ONE NIGHT TO FORGET Chapter 3

“Mama, ngayon pasukan mag-aaral na po ako sa big school at magkakaroon na ako marami kaibigan, sana classmate ko pa rin 'yung dati ko classmate sa kinder.” saad ng anak ko na nakakalong sa akin at kakatapos lang namin kumain ng hapunan nandito kami sa sala nanonood ng tv.

Ngayong pasukan grade one anak ko. I’m happy kasi siya yung nagbibigay ng lakad sa akin bukod kila Yana.

Flint is my life...

Noong nalaman ko buntis ako wala ako pagsisi na dumating siya sa buhay ko. Siya ang dahilan sa pagpupursige ko sa buhay. Siya ang dahilan na sa kabila ng hirap pinagdaanan ko heto pa rin ako patuloy na lumalaban para sa amin dalawa. Siya ang dahilan na mas pinili ko maging positibo sa buhay sa kabila na nangyari sa akin noon.

Minsan dumarating sa punto na natatakot ako, hindi ko alam gagawin ko kapag nagtanong na siya tungkol sa kanyang ama, ang totoo ama niya. Gustuhin ko man hanapin pero wala ako impormasyon hindi ko rin nakita man lang itsura ng ama ni Flint

Gusto kalimutan 'yung gabing iyon , kasi ayaw ko umasa, ayaw ko masaktan ako at si Flint at ayaw ko rin makasira ng relasyon kung sakaling may girlfriend o pamilya lalu na ilang taon na rin nakalipas at sigurado pamilyadong tao na 'yun.

Hindi na rin ako umaasa na meron pa magkakagusto sa akin tulad ko dalagang ina. Wala na rin ako balak magkaroon ng asawa sapat na sa akin si Flint, ang anak ko. Alam ko hindi madali ang tatahakin naming buhay mas mahirap para sa amin magina pero sisiguraduhin ibibigay ko lahat para sa anak ko.

Kahit anu hirap, kakayanin ko para sa anak ko. Hindi ko man maibigay ang ama na makakasama niya habang-buhay pinapanalangin ko na sana sapat na ako para sa kanya bilang ama at ina niya pero alam ko impossible at darating ang araw na hihilingin niya magkaroon ng ama. Sino ba hindi hihiling ng ama ang isang anak at magkaroon ng pamilya na buo.

“Yes baby, sa big school ka na magaaral kaya kailangan huwag malikot sa school at pasaway sa magiging teacher mo po at lalu na huwag makikipag-away.”

“Oo naman po Mama, good boy kaya ako, di ba po Papa?. Baling nito kay kuya Damian kasabay ng paglapit kung saan naka-upo si Kuya.

“Oo naman anak, basta 'yung sabi ni Mama susundin mo at sa malaki school ka na magaaral.” sabi nito.

“Opo, di ko kakalimutan mga bilin niyo.” magalang sagot ni Flint.

“Bait naman ng baby namin.” saad ni Yana sabay gulo ng buhok ni Flint pero kita ko pag-iritable ng mukha nito, ayaw na ayaw nito gugulihin ang buhok at napailing na lamang ako.

“Stop!, Tita Yana po, huwag niyo guluhin buhok ko...at hindi na po ako baby, big boy na po ako.” pagrereklamo nito sabay nguso niya kay Yana.

“For us, you still a baby Flint.”saad ni Yana.

“I’m not a baby anymore po Tita Yana.” madiin na saad ni Flint at halatang sa boses nito pikon na.

“Okey, hindi ka na baby po mauna ka na sa kwarto niyo ni Papa, maguusap lang kami okey?” saad ni ko kay Flint para matapos na usapan at huli iiyak na naman ito.

“Okey po Mama, sige po goodnight.” Sabay halik nito sa pisngi sa aking pisngi at ganun din kila Yana at Damian.

“Clean yourself and change your clothes flint!!” pahabol ko.

“I will Mama.” sagot nito bago tuluyang makapasok sa kwarto. Nang makapasok si Flint saka naman nagsalita si Kuya.

“Napag-isipan at nakadesisyon na ba kayo dalawa?” tanong ni kuya Damian sa amin ni Yana.

Isang linggo ko na rin pinag-iisipan ang trabahong inooffer sa amin ng bestfriend ng lola Imelda, nagtatrabaho ito bilang mayordoma sa kilalang pamilya sa Maynila. Kailangan daw kasi ng dalawang katulong sa bahay dahil uuwi ang anak, kasama ang pamilya nito na mananatili na for good dito sa bansa.

