"We're here baby..l" saad ni Zuriel ng makarating kami sa mansiyon nila at gaya pa rin ng dati alagang-alaga pa rin kahit wala nakatira.
Naunang pinagbuksan nito si Flint..
"Slowly baby." paalala sa akin ni Zuriel habang pababa ako ng sasakyan medyo mataas kasi ito saskayan niya. Wala naman ako magawa sa sobrang pag-aalaga niya sa akin kahit sa bahay talo ko pa 'yung imbalidong tao kung paanu niya ako alagaan kung titingnan ng iba ginagawa niya OA na pero sa akin napakasweet niya at gustong-gusto ko naman kung paanu niya ako alagaan.
"Bahay niyo po ito Daddy? tanong ni Flint habang papasok na kami.
"Hindi baby nila Lola at Lolo mo." sagot ni Zuriel karga nito si Flint.
Excited na si Flint makita ang mga magulang ni Zuriel meron na naman daw siya dagdag na tatawagin Lolo, si Papa at ama ni Zuriel at sa naman Lola medyo nalungkot ito kasi Alam nito wala na si Mama, paunti-unti pinaalam namin kay Flint pagkawala ni Mama at Lola ni Yana, kaya naman sobra tuwa ng malaman na meron siya matatawag na naman siya Lola. Pero hindi rin mawala ang kaba ko. First time nila makikita si Flint. At ito rin pangalawang pagkakataon na makikita ko sila simula noong una ko nakita sila.
Sobra kinakabahan ako marami pumasok sa akin isip paanu kung hindi nila kami matanggap ng mga magulang ni Zuriel. At inaalala ko pa si Kuya William sana naman makilala niya ako pero nandoon 'yung takot paanu kung Hindi na talaga kami maaalala kami ni Yana, lalu na kay Yana na kailangan siya ngayon ni Yana at hindi ko alam kung paanu ko sasabihin sa kanya ang nangyari kay Yana.
"Ang laki Daddy." namamangha saad ni Flint kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.
Kinarga ito ni Zuriel. Habang ako naman mahigpit ang pagkakahawak sa kamay nito habang papasok kami sa loob ng bahay at kasabay din paglakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Malaki naman tiwala ko kay Zuriel alam ko hindi niya kami pababayaan anuman mangyari.
Gaya ng sinabi ni Zuriel hindi muna ipapakilala si William sa publiko, hindi pa ngayon dahil aayusin muna nila ugnayan nila kay Ava..
Wala si Zuriel sinabi kung anu pag-uusapan na kailangan kasama ako pati mga kaibigan nila sa paguusap na gagawin ngayon.
Hindi ako natatakot kay Era dahil wala naman ako kasalan sa kaniya. At alam ko nandiyan si Zuriel at mga kaibigan niya.
Pagpasok namin sa loob ng bahay agad namin tinungo ang garden kung saan nanduon na ata sila naghihintay, huli na ata kami at nakita ko na rin mga sasakyan nila Lhes...
Hindi nga ako nagkamali nandito na sila sa isang
mahaba mesa. Hinanap ng mata ko si Kuya William pero wala. Sa huli tao nasulyapan ko si Era nakita ko masamang tingin nito sa akin at bumaba tingin nito sa magkahawak namin kamay ni Zuriel.
"Mom, Dad." tawag ni Zuriel para makuha ang atensyon ng mga ng makalapit kami sa kanila lumapit kami sa mga magulang nito.
"Ito na ba apo ko?" tanong ng Ama ni Zuriel na kinabigla ko lalu na si Era.
"Yes Dad." walang preno sagot ni Zuriel.
" Halika dito apo manang-manang ka kay Lolo...
Sa kagwapuhan pero sa ugali sa Daddy mo ba-----"..
"Daddy!." tawag ni Zuriel ng pinutol nito sasabihin ng ama
Natatawa naman ang Ama. Akala nila kami lang nandito. Bago ako umupo humalik muna ako kila Thea kita ko sa kanila kasiyahan para sa amin ni Zuriel 'yung mga ngiti nila parang may iba.
Tamang bati lang ginawa ko kay Era gustuhin ko man gawin ang ginawa ko gaya kila Thea pero hindi ko ginawa baka kung anong gawin nito sa akin at baka malagay na naman kami sa alanganin ni Baby..
