KHAKI groaned in pain. Masakit pa rin ang ulo niyang nauntog sa glass sliding door. Damn. Kasalanan iyon ni Luka.
Nang makita niya ito kanina sa rooftop, naganyak siyang lapitan ito. Nakaluhod ito sa sofa at may hawak na nakasinding luses na nagbibigay ng kakaibang liwanag sa maganda nitong mukha.
Her long, bright yellow wig framed her small, pretty face. And as the light from the firecracker she was holding flickered, she looked with sparkling eyes, at the firecracker she was holding as if it was the most beautiful thing in the world. She looked so serene yet sad at the same time. Parang hindi ito ang masungit na babaeng elyen na kilala niya.
Tila may kung anong naantig sa kanyang puso. Natagpuan na lang niya ang sariling tahimik na lumalapit dito. Then he had the urge to run his fingers through her hair. Pero nagulat na nga lang siya nang hagisan siya nito ng watusi.
Nang dumilat siya, nakita niyang may hawak uli itong luses na may sindi. Malayo ang tingin nito kaya hindi nito napansin na gising na siya. Hinintay niyang mamatay ang luses bago niya ipinamalay na gising na siya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “O, gising ka na pala. Takot ka ba sa mga paputok?”
“Hindi ako takot, ayoko lang sa mga iyon.” Napailing siya. “Pati pala ang mga trip mo sa buhay, weird.”
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Bakit nandito ka pa?”
Bumangon siya at umupo sa tabi nito. “Wala lang.” `Just hoping I’d see you smile again.
Pauwi na talaga siya kanina. Gusto lang sana niya itong makita bago siya umalis. He couldn’t forget her smile. It was a ghost of a smile—it was gone as soon as it appeared—but damn, it was still a smile. Aaminin niya, gusto niyang makitang parati itong nakangiti. Dahil bukod sa bagay rito ang ngumiti, gumagaan din ang kalooban niya kapag nakikita niya ang ngiti nito.
Now, where did that come from?
Ah, he needed a distraction. Her sweet scent wasn’t helping at all. Kumunot ang noo niya. There was something wrong with her scent now. Noon lang niya napansin ang bote ng alak sa coffee table. “Bakit umiinom ka?”
“Gusto mo `kong samahang uminom? Kumuha ka ng baso sa `baba,” tanong nito sa halip na sagutin siya.
“No, thanks. Ayokong uminom. Anyway, kung may problema ka, puwede mo namang i-share sa `kin.”
“Si L kasi, eh...”
“Si L? Sino `yon?”
“Wala ka nga palang alam sa anime.”
Sumandal siya sa headrest habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Kaunti lang ang mga bituin sa langit nang mga sandaling iyon. “Ano ba’ng meron sa anime boys na wala sa mga tunay na lalaki?”
“They don’t die.”
“What do you mean?”
“Ang mga anime boys, malalakas. Powerful. Hindi sila namamatay. O kahit mamatay man sila, parating may spell na puwedeng bumuhay uli sa kanila. O puwede ring gumamit sila ng time machine na magbibigay sa kanila ng chance na baguhin ang nakaraan. Saka puwedeng mapanood nang paulit-ulit ang episodes kung saan buhay sila.”
“That’s stupid. They don’t exist in the real world. Bakit hindi mo subukang makipagkilala sa mga totoong lalaki at malay mo? May makatagpo ka na hihigit pa sa mga anime mo.”
“It’s no use.”
“Hindi mo pa naman sinusubukan—”
“Nakilala ko na ang lalaking hihigit pa sa mga anime ko.”
Natigilan siya. So, para dito, wala nang makahihigit pa sa kung sino man ang lalaking iyon na tinutukoy nito. Hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon. Tuloy ay parang gusto niyang tunggain ang bote ng alak na naroon.
Tumikhim siya. “Kung nakilala mo na pala ang lalaking tatalo sa mga anime mo, bakit ikinukulong mo pa rin ang sarili mo sa two-D world?”
Ilang sandaling hindi ito kumibo bago nagsalita. “Because he’s gone.”
“The two of you broke up?”
“He died.”
Natigilan siya.
Tumayo ito at tumingala sa madilim na kalangitan. “Daniel was the best. Para sa akin, walang lalaking makapapantay sa kanya sa mundong ito. And since wala na siya, mas mabuting ikulong ko na lang ang sarili ko sa ibang dimensiyon.”
Tumayo na siya. Nagtatagis ang mga bagang niya kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamay. “You mean to say, huminto ang mundo mo dahil sa pagkamatay ng lalaking mahal mo?”
“He’s my world.”
“You’re using him as an excuse to make yourself miserable?”
