My Favorite Girl, My Favorite Bully, My One and Only Elyen Girl, Blow Me A Kiss Baby (Series) Chapter 19

NAGLALABA si Tyra sa likuran na bahagi ng bahay niya. Kailangan niya ng distraction kaya ginagawa niya `yon. Nang gabing sabihin ni Colin na mahal siya nito, tahimik niya `tong iniwan sa restaurant. Hindi siya makapaniwalang mahal uli siya nito! Gayunman, hindi niya maipagkaila sa sarili niya na natuwa siya sa sinabi nito.

She was alone and lonely for the past eight years. Akala niya, imposible nang maging masaya siya uli. But Colin came and proved her wrong. Dahil sa mga kapilyuhan at kakulitan nito, nabasag ang depensa niya. Na hindi naman niya pinagsisisihan dahil sino ba naman ang gustong maging malungkot habambuhay, `di ba?

Mahal na nga niya siguro si Colin, pero natatakot naman siya.

“You will never be happy, Tyra.”

Mariing napapikit siya nang marinig ang mga huling salita ni Diamond bago ito nagpakamatay sa harap niya. Bigla ring nag-flash sa isip niya si Tyrone na wala pa ring malay hanggang ngayon sa ospital.

Alam niyang mali, pero hindi niya maiwasang isipin na tila ba isinumpa siya ni Diamond dahil napahamak si Tyrone ilang buwan matapos nitong magpakamatay.

“Hey, I didn’t know it’s laundry day today!”

Nalingunan niya si Colin na nakasilip sa back door. “Ah, naisipan ko lang bigla na maglaba ngayon.”

“Sana sinabi mo agad sa’kin para kanina pa kita natulungan,” sabi nito habang naglalakad palapit sa kanya.

Bigla siyang napatayo nang bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso niya. “Hindi na. Kaya ko naman na.” Tinalikuran niya si Colin at kinuha niya ang water hose para punuin sana ang timba na paglalagyan niya ng mga kinusot niyang damit.

“Tutulungan na kita,” giit ni Colin.

Napasinghap siya nang hawakan siya nito sa braso. Sa pagkataranta niya ay pumihit siya paharap dito, at nawala sa isip niya na bukas ang hawak niyang water hose. Nasinghap si Colin nang mabasa ito.

“Sorry!” hinging paumanhin niya, saka pinatay ang water hose. “Sorry talaga.”

“Nah,” bale-walang sabi ni Colin, saka nito hinubad ang nabasa nitong T-shirt.

Natigilan siya habang pinapanood si Colin na maghubad ng pang-itaas nito. Hindi iyon ang unang pagkakataong naghubad ito sa harap niya, pero iyon ang unang pagkakataon na tila bumagal ang pag-ikot ng mundo habang sinusundan niya ang bawat galaw nito, lalo na ang paggalaw ng kalamnan nito sa matitigas nitong mga braso.

“Ako na ang magsasampay, ha?” alok ni Colin, saka walang kahirap-hirap na binuhat ang timba na naglalaman ng mga kinusot niyang damit kanina.

Naikuyom naman niya ang mga kamay niya habang pinapanood ang pag-flex ng mga muscle sa magkabilang braso ni Colin sa tuwing pipigain nito ang mga basang damit bago iyon isampay. Parang tanga siya nang sinundan ng tingin ang pagpatak ng pawis ni Colin sa noo, pababa sa mukha nito, sa leeg hanggang sa matitipunong dibdib ng binata. There was really something special about sweaty hunks. Ang bango-bango pa ring tingnan ni Colin kahit pawisan na ito!

Dapat ay sanay na siyang makakita ng mga machong katawan. Pero hayun siya at pinagnanasahan si Colin na inosenteng nagsasampay lang ng mga nilabhan niyang damit.

Umiling-iling siya, saka tumayo sa loob ng malaking batya, saka inapak-apakan ang mga damit doon na binabad niya.

Muli na namang dumako ang tingin niya kay Colin. Nakatalikod na ito mula sa kanya kaya malaya na niya itong napagmamasdan. Ah, his broad shoulders and strong-looking back would surely look good on her canvas.

“Tyra, tapos mo na bang banlawan itong nasa kabilang timba?” tanong ni Colin nang lingunin siya nito.

