ni Tyra! “Adria –”
“Who said Mr. Arellano is jobless?”
Sabay silang napalingon ni Adrian sa nagsalita – si Tyra! Hindi niya namalayang nakalabas na pala ito ng fitting room. She looked so beautiful and so elegant in her black dress paired with a sophisticated black coat.
“And you are..?” tanong ni Adrian kay Tyra.
“Tyra Penelope Lopez,” taas-noong sagot ni Tyra kay Adrian.
Napansin ni Colin na natigilan ang mga customer sa loob ng boutique at gulat na napatingin kay Tyra.
“The famous nude painter?” excited na tanong ng isang ginang.
Tumango lang si Tyra.
“Oh my God! I’m a fan!” patiling sigaw ng ginang. Lumapit ito kay Tyra. “I went to your art exhibit in Paris last year and I bought three of your paintings!”
Pinirmahan ni Tyra ang papel na inabot ng ginang dito. “Thank you, Ma’am.”
Hindi nagtagal ay lumapit na rin ang iba pang tagahanga ni Tyra na nasa boutique na `yon. They all asked for her autograph. Napangiti si Colin. He felt so proud of Tyra.
Tiningnan siya ni Tyra na para bang humihingi ito ng tulong sa kanya dahil lalo pang kumakapal ang mga tao sa paligid nito. Lumapit siya kay Tyra at inabot niya rito ang braso niya. Umabistre naman si Tyra sa kanya.
“Everyone, I would like to introduce to all of you the star model of my next art exhibit,” nakangiting sabi ni Tyra, saka lumingon sa kanya. “Mr. Colin Lincoln Arellano.”
Lalong nagkagulo ang mga tao sa labis na excitement. Nagkislapan na rin ang mga camera.
Gulat na nilingon si Colin ni Adrian. “You’re modelling for a world-renowned artist?”
Napangisi si Colin. Priceless ang matinding gulat at inggit na gumuhit sa mukha nito. “Who said I’m jobless anyway? Padadalhan na lang kita ng imbitasyon sa art exhibit ni Miss Tyra. See you soon, `insan.”
Nagpaalam na sila ni Tyra sa mga tao. Habang naglalakad sila ay nanatiling nakaabistre ang dalaga sa braso ni Colin. Hindi na naalis ang ngiti sa mga labi niya, lalo na nang maalala niyang madalas din siyang ipagtanggol ni Tyra noon mula sa mga bully.
“Tyra?” malambing na tawag niya rito.
“Hmm?”
“Rawr. Rawr. Rawr.”
“Magsalitang-tao ka nga, Colin.”
Ngumiti lang siya. Sa salitang “tigre” na imbento niya, ang ibig sabihin niyon ay ‘I love you.’
NAPANGITI si Tyra nang makakuha siya ng wishbone mula sa toasted chicken na kinakain nila ni Colin no’n sa Max’s.
“Colin, I found a wishbone. Make a wish,” sabi niya rito.
Uminom muna ito ng iced tea bago sumagot. “You found it. Ikaw dapat ang mag-wish.”
“Gano’n ba `yon?”
“Oo naman.”
“Okay.” Pumikit siya at humiling sa wishbone bago niya iyon nilagay sa plato ni Colin. “Nag-wish na ko kaya itago mo `yan.”
“Bakit ako?”
“Para sa’yo kasi ang wish ko.”
“Talaga? Ano naman ang w-i-n-ish mo?”
Ngumiti siya. “I wished na sana, soon, makakain na ko sa restaurant mo.”
Natigilan ito, napakurap. “You’re making me cry, Tyra.”
“Bakit?”
“Masaya lang ako dahil sa tiwalang ibinibigay mo sa’kin.” Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “For five years, I was a mess. But then you came back into my life. You brought out the best in me, and you’re turning me into a better person now. I’m finally becoming the person I wanted to be. So, thank you, Tyra. Thank you.”
Ewan ba niya kung bakit naging emosyonal siya. Like Colin, she was a mess too. She lived in pain and guilt for the past eight years. But then, Colin came back into her life. He made her feel like he needed her.
“Thank you too, Colin,” halos pabulong na sabi niya.
“For what?” nagtatakang tanong nito.
Umiling siya. “Basta. Thank you lang. Rawr. Rawr. Rawr.”
Natawa ito. “Alam mo ba kung anong ibig sabihin niyan sa salitang tigre natin?”
Umiling siya. “May ibig sabihin ba `yon?”
“Oo.”
“Ano?” tanong niya bago siya uminom ng iced tea.
“I love you.”
Nabuga niya ang inumin sa mukha ni Colin sa labis na pagkabigla.