“Mga apo magpahinga na kayo, alam ko pagod kayo sa trabaho niyo maghapon.” saad ni lola Imelda sa amin ni Yana.
Dumungaw siya mula sa bintana medyo nakakagalaw na rin ito kahit papaanu simula ma-stroke siya limang taon na nakakalipas.
After what happened that night marami nagbago sa buhay ko.
Isang buwan makalipas na may nangyari sa amin ng estranghero sa isang bar noon, nalaman ko buntis ako sinabi ko sa mga magulang ko dahil yun ang tama kahit alam ko kung anu magiging resulta at hindi ako nagkamali galit na galit sila pati nag-iisa kong kapatid.
Nang araw din iyon pinalayas ako ng aking mga magulang. Wala ako choice kahit magmakaawa o umiyak man ako hindi na mababago ang nangyari. Masakit at mahirap man tinanggap ko yun dahil ako kasalanan ko naman. Umalis ako sa bahay namin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero isa lang nasa isip ko si Yana. Alam ko siya lang makakatulong sa akin. Sakto pagpunta ko sa kanila bahay, paalis na rin sila, sinabi nila aalis sila dahil may sakit ang lola Imelda, mas magiging mabuti ang kalagayan nito, kapag nasa probinsiya dahil sa sariwang hangin at duon mayroon sila mapagkikitaan kesa sa Maynila.
Dahil sa pagkakasakit ni Lola Imelda, hindi na rin nakatuntong ng kolehiyo si Yana. Mas pinili na muna niya alagaan si lola at magtrabaho.
Sumama ako sa kanila, sa una tutol sila pero ng maikwento ko sa kanila ang nangyari sa akin, sinama nila ako. At nangako ako tutulong hangga’t hindi pa malaki ang tiyan ko.
Nanirahan kami sa probinsiya na malayo sa pamilya ko. Wala ako galit sa kanila, noong araw na umalis ako hanggang ngayon, anim na taon na nakalipas, wala na ako balita sa kanila. Hindi rin ako umasa na hahanapin nila ako dahil alam ko galit sila at hindi ko naman sila masisi.
Naging maayos buhay namin ng anak ko kasama sila Lola Imelda. Utang na loob sa kanila ang buhay namin ng anak ko. Magkatuwang kami ni Yana sa lahat ng gastusin sa bahay. Walang kami nararamdaman pagod basta para sa mahal namin sa buhay. Sa hirap at ginhawa, noon at ngayon kami ni Yana ang magkatuwang sa lahat at sabay na hinharap ang mga pagsubok sa buhay na dumarating sa amin.
“Opo La , magpahinga na kayo susunod kami ni Jewel po.” sagot ni Yana.
“Oh siya, matutulog na ako bukas maaga tayo magsisimba.” Paalam ni Lola
“Opo La ,” sabay sagot namin ni Yana.
“Panibagong araw na naman bukas Jewel, bilis lang ng panahon anim na taon na rin lumipas.”
“Oo nga malaki na si Flint at sa susunod na taon mag-aaral na rin siya.”
“Wala ka ba balak hanapin ang ama niya? baka isang-araw magtanong na 'yan tungkol sa Papa niya.”
“Paanu ko hahanapin pangalan at pagmumukha nga niya hindi ko alam, tsaka wala ako balak maghabol sa kanya ginusto ko naman yun nangyari noon, at baka may sariling pamilya na 'yun ayoko naman guluhin sila.”
“Hindi naman sa maghahabol ka. Kung alam mo sana 'yung itsura o pangalan ng ama niya, sa akin lang naman kailangan din ng ama ni Flint, kahit meron siya tinatawag na Papa iba pa rin yung totoong ama niya.”
“I know Yana, pero sa wala ako alam tungkol sa Papa niya hindi ko alam saan o paanu ko hahanapin kung sakali maghanap si Flint sa totoong ama niya, mahirap maghanap sa taong wala tayo alam na kahit anu impormasyon”
“Sabagay pero malay mo pagtagpuin kayo di ba? ’yung boses niya tanda mo pa rin ba?” wika nito.
