"Mama next sunday sa mall naman tayo pumunta po, puwede po ba? tanong sa akin ni Flint kakarating lang namin galing sa park.
Every Sunday araw namin mag-ina binubuhos ko lahat ng oras sa anak ko. Sabado at linggo lang kami nagkakasama. During weekdays nag-uusap lang kami sa cellphone bago ako matulog.
"Oo anak sa mall naman tayo, basta magpakabait huwag mo bigyan ng sakit ng ulo sila Lola At Papa okey baby? malambing ko wika sa kanya.
"Opo Mama, good boy naman po at matataas grade ko sa school po."nakangiting sagot nito sa akin, kung puwede lang lagi kami magkasama lagi pero hindi pa ngayon. Mahirap bilang isang ina na hindi nakakasama araw-araw ang anak, na sana ako 'yung nag-aalaga sa kanya gaya ng ibang ina pero sa sitwasyon naming mag-ina kailangan magsakripisyo muna.
Minsan may gabi na umiiyak ako dahil sa pagkamiss sa anak ko. Naisip ko rin kung sana siguro kilala ko ama niya baka sakaling hindi ganito buhay namin at lalu hindi kami magkakahiwalay pero wala na ako magagawa ganun talaga siguro kapalaran ko, kapalaran namin mag-ina na kami magkakasama na walang ama.
Pinangako sa sarili ko na sa anak na lang ako magfofocus hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko tama na ang anak ko sa buhay ko. Inisip ko rin na wala na rin sa akin papatol sa tulad ko dalagang ina.
Masakit man pero yun ang katotohonan...
"Pangako sa Mall tayo anak sa sunod na linggo, paanu 'yan aalis na si Mama, tatawag na lang ako mamaya at lagi mo insipin na mahal na mahal ka ni Mama." wika ko sa kanya.
"Mahal na mahal din kita Mama , ingat ka lagi sa work mo Mama pangako gagalingan at mag-aaral lagi ako mabuti para kapag nakatapos na ako ikaw naman pagsisilbihan ko at hindi ka na magtatrabaho po, pangako po 'yan Mama." saad nito sabay yakap sa akin.
Maluha-luha ako napatingin kila Lola at Kuya Damian. Sinenyasan ko si kuya Damian na kunin niya si Flint. Ganito lagi kami ng anak ko, kapag babalik na ako sa mansyon, lumapit naman agad si Kuya at kinuha si Flint at kinarga.
"Aalis na po kami La, ingat kayo dito tawagan niyo po kami kung may kailangan kayo." saad ni Yana.
"Oo apo, ingat din kayo." saad ni Lola
" 'Yung gamot niyo po La inumin mo at ikaw din kuya Damian 'yung gamot mo rin." pagpapaalala ko sa dalawa.
"Yes Ma'am, ingat kayo duon lagi, tawag kayo kung may problema." pagbibiro ni Kuya Damian.
"Opo Kuya Damian, sige na alis na kami bye baby Flint." paalam ko sabay halik sa anak ko at ganun din si Yana.
Naghihintay na rin ang tricycle na sasakyan namin pabalik sa mansyon. Gabi na rin kami dumating sa mansyon pagpasok namin agad na bumungad sa amin si Lola.
" La gising pa ho kayo? tanong ko.
"Hinihinntay ko kayo mga apo." sagot nito.
"Bakit po La may problema po ba? tanong ni Yana.
"Pinapasabi ni Sir kapag dumating na kayo, pumunta daw kayo sa library hinihintay kayong dalawa."
"Bakit daw po La?" nakakunot ko tanong at hindi ko maiwasan kabahan at unang pumasok sa isip ko baka tanggalin kami.
"Wala sabi kung anu dahilan, sige na pumunta na kayo sa library kanina pa 'yun duon naghihintay sa inyo at hintayin ko kayo sa kwarto balitaan niyo ako." saad ni Lola.
"Baka naman La tanggalin kami sa trabaho namin." saad ni Yana na nasa boses nito pag-aalala.
"Hindi naman siguro mga apo, sige na puntahan niyo na para malaman para hindi na kayo mag-isip kung anu-anu.."
"Opo La, sige po." saad ko sabay tungo namin sa library.
Magkahawak kami ni Yana ng kamay na pareho kinakabahan.
" 'Wag naman sana." usal ko sa isip ko
Bago kumatok pareho kami napabuntong-hininga ng malalim. Sabay pa kami kumatok sa pinto ng dalawa beses bago namin pinihit ang seradura ng pinto.
"Sir. . ." tawag namin ng mabuksan namin ang pinto hindi muna kami pumasok.
