ONE NIGHT TO FORGET Chapter 7

Mabilis lumipas ang mga araw. Ilang linggo na rin lumipas at nag-simula na rin ang klase.

Gaya ng sabi Zuriel focus ako kay Summer hinahatid kami ng driver at nagpapaiwan naman ako at naghihintay hanggang uwian ni Summer.

After school diretso agad kami sa bahay, after kumain, gagawa ng homework then konting oras na maglalaro si Summer habang ako naman tumutulong kila Yana sa kusina.

Ganito lagi routine ko araw-araw.

May gabi naiisip ko na sana anak ko kasama ngayon, siya 'yung inaasikaso naghahatid sa school at nagbabantay sa kanya, magtuturo ng homework , mahirap pero kailangan magsakripisyo para sa kinabukasan niya at hindi ko namamalayan na lumuha na ako hanggang pag-uusap na lang kami sa telepono..

Gustuhin ko man umuwi pero hindi puwede kasi wala si Zuriel nasa Cebu magdadalawang linggo na ito wala, hindi puwede maiwan ko si Summer. Natatakot din ako dalhin si Summer sa lugar namin, mahirap na baka kung anu mangyari sa kanya lalu na anak mayaman ito, kaya kailangan magtiis muna kahit sobra miss ko na anak ko.

Naiintindihan naman ako ng anak ko buti lagi nandiyan si Kuya Damian para magpaliwanag kay Flint.

"Tita Jewel I'm done with my homework, I will play now po." wika ni Summer habang inaayos ang mga gamit niya.

"Okey baby, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, nasa kusina lang ako." saad ko kay Summer tinulungan ko na rin sa pag-aayos.

"Opo Tita, punta na po ako sa playroom." paalam nito sa akin at dali-daling lumabas ng kwarto.

Alam ko Mali pero minsan hindi ko maiwasan makaramdam na inggit, sa katayuan ni Summer lahat ng ang gusto nito binibigay ng mga magulang, may sariling playroom, studyroom at bedroom which is na wala ang anak ko at hindi ko maibigay man lang. Kahit mga laraun na gusto niya hindi ko maibigay, pangarap niya magkaroon ng laruang star wars pero hindi maibigay kasi sobra mahal pang tatlong-buwan budget na namin ang halaga ng laruan.

Hindi naman ako nangangako sa anak ko mabibili ko gusto niya laruan dahil alam ko sa sarili hindi ko maibibigay.

"Jewel nakita ko 'yung Pres natin noong high school pag-grocery namin ni Lola, nagkausap kami at iniimbitahan tayo may reunion 'yung class section natin, wala naman daw gagastusin kasi sagot na niya lahat."saad ni Yana, nandito kami sa garden nagpapalipas ng oras dahil kakatapos lang namin kumain at tulog na rin si Summer.

"Ayoko pumunta Yana baka hindi tayo payagan ni Sir, wala magbabantay kay Summer, hindi pa sure kung makakauwi na si Sir bukas." pagtanggi ko pero isa pa dahilan ko, nahihiya ako sa mga kabatch namin na alam ko mga successful na sila ngayon at kami na lang ni Yana wala pa rin naaabot sa buhay.

"Sabi ni Lola sigurado na daw uuwi si Sir, try natin mag-paalam, gabi naman gaganapin 'yung reunion at tapos na rin trabaho natin at bukas pupunta rin dito mga magulang ni Sir para bisitahin si Summer for sure linggo na ng gabi sila babalik sa Hacienda." saad ni Yana.

"Ayoko pumunta Yana kung gusto mo ikaw na lang, uuwi na lang ako sa atin kung sakaling umuwi na si Sir at pupunta dito mga magulang niya, gusto makasama anak ko Yana miss ko na siya, ilang linggo ko na siya hindi nakita." wika ko at totoo naman miss ko na talaga anak ko. Gusto ko na mayakap si Flint tanging sa pagtawag lang nagagawa namin dalawa.

"Kilala kita Jewel alam ko hindi 'yan ang dahilan kung bakit ayaw mo pumunta, nahihiya ka di ba? kasi hanggang ngayon wala pagbabago sa buhay natin, tama ba ako?"

Hindi ako nakaimik at totoo naman talaga na isa 'yun sa dahilan ko.

"Alam mo Jewel minsan kailangan din natin mag-saya, bigyan naman break sarili natin kahit isang gabi lang na kasama mga kaibigan natin. Limang taon din tayo na hindi man lang nabigyan 'yung mga sarili natin na maging masaya, 'yung wala muna iniisipna problema, 'yung kahit isang gabi maramdaman natin na malaya 'yung ganun wala naman masama di ba?.