“Hindi na Yana, ayoko na maalala pa yun wala ako pinagsisihan sa ginawa ko noon dahil dumating sa akin si Flint.”
“ 'Yung pamilya mo, wala man lang paramdam sa'yo, grabe natiis ka nila hindi ka man lang hinanap buti nakakatulog pa sila ng maayos.” sakristong saad ni Yana.
“Hayaan mo na Yana, kasalanan ko naman lahat hindi ako galit sa kanila, balang-araw mapapatawad naman siguro nila at hihintayin ko ‘yun.” paninigurado ko sa kanya.
“Pero kahit na anuman nangyari sana inisip ka din nila, lalu na sitwasyon mo noon kung ako sa’yo huwag ka na umasa papatawarin ka nila. Kinalimutan ka na nila, pamilya mo sila pero anim na taon na nakalipas hindi ka nila hinanap”.
Naputol naman usapan namin ng may maramdaman ako may tumabi sa akin.. si Kuya Damian.
“Mukhang seryoso pinag-uusapan ng mga kapatid ko. Puwede share niyo naman sa akin handa ako makinig remember, I’m your brother”. saad ni kuya Damian.
“Napag-usapan lang namin about kay Flint at sa pamilya ni Jewel.” saad ni Yana.
“Anim na taon na din lumipas pala, darating ang panahon magkikita rin kayo ng pamilya mo Jewel mapapatawad ka rin nila.”
“Kuya hello , anim na taon nakalipas pero hindi man lang hinanap ng mga magulang niya meron sila kontak kay Jewel kahit isa text or tawag wala man lang. Kahit anu pa man kasalanan ng anak sa magulang anak pa rin nila si Jewel, pero sa mga magulang ni Jewel wala sila pakialam man lang. Minsan nga naisip ko baka ampon si Jewel kasi sabi nga wala mga magulang na hindi matitiis ang kanilang anak.” litaniya ni Yana.
Simula ng maikuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin at lalu na sa ginawa ng mga magulang ko noon sa akin, mas lalu uminit dugo nito sa mga magulang ko.
“Kaya kung ako sayo Jewel, kalimutan mo sila at huwag ka na aasa pa mapapatawad ka nila.” dagdag pa nito.
“Yana kahit baliktarin man natin na ang mundo, magulang pa rin 'yun ni Jewel at hindi na natin mababago, at darating ang araw magkikita pa rin sila at kung magkita man sila na ganun pa rin trato nila kay Jewel duon na magdedesisyon si Jewel.” saad ni Kuya.
“Huwag na natin sila pag-usapan hindi ko muna na 'yan iniisip ko, mas importante sa ngayon sa akin si Flint.”
“About kay Flint sooner or later maghahanap na rin siya sa totoo niya ama Jewel, wala ka man lang natatandaan sa ama niya.” tanong sa akin ni Kuya.
“Wala.” simpling sagot ko.
“Tanggapin niyo na kasi trabaho inaalok sa inyo sa Maynila, baka sakaling magkrus ang landas niyo ng ama ni Flint, kahit boses niya maalala mo naman siguro at malay mo ito na rin pagkakataon mapuntahan mo mga magulang mo Jewel, at para maka-ipon sa planu niyo mag-aral ng vocational malaki naman sasahurin niyo sa papasukan niyo sayang naman. ” saad ni Damian.
“Kung si Yana okey sa kanya, pero ako hindi puwede ayaw ko malayo sa anak ko Kuya hindi ko kakayanin.” pagtutol ko kung sakaling tatanggapin ko 'yun trabaho inaalok sa amin, unang paghihiwalay namin ng anak ko at hindi ko kaya.
“Alam ko mahirap Jewel, pero isipin mo para Kay Flint sa kinabukasan niya, meron naman cellphone para mag-usap kayo, kapag oras ng pahinga niyo, hindi lang sa anak mo kundi para sa sarili mo rin Jewel, hindi habang-buhay aasa tayo sa karenderia natin tama lang ang kinikita para sa pangaraw-araw natin at sa gamot ni Lola, malaking opurtunidad na 'yun para sa inyo ni Yana.” pagpapaliwanag nito.