Wala sa sariling napatango na lang tuloy siya kahit hindi naman niya naitindihan ang tanong ni Colin.

Yumuko si Colin para kunin ang damit sa timba na pipigain, pero himbis na damit ay bra niya ang hawak nito!

Napasinghap siya at dali-daling bumaba sa timba at inagaw niya ang bra niya mula rito. “Pervert ka talaga!”

Napakurap ito, pero nang makabawi ay ngumisi ito. “Mahilig ka pala sa lace. Sexy.”

Napatili siya sa labis na frustration. Muli, hindi niya masisi ang binata sa panunukso nito sa kanya dahil siya naman ang nakalimot na undies niya ang nakalagay sa timba na `yon.

Para makaganti ay naglagay siya ng bula sa mga kamay niya mula sa nilalabhan niya, saka iyon winisik sa mukha ni Colin.

“Aw! Nahilam na ko!” reklamo ni Colin, pero natatawa naman ito.

“Dapat lang `yan sa’yo para hindi ka na makapam-boso uli!”

“Hey, hindi ako namboboso ng mga babae... ikaw lang. Exemption ka kaya be proud!” halatang nagbibirong sabi nito.

Napasinghap siya. Tuluyan nang natunaw ang paggagalit-galitan niya. Natawa na siya sa pinagsasasabi nito. “Maniyak ka talaga!”

“Sa’yo lang `no!” natatawang sagot nito.

Hinawakan na siya ni Colin sa magkabilang pulsuhan para tumigil siya sa paghahagis ng bula rito. Sa kanyang pagkagulat, hinapit siya nito sa baywang. Nagkalapit ang mga mukha nila, pero nakapikit naman ang binata.

“My eyes, Ty. Mahapdi na. Alisin mo `yong bula,” nakasimangot na sabi nito.

Kumawala muna siya rito para maghugas ng kamay gamit ang water hose, pagkatapos ay pinunasan niya ang mga mata nito ng basa niyang kamay. “Okay ka na?”

He slowly opened his reddish eyes. “Okay na. `Yong lips ko na lang.”

“Ha?”

Colin suddenly crashed his lips against her and kissed her hungrily. Hinapit siya nito sa baywang. She tried her best not to respond to his kisses but when he gently bit her lower lip, she moaned and she finally gave in. Hinila niya ito sa batok para mas palalimin pa ang pagtugon niya sa mga halik nito.

Colin pressed her body against him even more. Pumailalim na sa loob ng shirt niya ang isa nitong kamay. He gently cupped her breast, as he entangled her tongue with his. Naging malikot na rin ang mga kamay niya na gumapang na sa matitipuno nitong dibdib, pababa sa abs nito. Kinurot at pinanggigilan pa niya ang mga abs ni Colin na ikinaungol nito. His lips left her mouth to kiss her neck.

And finally, her hands reached its destination. Nagtagumpay siya sa pagtanggal ng belt ng binata, pero nang `yong zipper na ng pantalon nito ang binubuksan niya, bigla na lang silang inistorbo ng pag-iingay ng doorbell.

The magic was broken. Mabilis siyang humiwalay kay Colin. Pareho silang hingal ng binata. Sigurado rin siyang namumula ang buo niyang mukha. Her lips were probably swollen, too.

Colin’s eyes were still full of passion and desire. Halata ring iritado ito dahil nabitin ito. “Sino ba `yang istorbo na `yan?”

NAGULAT si Tyra nang pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang halatang iritadong si Dylan. “Dylan.”

“What took you so long to open the door?”

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Come in. Naglalaba kasi ako kaya natagalan ako sa pagbubukas ng pinto.”

Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Dapat kumuha ka na lang ng maglalaba para sa’yo.”

“May tagalaba ako, Dylan. Naisipan ko lang maglaba ngayon para mag-unwind.”

Sumimangot ito. “If you want to unwind, you should have just called me. `Want to go out?”

Umiling siya. “Napagod na ko sa ginawa ko.”

Hinila siya ni Dylan paupo sa sofa, pagkatapos ay pumuwesto ito sa likuran niya at sinimulang imasahe ang mga balikat niya.

“Do you feel better now?” malambing na tanong ni Dylan.

Tumango siya. “Yep. Thank you, Dylan.”

“You’re welcome,” masiglang sabi nito, saka ipinagpatuloy ang pagmamasahe sa kanya.

