FLINT
"Papa punta na muna po ako kay Kabute at babalik naman agad po ako." paalam ni Flint kay Damian..
"Okey baby, pero bumalik ka agad papunta na dito si Tita Yana mo at aalis agad tayo kapag dumating siya hindi puwede gabihin tayo sa daan." paalala ni Damian.
"Opo Pa, sige po aalis na ako." paalam nito at nagmamadaling lumabas ng bahay nila.
"Ingat sa mga aso nasa daan huwag tatakbo." paalala pa ni Damian bago tuluyang nakalabas
"Opo bye!." pasigaw na saad ni Flint.
Nakangiting tinungo naman ni Flint ang bahay ng kaibigan nitomg si Kabute, simula ng lumipat si sa Maynila si Kabute ang unang naging kaibigan ni Flint iisang paaralan lang pinapasukan ng dalawa at magkaklase.
"Oh, Flint para ka nakadrugs? nakatira ka ba?" tanong ng kaibigan nito ng makarating sa tagpuan nila.
"Alam kabute sarap mo subuan ng tae ng aso, ang sama ng lumalabas sa bibig mo kung 'di ka lang babae nasapak na kita." saad ni Flint na naiinis na naman dahil sa pinagsasabi ng kaibigan niya.
"Flint kaibigan talaga kita." sakristong saad ni kabute
" Ewan ko sayo, tayo na nga para makabalik agad tayo, aalis pa kami." yaya nito sa kaibigan.
"Ilang beses ko ba sasabihin Mush itawag mo sa akin para maganda naman pakinggan kesa sa kabute, understand mo ba Flint nakakainis ka." saad ni Kabute habang naglalakad na sila patungo sa destinasyon ng mga nila
"Mas okey at bagay kapag Kabute tawag ko sayo kesa sa Mush. " wika ni Flint na may ngiting nakakaloko.
" Anu na naman kinaganda ng Kabute sa Mush? Mas okey Mush na lang itawag mo sa akin para yayamanin pakinggan kesa kabute na mahirap na nga tayo pangmahirap pa pakinggan pangalan ko, kahit man lang sa pangalan ko maging mayaman man lang 'yung dating." pagpupumilit ni Mush.
"Kulit mo Kabute MUSHontok na kita talaga kita."
"Grabe siya oh!!!suplado na naman, sarap mo din MUSHontok eh!" balik pangaalaska din ni Mush sa kaibigan.
" Huwag na natin baguhin tawag ko sa'yo wala din magbabago pangit ka pa rin at bilisan na nga natin Kabute baka hanapin tayo at malaman kung saan tayo pumupunta kapag ganitong oras patay ako nila Mama."
"Hmmmppp baka ikaw pangit. " naiinis na wika ni Mush sabay irap kay Flint.
"Bilisan na natin baka hanapin na tayo at malaman pa kung saan tayo pumupunta kaka ganitong oras patay ako kila Mama. "
"Bakit kasi sinesekreto pa natin, Malala man din naman nila. "
"Sinabi naman dahilan di ba?paulit ulit turumpo lang".naiinis na saad ni Flint.
"Suplado mo talaga talo mo pa 'yung mga babaing buwanang dalaw..Hmmmppp!".. wika ni Mush sabay belat nito kay Flint.
"Mananahimik ka o mananahimik ka?"
"May choice ba ako?" pa-suplada saad ni Mush kay Flint.
Imbes sumagot si Flint inakbayan na lang nito ang kaibigan na hindi naman maiwasan mapangiti si Mush..
" 'Yung inakbayan ka ni crush" sa isip ni Mush.
"Para ka timang kabute",saad ni Flint ng makitang ngiti-ngiti ang kaibigan
"Sa'yo lang. " bulong ni Mush
"What?"
"Nothing." sagot ni Mush.
Mapapa-english ka na lang talaga sa epekto ni crush sa isip ni kabute ng maka-pasok sila sa Mall..
"Nandito na naman kayong dalawa."bungad ng sales lady sa kanila.
"Kasi magtatanong ulit kami ilan na lang stock laruang Star Wars po." saad ni Mush sa sales lady na lagi silang pinagsusungitan at pinandidirihan.
"Sinabi ko naman sa inyo hindi niyo mabibili ang laruang 'yon dahil mahirap kayo at kahit anung pagbenta niyo ng kandila hindi niyo pa rin mabibili, kung ako sa inyo dalawa umalis na kayo, kung ayaw niyo ipabuhat ko pa kayo sa guardiya dito!!" galit na saad ng sales lady sa kanila.
"Grabe ka naman akala mo naman kung sino ka na makapagsalita sa amin ng ganyan, hindi porket mahirap kami gaganituhin mo kami mas mukhang mayaman pa nga kami kesa sa inyo!!" sigaw ni Mush na hindi mapigilang tumaas ang boses nito.
"Aba't sumasagot ka na, wala ka respeto sa nakakatanda sa'yo palibhasa laking mga eskwater kayo!" galit na sigaw ng babae.
