My Favorite Girl, My Favorite Bully, My One and Only Elyen Girl, Blow Me A Kiss Baby (Series) Chapter 25

PAGKATAPOS maligo ay nagbihis si Luka ng long-sleeved shirt with black and gray stripes, maong shorts and black knee-length socks. Then, she stood in front of the array of different colored wigs. Sa araw na iyon ay nagdesisyon siyang isuot ang red at wavy na wig.

Nang makontento sa suot niya, hinarap niya ang kanyang computer at nagsimulang magbasa ng manga online. Natigilan siya nang mahagip ng tingin niya ang light-brown na buhok ng figurine ni Lightmula sa anime manga na Death Note na nakapatong sa ibabaw ng table. Kakulay niyon ang mga mata ni Khaki Villazar.

Napahawak siya sa kanyang braso na hinawakan nito nang nagdaang gabi. It was as if the warmth of his hand still lingered there.

Iyon ang unang pagkakataong may lalaking naglakas-loob na hawakan siya sa loob mahabang panahon. Parati kasi siyang nakakulong sa kanyang bahay at wala rin siyang kaibigang lalaki.

Umiling siya. Hindi niya kailangan ang sinuman. Kontento na siya sa enjoyment na ibinibigay sa kanya ng panonood ng anime, pagbabasa ng manga, at pag-attend sa cosplay conventions. Para sa kanya ay walang masama sa lifestyle niya dahil konektado iyon sa trabaho niya bilang comic artist. Successful ang kanyang Crackers Comics na ipina-publish ng Ink and Paper Publishing, ang pag-aaring kompanya ng kanyang pamilya. Hindi sa pagmamayabang pero dahil sa Crackers Comics niya ay muling nabuhay ang industriya ng comics sa bansa.

So there was nothing wrong with the way she was living. Nakatulong pa nga siya sa ekonomiya ng Pilipinas at sa mga kababayan niyang talented artist na mahasa ang kanilang talento.

“No. You’re just escaping from reality.”

Napadiin ang pagpindot niya sa mouse nang maalala ang sinabing iyon ni Khaki. Ano ang karapatan nitong sabihin iyon sa kanya? Did he see right through her? Imposible! Walang lalaki ang puwedeng makabasa agad sa kanya sa unang beses pa lang nilang pagkikita. Isa lang itong hamak na pakialamerong...kiti-kiti!

Narinig niya ang tunog ng doorbell. Napaungol siya. Malamang na ang mama niya iyon. Tiyak na kukulitin siya nito kung ano ang nangyari sa date niya.

Mabigat ang mga paang lumabas siya ng kanyang kuwarto para pagbuksan ng pinto ang kanyang ina. Nagulat siya nang sa halip na ang ina niya ang mabungaran ay si Khaki ang nakita niya.

Pero agad din siyang nakabawi. Kinunutan niya ito ng noo. Nakakunot din ang noo nito at titig na titig sa wig niya.

“So it’s red today, huh?” anito sa kanya. Kapagkuwan ay iniabot nito sa kanya ang isang bungkos ng bulaklak. “Good afternoon,” nakangiting bati nito.

Akmang pagsasarhan niya ito ng pinto pero maagap na naiharang nito ang katawan kaya nakapasok ito sa bahay niya.

“Is that how you welcome your visitors?” reklamo nito.

Sumimangot siya. “Yes, but only unwanted visitors,” pasaring niya rito.

“Yeah, right. As if you’d welcome anyone here,” ganti nito.

Tiningnan niya ito nang masama. “Ano’ng ginagawa mo rito? Hindi pa ba malinaw sa `yo ang sinabi ko kagabi na hindi ako interesado sa `yo?”

He waved his hand dismissively. “Whatever.” Pagkatapos ay nagtungo ito sa kanyang sala at parang haring umupo sa mahabang sofa. “Come here. Let’s talk.”

She gritted her teeth. “Sino ka para utusan ako sa sarili kong pamamahay?”

“A piece of advice: do something about that snooty attitude of yours,” anito.

“And you should stop sticking your nose into other people’s business,” ganti niya.

“Well, sorry to disappoint you, but your business is my business from now on.”