Binalingan siya nito. Punong-puno ng hinanakit ang mga mata nito. “Ano’ng karapatan mo para sabihin sa `kin `yan? May limitasyon ang pagiging pakialamero, Khaki! Wala kang alam tungkol sa buhay ko kaya wala kang karapatan na husgahan ako. Bawiin mo ang sinabi mo!”
“Siguro nga wala akong alam sa buhay mo, pero alam ko kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal sa buhay. At lalong alam ko kung ano ang pakiramdam ng maiwan,” punong-puno ng pait na sabi niya.
Dahil sa mga nalaman niya tungkol sa nakaraan ni Luka, bumangon ang masasakit at mapapait na alaala ng kanyang sariling nakaraan kasabay ng pananariwa ng sugat sa kanyang puso.
“You’re being unfair, Luka. Hindi lang sa sarili mo, kundi maging sa mga taong nag-aalala para sa `yo. Lalo na sa mga magulang mo.”
Kitang-kita niya ang pagkislap ng matinding galit sa mga mata nito. “Ano naman ang alam mo –”
Hindi na niya hinayaang makatapos ito sa sinasabi. Niyakap niya ito nang mahigpit. Sa sobrang higpit ay hindi ito makawala sa kabila ng pagpupumiglas nito. Ang sabi ng Tita Marga niya, kung alam niyang makakasakit ang sasabihin niya sa isang tao, yakapin lang niya ito nang mahigpit para hindi ito makawala kapag nagwala ito.
“When my father and my older sister died, my mom shut herself in her own world. Hindi niya nakayanan ang pagkawala ni Daddy at ni Ate. Nakalimutan niyang may isang anak pa siya.” Nanakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. “Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Kailangan ko si Mommy pero hinayaan niya ang sarili niyang malunod sa sarili niyang kalungkutan. I was really angry at her that time. She was so selfish. Hindi ba ako sapat na rason para gustuhin niyang magpatuloy sa buhay? Akala ko, isang araw, magigising din siya at mare-realize niya na narito pa ako. But one year later, she died because of depression.
“You know what? You’re doing the exact thing my mom did. Oo, nasaktan ka sa pagkawala ng lalaking mahal mo, pero huwag mong lunurin ang sarili mo sa kalungkutan. Nasasaktan mo na ang mga taong nagmamahal sa `yo. You’re still alive, pero parang unti-unti ka na ring nawawala sa kanila. Alam ko ang pakiramdam dahil iyon ang naramdaman ko habang pinapanood ko si Mommy na unti-unting pinapatay ng kalungkutan.
“Pasensiya ka na sa pakikialam ko. I just can’t stand by and watch you do the same thing my mom did nang hindi man lang kita natutulungan. And I don’t want anyone to experience the same pain I went through.”
Hindi sumagot si Luka. But he felt her relax in his embrace. Mayamaya lang, naramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat nito. He held her tighter. She was crying.
So was he.
KASALUKUYANG nasa kanyang studio si Luka. Tanging ang scented candle lang sa ibabaw ng worktable niya ang nagbibigay-liwanag sa silid. Napundi kasi ang ilaw roon. Nakahalukipkip siya habang nakatitig sa canvas na may mukha ni Daniel. Pero wala rito ang kanyang isip. Her mind was occupied by Khaki.
Aaminin niyang dala ng kalasingan kaya naikuwento niya kay Khaki ang tungkol sa kanyang nakaraan na may kinalaman kay Daniel. O marahil masyado siyang komportable sa presensiya nito kaya hindi niya napigilang magkuwento rito. She seemed to let her guard down whenever she was around him.
Hindi niya inaasahan ang outburst nito. Kahit lasing siya nang nagdaang gabi, tandang-tanda pa rin niya ang bawat salitang sinabi nito. Masakit mang aminin, tinamaan siya sa mga sinabi nito. Bawat salita nito ay bumaon sa kanyang puso.
Am I being selfish?
Yes you are, sagot ng isang bahagi ng isip niya.
“Oo, nasaktan ka sa pagkawala ng lalaking mahal mo, pero huwag mong lunurin ang sarili mo sa kalungkutan. Nasasaktan mo na ang mga taong nagmamahal sa `yo. You’re still alive, pero parang unti-unti ka na ring nawawala sa kanila.”
She sighed. Yes. I’m being selfish.
Tumingin siya sa isa sa mga portrait ni Daniel. “Daniel, ano’ng gagawin ko?”
Hindi niya alam kung bakit ngayon lang niya na-realize ang mga bagay na iyon gayong hindi naman si Khaki ang unang taong kumumbinsi sa kanya na ipagpatuloy niya ang buhay niya kahit wala na si Daniel. But somehow, he managed to knock some sense into her head.
When he held her in his arms, biglang kumalma ang buong sistema niya. Sa lahat ng mga taong sumubok na iumpog siya sa pader para magising siya, ito lang ang nagtagumpay. Ah, she remembered. It was his tears that cleared her head. Nang makita niya ang pagpatak ng mga luha nito, nawalan siya ng lakas para lumaban.
