Mabilis lumipas ang araw.
Nandito na rin sa Maynila sila Lola
Dalawang araw simula ng dumating kami, agad naman nakahanap si Mang Canor na bahay na matutuluyan nila Lola at tama si Lola Pasing malapit lang sa simbahan at eskwelahan ang lugar nila Mang Canor.
Sakto lang laki ng bahay na mauupuhan namin
Nakakuha na rin kami puwesto ng karenderia
Hindi na rin mahihirapan ang anak ko sa pagcommute, kasi puwede lang lakarin ang eskwelahan na papasukan nito.
At ngayon araw pagdating ng anak ng amu namin. Gaya ng sinabi ni Lola 'yung mag-ama muna una ang darating.
Nandito na rin ang mag-asawang Mendez.
Parehong mabait ang mag-asawa hindi kami tinuturing na katulong bagkus kapamilya.
Kagabi lang dumating ang mag-asawa medyo nagkakwentuhan kaming lahat at isa sa naikuwento nila, pareho sila galing sa mahirap na pamilya dahil pagpupursige nila kaya naabot nila mga pangarap nila sa buhay at kung Anu meron sila ngayon. Pero kahit ganun pa man nanatili sila nakaapak sa lupa.
Tama naman sila na walang impossible kapag sinabayan mo ang gawa mo na laging positibo sa buhay at dasal ang gusto mo maabot sa buhay.. mahirap man sa una, pero worth it naman sa huli.
"Handa na ba lahat mga anak?." tanong ni Lola
Sakto hapunan kasi ang dating ng mag-ama
Sinundo na ito ng mag-asawa. Pareho kami kinakabahan ni Yana.
"Opo La, handa na po ang lahat." sagot namin Yana.
"Duon na tayo sa may pintuan para salubungin sila." yaya ni Lola na nauna ito at sumunod na rin kami.
Ilang sandali dumating na rin. Nauna lumabas ang mag-asawang matandang Mendez at sumunod ang isang batang babae at ilang sandali, isang lalaki naman ang bumaba. Nasa mukha nito mala- anghel na mukha pero kita dito ang pagkasuplado base sa seryosong mukha nito.
"Good evening po Ma'am Sir." bati namin sa mga dumating.
"Jewel Yana, pakikuha naman ng mga gamit nila sa sasakyan, patulong kayo kay Mang Canor." Utos ng ginang sa amin.
"Opo Ma'am." sabay sagot namin ni Yana.
"Thank you, after niyo makuha at mailagay sa mga kwarto nila, sumunod kayo sa kusina para sabay-sabay na tayo kumain, ilang maleta lang naman 'yun dala nila." saad ng ginang bago tuluyang pumasok sa loon ng bahay.
Tumango naman kami ni Yana bilang tugon sa ginang. Sakto naman paglabas namin ni Yana ang pagpasok ng lalaki, agad naman namin binati sabay tumabi at yumuko kami ni Yana.
Pero wala kaming narinig man lang na sagot at dire-diretso ito pumasok na parang walang nakita at narinig mula sa amin.
"Guwapo sana suplado naman, kala mo pasan ang mundo dahil sa itsura ng mukha." bulong ni Yana sa akin at napailing na lang ako sa sinabi niya pero totoo naman.
"Hayaan muna pagod sa biyahe 'yung tao, tara na nga kunin na natin mga bagahe nila." sabay hila ko kay Yana.
Madali naman namin natapos ang paglalagay ng mga maleta sa kwarto. Agad kami pumunta sa kusina.at nadatnan namin ang lahat nakaupo na.
"Maupo na kayo Jewel, Yana." saad ni Mr.Mendez
Umupo naman kami agad katabi ni Lola Pasing. Sinimulan na namin kumain. Ilang sandali pa, nagsalita si Mrs. Mendez
"By the way Zuriel, remember Manang Pasing mayordoma natin dito sa mansyon maybe you forget her, kasi bata ka pa noon ng dalhin kita dito, anyway siya makakasama niyo dito, kasama ang apo ng kanyang kaibigan, sila Yana at Jewel, ikaw na bahala kung sino mag-aalaga kay Summer.
"Jewel Yana, my son, Zuriel and Summer ang kanyang anak." pakilala ng ginang sa amin.
Tanging tango at ngiti naman ginawad namin bilang pagbati sa kanila.
"Hello Tita, Jewel Yana I'm Summer Mendez by the way." nakangiting pakilala ng bata na kinabigla namin dahil sa pagtawag nito Tita sa amin.
Hindi naman agad kami nakasagot.