Nagulat siya sa sinabi nito. Ipinatong niya ang mga bulaklak sa coffee table, bago tumayo siya sa harap nito at pinamaywangan ito. “Ano’ng pinagsasasabi mo?”

“So, hindi pa sinasabi sa `yo ng mommy mo.” Nagde-kuwatro ito at humalukipkip. “Isang linggo mong makikita itong guwapong mukhang ito sa pamamahay mo. Pero siyempre, sa gabi ay uuwi ako sa bahay ko.”

“Ano?!” gulantang na tanong niya.

“At hindi ka puwedeng magreklamo,” nakangising dagdag nito.

Nagprotesta ang kalooban niya. Kung ang sarili nga niyang mga magulang ay hindi niya magawang patuluyin sa kanyang bahay nang isang buong araw, ang pakialamerong lamok na ito pa kaya?

“No way,” she said through gritted teeth.

“Yes way,” sagot nito.

Parang may pumitik sa magkabilang sentido niya dahil sa sinabi nito. “Kapag hindi ka pa umalis dito sa bahay ko, masasaktan ka talaga,” banta niya.

“Ows? Ano’ng gagawin mo?” paghahamon nito sa kanya.

Tuluyan nang napatid ang pasensiya niya. Nagmartsa siya pabalik sa kuwarto niya. Kinuha niya ang improvised sword na gawa sa kahoy na minsan na niyang ginamit na props sa cosplay. Iniumang niya iyon kay Khaki.

“This is your last chance, Mr. Villazar. Aalis ka o mapipilitan akong saktan ka?”

“May pagkabayolente ka talaga, elyen girl,” nakangising sabi nito.

Kumunot ang noo niya. “What did you just call me?”

“Elyen girl. You know? Alien, the creatures from outer space. `Yong mga kalahi mo.”

Akmang hahatawin niya ito ng kahoy na espada nang maagap na nahawakan nito iyon.

“You’re really not cute,” iiling-iling na sabi nito.

Sinubukan niyang bawiin ang espada mula sa pagkakahawak nito pero walang nangyari. Masyado itong malakas kompara sa kanya. “Let go!” utos niya rito.

“And what? Hayaan kang pingasan na naman ang kaguwapuhan ko?”

Walang kahirap-hirap na nakuha nito mula sa kanya ang kahoy na espada. Nawalan siya ng balanse dahil sa bigla nitong paghila niyon kaya napasubsob siya sa dibdib nito. Nasamyo niya ang pabango nito nang ipulupot nito ang mga braso sa kanyang baywang. She could feel the warmth emanating from his strong body. The warmth she had been secretly longing to feel, the same warmth she had been afraid to feel once again.

Bakit hindi niya magawang lumayo rito? Bakit sa halip na magalit at magwala siya dahil sa paghawak nito sa kanya nang walang permiso, ay tumahimik lang siya?

O baka naman kaya siya nagkakaganoon ngayon ay dahil ngayon lang uli siya napalapit nang ganoon sa isang lalaki? But whatever the reason was, this nosy man’s warmth had a calming effect on her system.

“Luka, careful,” sabi ni Khaki sa kanya. May bahid ng pag-aalala sa boses nito.

Nabalik siya sa huwisyo nang magsalita ito. Itinulak niya ito nang ubod-lakas dahilan para mapaupo uli ito sa sofa. Dinampot niya sa sahig ang espada na nabitawan nito. Hahatawin na sana niya ito nang may magsalita.

“Luka, what are you doing?”

She turned to the owner of the high-pitched voice. “Mommy.”

NAKAYUKO lang si Luka sa mug niya na may imprint ni Pikachu habang nagsasalita ang kanyang ina. Kasalukuyan silang nasa kusina ng bahay niya at pinag-uusapan ang pakialamerong lamok na nasa sala.

“Nag-offer ang Tita Marga mo na tulungan ka dahil talagang nag-aalala na `ko sa `yo, hija. I mean, I want you to marry a real man, not some two-D guy. Kaya naisipan namin na magpatulong sa pamangkin niyang si Khaki.”

Nag-angat siya ng tingin. “Mommy, ano naman ang maitutulong ng Khaki na iyon sa`kin?”

