ONE NIGHT TO FORGET Chapter 8

"Nandito na tayo Jewel, buti na lang pinayagan tayo ni Sir at dumating naman sila Maam Kate." saad ni Yana nang makarating kami sa bar kung saan pagdadausan ng reunion namin.

At dito rin sa bar na ito nagsimula ang pagbabago ng buhay ko, six years ago.

"Let's go, pasok na tayo sa loob hinihintay na nila tayo."

Pagpasok namin, namangha ako dahil malaki na rin pinagbago nito. Masasabi ko mas lalo gumanda ang loob ng bar at gaya ng dati mayayaman lang puwede maka-afford dito.

Noon kasi nakapasok kami para i-celebrate graduation namin dahil nag-ambag-ambag kami at talagang pinag-ipunan namin 'yun.

Pagpasok namin hindi pa masyado matao sa loob, kaya agad naman namin nakita sila.

"Ayon sila." turo ni Yana na agad  namin pinuntahan sila.

Una nakakita sa amin si Emman na class Pres. namin simula first year hanggang fourth year kami consistent 'yung pagiging President niya.

"The Queens is hereeee!!." tili nito ng makita kami.

And Yes!! bading siya.

At ilang mga customer napatingin sa amin.

"Grabe Emmanuel 'di ka pa rin nagbabago, grabe ka pa rin makatili, sakit sa tenga!." pagrereklamo ko.

"E.M.Z Jewel not Emmanuel yuckz!!!nakakadiri!" maarteng saad nito sabay irap sa akin.

"Oo na Emz. . ." saad ko at sabay irap din sa kanya at nagkatawanan kami lahat. Masasabi ko sila pa rin kaklase namin noon.

"Kumpleto na tayo at buti naman dumating kayo, nakakamis na 'yung mga kalokohan natin noon, 'yung pagsasayaw natin, sarap balikan high school life natin." saad ng isa namin kaklase, si Hannah.

"So anu balita kwento naman kayo about sa mga buhay niyo." saad ni Emz..

Isa isa naman nagkuwento sila, sa mga buhay nila at lahat sila magaganda na ang buhay at meron na mga stable na trabaho at iba naman meron ng mga sariling pamilya at masaya ako para sa kanila dahil naabot nila mga pangarap nila noon at kami heto pa rin.

"Kayo Jewel, Yana? Kumusta kayo?."tanong ni Emz,nagkatinginan naman kami ni Yana at naunang nagkuwento si Yana, kita ko lungkot sa mata nila.

"Ikaw naman Jewel?" tanong ni Gail, huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Same with Yana hindi rin ako nakatuntong ng College but we have different story, nabuntis ako at tinakwil ako ng mga magulang ko, kasi ako 'yung inaasahan nila alam niyo 'yun pero binigo ko sila, until now wala pa rin ako balita sa kanila, gusto ko puntahan sila sa bahay pero natatakot baka ipagtabuyan nila kami ng anak ko. Pinapanalangin ko na lang na sana lagi sila nasa maayos at balang-araw mapatawad nila ako. Noong nalaman ko buntis ako mas pinariority ko na anak ko, kaya hindi ako nakapagcollege, pero wala ako pinagsisihan sa nangyari sa akin noon, dahil meron ako anak na naging  inspirasyon ko na maging matatag sa buhay. " saad ko na hindi ko mapigilang mapaluha na mabilis ko naman pinahid at nginitian sila.

"We're sorry sa nangyari sa inyo, dapat humingi kayo ng tulong sa amin hindi kami magdadalawang isip na tulungan kayo noon." wika ni Emz

"Gustuhin naman namin, pero nahihiya kami at  tsaka alam namin may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari 'yun at kung anuman  darating ang araw masasagot ang tanong namin." saad ni Yana.

"So ibig sabihin Jewel may asawa ka na? tanong ni Emz.

"Wala." maikli ko sagot.

"Hindi ka pinanagutan ng lalaki nakabuntis sayo?" tanong ulit ni Emz.

"Hindi, I mean hindi ko nakilala 'yung lalaki kasi hindi ko man lang nakita mukha dahil sa madalim 'yung lugar kung saan meron nangyari sa amin at dala na rin sa kalasingan ko na rin noon."

"So paanu kung dumating ang araw maghahanap ng ama anak mo malaking problema 'yan Jewel, kahit man lang tattoo or anything na mapagkilanlan mo sa kanya wala man lang ba?" tanong naman ni Gail.