Nakita niya bigla ang sarili niya rito—miserable at punong-puno ng kalungkutan ang mga mata. At dahil din sa mga luhang iyon kung bakit naramdaman niya ang bawat salitang sinabi nito.
“Daniel, am I supposed to let go of you and our memories now?” She fought back her tears. Huminga siya nang malalim at saka nag-dial ng numero sa kanyang cell phone. “Mommy? Nasa bahay ba kayo ngayon? Ahm, I’ll be coming over.”
She gave Daniel’s portrait one last longing look before she left the room.
Paglabas niya ng studio ay nagulat pa siya nang makita si Khaki na akmang kakatok sa pinto. Napaatras ito nang makita siyang lumabas. Siya naman ay naramdaman ang paglukso ng kanyang puso nang makita ito. Akmang bubuka pa lang ang bibig nang lagpasan na niya ito.
“Luka.”
Nagpatuloy lang siya sa mabilis na paglalakad.
“Luka phone home! Luka phone home! `Uy, galit ka pa ba?”
Hindi ako galit sa `yo. Sa totoo lang, malaki nga ang naitulong sa `kin ng mga sinabi mo. Hindi ko alam kung ano’ng meron sa `yo, pero mukhang ikaw lang ang nagtagumpay na tibagin ang pader na iniharang ko sa pagitan ko at ng mga tao sa paligid ko.
“I know I was wrong, okay? Naging pakialamero ako. Pero lahat ng sinabi ko sa `yo kagabi ay totoo. Gusto talaga kitang tulungan. Kaya sana pag-isipan mo ang mga iyon.” Huminto ito saglit sa pagsasalita. “Luka, will you look at me kahit sandali lang?” pakiusap nito nang hindi siya kumibo.
Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya para huminto siya sa paglalakad at harapin ito sa kabila ng determinasyon niya na huwag pansinin ito.
Nakapamaywang ito habang nakatingin sa kanya. Lumapad ang ngiti nito nang magtagpo ang mga mata nila. She didn’t know why but she felt suddenly at ease when she saw his handsome face and bright smile.
Mayamaya ay sumeryoso ito. “I’m sorry, Luka. Sana ay patawarin mo na `ko.”
Nang hindi pa rin siya kumibo ay tumalikod ito habang nakapamaywang. Umikot-ikot ang balakang nito. It took a moment before she realized what he was doing—he was telling something using his butt! Kahit nakakatawa ang paggalaw ng puwit nito habang tila may binubuong mga letra, nabasa pa rin niya ang nais nitong sabihin.
Sorry.
Hindi na niya napigilan ang pagtawa. Nasapo pa niya ang tiyan niya sa sobrang pagtawa. That was the most hilarious way of offering an apology! Hindi niya akalain na pagkatapos mamatay ni Daniel ay magagawa pa niyang tumawa uli nang ganoon.
Nang mahimasmasan ay saka lang niya napansing nakaharap at nakatitig na pala si Khaki sa kanya. Kakaiba rin ang kislap sa mga mata nito. Ngiting-ngiti rin ito habang pinagmamasdan siya. It was as if he was really happy and pleased to hear her laugh. And as she stared back into his light-brown eyes, suddenly, her heart began thumping hard against her chest.
She froze. What did the fast beating of her heart mean?
Nawala lang `yon sa isip niya nang may kung ano na namang hulihin si Khaki sa tapat ng mukha niya, pagkatapos ay ipinatong nito ang nakakuyom na kamay nito sa dibdib nito, sa bandang puso.
Kumunot ang noo niya. “Ano ba `yang hinuhuli mo?”
Nakangiting umiling ito. “Secret ko na `yon. Bakit? Interesado ka na ba sa’kin?”
Tinalikuran niya ito. Pero hindi gaya kanina, binagalan niya ang lakad niya ngayon para masundan siya nito.
“Pinapatawad mo na ba ko, Luka?” malambing na tanong ni Khaki nang umagapay ito ng lakad sa kanya.
She felt at ease when he was finally walking next to her. “Pag-iisipan ko pa.”
Pabirong binunggo siya nito. “Patawarin mo na ko. Hindi ka pa ba naantig sa ginawa ko kanina? Mas preferred mo ba kung naka-boxers lang ako no’ng ginawa ko `yon?”
Hinampas niya ito sa braso na ikinasinghap nito. “Ang kapal talaga ng mukha mo…” Kinagat niya ang ibabang labi niya upang mapigilan ang muli niyang pagtawa. Nakakatawa naman kasi talaga ang ideyang `yon.
“Ayiieee. Gusto naman niya,” tukso nito sa kanya.
