ONE NIGHT TO FORGET Chapter 30

"Doc, anu po resulta ng mga test niyo sa kaibigan ko?" tanong ko sa Doctor na tumitingin kay Yana.

Tatlong araw na simula ng makita ko ito..

Kasama ko ngayon sila Zuriel. Sa ospital nila Ian dinala si Yana. Mahigpit ako nakahawak sa kamay ni Zuriel natatakot ako sa mga resulta ginawa nila kay Yana.

" Base sa mga resulta test namin sa kanya, meron mga gamot na iniinject sa kanya para mawala sa katinuan ang kaibigan mo at 'yung mga pasa niya sa buong katawan niya sanhi iyon ng pagpalo ng isang matigas na bagay sariwa pa ito, meron fracture sa kaliwang binti niya at sa ulo wala naman kami nakita injury tanging mga kalmot sa pagsasabunot sa kanya at ang huli nakunan siya at dalawang buwan ang dinadala niya sa sinapupunan dahil sa gamot nainiinject sa kanya kaya naglaglag ang bata at 'yung nakita natin nagkalat na dugo sa kanya damit at halo-halo na rin sa sugat na mga natamo niya." paliwanag ng Doctor.

"Oh my God!." naibulalas ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko, hindi akalain ganun sinapit ni Yana. Kung sino man may gawa sa kanya hindi ko mapapatawad. At 'yung bata nasa sunapupunan niya alam ko si kuya Damian ang ama.

" Zuriel mauna na kayo ni Jewel  sa room ni Yana, susunod kami agad at baka makasama sa kanya kami na bahala dito." rinig ko saad ni Lhes nasa tono rin nito nagaalala.

"Baby calm down." nag-aalalang tawag sa akin ni Zureil ng maramdaman nito ang panginginig ko. Agad ako nito inalalayang makatayo at tuluyan na kami makalabas sa opisina ng doctor.

"Huwag ka na magisip kung anu-ano Baby  makakasama sainyo. Yana will be okey at mahahanap natin kung sino may gawa sa kanya at pagbabayaran niya 'yun. Kinontak ko rin kaibigana namin na tutulong sa paghahanap na taong gumawa kay Yana at siya rin naghahanap sa gumawa sa inyo ni Flint."

"I'm sorry Baby." tanging nasabi ko sa kanya at alam ko ginagawa nila lahat, hanggang ngayon hindi ko lang talaga lubos maisip sinapit ni Yana.

Ilang sandali narinig ko pagbukas ng pinto at pumasok sila Thea.

"Wala na iba sinabi ang Doctor, hintayin na lang natin magising si Yana." saad ni Lhes

"At tungkol sa pinapahanap natin kung sino may gawa mas mapapadali kung magising agad si Yana, siya lang susi at makapgsasabi kung sino may gawa sa kanya." si Maru.

"Hindi naman natin basta-basta makakausap si Yana kung sakaling magising na siya, malaki trauma 'yung nangyari sa kanya at lalu na nawala ang kanyang baby." dagdag ni Thea.

"Yeah pero no choice tayo para mapadali sa paghahanap. She need to cooperate." saad ni Ian

"Problema natin paanu paggising niya, hindi siya magsalita I mean bigyan natin one week pero paanu kung ganun pa rin siya walang pagbabago mostly ganun ang nangyayari minsan inaabot ng taon or worse habambuhay na. " saad ni Lhes, tama naman siya possible na  mangyari 'yon sinabi niya.

"Jewel we will help us." saad ni Ian.

"I can help pero hindi naman natin puwede pilitin, naiintindihan ko kayo gusto niyo maresolba agad at ganun din naman ako as much as possible kasi baka nasa paligid lang gumawa kay Yana, pero alam naman natin 'yung sitwasyon ni Yana....hindi madali at mahirap kasi lalu na kung natrauma siya."

"Kapag nagising si Yana kailangan natin bigyan ng panahon at magagawa na lang muna sa ngayon maghintay at magingat." pagsang-ayon ni Zuriel.

"' Yung about sa baby niya pala? sino ang ama?may alam ka ba Jewel?" tanong ni Thea.

"Kung pagbabasehan kasi two mons 'yung baby, I think si Kuya William 'yung ama ng bata." kita ko pagkagulat ng lahat lalu na si Zuriel.

"May relasyon sila?" tanong ni Zuriel..

