My Favorite Girl, My Favorite Bully, My One and Only Elyen Girl, Blow Me A Kiss Baby (Series) Chapter 24

<BOOK 3: MY ONE AND ONLY ELYEN GIRL>

***

KHAKI tapped his fingers impatiently on the table. He had been waiting in that fancy restaurant for thirty minutes. Malapit na rin siyang malunod sa complimentary drinks na maya’t maya ay inio-offer ng waiter sa kanya. After two minutes, he swore he was going to leave.

Tumingin siya sa kanyang relong-pambisig. “One, two, thirty, sixty… two minutes. Time’s up!” Tumayo siya at naglakad na palayo.

Pero mayamaya lang ay bumalik din siya sa kanyang upuan. Kahit inip na inip na siya, hindi niya maaatim na umalis gayong alam niyang maaaring dumating anumang sandali ang babaeng katipan niya. He couldn’t let a woman wait for him.

Because I’m a gentleman.

Damn. Ang hirap talagang maging maginoo, rather, mahirap maging utu-uto. Sumimangot siya nang maalala kung paano siya na-set up ng kanyang magaling na tiyahin para makipag-date sa isang babaeng hindi niya kilala…

“Khaki, hijo, how are you?”

“I’m good, Tita. Ikaw?” balik-tanong niya sa kanyang Tita Marga. Hindi niya iniaalis ang tingin sa kaharap na laptop dahil abala siya sa paglalaro ng Angry Birds. Mayamaya ay nag-quit na siya sa laro para makapag-usap sila nang maayos.

It was a fine Saturday afternoon. Nag-half-day siya sa opisina dahil wala siyang gaanong trabaho. Weekend kaya alam niyang pupunta roon ang tiyahin para bumisita at ipagluto siya ng hapunan.

Umupo ito sa gilid ng kanyang kama kung saan siya kasalukuyang nakadapa. Sumilip ito sa kanyang laptop. Sumimangot ito nang makita ang wallpaper niya na picture ng girlfriend niyang si Monica.

She scoffed. “Isn’t your jealous freak of a girlfriend coming over tonight?”

Natawa siya sa sinabi nito. His aunt was still a beauty even in her late forties. Hindi rin halata ang edad nito. Pinagselosan ito ni Monica nang maabutan nito ang huli sa kanyang bahay. Malambing kasi siya sa tiyahin niya. Before he knew it, the two women were already at each other’s throat. It was one hell of a catfight.

“We just broke up, Tita,” imporma niya rito.

“Good. Kapag nakita ko pa ang babaeng iyon dito sa bahay mo, I swear, kakalbuhin ko na talaga siya.” Marahang pinisil-pisil nito ang magkabilang pisngi. “Gosh. Kailangan ko na talaga yatang magpa-Botox uli.”

Umupo siya at inakbayan ito. “Tita, maganda ka pa rin kahit hindi mo na ipabatak `yang mukha mo.”

She chuckled. “I know, right?” Tumayo ito at binuksan ang kanyang closet. “Nasaan `yong binili kong suit para sa iyo no’ng nakaraang linggo?”

Ngumiti siya. “Why, Tita? Do we have a date tonight?”

Hindi nito sinagot ang tanong niya. “Ah, there you are,” anito nang makita ang hinahanap. Maingat na ipinatong nito sa kanyang kama ang itim na suit. “You have a date tonight, hijo.”

Kumunot ang noo niya. “What do you mean, Tita?”

Humalukipkip ito at bumuntong-hininga. “My friend is worried about her daughter. Itinataboy raw ng anak niya ang lahat ng lalaking nagtatangkang manligaw o magpakilala man lang sa anak niya. She’s also worried that her daughter seems to be more interested in two-D men.”

“Two-D men?” He chuckled. “You mean `yong mga lalaking nakikita sa mga anime? Wow. This is the first time I’ve heard of someone like her. She’s definitely a weirdo.”

“Don’t say that, hijo. Anyway, I offered to help my friend Laureen so...” Her voice trailed off as she turned to him with expectant eyes.