Tinanong si Flint kung anu pangalan niya at sumagot naman ito. Hindi na ito umalis sa pagkakandong sa ama ni Zuriel..
" So Kailan na plano niyo magpakasal anak?" tanong ng ina ni Zuriel na kinabigla ko kasabay ng paghawak ko sa braso ni Zuriel hindi ko alam pag-uusapan ang kasal na wala pa naman kami napagusapan ni Zuriel dahil gusto ko muna ayusin gusot ni Era para matulungan ko si Yana.
"Wala pa po-------." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na bigla nalang tumayo si Era at hindi ko inaasahan namin bigla paghila ng braso ko.
Na agad naman tumayo si Zuriel kasabay ng pagtulak nito kay Era..
"I told you Ava huwag na huwag mong sasaktan ang magina ko dahil kakalimutan kita babae ka!." sigaw ni Zuriel mas lalung humigpit pagkakahawak ko sa braso niya.
"Akin na muna si Flint Tita kami na muna po bahala papasok muna kami." rinig ko saad ni Thea at buti na lang pinasok nila Thea si Flint. Naiwan sila Maru at Ian.
"Magina? baka nakakalimutan mo Zuriel kami ni Summer ang mag-ina mo hindi sila, si Summer ang tunay mo anak, anak natin siya Zuriel hindi ka puwede magpakasal kay Jewel, hindi ako papayag, hindi!!!." nangagaliiti sigaw ni Era.
"Let me remind you Ava O baka nakalimutan mo na isang kasunduan lang natin ang nangyari kapag nahanap ko na 'yung babae matagal ko na hinahanap balewala na kasunduan natin?" Do you remember Ava? ngayon tapos na kasunduan natin dahil nahanap ko siya Ava at meron kami anak at sila lang ang magina ko at ang babaing iyon tinutukoy ko at mahal na mahal ko." tumingin sa akin si Zuriel " Meet my future wife Jewel Arevalo ang babaing matagal ko na hinahanap." mahigpit ako napahawak kay Zuriel, paanu nasabi nito ako babae hinahanap niya?..
"Hindi maaari nagkakamali ka lang Zuriel!, hindi mo ito magagawa sa amin ni Summer na ipagpalit mo sa isang dati niyo katulong, hindi siya nababagay sayo dahil AKO...LANG... ZURIEL nababagay sayo."
"Really? katulong Ava? at naririnig mo ba sinasabi mo?...let me remind you again Ava NAPULOT KA LANG at binihisan kung makaasta ka akala mo hindi ka mahirap dati..Let me to tell you hindi ako nagkakamali si Jewel ang babaing matagal ko na hinahanap at si Flint totoo ko anak. Meron ako patunay si Jewel ang matagal ko na hinahanap. Una palang wala kana karapatan sa akin tapos na kasunduan natin. Kaya huwag na huwag mo sasaktan ulit ang magiina ko dahil hindi alam mo kaya ko gawin. Simula ngayon wala ka na karapatan pa umapak dito sa bahay o kahit saan na pagmamayari namin
TAPOS. NA. AVA. TAPOS.NA!"
Matapos magsalita ni Zuriel ambang susugurin ulit ako buti na lang nahawakan ng Ama ni Zuriel si Ava..
"ENOUGH AVA!! wala ka na magagawa 'yun nakalagay sa kasunduan natin, let remind you again Ava huwag na huwag mo ng sasaktan sila ulit dahil kung anu kaya gawin ng mga anak ko mas malala ako sa kaya nilang gawin, kaya umalis ka na kung ayaw mo ipakaladkad kita mga guwardiya."
"NO!..HINDI AKO PAPAYAG!!."sigaw nito at bumaling sa akin ang tingin.
"Bakit ba lahat INAAGAW MO SA AKIN JEWEL!
Mula pagkabata natin ikaw na lang lagi napupuri ikaw magaling sa lahat, ikaw maganda bakit kahit ang dami mo ginawa mali noon ikaw pa rin ang TAMA at ikaw ang NAPIPILI ikaw pa rin mabait sa harap ng mga magulang natin, pati ang isang lalaki gustong-gusto INAGAW MO RIN!!..