Kung iniisip mo huhusgahan nila tayo dahil sa nangyari sa buhay natin, we know them Jewel hindi sila ganun na tao at saka hindi ako mahihiya kung malaman nila ganito pa rin buhay natin at mas lalung hindi ako mahihiya na sabihin na isa ako katulong , kasi wala sila alam sa nangyari sa atin before, kung husgahan man nila tayo wala ako pakialam, hindi natin mape-please ang mga tao at hindi rin natin obligasyon mag-explain sa kanila, kaya sa ayaw at gusto mo pupunta tayo para mag-saya naman tayo kahit isang gabi lang." mahabang litanya ni Yana at may point naman siya pero nadadaig ako ng kahihiyan.

"Minsan nangliliit ako sa sarili ko, sa buhay na meron ako ngayon dahil sa nangyari noon. 'yung hindi ko naibibigay lahat para sa anak ko pero hindi ko 'yun pinagsisihan kasi binigay sa akin si Flint, siya naging lakas ko sa pagharap sa mga pagsubok lalu na itinakwil ako ng mga magulang ko." saad ko na hindi maiwasang mapaluha.

"Jewel huwag mo maliitin sarili mo dahil kahit ganito buhay natin, isang katulong tayo at hindi man tayo nakapagtapos dapat ipagmalaki mo dahil lahat pinagdaanan natin pagsubok nakaya natin at naniniwala ako na balang-araw makakaraos din tayo, kailangan lang natin mag-tiwala tayo sa Diyos at lahat ng paghihirap natin alam ko na kasiyahan balik sa atin."

"Oo naman hindi ako nawawalan ng pagasa Yana na balang-araw giginhawa din tayo pero minsan kasi hindi ko maiwasan maisip at maramdaman na manliit sa sarili ko."

"Naiintindihan kita Jewel maging positibo lang tayo okey at tsaka wala iwanan kapag nakapagtapos na ako ikaw naman mag-aaral." nakangiting saad ni Yana.

"Oo naman wala iwanan." pagsang-ayon ko sa kanya.

"Alam mo kasi Jewel isa pa sa dahilan kung bakit gusto ko pumunta tayo, nagbabasakali na malay mo nanduon 'yung ama ni Flint di ba?."

"Paanu naman natin malalaman Yana, hindi ko nga kilala kahit mukha man lang sana, kaso hindi ko talaga kilala at huwag na tayo umasa na makikita pa natin siya, baka ngayon may asawa na 'yun limang taon na rin nakalipas, kaya enjoy na lang tayo wag aksayan oras sa pgbabasakali natin sa ama ni Flint, kahit isang gabi maibalik natin 'yung tayo noon. na gaya ng sabi wala muna iisipin na problema, nakakamis na rin sumayaw at uminom." saad ko.

"Okey, huwag na tayo umasa makita pa natin ama ni Flint, alam ko maiintindihan niya naman balang-araw nandiyan naman si Kuya Damian tinuturing niyang ama, pero alam natin darating din araw aalis din si Kuya Damian at babalik sa pamilya niyang tototo, at 'yun ang kinakatakot natin pareho at anytime magtatanong siya sa tatay niya, dapat lagi tayo handa Jewel, alam ko mahirap sa part mo at lalu na sa anak mo at huwag din tayo mawalan ng pagasa na makikilala niya rin ama niya balang-araw." wika ni Yana na ramdam ko pagaalala sa anak ko.

"Hindi na ako umaasa Yana, impossible mangyari, matalino si Flint ma-iintindihan niya rin ako."

"Ipagdasal pa rin natin Jewel na makilala natin siya." Saad ni Yana na puno ng pag-asa makikita namin ang ama ni Flint.

"Pasok na tayo makapagpahinga na ipanalangin natin sana payagan tayo ni Sir." pagiiba ko ng usapan.

"Oo 'yan, tara na at malamig na rin." yaya nito sa akin sabay pulupot sa braso ko ng kamay niya.

Pagpasok namin naghiwalay na kami, tinungo ko na ang taas, sa kwarto ni Summer.

Gaya ni Yana gustuhin ko man maging positibo makikilala ko ama ni Flint pero mahirap umasa dahil una pa lang wala na pag-asa.

Naniniwala ako maiintindihan ako ng anak ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.