"Come in." saad nito at tuluyan na kami pumasok.
"Have a sit." saad nito sabay turo sa sofa sa harapan ng kanyang lamesa.
"Bakit niyo po kami Sir pinatawag?" lakas loob na tanong ni Yana.
Wala ako lakas loob na magtanong, simula noong nangyari sa bar at condo nito, umiiwas na rin ako sa kanya, kapag may tanong about kay Summer sa school nito tsaka ko lang siya kakausapin.
Kinaumagahan noon agad din ako umalis ng condo niya na walang paalam at ng makauwi sa mansiyon galing sa condo niya, simula noon umiwas na ako.
" Yana simula bukas ikaw na maghahatid sundo kay Summer at ikaw na mag-aalaga habang wala pa ang asawa ko, lahat ng kailangan ng anak ko sa school sasabihin mo sa akin, especially 'yung event na importante sa school ng anak ko." sagot ni Zuriel
"Pero Sir paanu si-----" saad ni Yana nasa boses nito pag-aalala, alam ko iniisip ni Yana nag-aalala siya para sa akin matanggal na siguro ako sa trabaho.
"Nothing to worry Yana about Jewel starting tomorrow she will be my personal secretary, and I know na gusto mo mag-aral ng kolehiyo papag-aralin kita Yana, you can choose any course you want ako na bahala, through online ka lang puwede mag-aaral para habang nag-aaral naalagaan at natitingnan mo ang anak ko, and don't worry hindi ko ibabawas sa sahod mo ang pagpapaaral ko sa'yo, ang sa akin lang take care of my daughter kapalit ng pagpapaaral ko sa'yo, its that clear Yana?.
"Opo Sir, sobra salamat po." saad ni Yana na mapaluha-luha ito habang ako naman masaya para sa kanya pero 'yung trabaho ko hindi ko alam kung magagawa ko at nalilito bakit ako kukunin nito personal secretary na alam nito HS graduate lang ako at alam ko hindi ako qualified sa ganung trabaho.
"You may leave now Yana, and Jewel you will stay. I need to talk to you, about your Job." saad nito
"Okey Sir, salamat po ulit. " paalam ni Yana sabay tingin sa akin bago lumabas ng opisina. Tumango ako bilang tugon sa kanya na kita ko sa mata niya pagaalala
"Mauna na ako, balitaan mo ako hintayin ka namin ni Lola." hindi mapagilang wika ni Yana kahit tumango na ako sa kanya
"Okey." tanging sagot ko at tuluyan na ito lumabas.
Ilang sandali katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago magsalita si Zuriel.
"Bakit ka umalis ng walang paalam Jewel? tanong nito na hindi ko inaasahan na tatanungin ako, alam ko tinutukoy nito.
"Ayoko kasi gambalain pa kita kaya hindi na ako nagpaalam, and I'm sorry for that." sagot ko habang nakayuko ako.
Gustuhin ko man magtanong kung bakit niya ako hinalikan pero hindi na ako nangahas na magtanong dahil nakainom siya at wala naman 'yon para sa binata.
Ilang sandali pa nakita ang mga paa nito nasa harapan niya umangat amg tingin ko sa kanya at habang ito naman dahan dahan ito lumuhod para magpantay mukha namin dalawa...
"About the k------..",Hindi ko pinatuloy ang sasabihin nito ng magsalita ako..
"Let's not talk about that, lasing ka lang baka inakala mo noon ako 'yong asawa mo, so let's forget about it, please explain to me bakit kinuha mo ako personal secretary you know na HS graduate lang ako at wala ako alam sa ganoong trabaho as personal secretary mo. "
" Kahit nakainom alam ko ginagawa ko, alam ko hinalikan kita dahil Hindi ko maintindihan sarili ko na may pakiramdam ako na nagkita na tayo before and when the time we came and our eyes met, especially when I hear your voice, parehong-pareho kayo, the woman I have been looking for so long and until now hinahanap ko pa rin siya"
"Maybe one of your exes Sir, na magkapareho lang kami ng boses, I swear kahit kailan hindi pa tayo nagkita before." matatag ko sagot kahit kabado man pero hindi ko pinahalata.
"Maybe but----"...
"Let's stop this Sir....let's talk about my job dahil wala ako idea kung anu gagawin ko" pagpigil ko sa sasabihin pa nito
"Fine. . ."pagsuko nito.
At sinabi naman sa akin ang gagawin ko as personal secretary niya. Hindi naman ako makapaniwala sa mga gagawin ko.
At ang sahod ang laki.