LAHAT INAGAW MO SA AKIN wala ka TINIRA. Pero ito ang tatandaan mo hindi man mapasaakin si Zuriel sisiguraduhin ko hindi kayo magkakatuluyan at hindi kayo magiging masaya dahil lahat ng sakit na dinanas ko ibabalik ko sa'yo JEWEL!" sigaw ni Ava..
"Era wala ako-----"..hindi ko na natuloy ng putulin ni Zuriel sasabihin ko pagkarinig nito sa binanggit ko pangalan
"Era?" Takang tanong ni Zuriel ng bumaling sa kanya ng tingin..
"Kapatid ko siya si Era o Ava ay iisa lang." diretso ko sagot kay Zuriel. Akmang magsasalita ulit ako pero nagsalita ulit si Ava..
"I will tell you the story Jewel remember 'yung time na graduation niyo at nagcelebrate kayo sa isang bar with your friends nandoon ako Jewel kasi naghihintay ako na baka makita ko 'yung lalaking minsan nakasiping ko dahil that time I'm pregnant hindi ko masabi sabi sa'yo kasi were not close lalu na sa magulang natin, natatakot baka itakwil nila ako kaya everytime na may oras ako pumupunta ako sa bar nagbabasakaling makita ko siya and that time na nanduon siya sobra saya ko kasi finally nakita ko rin siya at masasabi ko na kalagayan ko pero hindi akalain 'yung gabing din 'yun aagawin mo na naman yung lalaki gusto ko, nakita ko kung paanu mo nilandi siya gustong gusto ko hilahin buhok mo noon at kaladkarin palabas pero mas pinili ko kumalma at nagbasakiling hanggang paglalandi ka lang na hindi ko inaasahan na pareho lang pala tayo pinagkaiba ko lang ako hayagan at ikaw patago kunbaga nasa loob ang kulo mo at ayoko rin gumawa ng eksena sa bar na iyon. Ilang minuto paghihintay ko na tatantanan mo siya pero hindi nangyari , nakita ko hinila ka niya palabas sumunod ako at nakita ko pinasok ka niya sa kotse at hindi ako BOBO o TANGA!para hindi ko malaman kung anu ginawa niyo noong gabing 'yun sobra sakit Jewel kahit wala ako karapatan dahil wala naman kami kaso mahal ko siya at ako lang nakakaalam isang beses lang kami nagkita 'yung time na meron nangyari sa amin hindi niya ako kilala pero siya kilala ko. Matagal ko na siya mahal unang kita ko palang sa kanya noon at sobra saya ko pinagtagpo ulit kami ng pagkakataon na sa pag-aakalang okey na lahat pero nagkamali ako dahil ngayon heto ka na naman inagaw mo ulit siya sa akin JEWEL!!...
Ang tinutukoy ko lalaki mahal ko si Zuriel kaya hindi ako makakapayag na sa pagkakataon ito maagaw mo ulit siya sa akin may karapatan ako at ako nauna sa kanya at meron din kami anak at si Summer yun!.
"Kahit kailan wala nangyari sa atin at hindi pa tayo nagkita, nakilala lang kita noong time na namatay kasosyo namin at sa amin ka pinagkatiwala Ava I'm sure with that.."
"DNA test 'yung magpapatunay na kahit ilang beses mo man ipatest si Summer lumalabas anak mo siya Zuriel di ba? the result always positive same result, right?" nakangiti nitong saad
Sa sinabi ni Ava napabitaw ako sa braso ni Zuriel hindi ko alam sasabihin o gagawin ko ang tanging nasa isip ko lang ayoko iisa ang taong mahal namin kapatid ko at ayoko may kahati kami ni Flint kay Zuriel at kailangan isa sa amin magparaya at ako 'yun masakit man pero 'yun kailangan gawin ko hindi para sa kapatid kundi kay Summer at buti na lang hindi pa alam ni Flint na totoong Daddy niya si Zuriel kung totoong sinabi ni Zuriel kanina....
Nakita ko sa mga ni Zuriel ang takot.
Dahil sa nangyari wala ako masabi umatras ako bago tuluyang umalis sa harap nila.
"Hayaan mo muna Zuriel." tanging narinig ko mula kay Maru kasunod noon pagmura ni Zuriel kay Ava at nagkagulo na bago tuluyan makapasok sa loob ng mansiyon para kunin si Flint.