"Sorry kung hindi ko nasabi sayo Blbaby kasi wala naman ako karapatan at kagustuhan naman nila 'yun huwag muna ipaalam, yun yung time na hindi pa nakakaalaala si Kuya William at hindi ko alam kung maalaala pa ni Kuya William kami ni Yana."

"It's okey baby naiintindihan ko at kung sakaling maalaala ni Kuya kayo especially si Yana at kung Blbaby nila 'yun nawala alam ko hindi 'yun titigil sa paghahanap kung sino may gawa kay Yana, mas nakakatakot si Kuya lalu na buhay ang nawala at anak niya pa. "

"Kung sino man gawa dapat nakahanda na ang lupa sa sementeryo paglilibingan. Kuya William so dangerous gaya sabi ni Zuriel, kapag mahal sa buhay ang kinanti at kung anak niya 'yun magdasal na, walang kapatawaran ginawa niya wala awa ang mga MENDEZ kapag mahal sa buhay nila sinaktan." saad ni Maru

"Kaya ni kuya William ilagay sa kamay ang batas at walang makakaawat maliban na lang sa babaing mahal niya." si Lhes.

"Same with Zureil.".pagsangayon naman ni Ian..

Tumingin ako kay Zuriel

"Huwag niyo naman takutin baby ko baka iwan ako nito hindi pa nga kami kinaksal." saad nito sabay yakap sa akin.

" 'Yun huwag na huwag mo gagawin Zuriel." seryoso ko sabi sa kanya ayaw ko mangyari  na baka hindi mabuo ang pamilya namin. Lumaki na nga wala ama si Flint ayaw ko na maranasan ngayon ng magiging anak pa namin.

"Promise hindi ko gagawin Baby at kaya ko pa magkontrol hindi gaya ni Kuya hindi natin naman siya masisi anak niya 'yun nawala."

Magsasalita pa sana si Lhes ng marinig namin ang isang ungol sabay-sabay kami napatingin kay Yana kasabay ng paglapit namin sa kanya..

"Yana. . ." tawag ko ng makalapit sa ako kanya, nakapikit pa rin ito kita ko pangungunot ng kanya ng noo. Ilang sandali pa unti-unti bumuka ang bibig nito na hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.

"Hu--wag! Er--aaa ma-awa ka!." nanginginig na saad nito kasabay ng pagpatak ng mga luha. At nasundan ng sigaw.

"Huuuwagggggggg." kasabay ng pagmulat ng mga mata nito..

"Yana."sabay yakap ko dito nanginginig ito sa takot..

"Si E--ra...."sambit nito...

Pero ilang sandali hindi niya inaasahan ang ginawa nito sa akin bigla ako nito tinulak. Narinig ko pagsinghap nila Thea at pagmura ni Zuriel bago pa man ako bumagsak may sumalo na sakin..

"Baby are you okey.?" puno ng pagalalang tanong ni Zuriel tumango bilang tugon at muling hinarap si Yana pero meron na distansiya hindi na rin ako binitawan ni Zuriel mula sa pagkakayakap nito..

"Yana." pagkuha ng atensyon sa kanya na ngayon nakakatitig sa akin at katahimikan ang namayani sa amin. Ilang sandali nakita ko sa mukha niya  ang unti-unti pagpatak ng luha na nanatiling nakatingin sa akin. Sa bawat patak ng luha kita ko ang sakit sa kanyang mga mata dahil sa sinapit nito sa kanyanh kapatid.

Unti-unti bumuka ang bibig nito pero walang salitang lumabas. Tuloy lang pagdaloy ng masaganang luha nito. Dahan-dahan ako lumapit ulit kay Yana na nasa likod ko lang si Zureil..

Akmang hahawakan niya ito bigla itong umurong ay siniksik ang sarili sa sulok ng kama..

"Hu--wag ka lala-pit, paka-walan mo nalang ako Era---ma--awa ka sa baby ko." saad nito kita ko takot at pagsusumamo na pakawalan siya. Sa huling binanggit nito hindi nakayanan at napayakap ako Zuriel...

"Gusto ko munang maghinga Baby.l, pleasel." bulong ko dito hindi kayang makita si Yana na ganitong sitwasyon..

"Okey Baby."

Bumaling si Zuriel sa mga kaibigan niya at nagpaalam....hindi ko na rin tiningnan pa si Yana at meron na nurse at doctor na puamsok para tingnan si Yana at hindi ko na hinintay ang sasabihin ng doctor, sila Lhes na bahala. Agad kami lumabas ng kwartong iyon...