Parang nahuhulaan na niya ang tumatakbo sa isip nito. He groaned. “Oh, no. Tita, don’t tell me you want me, your precious nephew, to go out with a weirdo?”

“Khaki, naisip ko lang kasi na kung makakatagpo siya ng isang lalaking tulad mo na guwapo, matangkad, macho, mayaman, mabait, at maginoo, baka sakaling magbago ang opinyon niya sa mga lalaki sa totoong mundo.”

He chuckled. “I know how great I am, Tita. But I’m sorry. That girl needs to consult a psychologist, not to go out on a date.”

“Khaki,” saway nito sa kanya. He shrugged. Bumuntong-hininga ito. “Oh, well. I guess I expected too much from you. It’s okay, hijo. Siguro nga kahit ikaw na known playboy, sought-after bachelor, at self-proclaimed sexiest man alive ay hindi kayang higitan ang mga two-D men.”

Natigilan siya. His ego was downright bruised. Hindi niya matatanggap na nakalalamang sa kanya ang mga anime character. Damn it, he was the hottest bachelor in the country! Sinong matinong babae ang ipagpapalit siya sa mga lalaking nakaguhit lang sa papel? Wala!

“Tita, after this night, I swear, that girl will end up being smitten with me.”

Her aunt smiled triumphantly. “That’s my nephew. Be sure to capture Luka’s heart tonight.”

Thinking about it now, the name sounded familiar. Hinimas niya ang baba habang nag-iisip. Mayamaya ay napapitik siya sa hangin. Alam na niya kung sino ang Laureen na kaibigan ng tiyahin niya. Kapitbahay ito ng Tita Marga niya sa village na tinitirhan nito. Sa bahay nito siya nakatira bago siya pumunta sa US para ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa high school at college.

Si Luka ang onse anyos na bata na kalaro niya noon. Trese anyos siya noon. She was the only friend he had back then. She was the cute girl with a bright smile he used to have a crush on.

Kumunot ang noo niya. Mukha naman itong normal noon. Ano kaya ang nangyari dito sa loob ng labinlimang taon na hindi sila nagkita? Hindi kaya naging brokenhearted ito kaya weirdo na ito ngayon?

“That weirdo sure is taking her time,” naiinis na bulong niya sa sarili habang inaalog-alog ang lamang alak sa hawak-hawak niyang baso.

Mayamaya ay napansin niya na nagbulungan ang mga kumakain sa restaurant habang sumusulyap sa gawi ng entrance. He grew curious so he turned to check what the cause of the ruckus was. He saw a woman in a black knee-length flowing dress and knee-length black boots holding a strange-looking stuffed toy. She was walking towards him. Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. There was no fucking way she was Luka! Pero huminto ito sa harap niya at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

“I presume you’re Khaki Villazar,” she said in a flat tone.

Nakaramdam siya ng pagkairita sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya na parang isa siyang insekto. Tumikhim siya bago tumayo. “Yeah. And you must be Luka Mercado?” tanong niya sabay lahad ng kamay rito.

Tiningnan lang nito ang kamay niya at saka tahimik na umupo. “I’m hungry. Can we just eat and get this ‘date’ over and done with?”

He was tempted to strangle the beautiful neck of this rude woman. Ni hindi man lang ito humingi ng paumanhin dahil sa pagka-late nito sa “date” nila. Pagkatapos, ito pa ang may ganang magpakita ng iritasyon. Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili.

Easy, Khaki. She’s a woman. And you should always be gentle with women.

Nang kumalma na siya ay umupo na rin siya. Magkatapat sila ng upuan. Kinambatan nito ang waiter at um-order. Ganoon din ang ginawa niya. Tumikhim siya nang makaalis ang waiter. Nang tingnan siya nito ay nginitian niya ito. “Hello. Can I call you ‘Luka’?”

“Okay,” bale-walang sagot nito.

“Call me ‘Khaki’ then. Anyway, don’t you remember me? We used to be playmates when we were kids. Nagkahiwalay lang tayo dahil sa US ako nag-aral. Nang bumalik naman ako rito sa Pilipinas, bumukod na ako kay Tita. It’s been a while.” He smiled his killer smile. “It’s good to see you again, Luka.”