Gano’n ang naabutan ni Colin pagdating nito sa sala. May dala itong tray na may lamang merienda. Halatang nabigla ito nang makita si Dylan, saka siya nito tinapunan ng nagtatakang tingin.

Tumikhim siya. “Colin, this is my cousin, Dylan. Dylan, he’s my new model, Colin.” Dumiin ang pagmamasahe ni Dylan sa mga balikat niya kaya napatingin siya rito. Masama ang tingin ng pinsan niya kay Colin. “Dylan.”

Kunot-noong nilingon siya ni Dylan. “Tyra, we need to talk.”

Tumango siya. “Do’n na lang tayo sa kuwarto ko.”

Binalingan niya si Colin para magpaalam. Nakakunot ang noo nito, halatang tutol sa pagsama niya kay Dylan. Nag-iwas na lang siya ng tingin dito saka siya umakyat sa kuwarto niya kasama si Dylan.

“Why is your model living with you?” sita agad ni Dylan sa kanya pagsara pa lang niya ng pinto ng kuwarto niya.

“Tumanggi siyang pera ang ipambayad ko sa pagmo-modelo niya sa’kin. Kailangan niya ng matitirhan, at `yon ang naging deal namin.”

“Hindi ka nag-iingat, Tyra. What if that guy’s a molester?”

Natawa siya. “Dylan, kilala ko si Colin. He’s a former friend.”

Kumunot ang noo nito. “Former friend?”

“Schoolmate namin siya noon ni Diamond.”

Napaisip ito. “Colin... don’t tell me... siya `yong matabang Colin?”

Natawa siya. Madalas niyang ikuwento si Colin noon kay Dylan. “Oo, siya nga `yon. Ang laki na ng pinagbago niya, `no?”

“Akala ko, pinutol mo na ang lahat ng ugnayan mo sa nakaraan mo noong college ka.”

Nawala ang ngiti niya.

“Tyra, are you in love with Colin?”

“Of course not,” tanggi niya, pero may mabigat na bagay naman na dumantay sa dibdib niya.

Umaliwalas ang mukha nito. “Then, that’s good. Don’t let yourself get attached to that guy, Tyra. Ayokong masaktan ka uli.”

Biglang nag-flash sa isipan niya ang comatosed na si Tyrone. Natakot siya para kay Colin. Dahil sa mga sinabi ni Diamond bago ito nagpakamatay, nagsimula na siyang mag-isip na hindi nga siya nito patatahimikin dahil galit ito sa kanya. Patunay na ro’n ang aksidenteng kinasangkutan ni Tyrone.

Hindi niya kakayanin kung mangyayari uli `yon, lalo na kung kay Colin.

Bumuntong-hininga si Dylan, saka siya nito niyakap. “Tyra, you don’t need other man to make you happy. Nandito naman ako.”

Bumuga siya ng hangin. “Dylan, magpinsan lang tayo. Kahit magkapamilya tayo, hindi naman puwedeng habambuhay tayong magkasama.”

Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “I know.”

TYRA was in full concentration. Dumating na ang huli at pinaka-crucial na bahagi ng painting niya – ang ibabang bahagi ng katawan ni Colin.

“Puwede mo nang alisin `yang tuwalya,” sabi niya rito.

Nanatiling nakasimangot si Colin. Gano’n na ang itsura nito simula nang manggaling sa bahay niya si Dylan kanina.

“Colin.”

Inirapan lang siya ng walanghiya! Pagkatapos ay walang kaarte-arte at kasere-seremonyang inalis nito ang tuwalya na nakasabit sa baywang nito. Hindi tuloy nito napaghandaan ang pamimilog ng mga mata niya, at ang bahagyang pag-awang ng bibig niya habang nakatitig sa pagkakalaki nito.

Again, she wasn’t acting like a professional nude painter she was. But she had never seen a shaft as big and as long and as perfect as Colin’s!

Shame on you, Tyra Penelope Lopez.

“Are you going to paint me nude, or you gonna scrutinize me all night?” nanunudyong tanong ni Colin.

Tumikhim siya. Sa halos isang dekada niyang pagpipinta ay napahiya siya sa sarili niya. “Magsimula na tayo.”