"Wala as in wala talaga, maiintindihan naman ako ng anak ko kapag dumating ang araw na puwede ko na sabihin sa kanya kung bakit wala ako mapakilala ama sa kanya." Sagot ko, eh sa wala talaga.

"My Ghaaaddd Jewel!!! naiistress ako sa'yo at nasaan ba 'yung utak mo noon."

"Anu magagawa ko sa lasing ako noon at tsaka nangyari na hindi na natin maibabalik 'yung noon, ang importante 'yung ngayon kung magtanong anak ko bahala na si batman sa ngayon hindi ko muna iniisip 'yan at mas importante sa akin maka-pagaral at maka-pagtapos siya."

"Okey kung 'yan desisyon mo wala kami magagawa pero kapag kailangan niyo ng work or anything tawagan niyo lang kami at tutulungan namin kayo." saad ni Emz naikuwento niya meron ito sarili botique at flower shop hindi lang basta-basta kilalang-kilala na negosyo nito.

"Thank you Emz." pasalamat ko sa kanya tama nga si Yana hindi ganun gaya ng sinabi ko hindi sila nagbago kahit malayo na mga narating ng mga ito. Sila pa rin 'yung dati kaklase namin noon.

"Tama muna na 'yan huwag muna natin pag-usapan buhay namin ni Jewel, Let's enjoy,  wala muna iisipin na problema at magstart na tayo mag-inom mahaba-haba ang oras natin at mamaya sasayaw tayo, nakakamis na sumayaw." saad ni Yana.

"Truth and Dare ulit tayo, gaya noon." suhestiyon ni Gail.

"Ayoko na sumali dahil diyan sa laro at alak kaya nabuntis ako at ayoko na ulit mangyari kayo na lang." pagtanggi ko sa lalaruin namin at baka maulit na naman nangyari noon.

"Wala dapat KJ , ngayon lang tayo magkakakasama and don't worry Jewel kami bahala sa'yo huwag ka lang iinom ng marami, let's enjoy this dahil baka matagal na naman tayo hindi magkita-kita busy na tayo sa buhay may trabaho."saad ni Emz at tama naman si Emz matagal na naman bago masundan pagkikita namin ulit.

"Okey, so let's start. . ."

Sinimulan namin ang laro, lahat dare pinili dahil pabor na pabor sa mga pinapapagawa sa kanila. Lumipas ang oras padami dami na rin mga tao dito sa loob, friday ngayon  kaya marami tao dahil kinabukasan weekend, walang mga pasok.

"Ikaw na Jewel!" sigaw ni Emz at halatang sobra excited na makita ako sumayaw.

"Dare!Dare!Dare!." saad nila sabay-sabay.

"Dare!!" sigaw ko at medyo tipsy na rin ako pero keri pa, malinaw pa isip ko,  I need to be careful  ayoko na maulit nangyari noon although hindi ko 'yun pinagsisihan una oo pero kalaunan natanggap ko na ng buo lalu na dumating si Flint sa buhay ko.

Bago ako pumunta sa dance floor isang shot muna ng alak. At tumayo na rin ako.

"Go Jewel! GoJewel! Go Jewel!!" pagchecheer nila.

"Parang wala ka pa rin anak, gaya pa rin ng dati katawan mo gurl!." saad ng isa ko kaklase, si Haina

"Wait lang puwede ba kayo dalawa ni Yana, showdown kayo!, miss na namin makita kayong sumayaw together, sige na please!!" pakiusap ni Emz.

"Sige ba, wala problema miss ko na rin showdown namin dalawa." pagsang-ayon ni Yana.

"Let's Go Yana!" yaya ko sa kanya tinungo na namin ang gitna, habang sila todo pagsigaw sa pangalan namin.

Kasabay ng pagsimula ng tugtog nagsimula na rin kami at kasabay rin nito tumabi ang mga tao at kami na lang dalawa ang nasa gitna, they are cheering with us.

Sigawan, hiyawan at palakpakan ang mga naririnig namin lalu na sa mga lalaki. At mga kaibigan namin tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan namin.

Pero sa taas ng bar, isang lalaki ang nakatingin sa kanila lalu na kay Jewel, si Zureil.

Hindi inaasahan ni Zureil na makikita niya sa ganitong lugar si Jewel.

Masasabi magaling sumayaw ang dalaga sa bawat pilantik ng katawan nito l, nagsisigawan ang mga tao lalu na mga lalaki at kahit may anak na ito perpekto pa rin katawan na akala mo walang anak.

"Bro, tulala ka na dyn at sinu ba tinitingnan mo diyan?" tanong ng kaibigan ni Zuriel.

Nasa bar din para i-celebrate ang successful nilang project sa Cebu.