Pero tila walang epekto rito ang pamatay niyang ngiti. Nangangawit na ang mga panga niya sa kakangiti. Pero hindi siya puwedeng sumuko. He had to be nice to her and capture her heart.

“I don’t remember you.”

Nabura ang ngiti sa mga labi niya. Gaano kaya karaming pasensiya ang kailangan niya para ma-tolerate niya ito?

Mabuti na lang at dumating na ang order nila. Doon na natuon ang atensiyon niya.

Habang kumakain ay nagkuwento siya rito. Mula sa mga nilalaro nila noong mga bata pa sila hanggang sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon. But Luka remained expressionless. Nakatuon ang buong atensiyon nito sa kinakain na parang hindi siya nito kasamang kumakain sa mesang iyon. She didn’t respond to him, not even once.

Hindi na siya nakatiis, tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. “Luka, pareho tayong napilitan lang sa date na ito, okay? But since we’re already here, we might as well enjoy it. Saka `wag kang masyadong seryoso. Sige ka, baka hindi ka makapag-asawa niyan. Maganda ka pa naman,” he said cheerfully to lighten the mood.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya sa unang pagkakataon mula nang magsimula itong kumain. Nagkaroon siya ng pagkakataong mapag-aralan ang mukha nito.

She had a small, pretty face, a cute pointy nose, and nice rosy lips. Lumitaw rin ang kaputian nito dahil sa kulay ng suot nito. Her skin looked so soft and smooth. Hindi siya makapagkomento sa buhok nito dahil halatang wig lang ang pink na buhok nito. Ni hindi niya iyon matingnan dahil sa kulay niyon. And those dark, empty eyes. He didn’t know why but he felt a prick in his heart as he stared back at her.

Bumuntong-hininga ito. “Do you think I’ll marry someone from your kind?”

From my kind? nagtatakang tanong niya sa isip. Sa kabila niyon ay ngumiti pa rin siya. “Of course.”

She scoffed. “Mas gugustuhin ko pang idikit ang mukha ni Ichigo Kurusaki sa unan at pakasalan iyon kaysa magpakasal sa isang tulad mo.”

He gasped. Did she just say she wasn’t interested in him? And who the hell was Ichigo Kurusaki?

“I suppose you’re paying for the food,” anito nang matapos itong kumain at eleganteng punasan ang bibig gamit ang table napkin. Natitilihang tumango siya. “Thank you for dinner. Have a good night, Mr. Villazar.” Iyon lang at tumayo na ito.

He was too shocked to say anything. Nasundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa maglakad ito palabas ng restaurant nang nakataas-noo.

Did she just walk out on him? It was supposed to be the other way around!

“Your long locks are fucking pink, you shorty!”

NAKATAYO si Luka malapit sa restaurant habang naghihintay ng taxi. Napilitan lang siyang makipag-“date” kay Mr. Villazar dahil nagbanta ang mama niya na kapag hindi niya ito pinagbigyan sa gusto nito, magbabakasyon ito sa bahay niya habang nagha-hunger strike ito.

Hindi niya gustong tumira ito sa bahay niya. Not that she didn’t want to be with her mother. Nagfi-freak out kasi siya kapag naroon ito. Para kasing machine gun ang bibig nito. Kaunting kibot ay may napapansin ito sa kanya. Natahimik lang ito nang sabihin niya na payag na siyang makipag-date kay Khaki Villazar.

Khaki Villazar.Hmm. He wasn’t like any of those pitiful men her mother had set her up with on a date before. In all fairness to him, he was much, much better than them. His good looks and cheerful aura stood out among the rest.

Pagpasok pa lang niya sa restaurant kanina, alam na niyang ito ang hinahanap niya kahit minsan lang niyang nakita ang picture nito na ipinakita sa kanya ng kanyang ina. She couldn’t believe he was more gorgeous in person—he had an angelic face, an aristocratic looking nose, perfect lips, and light brown eyes. Pero bukod sa kaguwapuhan nito, iba rin ang ugali nito kompara sa mga naka-date na niya.