Pumuwesto siya sa likod ng canvas niya. Umupo naman si Colin sa puting kama, at pumuwesto gaya ng pose nito noong mga nagdaang gabi. Iguguhit niya ang pagkalalaki nito hanggang sa mga binti nito. Pagkatapos no’n ay finishing touches na lang.

Sa wakas ay bumalik na siya sa professional niyang sarili. Kinalimutan muna niya ang nararamdaman niya para kay Colin, at inisip niyang isa lamang ito sa mga modelo niya. Mabilis na nagpapalipat-lipat siya ng tingin sa kanyang modelo, at sa canvas na ginuguhitan niya.

Mabilis din ang paggalaw ng kamay niyang gumuguhit. Sinasabay niya ang pagmemorya sa bahagi ng katawan na ginuguhit niya gamit ang mga mata niya, sa galaw ng kamay niya. Tanging ang pagkuskos lang ng gamit niyang charcoal sa canvas ang maririnig sa silid.

Sa ngayon ay kitang-kita pa ang pagkalalaki ni Colin sa canvas niya, pero kapag nilagyan na niya iyon ng disenyo ay magkakaroon na `yon ng ibang anyo.

Kahit ginuguhit niya ang sensitibong mga bahagi ng katawan ng isang lalaki ay hinahaluan pa rin niya iyon ng art kaya hindi iyon nagmumukhang malaswa. Iyon ang dahilan kung bakit nakilala siya bilang isang mahusay na nude painter. Nagagawa niyang wholesome ang isang bagay na ituturing na bastos o malaswa.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang gumuhit pero sa wakas ay natapos niya rin iyon. Napangiti siya habang nakatitig sa canvas niya. Nagustuhan niya ang pagkakaguhit niya sa hubo’t hubad na katawan ni Colin.

“Puwede na ba kong gumalaw? Nangangalay na ko,” reklamo ni Colin.

Tumayo siya at nag-inat. “Yes, you can move now. We’re done.”

“Can I see it?”

“No, hindi pa `yan tapos. Ipapakita ko na lang sa’yo ang finished product.”

“All right.” Itinali na nito ang tuwalya sa baywang nito upang pagtakpan ang kahubdan nito. Akala niya ay aalis na ito, kaya nagulat siya nang tumayo ito sa harap niya at namaywang. “Pinsan mo ba talaga `yong Dylan na `yon?”

Nagtaka siya sa tanong nito, pero sumagot pa rin siya. “Half-sister ng daddy ko ang mommy niya, so that makes him my cousin.”

“He seems to be overprotective of you.”

“Dalawa na lang kaming magpinsan ngayon, kaya natural lang na maging overprotective siya sa’kin. Bakit mo naman naitanong?”

“I was jealous. Kung umasta kasi siya, parang boyfriend mo himbis na pinsan.”

“Oh, please. Dylan is my cousin.”

Tinalikuran na niya ito dahil naaakit siya rito kahit nakatayo lang ito sa harap niya. Dumiretso siya sa worktable niya at kinuha ang Toblerone niya. Pero sa kanyang pagkagulat, inagaw ni Colin ang Toblerone niya. Mabilis nito binalatan iyon. Pero napangiwi ito ng dumikit at natunaw ang tsokolate sa mga daliri nito.

“Why are you eating melted chocolates? Ang weird mo,” nakangiwing sabi ni Colin, saka dinilaan ang hinlalaki nitong may tsokolate.

“Nakasanayan ko na lang na kumain ng tunaw na Toblerone kapag stressed ako,” paliwanag niya, pero nakatingin siya sa daliri ni Colin na nakasubo ngayon sa bibig nito.

Napalunok siya. She was craving for her comfort food and she wanted to eat Colin! Ilang linggo na rin siyang nagpipigil pero mukhang umabot na siya sa limitasyon niya.

Magulo ang estado ng damdamin niya. Alam niyang mahal na niya si Colin, pero natatakot siyang mapahamak din ito gaya ng nangyari kay Tyrone. Sa tuwing inaamin niya sa sarili niya ang damdamin niya para kay Colin, saka naman bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Diamond bago ito nagpatiwakal: “You will never be happy, Tyra.”