"Sobra naman ata 'yong sahod Sir hindi naman ata tama 'yon." pagrereklamo ko pero sa loob-loob ko malaki ang maitutulong sa amin pero hindi naman tama gagawin ko lang magtimpla ng kape kapag umaga, sasama kapag may meeting siya sa labas at kapag may out of the town isasama niya ako, kapag wala , duon lang ako sa opisina maghihintay kung may iuutos.
"You choose Jewel mawawalan ka ng trabaho o tatanggapin mo trabaho inaalok ko sa'yo? I know kailangan mo trabaho para sa anak mo".
Huminga muna ako malalim bago sumagot wala naman ako choice kundi tanggapin.
"Fine, tatanggapin ko na. " pagsuko ko dahil ayaw ko mawalan ng trabaho.
"Good, tomorrow you will start, everyday sasabay ka na sa akin, so you better wake up early ayoko maabutan tayo traffic." saad nito at kasabay ng pagtayo nito...
"Hindi na kailangan sumabay ako sa'yo Sir sabihin mo na lang address ng kompanya mo sa akin Kaya ko naman magcomute Sir. " pagtanggi ko sa sinabi niya, nakakahiya naman king Kaya ko naman magcomute at wala naman problema sa akin at sanay naman ako. At isa pa ayoko ako pagusapan sa kompanya niya, mahirap na mali makarating na kwento sa asawa niya.
"No need Jewel at sasabay ka sa akin lagi
" nasa tono ng boses nito pinalidad..
"Ayoko matsismis sa kompanya mo lalu na may asawa ka at mahirap kapag nalaman ni Mam Ava, ayaw ko mawalan ng trabaho at ayaw ko ako maging dahilan ng pag-aaway niyo dalawa."
Tumayo siya at lumapit sa akin
"Wala ako pakialam kung anu sasabihin ng ibang tao and Ava will understand."
"Pero---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng wala sabi-sabing halikan ako nito.
Inilagay nito ang isang kamay sa batok ko at isa naman sa bewang ko na mas lalung dumikit katawan namin dalawa. Naipulupot ko naman ang aking dalawa braso sa batok nito.
Napapikit ako sa paraan ng pahalik niya sa akin na may pagsuyo at familiar ------hindi puwede na---...
Ilang sandali naramdaman ko ang paglakbay ng kamay nito sa likod. Nang maramdaman ko pagtaas ng damit ko duon na ako natauhan walang sabi-sabi itinulak ko siya.
"Mali ginagawa mo, may asawa ka tao."tanging sambit ko.
"Walang mali Jewel.."
"May asawa at anak ka at wala sa isip ko maging mistress at makasira ng pamilya, this is the last time na hahalikan mo ako."
Wala siya nakuha sagot mula sa binata bagkus yinakap siya nito.
"I can't promise but trust me Jewel..." bulong nito sa akin.
"NO..." madiin ko sabi sa kanya at mali ito.
Ilang minuto na nakalipas pero hindi ito nagsalita at nanatili nakayakap sa akin.
"Lalabas na ako, maaga pa tayo bukas." saad ko
"I like you Jewel. . ." sambit nito na kinagulat ko at bigla ko naman siya naitulak dahil sa sinabi nito..
"You like me? Really? for God sake Sir meron ka na asawa, huwag mong lokohin ang asawa mo dahil kung ako asawa mo at nalaman ko ginagawa mo hihiwalayan kita." galit ko wika sa kanya.
"Alam ko, hindi ka maniniwala, pero I mean it, I like you Jewel."
"Tanga lang maniniwala sa'yo Sir, paanu mo ako magugustuhan kung pamilyado ka tao, may asawa ka at alam ko mahal mo siya kaya meron kayo anak na nabuo, High School lang tinapos ko Sir pero hindi ako tanga at isang katulong mo at may anak magkakagusto ang isang Mendez na kilalang tao, hinahangaan ng lahat at hindi naman ako pinanganak ngayon Sir kahit ganito ako hindi ako TANGA."
"Alam ko hindi ka maniniwala pero balang-araw maiintindihan mo rin.."
"Wala ako balak alamin kung anuman rason mo Sir, basta ang alam ko may asawa at anak ka at sila pagtuunan mo ng pansin at oras mo lalu na kay Summer dahil wala ang asawa mo mas kailangan ka niya, nasasabi mo lang 'yan gusto mo ako dahil wala ang asawa mo at huwag mo gawing pampalipas oras dahil wala ang asawa mo.."
"Leave..." madiin na saad nito at tanging nasabi nito.
Agad naman ako lumabas na walang lingon-lingon sa kanya, sino ba maniniwala sa sinabi niya at hindi naman ako pinanganak ngayon, namimiss lang siguro ang asawa niya.