Kumislap ang mga mata nito. “Tutulungan ka niyang maibalik ang puso mo sa totoong mundo.”

Gusto niyang ngumiwi sa sinabi nito. “Mommy, kung magsalita naman kayo, parang maluwag na ang turnilyo sa ulo ko.”

Halatang na-guilty ito. Ginagap nito ang kanyang kamay na nakahawak sa katawan ng mug. “I’m sorry, anak. I didn’t mean it that way. Ang gusto ko lang naman ay bumalik ka sa dati. Hindi iyong nagkukulong ka lang dito sa bahay mo kasama ang mga Kenkoy na pinapanood mo.”

“‘Anime’ po `yon, hindi ‘Kenkoy.’”

Ikinumpas nito ang kamay. “Whatever.” Pinakatitigan siya nito, saka umiling-iling. “Ibang-iba ka na talaga sa Luka na kilala namin ng daddy mo.”

Bumuntong-hininga siya. “Mommy, okay naman ako. Konektado naman sa trabaho ko ang mga hilig ko.”

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”

“Mommy, hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko.”

Ito naman ang bumuntong-hininga. “You need someone who will take care of you, baby. Huwag mong hayaang makulong ka nang tuluyan sa two-D world. Face reality, anak.”

Ilang beses na ba niyang narinig ang mga salitang iyon sa bibig nito sa nakalipas na tatlong taon? Hindi na niya mabilang. Sana naman ay magsawa na ito sa kakasabi niyon.

“I’m fine, Mommy,” sabi na lang niya.

“Anak naman, pagbigyan mo na sana ako. Hayaan mong maging magkaibigan kayo ni Khaki. Baka sakaling bumalik ka sa dati.”

Hindi na ako makakabalik sa dati, Mommy, dahil wala na akong babalikan.

“Pangako, anak. Ito na ang huli. Pakisamahan mo si Khaki sa loob ng isang linggo. Kung hindi pa rin niya mapagbabago ang paraan mo ng pamumuhay, hinding-hindi na kita pipiliting makipag-date sa kahit sinong lalaki.”

Tiningnan niya ito nang mataman. “Talaga, Mommy?”

Ngumiti ito at itinaas pa ang kanang kamay. “Promise.”

Nag-isip siya. Isang linggo lang ang kailangan niyang tiisin sa pakikisama sa pakialamerong lamok na si Khaki. Ang kapalit naman niyon ay habang-buhay na kalayaan. It was a fair deal.

Tumango siya. “Sige, `My. Pumapayag na `ko.”

NAPANGIWI si Khaki habang inililibot ang paningin sa sala ng bahay ni Luka. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan iyon dahil wala ang elyen na iyon para guluhin siya. Puno ng anime paraphernalia at figures ang malawak na sala. Sa halip na mga vase, action figures na iba’t iba ang size ang maayos na naka-display roon.

May mga naka-frame na anime illustrations sa dingding. Sa tingin niya ay si Luka mismo ang gumawa ng mga iyon dahil ayon kay Tita Marga, comic artist daw ang dalaga.

May mobile suit din doon ng Magic Knight Rayearth. Not that he knew them. Binasa lang niya ang mga label na nasa ibaba ng bawat action figures.

Makikitambay siya sa bahay na iyon sa loob ng pitong araw. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya para iwan niya nang isang linggo ang kompanya para lang tulungan si Luka na bumalik sa dati. Marahil dahil sa kuryosidad. Gusto niyang matuklasan ang misteryo sa likod ng pagiging weirdo nito.

Natigilan siya nang may kung anong tila pumitik sa sentido niya. “Aw,” daing niya habang hinihilot ang kanyang ulo. Alam niyang hindi normal ang temperatura niya pero binabale-wala lang niya dahil kaya pa naman niya.

“Naku, Sir! Ako na ho ang gagawa niyan!”

Gumagawa siya ng sandwich no’n sa kusina nang datnan siya ni Mayang, kasambahay ni Luka. Ipinakilala ito ng huli sa kanya kanina, pati na rin ang yaya nito mula pagkabata na si Aling Nena.

Ngumiti siya nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. “`Wag mo kong ala-alahanin. Madali lang naman itong ginagawa ko.”