"Alam mo Miss kung gusto mo respetuhin matuto ka rumespeto hindi porket nakakaanggat kayo puwede na magsalita ng ganyan sa amin sa katulad naming mahirap." seryosong saad ni Flint.
"At alam mo Miss 'yan ugali mo sana hindi yan maging rason para mawalan ka ng trabaho at buti tinanggap ka dito na ganyan ugali mo." wika ni Mush
"Aba't-------"..hindi natapos ang sassbihin ng babae ng may magsalita sa likuran nito.
"Ms. Ledesma...."tawag ng lalaki..
Agad naman lumingon ang babae..
"Si--r"............saad ng babae na nasa boses nito ang pagkatakot sa taong tumawag dito.
"Anu nangyayari dito?" tanong ng lalaki at tumingin sa dalawang bata nasa harapan nito.
"Hmmmmm... wala naman po Sir, nagtatanong lang 'yung dalawang bata...di ba mga bata?"sabay baling nito kila Flint at pinanlakihan ng mga mata.
"Kayo po ba Sir may-ari nitong tindahan?" tanong ni Mush sa lalaki.
"Di ba uuwi na kayo?" singit ng babae.
Pero inirapan lang ito ni Mush at bumaling sa lalaki.
"Yes, Why?....
"Sana po kung maghihire kayo ng emplayado niyo hindi 'yung kagaya nito babae kung makapagsalita sa aming mahihirap wagas at hindi porket ganito kami mahirap pagsasalitaan na masasakit, nagtatanong lang naman kami po tungkol sa laruan na tinda niyo, masasakit na salita natanggap namin sa empleyado niyo po...bakit porket mahirap hindi na puwedeng makabili sa ganitong mga tindahan?....porket mahirap ganun na lang kami tratuhin? sa sunod po mahire kayo 'yung taong marunong tumingin ng pantay sa mga customer niyo po mahirap man o mayaman tratuhin niyang pantay." seryoso wika ni Mush.
"Tara na kabute , hayaan na natin." yaya ni Flint sa kaibigan pero hindi ito pinakinggan.
"Ms. Ledesma, hintayin mo ako sa opisina. We need to talk." madiin na saad ng lalaki at di maiwasang mag-igting panga nito dahil sa pinipigilang galit nito sa empleyado.
"O---po Sir." saad nito sabay talikod.
"Sige po Sir , alis na kami sana maturuan niyo leksyon empleyado niyo po." paalam sana ni Mush pero pinigilan sila.
"Wait, pasensiya na sa mga sinabi ng empleyado ko sa inyo anu ba gusto ninyo laruan?..
" Okey lang po 'yon sana wala na siya iba mapagsalitaan pa gaya namin na mahirap lang. at 'yung Stars Wars po pala balak namin bilhin kapag nakaipon na kami. " sagot ni Flint.
"Paborito kasi niya 'yon Sir, pero hindi pa kami bibili magtatanong lang naman ulit kami kung ilan na lang stock niyo po kasi kulang pa pera pambili namin." paliwanag ni Mush.
"Anu pangalan niyo? tanong ng lalaki.
"Siya po si Bato ako naman si Mush".pakilala ni Mush.
"Bato?Mush?" ulit ng lalaki na nasa mukha nito pagkalito at 'di maiwasan mapangiti.
"Clear ko lang Sir real name ni Bato Flint ako naman po Mushroom tawag kasi sa akin ni Bato Kabute."
"Why Bato?..takang tanong ng lalaki
"Kasi po naalala ko po 'yung cartoon character na si Flintstone, kaya bato tawag ko sa kanya." paliwanag ni Mush.
"And Why Mushroom pangalan mo?.
"Pinaglihi daw ako sa kabute sabi ni nanay kaya pinangalan sa akin Mushroom sarap nga sapakin ni Nanay eh!!" saad ni Mush
"Watch your mouth kabute." sita ni Flint sa kaibigan
"Bato my mouth is my mouth and your mouth is your mouth wala paki-alaman, okey." inis na saad ni Mush sabay irap na naman sa kaibigan
Natawa naman ang lalaki sa sinabi ni Mush.
"I see, by the way Im Sean." pakilala ng lalaki sa kanila. "You can call me Tito Sean". dagdag nito.
"My ghaaaddd! bato Tito na natin si Pogi, parang noodles lang instant Tito natin siya." nakangiting saad ni Mush.
"Nice meeting you po Sir pero aalis na po kami. " saad ni Flint.
" Wait, you like the star wars toy, don't you?" tanong Sean kay Flint.
" Yes, but I don't have enough money now to buy star wars."sagot ni Flint.
" You don't need to buy that I will give it to you free, as a gift" saad ni Sean.
" I will not accept it Tito." wika ni Flint.
"Naku Bato tanggapin mo na di ba sabi ng matatanda huwag natin tanggihan ang grasya dapat tanggapin mo at binibigay naman sa'yo hindi ka na mahihirapan magtinda ng kandila tuwing linggo para makaipon pambili ng Star Wars at hindi natin alam kung ilang sako pa kandila ibebenta natin para mabili mo 'yan, kaya tanggapin mo na".saad ni Mush.
