No Prince Charming (Filipino) Chapter 30

Diskumpiyadong tinitigan ni Jameson si Nadia. Daig pa yata niya ang sinapian ang alien sa paningin nito. “What’s this? Ipinagtatabuyan mo akong makipag-date sa ibang babae? Ikaw nga itong ayaw akong basta pakawalan. Is this some sort of a test?”

“No. Naisip ko lang na dapat makapag-relax ka din. Hindi na ka nakipag-date mula nang dumating ka dito sa Pilipinas. Nasa Iloilo naman tayo. This place is romantic. May free time ka naman. Why not make use of it?”

Ibinagsak nito ang sarili sa sofa. “Ikaw itong ayaw makipag-date ako.”

“Malaki na ang progress mo, Jameson. May personal life ka rin naman. Please. Lumabas ka na. Tatawagan ko na si Chloie?”

“Don’t!” Bigla nitong inagaw ang phone sa kanya. “Hindi ka ba nakikinig? Sabi ko hindi ko gustong makipag-date kay Chloie.”

“Fine. Kung ayaw mo siyang ka-date, there’s Tinder. You can find someone online,” nakangisi niyang sabi.

Umiling ito. “No!”

“Hindi ito test. I am giving you freedom to have a social life. I was so unfeeling. Wala akong ibang inisip kundi trabaho. Nakalimutan ko na may buhay ka rin pala. Gusto ko na bumalik ka sa dati na nag-e-enjoy sa buhay.”

“Are you serious? Gusto mo ang Jameson na hindi seryoso sa buhay? Iyong walang alam kundi mag-relax at maglibang?”

“You know your priorities now. I like that Jameson who is having a hard time but still manages to smile. Na nagagawa mo pa ring joke ang lahat ng hirap na nae-experience mo. Hindi mo siguro alam pero napapasaya mo pati tao sa paligid mo.”

Humakbang ito palapit sa kanya. Di siya hinihiwalayan ng tingin nito. “At kasama ka ba sa mga napapasaya ko?”

Unti-unting kumakalat ang init sa katawan niya dahil sa titig nito. “Alam mo iyon. So you should go back to doing the things you enjoy. Date and have fun.”

“Do you know what I enjoy? I love spending time with you.” Lumakad si Jameson palapit sa kanya. He was like a panther who was stalking a deer for lunch. “I love being near you.” Umurong si Nadia hanggang napasandal siya sa dingding sa likuran niya. Itinukod ni Jameson ang kamay sa gilid ng ulo niya at inilapit ang mukha sa kanya. Wala na siyang katakas-takas dito. “So this is fine with you?”

Fine? Hindi na nga makahinga si Nadia dahil sa sobrang lapit nito sa kanya. As if she was breathing his very own soul. Bakit ba ayaw nitong makipag-date sa ibang babae? Okay lang naman sa kanya.

But I prefer this closeness. Mas gusto ko na ako ang kasama niya kaysa ibang babae. Friendzone pa rin sila pero pwede namang maging friends kahit ganito kalapit at kahit parang tunawin na niya ang kaluluwa ko sa titig niya.

Lumunok si Nadia at direkta itong tiningnan sa mata. “O-Okay lang sa akin.”

Ngumiti ang mata nito at idinikit ang noo sa kanya. “Even if I kiss you?”

Binasa niya ang labi at napalunok. This was the old Jameson who loved to tease her. And he was tempting. So tempting. Would she risk having him the old Jameson back for a kiss?

“You won’t enjoy kissing me,” nausal lang niya. “I... I am boring as hell.”

Hinaplos ng hinlalaki nito ang gilid ng labi niya. “I kissed you before and I enjoyed it. I’d rather kiss you for a while, take whatever you can give me than date other girls. So, will you let me kiss you?”

My heart. She thought she heard it drop on the floor. Kiss. She had been dreaming about kissing him several times before. Kung hahalikan siya nito, mapapatunayan niya sa sarili na balewala lang ang nararamdaman niya dito. She won’t feel anything. Kaya ko ito.

“Yes,” usal ni Nadia.

Pigil niya ang hininga habang lumipas ang sandali at hinihintay ang pagdampi ng labi nito. She could feel his warm breath caressing her lips. The scent of coffee and mint on his breath is an additional aphrodisiac.

Naramdaman niyang dumapo ang labi nito sa noo niya. “Kain tayong La Paz batchoy at biscocho.”

“Bakit nauwi sa lomi at biscocho?” Bakit halik lang sa noo? Nasaan na ‘yung torrid? SPG level ang inaasahan niya pero nauwi sila sa Rated-G.