"Hi baby I'm Jewel." pagpakilala ko sa kanya
"I'm Yana baby, ganda bata para kang barbiedoll." kumento ni Yana.
"Finish your food Summer, you need to rest..."malamig na saad ni Zuriel..
"Okey po Dad." magalang na sagot nito sa Ama.
At ilang sandaling katahimikan ng magsalita si Zuriel na agad naman ako napaangat ng ulo at sabay tingin sa kanya.
"Jewel right?...baling sa akin ni Zuriel.
"Yes Sir." sagot ko na hindi maiwasan kabahan.
"Ikaw ang magbabantay kay Summer habang wala pa ang Mommy niya, hindi ko alam kung kailan susunod sa amin at ngayon pasukan mag-aaral na siya, gusto ko mag-focus ka lang sa kanya, wala ka iba gagawin kundi bantayan ang anak ko, and you will sleep beside her hindi siya sanay na walang katabi at kung anuman kailangan niya especially sa mga homework, you will help her at kung anuman mga kailangan niya sabihin mo sa akin at mga kailngan sa pag-aaral and especially mga school activities 1 week before the event sa school nila sabihin mo sa akin ayoko 'yung hindi pinaghahandaan, nakakaintindihan ba tayo?" saad niya.
"Yes Sir, naiintindihan ko po." sagot ko sa kanya.
"Everyday you will report to me kung anu mga nangyari sa school nila, treat her like your daughter at ayoko sa lahat tatamad-tamad na tao."
"Yes Sir." sagot ko kasabay ng pagtayo niya.
"Mauna na ako Mom Dad, I need to rest." paalam nito sa mga magulang.
"Pagpasensiyahan niyo na si Zuriel mabait naman 'yun kaso may nangyari lang kasi noon na nagpabago sa kanya." paghingi ng paumanhin ni Mrs. Mendez nang makaalis na ang anak nito.
"Okey lang po." sagot ko
"Habaan niyo lang pasensiya niyo sa anak namin, hindi namin alam nangyari noon bigla nagbago siya, hindi na rin siya open sa amin kaya iniintindi na lang namin, nag-iisang anak namin siya pero umaasa ako mag-oopen din siya sa amin at ayaw namin pilitin siya, we tried before pero nauuwi lang sa pag-aaway, so hinayaan na lang namin." pagpapaliwanag ni Mr Mendez.
"Kayo na bahala sa kanila kapag meron problema tawag lang kayo sa amin at bukas uuwi na kami sa Hacienda, maybe tomorrow magsisimula na magtrabaho si Zuriel sa kompanya, hindi ugali niyang wala ginagawa O ang manatili sa bahay gusto lagi babad sa trabaho gaya din ng asawa niya. Gaya ng sabi ni Zureil hindi niya alam kung kailan darating asawa niya and don't worry mabait asawa niyang si Ava." saad ni
Mrs.Mendez.
"Tatandaan namin sinabi niyo po Ma'am Sir don't worry po hahabaan namin pasensiya makakaasa kayo po sa amin." sagot ko.
"Kung ganun wala na problema, basta anytime puwede kayo tumawag sa amin and Jewel take care sa apo namin you know bata malikot medyo maldita din 'yan apo ko." nakangiting saad nito binalingan ang apo..
"I'm not maldita granny but sometimes pero sa mga taong hindi ko gusto."saad ni Summer.
"I know apo sige na tapusin mo na pagkain mo and you need to rest. By the way apo, narinig mo naman sinabi ng Daddy mo, si Tita Jewel ang mag-aalaga sayo at siya rin makakasama mo sa kwarto hangga't wala pa si Mommy mo, huwag makulit apo, good girl okey and you can call me anytime." paalala ng ginang
"Yes po Granny." nakangiting saad ni Summer
"You can go now to you're room Summer, pagod ka sa biyahe apo." saad ni Mr Mendez.
"Okey po Lo."
"Jewel pakisamahan si Summer sa kwarto niya." saad ng ginang.
"Yes Ma'am, let's go baby." yaya ko kay Summer
Kinarga ko na ito dahil kita sa mukha nito pagod at antok na. Nang makapasok agad ko kumuha ng damit sa maleta nito para makapagbihis.
Summer same age ni Flint. Maganda bata si Summer mana ata sa Ina nito. Matapos mabihisan agad naman ito humiga sa kama at madali nakatulog dahil pagod sa biyahe.
Kahit ibang bansa lumaki ang bata marunong ito mag-tagalog. Halatang pinalaki maayos dahil hindi nito nakikitaan ng kaartehan unlike sa ibang bata na anak mayaman.