“Ewan ko sa’yo.” Nagpatiuna na siya sa paglalakad. Nang maramdaman niyang hindi nakasunod sa kanya si Khaki ay nilingon niya ito.
Nakita niyang nakangiti si Khaki habang nakatingala sa kalangitan. He was squinting, probably to protect his eyes from the direct sunlight. Mag-a-alas otso na ng umaga no’n. Habang pinagmamasdan niya `to ay tila nagliwanag ito. He was very handsome. Kaya kahit magyabang ito ay bagay naman dahil may ipagyayabang talaga ito. Pero ni minsan ay hindi pa siya totoong nainis sa pagiging arogante nito. Malambing at masigla kasi ang boses nito kaya ang pagyayabang nito ay halata namang biro lang. His heart was probably as kind as his smile.
Unti-unting lumingon sa kanya si Khaki. Nginitian siya nito. “Yes, Luka?”
Something hit her chest hard again because of his bright smile. Hindi na niya napigilan ang paglabas ng mga sumunsunod na salita mula sa bibig niya. “Gusto mong sumama sa bahay ng mga magulang ko, Khaki?”
“KHAKI, bilisan mo naman!”
“Oo na, oo na,” sagot ni Khaki kay Luka habang inaayos niya ang dark gray Amerikana na suot niya. Sa ilalim niyon ay gray na polo.
Kasalukuyan siyang nasa isang men’s botique. He was inside the fitting room to be exact. Pinilit niya si Luka na dumaan muna sila mall bago sila tumuloy sa bahay ng mga magulang nito. Hindi siya papayag na humarap sa ama’t ina ng dalaga nang hindi nakaayos. He wanted to look excellent in front of her parents.
Humalukipkip siya habang hinihimas-himas ang kanyang baba. “Ang guwapo mo talaga, Khaki.”
“Khaki!”
“And’yan na po!”
He went out confidently. Nakita niyang napatitig sa kanya ang mga saleslady ng boutique. Admiration was visible in their eyes. He was flattered, but Luka’s reaction was definitely his favorite. Hindi man ngumiti, nakita naman niya ang pagkislap ng mga mata ng dalaga.
Napangiti siya. “How do I look?”
“You’re overdressed!”
Tiningnan niya ito mula sa kulay violet wavy wig nito hanggang sa Gothic Lolita dress na suot nito. “Look who’s talking.”
She just rolled her eyes. Pero hindi rin nito napigilang mapangiti.
He was once again mesmerized by her beautiful smile. “Hinuli” niya ang ngiti nito, pagkatapos ay pinatong niya ang nakakuyom niyang kamay sa dibdib niya, sa tapat ng kanyang puso. Oo, ang ngiti nito ang parati niyang “hinuhuli” at tinatago sa kanyang puso. Dahil ang ngiti nito ay parang baterya – binubuhay niyon ang kanyang puso.
“Ano ba talaga `yang hinuhuli mo, Khaki?” iritadong tanong ni Luka.
Katulad ng madalas niyang isagot dito, nakangiting umiling lang siya. “Let’s go. Ayokong ma-late at baka ma-bad shot pa ko sa mga magulang mo.”
Umiling lang ito at nauna nang maglakad. Pero bago pa ito makalayo ay hinawakan niya ang kamay nito. Napapiksi ito, subalit hindi naman siya pinagbantaan. Nanatili lang din itong nakatingin sa kanya na tila ba tinatanong kung anong ginagawa niya.
Naalala niya ang buhay na buhay na pagtawa nito kanina. Nang marinig niya `yon, tumingala siya sa kalangitan para magpasalamat sa Kanya dahil ipinakita Nito sa kanya ang isa sa pinakamagandang bagay sa mundo – ang masayang mukha ni Luka.
He smiled and squeezed her hand. “Masaya lang ako na ikaw ang gumagawa ng unang hakbang para mapalapit uli sa mga magulang mo. Sigurado akong masaya rin sila ngayon.”
Binigyan siya nito ng tipid na ngiti. She squeezed back his hand. “I should have done this a long time ago. Nagbago ang pananaw ko dahil ginising mo ko mula sa katangahan ko.”
Nadismaya at nalungkot siya nang bawiin nito ang kamay nito mula sa kanya. Pero agad ding nawala ang mga iyon nang lumapit sa kanya si Luka. No’ng una ay nag-aalangan pa ito, pero ilang saglit lang ay ipinalupot din nito ang mga braso nito sa kanyang baywang.
The warmth of her body and her sweet scent almost brought a halt to his system. Her slender arms not only seemed to wrap around his waist – it felt like she was also hugging his heart tight for he couldn’t breathe. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso niya!
“Thank you, Khaki,” malambing na bulong ni Luka.
And that was when he finally gave in – he was in love with this elyen girl.