“Dahil sabi mo sa akin kailangan kong halikan ang babaeng mahal ko and she must love back. So, I will settle for biscocho and La Paz batchoy instead.”

“Ibig sabihin ikino-consider mo nang ma-in love? No more fuckboi image?”

Naningkit ang mga mata nito. “Fuckboi? Ano pa ba ang kailangan kong patunayan?”

“Nothing. I am not judging you or anything.” Hinaplos niya ang balikat nito. “So you don’t like the blonde.”

Hinaplos nito ang buhok niya. “I prefer this brunette girl. Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako sineseryoso.”

“Ako ang gagawa ng paraan para mai-date mo siya. Sino ba siya?”

Parang piniga ang puso niya. Mas nagseselos pa siya sa kung sinumang brunette na iyon kaysa sa blondita na kasama ni Jameson kanina. Pero tama lang na burahin na niya ang anumang nararamdaman niya sa binata. She didn’t have time for love. Especially for unrequited love. Ikakahon na lang niya ang puso niya para safe.

Hinawakan nito ang kamay niya. “Basta. Kumain na lang tayo.” Kung sinuman ang babaeng iyon, maswerte ito kay Jameson.

“HINDI mo binarat ang sinamay ng Liga ng Kababaihan. Others would have done it to gain more profit,” komento ni Nadia nang palabas sila ng restaurant kung saan nakausap nila ang kooperatiba ng mga kababaihan na nagbebenta ng sinamay na tela. Dahil lalawakan na nila ang sakop ng furniture company, tumutuklas pa sila ng ibang materyales para sa kurtina, bedsheets at table runner na maliliit na mga magsasaka at maybahay ang makikinabang.

“This is your project. Ginawa mo ito para makatulong sa mga maybahay. Patas lang ang presyo na ibibigay natin sa kanila. After all, magaganda ang quality ng mga produkto nila. It will carry the Deogracias name. Kikita pa rin tayo.”

She felt proud hearing those words from him. Kapag ito na ang humawak sa Deogracias Furniture, lalo pang gaganda ang pamamalakad ng kompanya.

“This is the same reason why I submitted that proposal. Nakita ko na nagsisikap kang magpasaya sa mga tao sa sarili mong paraan.”

Ngumisi ang lalaki at hinaplos ang baba niya. “Sinasabi mo ba na boyfriend material ako? Nagbabago na ang isip mo tungkol sa akin?”

Tinampal niya ang kamay nito. “Tse! Tumigil ka diyan.” Huwag kang pa-fall. Kasasabi mo lang kahapon na may iba ka nang gustong babae tapos tutuksuhin mo pa ako. “Saan mo gustong mag-dinner?”

Iyon na ang huling gabi ni sa Iloilo. Gusto niyang I-suggest na sa isang restaurant sa tabing-dagat sila kumain at magpakasawa sa seafood.

“Mauna ka na sa hotel. May importante pa akong aasikasuhin.”

Pinagmasdan niya itong mabuti. He had that serious look on his face. Hindi naman siguro iyon date. Ibig sabihin ay may kinalaman sa trabaho.

“Kung importante iyan, sasamahan na kita.” Kung tungkol iyon sa trabaho, dapat lang na subaybayan niya ito. “Saka ni hindi ka pa nga nagdi-dinner.”

Pinisil nito ang balikat niya. “Errrr... A friend from London is coming. Baka mailang ka lang kasi lakad ng mga boys iyon.”

“I see,” usal niya at yumuko. “Okay lang. Imi-meet ko naman ang kaibigan ko na nagtatrabaho sa restaurant dito sa Iloilo. Doon sana tayo pupunta pero may lakad ka pala.”

Pinisil nito ang balikat niya. “Babawi na lang ako.” Tinapik nito ang balikat ng driver. “Sir, huwag po ninyong iwan si Nadia hanggang di nakakabalik sa hotel.”

Sumaludo ang driver. “Areglado, Sir.”

Nagkukukot ang kalooban ni Nadia nang bumaba si Jameson ng kotse. Saan kaya pupunta ang lalaki? Kapag sinasabing lakad ng boys, baka kung saan-saang bar ito pupunta. Di kaya kasama nito ang babaeng gusto nito?

Nagdalawang-isip siya kung susundan ito o hindi. Sa huli ay nanalo ang pride niya. Nagpahatid siya sa restaurant para i-meet ang kaibigang si Iris. High school graduation pa sila huling nagkita dahil umuwi ang pamilya nito sa Iloilo at sa probinsiya na nakapagtapos ng college at nag-asawa.