Ang ibang lalaking naka-date niya noon, makita pa lang ang Lolita dress at wig niya ay ngumingiwi na agad. Ang iba ay gumagawa ng excuse para makaalis agad, obviously, nahihiya ang mga ito na makitang kasama siya. Pero hindi si Khaki. Oo nga at halatang nagulat ito nang makita siya, pero wala siyang nakitang disgusto sa mga mata nito.

And his patience, it was ridiculously long! Kahit naging bastos siya sa harap nito, hindi siya nilayasan nito. May mga pagkakataong inaasahan niyang sasabog na ito dahil sa sobrang pagkakakunot ng noo, pero hihinga lang ito nang malalim at magliliwanag na uli ang mukha. He even kept on smiling at her. Too bad she couldn’t remember their childhood memories kahit anong pilit ang gawin niya. But in all honesty, she liked hearing his voice. It made her calm. That was the reason why she didn’t respond to him. She wanted to hear him talk nonstop.

Stop right there, Luka.

Bumuntong-hininga siya. Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon? He was good-looking and nice, all right. But so what?

Mayamaya ay may humimpil sa harap niya na isang itim at magarang kotse. Umibis mula roon ang lalaking kanina lang ay iniisip niya.

“Luka.”

Her nostrils caught the familiar masculine scent she was secretly sniffing in the restaurant while they were eating. “Mr. Villazar.”

Namaywang ito. Kung suyurin siya nito ng tingin, para siyang batang munti. Though she really felt like a child as she looked up at him—she was five feet-two inches tall and he was probably six feet tall. Kunot na kunot din ang noo nito habang nakatitig sa kanya na parang gusto siyang tirisin.

“Bakit bigla mo na lang akong iniwan sa loob ng restaurant?” iritadong tanong nito.

Hindi niya ipinahalata na nagulat siya sa sinabi nito. Mas gusto pa ba nitong magtagal sila roon kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil sa hitsura niya?

“Ah, hindi na bale. Let’s go,” anito.

Tumaas ang isang kilay niya. “Excuse me?”

“Ihahatid kita sa bahay n’yo,” anito.

“Bakit?”

Lalong kumunot ang noo nito. “Anong bakit? Do you expect me to leave you here and let you go home by yourself?”

“I know my way home.”

“I can’t let a woman, much more my date, to go home alone when I have a car to drive her home.”

“No, thanks.”

“Ang kulit mo. Halika na sabi, eh.” Hinawakan siya nito sa braso.

She froze as soon as she felt his warm hand on her arm. A jolt of electricity flowed throughout her body. Kasunod niyon ay nakaramdam siya ng takot.

“Don’t touch me! Men from this world are really gross.”

Agad naman siyang binitawan nito. Itinaas nito ang mga kamay bilang pagsuko. “I’m sorry. Pero honestly, ano ba’ng problema mo sa mga totoong tao para maging ganyan ka?”

“Nothing. I just realized that people from the 2D world are way better kaysa sa mga totoong tao.”

“No. You’re just escaping from reality.”

Natigilan siya. His words struck her.

Bumuntong-hininga ito. “Just a piece of advice. Woman, don’t lock yourself up in your two-D world. Makulay ang buhay sa totoong mundo, singkulay ng wig mo. You’re missing out on a lot in your life—aray!”

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang humalik ang kamao niya sa mukha nito. “Stop talking as if you know everything.” Then, she walked out on him.

NAKATITIG si Khaki sa business proposal na hawak niya pero wala siyang maintindihan ni isang salita sa mga iyon. He eventually gave up and tossed the paper casually as if it wasn’t important. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at hinimas-himas ang panga na tinamaan ng suntok ni Luka.

Damn that woman. Ito pa lang ang nakakapingas sa kaguwapuhan niya. She was really weird. Paano nito naisip na nakalalamang sa kanya ang mga anime character?

Tumiim ang mga bagang niya. There was no fucking way that he would lose to non-existent men.

May kung anong pumitik sa sentido niya. Kanina pa sumasakit ang ulo niya. “That elyen girl...”

Come to think of it, bagay rito na tawaging elyen dahil sa ka-weird-an nito. Sinong babae ang magagawang tumanggi sa kanya para lang ipagpalit siya sa isang anime character? Ang weird din nitong manamit. She was so small compared to his height that he was almost afraid he would step on her.