“Pero bisita ho kayo ni Senorita, Sir.”

Mas pinaganda niya ang kanyang ngiti. “‘Khaki’ na lang ang itawag mo sa’kin.”

Namula ang mukha nito. “P-pero –”

“Puwede mo ba kong samahan sa kuwarto ni Luka? Dadalhin ko sa kanya `tong merienda na ginawa ko para sa kanya,” nakangiting sansala niya sa sinasabi nito. Tinaas pa niya ang hawak niyang tray kung saan nakalagay ang sandwich at isang baso ng orange juice.

Kiming tumango na lang ito. “O-o sige ho.”

Habang naglalakad ay hindi niya napigilang simpleng mapangiti sa reaksyon ni Mayang. Ayaw niyang magtunog-mayabang pero halata naman na isang ngiti lang niya ay natataranta na ang dalaga. Tinatamaan siguro ito ng charm niya.

Hah! Hindi pa naman pala kumukupas ang charm ko sa mga babae. Ibig sabihin, walang mali sa’kin. Ang elyen na `yon ang may problema.

May kakaibang ingay din siyang naririnig mula sa labas. Mukhang may kalakasan ang ulan. Uuwi na siya pagkatapos niyang ihatid kay Luka ang merienda nito.

“Heto ho ang kuwarto ni Senorita,” imporma ni Mayang sa kanya nang huminto sila sa tapat ng isang pinto.

Tumango siya. “Salamat. Sige na, ako nang bahala dito.”

Nang umalis na si Mayang ay saka niya kinatok ang pinto ni Luka. Medyo natagalan bago bumukas ang kuwarto. Inaasahan na niya ang galit na dalaga subalit sa halip ay isang tila natatarantang Luka ang sumalubong sa kanya.

“Khaki? May kailangan ka ba?” tila distracted na tanong nito habang palingun-lingon sa loob ng kuwarto nito.

“Anong problema, Luka?”

Umiling lang ito, pagkatapos ay dumako ang tingin sa hawak niyang tray. “Hindi ako nagugutom. Ikaw na lang ang kumain niyan,” anito sa malamig na tinig.

Akmang isasara na nito ang pinto pero naging maagap siya at naiharang niya ang katawan niya kaya nakapasok siya sa kuwarto nito. Pero natapunan naman ng juice ang puti niyang polo.

“Look at what you’ve done to my polo,” reklamo niya saka binaba ang tray sa ibabaw ng cabinet – sa tabi ng isang hilera ng iba’t ibang kulay ng wigs. Napabuntong-hininga siya. “Luka, you’re one certified elyen girl.”

Luka hissed. “Don’t make yourself at home too much, Khaki. Ayoko ng maingay at pakialamero kaya lumabas ka ng kuwarto ko.”

Napangiti siya. She looked so cute when she was mad. Sa liit nitong babae, sa tingin ba nito ay matatakot siya nito kahit nakikita niya sa mga mata nito na gusto na siya nitong sapakin? Sigurado siyang hawakan niya lang ito sa ulo, hindi na aabot ang kamao nito sa mukha niya.

“What’s wrong, elyen girl? Bakit mukhang may problema ka?” naaaliw na tanong niya.

She glared at him. “It’s none of your business.”

Nagkibit-balikat siya. Pagkatapos ay walang permisong dumapa sa kama nito. He inhaled the sweet scent coming from the pillows. They smelled like her.

Napangiti siya. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi sa’kin ang problema mo. Kaya kung ayaw mong tabihan kita sa pagtulog, magsalita ka na.”

Okay, that sounded wrong. Pero wala na siyang pakialam. Ang bango at ang lambot kasi ng kama nito – parang si Luka. Nabawasan ang sakit ng ulo niya habang nakadapa siya sa kama.

Narinig niyang malakas na bumuga ng hangin si Luka. “Nahulog ko kasi `yong singsing ko. I wanted to look for it but the rain is heavy outside.”

Bumangon siya at lumingon sa nakabukas na bintana ng kuwarto. Umaanggi nga ang ulan sa loob ng kuwarto at pumapasok din ang malakas at malamig na simoy ng hangin. “Nilalaro mo ba ang singsing na `yon malapit sa bintana?”