Tinapik nito ang kamay niya. “Girl, tulala ka diyan. Sino bang iniisip mo?”

“Naranasan mo na ba ‘yung gusto mo ang isang tao pero may iba naman siyang gusto. Ayaw mong ma-in love sa kanya kasi may iba naman siyang gusto at ayaw mong masira ang friendship ninyo.”

“Pero nagseselos ka pa rin kahit ayaw mong maramdaman?” tanong nito.

Marahan siyang tumango. “Well, parang ganoon na nga. I don’t know how to stop feeling. Sweet siya sa akin tapos sa huli friendzone ang bagsak. Pa-fall.”

“Girl, ikaw ang tipo na minsan lang ma-in love. Ipaglaban mo man iyan o hindi, sabihin mo man sa kanya o hindi, masasaktan ka rin. Palaban ka. Marunong kang sumugal. Bakit hindi mo subukan sa pag-ibig? Malay mo manalo ka.”

“Ayokong maging tulad ni Mama. Parang tanga na naghihintay sa lalaking di siya mahal. Nakita ko kung paano siya nasaktan.”

“May bunga naman ang katangahan niya. May maganda at matalino siyang anak. Pero minsan pag puro utak ang ginamit mo, nakakalimutan mo naman pasayahin ang puso mo. It is okay to fall in love and be stupid once a while. Hindi ko makukuha si Ali kung di ako naging matapang. Ang mga lumalaban, sila ang nagiging masaya. Take a chance.”

Napapaisip si Nadia sa sinabi ni Iris. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Jameson na gusto niya ito. Baka di siya seryosohin nito. Komplikado talaga ang buhay. Di lang pagkakaibigan nila ni Jameson ang maaapektuhan kundi pati trabaho nila.

Sumakit ang sentido niya nang bumusina ang mga sasakyan. Traffic! Gusto na niyang makabalik sa hotel para makapag-isip mabuti. Ayaw ng isip niya sumugal siya pero excited ang puso niya. At para sa isang taong sanay na gamitin ang isip niya, gusto nang magwala ang puso niya.

Dahil walang ibang dadaanan, itinuon na lang niya ang pansin sa labas. Napansin niya ang mga babae na nakaparada sa tabi ng daan. Maiikli ang damit ng mga ito. Ang iba nga ay halos menor de edad pa. Nilalapitan ang mga ito ng lalaki. Halatang nakikipagbolahan… o nakikipag-bargain. Para saan? May tinitinda ba ang mga ito? Parang wala naman.

“Manong, ano po ang ginagawa ng mga batang iyan dito? Gabi na, ah!” tanong ni Nadia sa driver.

“Ma’am, huwag na lang po ninyong pansinin.”

“Bakit naman po?”

Napakamot ng ulo ang driver. “Kasi po... Ano... Naghahanap sila ng customer para makasama nila ngayong gabi.”

“Customer po saan?” tanong niya.

“Nagbebenta sila ng sarili nila, Ma’am,” nahihiyang sagot ng driver.

Muli niyang pinagmasdan ang mga babae. Naka-simpleng pantalon at T-shirt lang ang mga ito. Parang normal na teenager na nakatambay lang sa gitna ng kalye. Nasa eighteen pababa pa lang ang mga ito. Parang isang malaking kamay ang humugot sa puso niya. Nasa bahay dapat ang mga ito at nag-aaral ng leksiyon.

Ano ba ang magagawa ko para sa kanila? Inilabas niya ang cellphone at nag-research sa mga non-governmental organization na pwedeng makatulong sa mga ito. Hindi siya matatahimik hangga’t di natitiyak na nasa maiaalis sa kalsada ang mga bata.

Sa mabagal na pag-usad ng sasakyan, napansin niya ang isa pang kulumpunan ng mga babae. Nasa gitna ng mga ito ang isang matangkad na lalaki. Pumasok agad sa isip niya si Jameson. Parang pareho ng tindig ang mga ito pati ang buhok. Ibinalik ulit niya ang tingin sa lalaki. Pareho din kapag nakatalikod.

Kinabahan si Nadia. Pareho din ng suot na damit. Pero imposible! Ano naman ang gagawin ni Jameson sa lugar na iyon?

Lumingon ang lalaki sa babae sa likuran nito at humalakhak. Si Jameson nga!

Humaplos ang kamay ng isang batang babae sa balikat nito. Ang isa naman ay idinikit ang katawan dito. How dare him! Gusto niyang sabihin dito na mahal niya ito. Na baka sakaling may pag-asa sila. Akala niya ay in love ito sa isang babae. Sa huli ay ganito ang gusto nitong mga babae?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.