Nanatiling nakakatitig lang si Zuriel sa dalaga.

" Ang Hot nila." saad ng kaibigan nito.

"After six years, nandito ulit pala sila "The Queens." saad ng isa kaibigan na tumabi na rin sa kanila dalawa.

"The Queens?." sabay saad nila Zuriel na may pagtatanong sa mga mata nito.

"Yes, Reyna ng sayawan 'yan dalawa way back high school nila, schoolmate sila ng kapatid ko at everytime may event sa school isa sila sa mga nagpeperform at pambato din sila ng school nila sa mga competition at lagi sila champion. If I remembered  hindi ako nagkakamali sa pangalan nila, 'yung isa nakared siya Jewel and the other one naman, si Yana. They both hot especially si Jewel, sometimes I've  heard my sister talking to her friend during birthday ng kapatid ko marami nagkakagusto kay Jewel kaakibat nito marami naiinggit sa kanya.l, pero kahit isa walang sinagot mas priority niya pagaaral at pamilya

and I like her attitude." pagkukwento nito.

"Dami mo alam Ian." pagbibiro ni Maru

"Nagkataon lang schoolmate ng kapatid ko at isa siya sa taga-hanga nila Jewel pagdating sa sayawan at minsan na rin tinuruan kapatid ko before, but it was long time ago.Siguro walang schoolmate nila 'di makakalimutan sila sikat sila noon hindi lang sa University nila kundi kahit sa ibang University." paliwanag nito.

"Siguro ngayon may mga pamilya na sila at suwerte ng mga asawa nila." saad ni Maru..

Habang si Zuriel nakikinig lang ito pero nanatiling nakatingin ito kay Jewel. Ilang sandali pa nagpaalam si Zuriel sa dalawa.

Hindi na nito hinintay makapagsalita ang kaibigan. Napailing na lang ang mga ito.

Pero nasa mukha ng mga ito ang pagtataka.

Habang sila Yana at Jewel tuloy ang pagsayaw balewala ang mga taong nasa paligid kahit ngayon gabi lang, they want to feel muna na walang iniiisip na problema.

Ilang sandali napatigil ang lahat at isang malakas na hiyawan ang narinig dahil sa pagbulagta ng isang lalaki kung saan nasa likod ito ni Jewel.

Bakas sa mukha nila Jewel ang pagkagulat ng makita kung sino sumuntok sa lalaki na ngayon  nakahiga na at dumudugo ang ilong.

"Sir!." sabay sambit ng dalawa na kita sa mga mukha nito kinakabahan.

"Let's go." saad ni Zuriel, sabay hatak nito kay Jewel palabas ng bar.

Sumunod naman si Yana at naiwan mga kaibigan nito, na naroon sa mukha ang pagtataka ng mga ito.

"Bitiwan mo ako Sir!!!" sigaw ni Jewel ng makalabas sila ng bar.

"No, uuwi ka na at huwag ka na babalik sa loob Jewel." madiin na saad nito at sabay hila nito sa kanya papunta sa sasakyan nito.

"Anu ba? bakit ka ba nakikialam?!

Wala ako trabaho ngayon sa'yo!" saad ko sa kanya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nito sa aking braso.

"Concern lang ako sayo Jewel, wala ka pakialam kung minamanyakan ka na ng mga lalaki sa loob!at baka nakakalimutan mo may anak ka na!,  hindi ka na dalaga have respect in yourself Jewel and look at your dress sana hindi ka na lang nagdamit, damn it!." lintanya nito kasabay ng pagmumura nito sa huli.

"Wala ako pakialam sa concern mo Sir, manyakan man ako ng mga lalaki loob wala ka pakialam at wala ka din pakialam kung anu gusto ko suotin, amu lang kita at labas ka na sa personal kong buhay. Don't worry Sir, hindi ko nakakalimutan na may anak ako, and please ngayon lang , JUST.. LEAVE... ME.. ALONE..." saad ko at sabay talikod sa kanya pero nakailang hakbang pa lang ako ng hilahin ang braso at walang sabi-sabi pinasok ako nito sa kotse.

"Buksan mo 'to Sir at bababa ako!!,  hindi ako sasama sayo sa linggo ng hapon pa ako uuwi sa mansyon mo!" sigaw ko dito pero para ito bingi na wala narinig. At wala na ako nagawa pa ng umandar na sasakyan nito.

Nanahimik na lang ako habang nasa biyahe, wala din naman ako magagawa pa kundi manahimik na lang at hilo na rin ako.

" Tangina!"nsa isip ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.