Hindi ito sumagot. But he could imagine her sitting in the windowsill while playing with her ring. Weird.

“Bukas mo na lang hanapin `yon. Malakas ang ulan, eh,” wika niya.

Nanatili itong nakasimangot at nakatitig sa labas ng bintana. Pero nakita niya ang matinding pag-aalala sa mga mata nito. And that bothered him to no end.

“Nakita mo ba kung saan banda puwedeng nahulog `yong singsing?” Nagulat siya sa sarili niya kaya tinakpan niya ng kamay niya ang bibig niya.

No, no, no, no Khaki! Pigilan mo ang sarili mo!

Nilingon siya ni Luka. Bakas ang pagtataka sa mukha nito pero sumagot pa rin ito. “Sa tingin ko, nahulog `yon malapit sa mga tanim kong rosas. `Yon kasi ang nasa ibaba.”

While looking at her sad eyes, his heart almost went out to her. “I’ll look for it.”

Bago pa rumehistro ang mga salitang iyon sa isip niya ay lumabas na `yon sa bibig niya.

What the hell, Khaki!

Gusto tuloy niyang sapakin ang sarili niya. Naiinis na tumayo siya at lumabas ng kuwarto ni Luka. Tutal naman ay nasabi na niya, gagawin na niya. Hahanapin na niya ang lintik na singsing sa kasagsagan ng malakas na ulan!

Dahil may isang salita ang mga lalaking maginoo.

Bumuga siya ng hangin nang pagbukas pa lang niya ng pinto ay nabasa na agad siya sa lakas ng ulan. Halos manginig na rin siya sa sobrang lamig. Pasugod na sana siya sa ulan nang may kung sinong humawak sa kanyang braso. Nalingunan niya si Luka, pagkatapos ay dumako ang tingin niya sa maliit at malambot nitong kamay na nakahawak sa braso niya.

Hindi niya alam kung bakit tila ang init na hatid ng palad ng dalaga ay dumiretso sa buong katawan niya. Bigla-bigla ay nawala ang lahat ng pagkaasar niya. Naikuyom niya ang kamay niya. Kung hindi niya gagawin `yon, baka bigla niyang mayakap si Luka. Sapakin pa siya nito.

“Halata namang napipilitan ka lang kaya ako na lang ang maghahanap ng singsing ko, I’m not even asking you to look for it,” sabi ni Luka sa malamig na tinig.

Napahiya siya. Totoo naman kasing hindi naman siya nito pinilit na hanapin ang singsing nito pero siya pa itong may ganang magpakita ng iritasyon. Ang totoo niyan, ang ikinaiinis niya ang kakayahan ni Luka na pasunurin siya nang wala naman ito ginagawa.

He slowly reached out to touch her face. Bahagya itong napapiksi pero hindi naman ito umiwas, o nagbanta man lang na uupakan siya. Masuyong hinaplos niya ang malamig nitong mga pisngi.

“I’m sorry for my behavior, Luka,” he said gently to her. “I’ll find the ring for you. Gagawin ko `yon dahil gusto ko at hindi dahil napipilitan ako.”

He smiled his killer smile. But instead of going gaga over him, she just gave him a blank look. Natawa na lang siya ng marahan. Hindi ito si Luka kung maaakit niya ito sa isang ngiti lang. Nang wala na siyang makuhang reaksyon mula rito ay sumugod na siya sa ulan at nagtungo sa hilera ng mga pulang rosas.

Basang-basa na agad siya at napuputikan na rin ang mga sapatos niya. Ang lagkit-lagkit ng pakiramdam niya. He hated being dirty but for Luka, kahit putik ang kinakapa niya para lang mahanap ang singsing nito ay wala na siyang pakialam.

Hindi niya alam kung gaano na siyang nakatagal nakayuko nang may malakas na puwersang nagtulak sa kanya para lingunin si Luka. Nakatayo pa rin ito malapit sa pinto. Blangko pa rin ang mukha nito subalit may napansin siyang pagbabago sa mga mata nito. Her eyes grew gentle.

No’n naging malinaw sa kanya kung bakit niya ginagawa `yon para kay Luka: he wanted to see her smile.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.