Habang nasa biyahe nanatiling nakayakap sa akin si Zuriel hanggang di ko namalayan na nakatulog na ako at nagising ako umaga na..

Bumungad sa akin ang mala anghel na mukha ni Zuriel na nakangiti ito.

"Good morning Baby." bati nito sa akin sabay halik sa aking noo...

"Good morning too baby." balik ko bati sa kanya.

"Nakahanda na almusal natin Baby at pinadala ko dito nasa balkonahe natin, we will eat first or you will take shower first?"

"Magbreakfast muna tayo gutom na kami ni baby." paglalambing ko dito at pinanggigilan ko ilong nito, tangos kasi walang-wala ilong ko sa ilong nito. Namula ito pero wala ako narinig na reklamo mula sa kanya. Napakaunderstangding nito pero sa loob loob nito gusto na sumabog pinipigilan niya lang dahil buntis ako at ayaw na ayaw niya hahawakan ilong niya.

Inilahad nito ang kamay para tulungan ako makatayo na agad ko naman inabot..

"About kay Yana baby kami na bahala at may kinuha na kami magiimbestiga sa taong gumawa kay Yana at meron na kami nilagay na security na magbabantay sa kanya sa hopital." saad nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Nakatulog ako kagabi mukha ni Yana nakikita ko hindi puwede hindi ko isipin si Yana pero kailangan ko din ingatan sarili ko hindi ako puwede ako maistress dahil maselan talaga pagbubuntis ko.

Kailangan ko rin sabihin kay Zuriel na si Ava at Era ay iisa at kapatid ko. Para hindi na lumalala ang sitwasyon at baka kung anu pa gawin ni Era. Hindi ko akalain na magagawa niya 'yun dahil sa sobra galit sa akin...

Mapapatawad ko siya pero hindi pa ngayon o mapapatawad ko nga ba? Alam ko masakit para kay Papa pero kailangan na pagbayaran ginawa niya.

Masakit rin sa akin pero kailangan mabigyan ng hustisya ginawa niya kay Yana lalu na kung mapatunayan na anak 'yun ni Kuya William, malaking pamilya binangga niya at alam niya 'yun.

"Baby. . ." tawag ko kay Zuriel na agad naman naganggat ng tingin..

"Yes Baby? you want more food?"

"No baby, may gusto sana ako sabihin sayo.."

"What is it baby...?...ginagap nito ang kamay ko...

"Hmmmmm si -----".hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magring ang cellphone nito at napatingin ako sa cellphone niya, tumatawag Mommy niya..

"Wait Baby sagutin ko lang tawag ni Mommy at baka emergency." paalam nito.

"Okey Baby." habang kausap nito ang ina kita ang kaligayahan nito sa mukha.

"Okey Mom, ingat sa biyahe niyo po, I love you too.."sambit nito bago pinatay ang cellphone..

"Uuwi na sila Mommy at kasama si  kuya." pagbabalita nito sa akin at masaya ako na okey na si Kuya at gusto ko sana magtanong ng magsalita ulit si Zuriel..

Hindi agad ako nakapagsalita...

"Baby." tawag ko sa kanya.

"Hmmm... kasi " tanging sambit ko..

"Don't worry paguusapan na natin, for sure matatanggap ka nila Mommy, baby at huwag ka na  magisip- isip ng kung ano-anu."

"Okey babay." tanging saad ko nalang.

"Next time na lang baby. ."

"Okey Baby, by the way aalis muna ako after breakfast natin, kakausapin ko 'yung organizer ng party." paalam nito..

"Baby baka puwede pumunta ako kay Yana ngayon and don't worry magiingat naman ako."

"You need to rest baby." nasa tono ng boses nito pagtutol..

"Please baby, tatawagan naman kita kapag nagkaproblema at hindi naman ako lalapit masyado kay Yana." pakiusap ko at sana pumayag.

Bumuntong-hinga ito bago nagsalita.

"Okey baby and please be careful and make sure hindi ka lalapit kay Yana muna." pagsang-ayon nito pero kita ko pa rin pagtutol.

"Yes Baby, thank you mag-iingat ako promise." nakangiti ko saad.

Nagbabasakaling makausap ko na maayos si Yana alam ko hindi madali makarecover si Yana sa nangyari sa kanya. Hindi ko alam paanu sasabihin sa kanya wala na ang anak niya.

Gagawin ko lahat maipakulong lang si Era, kulang pa gagawin na maipakulong ang kapatid ko dahil hindi na nito maibabalik ang buhay na nawala dahil lang sa galit at inggit nito..

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.