No Prince Charming (Filipino) Chapter 29

Nakatulala si Nadia habang hawak ang pisnging hinalikan nito. “You’re welcome.”

He kissed me. Inosenteng halik. Sa pisngi. Pero bakit parang lumulutang ako habang may mga kiti-kiti sa dibdib ko?

Hindi alam ni Nadia kung gaano siya katagal na ganoon ang itsura niya hanggang lumapit ang mga taga-Accounting Department na sina Meril at Miggy.

“Grabe! Nakakainggit naman ang power couple natin. Sweet na sweet talaga,” nanunuksong sabi ni Miggy.

“Grabe! Sa pisngi lang ako hinalikan. Nag-thank you siya sa akin dahil... May ginawa lang akong pabor,” paliwanag ni Nadia at dinampot ang tasa ng kape.

Tumaas ang kilay ni Meril. “Di pa rin ba kayo hanggang ngayon?”

Nagkibit-balikat ang dalaga. “Friends. Ganoon lang.”

Umikot na parang ferris wheel ang mga mata ni Meril. “Maniwala naman ako. Lagi ko kayong nakikita na nagtitinginan ni Sir Jameson nang palihim. Tapos biglang mag-iiwasan kayo ng tingin. Akala mo di ko nakikita.”

Napanganga si Nadia. “Hindi ko napapansin.”

Naalala niya na natatagpuan niya ang sarili na nakatulala kay Jameson minsan. Hindi naman sinasadya iyon. Di rin niya binibinigyan ng masamang kahulugan kahit lutang siya. At kung nakatitig man sa kanya ang lalaki minsan, sanay na siya doon. He just wanted to tease her most of the time.

Tinampal ni Miggy ang balikat niya. “Echusera ka! Blooming na blooming ka nga. Para kang bumbilya ng Christmas light kapag nasa paligid na si Sir Jameson. Tapos ngingiti ka na lang. Di ka naman ganoon dati. Nabibili kaya nang five thousand per second ang ngiti mo.”

“Di naman masyado,” usal ng dalaga.

Aminado siyang madalas siyang pormal dahil ayaw niya na isipin ng mga kasamahan na pwede silang magbiruan kapag oras ng trabaho o makialam sa personal niyang buhay.

“Saka nag-blush ka nang hinalikan ka niya sa pisngi,” namimilipit sa kilig na sabi ni Meril at yumakap pa sa braso ni Miggy.

Alumpihit sa upuan si Nadia. Nakita pala ng mga ito pati pala ang atomic kiss ni Jameson sa pisngi niya. “Ha? Hindi kaya. Blusher ko lang iyon. Nasobrahan siguro. Magre-retouch lang ako.”

Dali-dali siyang nagpunta sa restroom at nagkulong sa isang cubicle. Sinapo niya ang dibdib. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Ang lakas ng kaba ng dibdib niya. Kinikilig pa rin siya kapag naiisip ang halik nito. No. Platonic lang iyon. Kiss between friends. Thank you kiss. Nothing romantic.

Pero pwede bang platonic kapag kinikilig lang? Paano ipapaliwanag ang pagiging blooming niya o kaya ay ang madalas niyang pagngiti? Paano naman ang pasimple niyang pagtitig dito? Shocks! Di niya napapansin. Ibang tao pa ang nakakapansin.

Paano kung in love ako sa kanya?

Umuiling siya. No!

Hindi siya pwedeng ma-in love kay Jameson. He was a nice man. Pero di niya alam kung paano ito pagdating sa relasyon. He was obviously not the serious type. Hindi pwede.

This is not love. This is just temporary insanity. Siguro kung anu-ano lang ang naiisip ko dahil wala siyang idine-date na babae. Kasalanan ko rin naman. Oras na marahil para ibalik ko kay Jameson ang kalayaan niya na makipag-date. Tama. Baka sakaling maglaho na rin ang anumang kahibangan ko sa kanya.

MATALIM ang tingin ni Nadia sa blonde na Swedish na kasama nila sa meeting sa Iloilo. Kapatid ito ng may-ari ng resort kung saan sila nanunuluyan ng binata at nakalingkis na dito pagdating pa lang nila.

“I really can’t believe it. I am with the famous Jameson Deogracias. You are like a daredevil. One the most adventurous travel blogger. I am a huge fan.”

Gustong itirik ni Nadia ang mga mata sa inis. Pero pinigilan niya ang sarili. Parang nagseselos kasi siya. At hindi siya nagseselos dahil ang ibig sabihin ay in love siya. Hindi siya in love kay Jameson. Kung gusto nitong lingkisin ng blonde na iyon wala siyang pakialam. Wala siyang pakialam kahit gusto na niyang sabunutan ang blondita at kaladkarin palayo kay Jameson. Naiinis lang siya dahil may mga idi-discuss pa siya dito. Tama. Oras pa ng trabaho nila. Tiningnan niya ang wristwatch. Drat! Five-thirty na pala. Lagpas na sila sa oras ng trabaho. Wala na siyang panghahawakan na kahit ano dito.

“It’s almost dinnertime. Maiwan na kita dito?” tanong ni Nadia sa pormal na boses.

“We have to go,” sabi ni Jameson at tumayo. Inalok ni Jameson ang kamay sa mga kasama nila sa mesa. Ibinigay ni Nadia ang calling card ng binata sa mga nandoon. “Just send me a message if you have inquiries or tour on our showroom, Mr. Vanderwaal.”

Ang blonditang si Chloie pa ang unang kumuha ng calling card. “I will send you a message right away, Jameson. How about a dinner date tonight? Just the two us?” At kinagat pa ng babae ang pang-ibabang labi saka kumindat kay Jameson.

Kating-kati na si Nadia na sabunutan ang babae pero ipinaalala niya sa sarili na friends lang sila ni Jameson. Hindi siya nagseselos. Maging professional siya dapat.

“Your number please so I can send you a message if he is available,” prisinta ni Nadia at inabot ang cellphone niya dito.

“Oh my gosh! Thank you very much,” sabi ni Chloie at dali-daling in-encode ang number sa cellphone niya. Niyakap pa siya nito. “You are such a dear. Thank you.”

Halos mapunit ang pisngi niya sa pagngiti. Masakit sa panga. Be professional. Hindi ka nagseselos. Wala kang pakialam kahit makipag-date si Jameson sa kanya.

“Bakit kinuha mo ang number niya?” tanong ng binata nang pabalik na sila sa kanya-kanyang kuwarto.

“Para kapag gusto mong makipag-date, her number is available.” Binuksan niya ang schedule nito sa smartphone niya at sinundan ito hanggang pumasok ito sa kuwarto nito. “Wala kang schedule ngayong gabi. Bukas na ulit ng alas nuwebe ang meeting natin. Gusto mo bang i-schedule natin ang date ninyo?”

Kinalas nito ang necktie. “No. Tayong dalawa ang magdi-dinner.”

“Hindi. Okay na ako sa kuwarto ko. Gusto kong magpahinga.”

“Then I am staying. Sa dami ng kailangan kong pag-aralan, wala na akong oras para makipag-date. Dad wants me to study this new boutique hotel project. We need an alternative design. Masyadong mahal ang materials na gusto ng interior designer pero di naman pwede sa budget. Mas importante iyon kaysa sa date.”

“May free time ka naman kung gusto mong makipag-date. I will even clear your schedule for tomorrow night if you want. Sabihin mo sa akin kung sino ang gusto mo ng maka-date. Ako mismo ang magse-set para sa iyo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.