ONE NIGHT TO FORGET Chapter 4

“Sa wakas nakarating na tayo Jewel.” nakangiting saad ni Yana habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harap namin. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay na pinagtatrabahuhan ni Lola Pasing.

“Good Morning po!” masigla bati ko sa mga guwardiya.

“Good Morning din mga Hija, anu kailangan niyo? magalang na tanong ng isang guwardiya.

“Manong kami po 'yung bagong mga katulong at si Lola Pasing po 'yung nagrecommend sa amin sa amu niya.” sagot ko.

“Sandali lang at tawagan ko si Lola Pasing, “ paalam nito sa amin.

“Sige po salamat.”

“Grabe Jewel sobra laki ng bahay, sobra yaman pala ng amu ni Lola Pasing, kaya pala laki ng pinapasahod para sa kanila barya lang sa kanila at sarap ng buhay mayaman.” saad ni Yana habang inililibot ang paningin nito sa loob ng bakuran.

“Sana man lang hindi sila matapobre, gaya ng ibang mayayaman,” sambit ko sa kawalan.

“Hindi naman siguro, kasi hindi naman magtatagal si Lola Pasing sa paninilbihan sa kanila kung matapobre sila di ba?”

“Sabagay.” tanging nasabi ko nalang at sabagay hindi tatagal ang isang naninilbihan kung matapobre ang pinagsisilbihan. Ilang sandali pa bumalik na rin ang guwardiya.

“Pasok na kayo mga Hija, naghihintay na si Lola Pasing sa loob.” pagiimporma niya sa amin.

“Okey salamat Manong, sige pasok na po kami.” nakangiting paalam namin sa kanila.

Hindi na kami nagpatulong sa dala namin bag, kasi hindi naman mabigat konti lang damit namin tutal sa sunod na linggo, susunod din sila Lola kapag nakahanap na kami matitirahan. Pagdating namin sa loob agad kami sinalubong ni Lola Pasing.

“Yana, Jewel buti naman nakarating kayo maayos, kumusta biyahe niyo pasensiya na kung hindi kayo nasundo ng driver busy kasi.” saad ni Lola pagbungad namin sa loob.

“Okey naman po biyahe namin at okey lang po Lola kung hindi kami nasundo.” sagot ko.

“Ganda ng bahay Lola,” sambit ni Yana.

“Oo nga kaso sobra tahimik naman hija mas maganda pa rin yung maliit na bahay basta maingay, buo at masaya.” saad ni Lola at tama naman siya aanhin mo naman malaking bahay kung ganito naman talaga, tahimik at halos wala na ingay at nakatira.

“Bakit nasaan mga amu mo Lola? At kayo lang ba dito?” tanong ni Yana.

“Mamaya na tayo magkuwentuhan punta muna tayo sa kwarto niyo at pagkatapos kumain na muna kayo almusal sigurado gutom na kayo. ” yaya ni Lola.

Agad naman kami sumunod sa kanya at pagpasok namin sa kwarto hindi mo masasabi kwarto ito para sa isang katulong at kumpleto sa gamit.

Matapos maipasok namin ang aming mga gamit, agad naman namin tinungo ang kusina. Nakahanda na rin ang almusal sa hapag-kainan.

“Kain na kayo mga apo.” Yaya ni Lola na dala-dala niya dalawang baso gatas.

“Salamat La, dami naman nito pagkain.” saad ko.

“Pinaghandaan ko talaga pagdating niyo mga apo at sa wakas meron na rin ako makakasama dito.”

“Nasaan ba sila Lola, ‘yung mga amu mo po?tanong ni Yana.

“Dati kasi nandito yung mag-asawa kaso babalik na anak nila kasama asawa at anak galing ibang bansa at dito na sila mananatili, ‘yung anak na kasi nila ang mamahala ng kompanya at kailangan na rin kasi magpahinga yung mag-asawa tumatanda na rin kasi sila. Nasa Hacienda na sila ngayon nakatira at noong isang linggo lumipat mas okey kasi duon makakarelax sila at malayo sa polusyon dito sa Maynila.” paliwanag ni Lola.

“Yaman talaga nila.” saad ni Yana.

“Kung sa yaman, sobra yaman nila pero hindi sila tipo na mayaman na showy o matapobre, pero ewan ko yung anak nila na si Zuriel, simula kasi nagtrabaho ako dito noon limang taon gulang lang batang ‘yun, sa ibang bansa na kasi lumaki at nag-aral. Kung magbakasyon man sa Hacienda nila hindi dito, hanggang larawan ko na lang nakikita batang ‘yun.” dagdag ni Lola.

“Sana maganda ugali.” sambit ni Yana.

“Kuwento sa akin ng mayordoma sa hacienda, sobra guwapo daw, mala anghel pero suplado daw, hindi pala ngiti at lagi seryoso ang mukha ewan ko sa asawa at anak kung anu ugali nila, dapat ihanda na lang mga sarili natin.” kuwento ni Lola habang inilalagay nito ang mga pagkain sa mga plato.