“Hindi ko rin kayang iwan si Lola...”saad naman ni Yana na nag-aalinlangan din.
“Sa una lang mahirap, pero pasasaan ba makakayanin niyo rin na mapalayo sa kanila. Para sa kanila naman gagawin niyo, at sa sarili niyo, at may pangarap naman kayo makapagtapos ng pagaaral niyo. Ako na bahala sa kanila at hindi ko naman sila pababayaan kaya huwag kayo mag-aalala sa kanila araw-araw kayo maguusap, pag-isipan niyo dalawa lalu ka na Jewel.”
“Pag-iisipan ko kuya.” saad ko na lang hindi madali magdesisyon lalu na kung mawawalay ako sa anak ko.
“Kung anu decision ni Jewel duon ako Kuya.” saad naman ni Yana.
“Kayo talaga dalawa, naiintindihan ko nararamdaman niyo pero kung para naman sa mga taong mahal n’yo, kaya gagawin niyo at pagkakataon niyong dalawa at ako na bahala sa kanila.
“Hindi lang naman sila iniisip namin Kuya ikaw iniisip ka rin namin paanu kung---“.
“Don’t worry I can handle myself, kung dumating man ang araw na 'yun ipapaalam ko naman sa inyo at hindi ko kayo iiwan pangako.” wika ni kuya .
“Pinapanalangin lagi namin kuya, na sana mangyari na at dahil alam namin na 'yun ang bubuo sayo.” nakangiti ko saad pero may kirot sa puso ko dahil alam ko possible na hindi na kami makilala niya. Sa tatlong taon na sa amin si Kuya, isa siya naging sandalan din namin, kahit meron siya amnesia ‘di hadlang para sa kanya magtrabaho, sa una hindi kami sang-ayon, inisip namin baka meron gustong ipapatay, ‘yun inaalala namin. Wala kami alam tungkol sa kanya.
“Group hug nga tayo.” Saad ni Yana at sabay tayo naming tatlo.
“Pangako anuman mangyari hindi ko kayo iiwan, malaki utang na loob ko sa inyo kung wala kayo wala na rin ako. Anuman kakahantungan pagdating ng araw mananatili kayo na pangalawang pamilya ko mahal na mahal ko kayo.” madamdaming saad ni kuya Damian pero hindi pa rin mawala ang takot, ang takot na hindi na kami makilala kapag bumalik na ang kanyang memorya.
“Mahal na mahal ka din namin Kuya...you’re the best brother for us at ama para kay Flint.” saad namin ni Yana.
“Tama ng dramahan natin, maaga pa tayo bukas magsisimba at pagisipan niyo mabuti 'yung inaalok sa inyo trabaho sa Maynila, marangal na trabaho ang pagiging kasambahay.” paalala pa ulit nito.
“Pag-iisipan namin kuya. ” saad ko.
“Okey, tara na pasok na tayo at baka magising si Jewel na wala ako sa tabi niya.” pagyaya ni Damian.
Minsan lang tumabi sa akin ang anak ko dahil lagi sinasabi niya, sinasabi sa akin bigboy na daw siya. Kaya naman kay Kuya ito tumatabi lagi kapag matutulog na.
Kapag may lakad siya minsan at hindi makakauwi, ito lang time na makakatabi ko ang anak ko. Sa limang taong gulang ni Flint nakakaintindi na ito sa sitwasyon na meron kami.
Matalino, mabait at bibo bata ang anak ko, minsan tumutulong na ito sa karenderia nagpupunas ng mga lamesa . Sa edad na lima hindi mo akalaing lima ang edad nito dahil sa matangkad siya tingnan compare sa kaedaran niya.
Matanda na kung minsan magsalita. Minsan inisip ko matalino ang ama nito. Mahilig ito sa pag-aayos ng mga laruang sasakyan na sira.
Minsan sinabi nito balang-araw magkakaroon siya sariling tindahan ng mga sasakyan at talyer na siya mismo mag-aayos ng mga sasakyan.
Dahil kapag nangyari at natupad hindi ko na daw kailangan magtrabaho at gagawin niya ako Reyna sa bibilhin niya bahay.