Akala niya, kaya niyang maging mag-isa habambuhay. Pero pinaranas ni Colin sa kanya kung paano maging masaya uli, at hinahanap-hanap na niya ang pakiramdam na `yon na si Colin lang ang makapagbibigay sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ni Colin at dinala iyon sa tapat ng bibig niya. Pagkatapos ay sinubo niya ang daliri nito at dinilaan ang tsokolate ro’n. At gaya ng ginawa nito noon, hindi rin niya inalis ang tingin niya rito.

Colin’s eyes darkened. Kitang-kita niya ang matinding pagnanasa at pagkasabik sa mga iyon.

“Tyra...” paungol na sabi nito.

“Colin... I want you to make me forget about everything tonight,” pakiusap niya rito sa mababang tinig.

Sa gabi man lang na `yon ay maging makasarili siya at unahin ang kaligayahan niya. At alam niyang maibibigay `yon ng binata sa kanya.

“Tyra, kung inaakit mo ko, papatulan talaga kita. Alam mo namang marupok ako pagdating sa’yo,” paungol at tila nahihirapang sabi ni Colin.

Lumapit siya rito. Hinawakan niya ang pisngi nito, habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa abs nito at hinimas-himas iyon. Binigyan niya ng magaang na halik ang binata sa mga labi. “Colin...”

Hinapit siya nito sa baywang. Ang isang kamay nito ay naglalakbay na sa ilalim ng shirt niya. “Tyra...”

“Rawr. Rawr. Rawr.”

Bahagya itong lumayo sa kanya para mapagmasdan ang mukha niya. Halatang nagulat ito. “Anong sabi mo?”

Napangiti siya. “Rawr. Rawr. Rawr. In your invented language, I love you.”

Mukhang na-shock si Colin. Ilang segundo itong nakatulala lang. Nang makabawi ay natawa ito na tila ba na-relieve sa ipinagtapat niya. “Raaaaawr!”

Natawa siya. “What does it mean?”

“It means I’m gonna eat you tonight!” masayang bulalas nito, saka siya binuhat.

Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong sermunan si Colin dahil paglapat pa lang ng likod niya sa kama ay siniil na agad siya ng halik nito sa mga labi. His kisses were earthshaking, almost reckless. Pero wala na siyang pakialam. Kinabig pa nga niya ang batok nito para palalimin ang mga halik nito.

Napaungol na lang siya nang dumikit sa tiyan niya ang kahandaan ni Colin. Habang bumaba ang mga halik nito sa leeg niya ay bumababa rin ang mga kamay niya sa baywang nito. Pagkatapos ay hinila niya ang tuwalya sa baywang nito.

“Wild,” natatawang bulong ni Colin sa leeg niya gamit ang sexy nitong bedroom voice. “Pero hindi lang ikaw ang wild.”

Nagulat siya nang bigla na lang punitin ni Colin ang shirt niya, dahilan para magliparan ang mga butones niyon.

“Colin! This is my favorite blouse!” reklamo niya.

Natawa lang si Colin, saka siya muling siniil ng mga halik sa labi habang inaalis nito ang lock ng bra niya. “Bukas mo na lang ako pagalitan. We’re going to have a wild night. Rawr!” anito sa nang-aakit na boses, saka inihagis kung saan ang bra niya.

Bumaba ang tingin ni Colin sa ngayon ay hubad na niyang mga dibdib. Kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata nito kaya kahit nahihiya siya ay hindi niya tinakpan ang mga iyon.

Colin groaned, and the bump on her stomach hardened. “You’re perfect, Tyra.”

Napasinghap siya nang isubo nito ang isa sa mga dibdib niya, habang ang kamay naman nito ay marahang pinipisil ang isa pa. Iginapos niya ang mga kamay niya sa likod nito at bumaon ang mga kuko niya ro’n. She arched her body, and she clasped her legs on his waist, like she always imagined while she was drawing him.

She couldn’t believe her fantasies were turning into reality now.

Natauhan lang siya nang maramdaman ang pagbaba ng kamay ni Colin sa sensitibong ibabang bahagi ng katawan niya. That mere touch brought her to climax.

Nainis siya. Hindi siya papayag na siya lang ang nag-e-enjoy. Marahang tinulak niya si Colin. Nagtatakang lumayo ito sa kanya. Walang sabi-sabing bumangon siya at tinulak ito pahiga. Siya naman ang pumangibabaw dito.

“I want to be on top,” matatag na sabi niya. “Rawr!”

Natawa lang si Colin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.