“Tayo na lang magpakumbaba as long as hindi tayo sasaktan nila.” saad ko.

“Korek! para sa ekonomiya natin Jewel.” pagsang-ayon ni Yana.

“Kumain na kayo madami at pagkatapos pahinga muna kayo, bukas na kayo magsimula ng trabaho at sa sunod na linggo darating na sila, pero ‘yung mag-ama muna raw, susunod na lang ‘yung asawa at meron pa aayusin kompanya nila.” saad ni Lola habang inilalagay mga pagkain sa mesa.

“Ah, ganun po ba, maiba pala ako La need namin bahay na marerentahan kasi sa susunod na linggo susunod na rin sila Lola, ’yung malapit lang sana dito at sa paaralan kasi na rin sa si Flint.” saad ko

“Magtatanong ako kay Mang Canor baka meron duon sa lugar nila malapit lang sa eskuwelahan, at puwede kayo mag-negosyo duon karenderia at malapit din sa simbahan.”

“Salamat La.” pasalamat ko sa kanya.

“Oh siya tapusin na natin almusal at magpahinga muna kayo malayo pa naman binayahe niyo dalawa.”

“Opo La,”saad namin ni Yana.

Habang kumakain at hanggang matapos tuloy kami sa kwentuhan. Dalawang taon din hindi naka-uwi si Lola Pasing sa aming lugar.

Lola Imelda at Lola Pasing mag-bestfriend simula ng magkakilala sila. Ulila lubos noon si Lola Pasing ng magkakilala sila ng Lola ni Yana. Kinupkop ito ng mga magulang ni Lola Imelda.

Gaya namin high school din tinapos nila, dahil maaga rin namatay mga magulang ng Lola ni Yana. After that sila na magkatuwang sa buhay, nangako hanggang sa pagtanda walang iwanan at kahit anu pagsubok sa buhay nila magkakasama haharapin.

At isa sila sa mga hinahangaan ko at kung paanu nila pahalagahan ang pagkakaibigan, at gaya nila ganun din kami ni Yana, we’re bestfriend at nangako rin habang-buhay walang iwanan, pero kami nangakong magtatapos ng pag-aaral at planu ko sana na sa susunod na semester, si Yana muna mag-aaral at sa sunod kung sakali makaluwag na ako naman at yun muna ngayon planu ko at sa pamliya ko balang araw magkikita rin kami, maliit lang ang Maynila sana kung dumating ang araw na iyon napatawad na nila ako.

Sobra miss ko na sila.

“Lalim naman iniisip mo Jewel, tulala ka na miss mo na ba si Flint? tanong sa akin ni Yana habang inaayos mga gamit namin. After namin kumain dumiretso agad kami sa kuwarto para ayusin mga damit namin.

“Oo, ito unang gabi na hindi ko makikita si Flint at siyempre sila kuya at lola.” wika ko habang inilalabas mga gamit namin sa maleta.

“Ako nga din pero konting-tiis lang sa sunod na linggo nandito na rin sila.” saad ni Yana.

“Maiba ako Yana, about sa pag-aaral natin, planu ko sana ikaw na muna mag-aral next semester or sunod na taon tutulungan kita, gusto ko makapagtapos ka Yana at alam ko gusto mo na mag-aral, after mo makapagtapos ako naman mag-aaral sayang kasi, ako na bahala muna sa gastusin, tutal malaki naman sahod natin dito, at kapag naging okey talyer na itatayo natin or anuman negosyo itatayo ni kuya Damian tulungan na lang kami, What do you think Yana? okey naman di ba?” nakita ko sa mukha niya pag-aalingan. I know na nangako kami sabay kami mag-aaral ng kolehiyo.

“Okey naman sana Jewel, pero nagpromise tayo sabay magkokolehiyo.”

“Yana, hindi naman sa hindi ko tinupad pangako natin, pero gusto ko na mag-aral ka na huwag muna ako isipin basta after college mo ako naman, kasi kung sasabay tayo, mahirap i-budget ‘yung pera natin, mas okey na isa muna sa ating dalawa at ikaw ‘yun at kahit hindi man ako maka-college masaya ako kasi isa sa atin nakapagtapos.” paliwanag ko, masaya ako kapag nakatapos si Yana at kapag nangyari ‘yon ako naman mag-aaral.

“Sigurado ka ba Jewel? Yung totoo gusto ko na talaga makapag-aral tayo pero siyempre mas uunahin natin sila Lola.”

“Sigurado ako Yana huwag ka mag-alala sa akin tutuparin ko rin makapagtapos sa ngayon ikaw muna.” Saad ko sa kanya.

“Sa sunod na pasukan na lang Jewel para makapag-ipon pa tayo.” Wika ni Yana.

“Sige tapusin na natin ‘to at bukas magsisimula na maglinis sa buong bahay.”

“Sana Jewel, mabait anak ng amu natin at pati ‘yung asawa at anak.”

“Sana nga Yana.” pagsang-ayon ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.