"You know----"
"Puwede ba bato tigilan mo na kaka-english mo namimilipit utak at dila ko sa'yo, maaawa ka naman sa akin." pagrereklamo ni Mush.
Napatawa naman si Sean sa sinabi ni Mush..
"I told you----",
"Oo na...huwag mo na ituloy bato at mabato na kita ng kandila. " pagputol ni Mush sa sasabihin pa ni Flint.
"Tanggapin mo na laruan bato grasya na lumalapit at 'yung naipon mo puwede mo na pambili regalo kay Tita para sa birthday niya." dagdag nito.
"Magagalit si Mama at sabi ni Mama mas maganda daw kapag pinaghihirapan kapag may gusto mo ang isang bagay."
"Bato baka patay na mga karakter ng star Wars hindi mo pa 'yan nabibili, kaya tanggapin mo na ako na bahala kay Mama"..
"Mama...?" takang tanong ni Flint.
"Mama mo, siyempre magiging future Mama ko siya dahil ako ang future wife mo." nakangiting wika ni Mush.
"In your dreams Kabute."
"Grabe ka sa akin bato kapag naging Model ako na lang araw who you ka sa akin at itaga mo yan sa noo mo!"...
"Tinatanggap lang na Modelo 'yung maganda...maganda ka ba?...
"Oo naman walang duda ang kagandahan ko. " kumpyansa saad ni Mush.
"Saang banda kabute." pangiinis ni Flint.
"Ewan ko sayo!! basta maganda ako tapos ang usapan....so anu tatangapin mo ba laruan o hindi?"..
Tumingin naman si Flint kay Sean..
"Don't worry kapag nagalit Mama mo dalhin mo siya dito at kakausapin ko"..
"Huwag na mahiya Bato, hindi uso ngayon ang hiya hiya , uso ngayon kapalan ng mukha.."
"Mmmmm...sige po, salamat po Tito."saad ni Flint na nasa mukha nito pa nahihiya.
",Okey let's go ipabalot na natin and kabute you can choose any toy you want. " wika ni Sean
"Talaga Tito?..
"Yes." nakangiting Saad ni Sean sabay gulo sa buhok ng dalawa.
"Salamat po Tito at tara na bato tulungan mo ako mamili ng Doll." yaya ni Mush hinawakan ang kamay ni Flint hinila papunta sa loob at hinanap ang mga laruang Barbie doll.
Napangiti na lang Sean sa dalawamg batang makulit akala mo magsalita ang mga ito matatanda na.
Pinabalot muna ni Sean ang Star Wars na laruan bago sinundan ang dalawang bata.
Ilang sandali nakapili na rin si Mush at pinabalot na rin ito..
"Salamat po Tito Sean."..sabay saad ng dalawa matapos maipabalot ang mga laruan
"Walang anuman at ihatid ko na kayo pauwi."
"Huwag na po Tito, malapit lang bahay namin dito." saad ni Mush.
"Hindi ba delikado tumawid?.
"Hindi naman po may pulis naman, kaya safe kami tumawid."Sagot ni Flint
"Okey, pero ihatid ko na kayo hanggang tawiran."
"Sige po." sabay saad nila Flint.
Humawak naman sa magkabilang kamay ni Sean sila Flint.
"By the way, iimbitahan ko kayo pumunta sa bahay sa susunod na araw...okey lang ba sa inyo?.
"Bakit po? Anu okasyon po ba?" tanong ni Mush.
"Birthday ng anak ko. " sagot ni Sean.
"Babae o Lalaki po ba Tito." tanong ulit ni Mush.
"Babae."
"May ghoshhhh may karibal na ako kay Flint." sa isip ni Mush
"Ipagpapaalam ko kayo sa mga magulang niyo, kung gusto niyo pumunta."
"Pasensiya na po Sir sigurado hindi kami papayagan." saad ni Flint.
Alam kasi ni Flint hindi papayag Mama nito lalu na hindi naman nila kilala ang lalaki.
"Okey naiintindihan ko."
"Pasensiya na talaga Tito."Saad naman ni Mush.
"It's okey." saad ni Sean.
"Paanu po aalis na kami salamat sa laruan binigay niyo po, pangako iingatan namin it." saad ni Flint.
"Welcome, sige na ingat kayo pag-uwi."
"Opo salamat ulit Tito bye po!!" saad ng dalawa at kumaway muna bago tuluyang tumalikod.
Hanggang makatawid at mawala sa paningin ni Sean ang dalawa bata saka naman ito bumalik sa loob ng Mall na pag-aari nila.
Habang tinitingnan ni Sean si Flint kanina may kung anu naramdaman siya para sa bata, magaan loob niya dito. At hindi maiwasan ni Sean mapansin ang mukha ni Flint, lalu na ang mga nito gaya niya, gaya ng mga Mendez.