But, admit it, she is pretty.

Well, that he had to admit.

Naihilamos niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. “Damn. Why am I wasting my time thinking of that elyen girl?”

“Elyen girl who?”

Napalingon siya sa pintuan ng kanyang opisina. It was his Tita Marga. “Hello, Tita.”

Umupo ito sa receiving chair sa harap ng kanyang office table. “Khaki, how was your date?”

“It was a disaster, Tita.”

Kumunot ang noo nito. “What do you mean?”

“That woman, no, she isn’t a woman. A normal woman would fall for my charm and good looks. Tanungin mo `ko kung ano ang ginawa niya, Tita.”

“Okay. So what did she do?”

“She punched me! Can you believe it, Tita? Imbes na halikan niya ako, sinuntok ako ng babaeng iyon.” Itinuro pa niya rito ang kanyang nasaktang panga. “She’s an alien. An alien girl.”

Bumuntong-hininga ito. “So, kahit ikaw pala, hindi kayang tulungan si Luka? Nangako pa naman ako kay Laureen na tutulungan natin ang anak niya.” She smiled sadly. “Don’t worry, hijo. Hindi na kita pipilitin pa. You’ve done enough. Thank you at pinagbigyan mo ako.”

Parang may kumurot sa puso niya nang makita ang malungkot na mukha nito. She was the only relative he had. Nag-iisang kapatid ito ng namayapang ama niya. Nang maging ulilang-lubos siya sa edad na onse, she took him in and raised him like her own son. Ito na rin ang namahala sa kompanyang itinayo ng mga magulang niya noong nag-aaral pa siya. Minsan nga ay iniisip niyang hindi na ito nakapag-asawa dahil sa pag-aalaga sa kanya. He owed her a lot. He wanted to at least cheer her up.

“But, Tita, I remember her. She used to play with me when I was a kid, right?” pampalubag-loob niya rito.

Lumiwanag uli ang mukha nito. “Oh, I’m so glad you still remember her. Akala ko, nakalimutan mo na siya. Oo, madalas nga kayong maglaro noong mga bata pa kayo. Sayang nga lang at nagdesisyon kang sa US mag-aral.”

Tumango-tango siya. “Tita, ano ba ang nangyari sa kanya at ganoon na siya ngayon?”

Marahang umiling ito. “I don’t know. Mukhang ayaw pag-usapan ni Laureen ang tungkol sa nangyari sa anak niya kaya hindi ko na rin siya pinilit.” Kumislap ang mga mata nito. “But tell me, hijo, she’s pretty, isn’t she?”

“Yeah, she is,” mabilis na sagot niya. Hindi naman niya maitatangging maganda si Luka kahit out of this world ang fashion sense nito. “Hopefully, she could find a real man to love soon.”

Malungkot na ngumiti ang tita niya. Mukhang umaasa ito na siya na ang lalaking iyon. But no matter how much he wanted to lift his aunt’s spirits, it was really impossible for him to tame that alien girl. Mukhang hopeless case na ito.

Bumangon uli ang inis sa kanyang dibdib nang maalala ang sinabi nito.

“Mas gugustuhin ko pang idikit ang mukha ni Ichigo Kurusaki sa unan at pakasalan iyon kaysa ang magpakasal sa isang tulad mo.”

He searched for that Ichigo Kurusaki on the Net. Isa pala iyong kilalang anime character. A fucking 2D teenage boy! Pero bakit sa kabila ng nalaman niya ay hindi maalis-alis sa isip niya si Luka at ang ka-weird-an nito?

Stop, Khaki. She’s out of your league. She’s not even normal, okay?

But her dull, dark eyes kept haunting him in his waking and sleeping hours.

What can you do about her, anyway? She’s a weirdo. She doesn’t need any help. She just wants to be left alone. At sinuntok ka niya, remember?

But he couldn’t forget her sweet scent.

Tiningnan niya ang tita niya. “Tita, gusto kong malaman ang lahat-lahat tungkol sa babaeng elyen na `yon.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.