Malaki sahod at puwera sa sahod ay may benepisyo pa kami makukuha. Okey naman sana walang sa aming problema kahit anu trabaho basta legal pero iniisip ko mahirap malayo sa anak ko. Alam ko nan’dyan naman si Kuya Damian pero iba pa rin kapag nakakasama ang anak ang ko. Pero naisip ko rin lumalaki na anak ko at lumalaki na rin gastusin naming mag-ina.

“Nakapagdesisyon ka na Jewel?” tanong ni Yana noong isang araw na naabutan niya ako nasa labas at malalim ang iniisip.

“Ikaw nakapagdesisyon ka na ba Yana? balik kong tanong sa kanya.

“Actually, matagal na ako nakapagdesisyon hinihintay na lang kita kasi naisip ko hindi puwede habambuhay umasa tayo sa karenderia at pagsasasideline natin at yung pangaraw-araw natin, tapos yung gamot nila kuya at lola at ngayon pasukan mag-aaral na si Flint kaya gusto ko matupad yung plano natin at makapagtapos tayo kahit vocational at malaki kikitain kapag tinanggap natin 'yung trabaho.” paliwanag ni Yana.

“Gustong gusto ko Yana pero iniisip ko si Flint mapapalayo ako.” nag-aalangan ko sabi.

“Ganito na lang gawin natin, kapag nanduon na tayo maghanap tayo matitirahan tapos 'yung puwesto natin na karenderya ibebenta natin, at magsimula tayo negosyo sa Maynila para sama-sama na tayo at sigurado papayag si Lola, isang buwan pa naman bago ang pasukan kung papayag ka, puwede duon na mag-aral si Flint at sama-sama na tayo duon, saka si kuya Damian na mag-isip kung anu negosyo, magaling naman siya pagdating sa pagnenegosyo, what do you think?”.

“Puwede naman Yana, ayoko talaga malayo sa anak ko pero kung para sa anak ko kakayanin ko, magsasakripisyo ako para sa kinubukasan niya ayaw ko matulad siya sa akin na hanggang high school lang tinapos at dapat pala magsabi na tayo kay Lola Pasing na payag na tayo sa trabaho offer niya sa atin at sana pumayag si Lola At kuya Damian sa planu natin.” wika ko

“Papayag sila at ayaw naman nila magkalayo- layo tayo, malay mo duon na tayo aasenso at makilala at makita natin ama ni Flint.” Saad ni Yana na umaasa talaga makikilala pa ni Flint ama nito.

“Wala na pag-asa Yana at hindi nga natin alam kung saan hahanapin. Huwag na tayo mag-aksaya ng oras dahil hindi na natin mahahanap at mahirap maghanap ng tao kung wala ka man lang alam na impormasyon sa hinahanap natin, kaya useless lang at balang araw maiintindihan naman ako ni Flint.” saad ko.

“Malay lang naman natin Jewel di ba? Ayaw mo niyan mabubuo na kayo bilang isang pamilya.” nakangiting saad ni Yana.

“Hindi mangyayari 'yun Yana at huwag na tayo umasa. Ang mabuti matulog na tayo at bukas tawagan mo si Lola Pasing pakatapos natin mag-usap nila lola at kuya.”

“Oo tawagan ko agad bukas, tara na malamig na at antok na rin ako at maaga naman tayo bukas sa pamamalengke para sa karenderia natin.” yakag na nito sa akin papasok ng bahay.

Everyday ganun routine namin, maaga kami tatlo magigising para sa pamamalengke na kailangan sa mga lulutuin namin. Mabenta naman karenderia namin pero sa bawat araw lumalaki rin pangangailangan namin lalu na sa gamot nila kuya at lola.

“Nakadesisyon na kami kuya tanggapin 'yung trabaho.” sagot ko kinaumagahan matapos paguusap namin ni Yana.

“Buti naman, kasi gaya ng sabi ko ayaw ko din magkalayo- layo tayo lalu na kayo magina. Mahirap malayo sa anak, kaya sama-sama na lang tayo pumunta ng Maynila at may nahanap na ako bibili sa puwesto natin at sa Maynila tayo magtatayo ng negosyo natin talyer.”

“Oo, ikaw na bahala sa negosyo itatayo mo kuya at ikaw naman may alam kung paanu patakbuhin at pagdating namin duon magtatanong agad kami kay Lola Pasing na apartment na rerentahan natin.’’ saad ni Yana.

“Okey, basta huwag kayo magpapakapagod, kung may problema tawagan niyo lang ako.” Paalala ni kuya.

“Oo kuya.” sagot namin ni Yana.

“Tara na matulog na tayo, baka lumabas pa ng kuwarto si Flint...”yaya nito..

Sabay namin tinungo ang hagdan. Bagong simula at bagong pakikipagsapalaran.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.