PANGITAIN Chapter 9

Bago sumapit ang ika-anim na kaarawan ng anak kong si Sandra'y nagkaroon na naman ako ng pangitain. Ngunit hindi ko inaasahan na ang pangitaing makikita ko ay patungkol sa kaniya.

Kahindik hindik na pangyayari, kahit ako'y hindi ko kayang sikmurain ang pangitaing nakita ko. Hindi maaaring mangyari iyon sa anak ko! Hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa kaniya!

"Alfredo ayos ka lang ba? May dinaramdam ka ba? Simula ng dumating tayo galing kay Lawin, tila ba balisa ka."

Tinignan ko lang si Samantha na naghahain para sa aming hapunan.

Oo ngat galing kami sa isang albularyo dito sa aming lugar. Ngunit hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinabi niya o hindi.

"Upang maputol ang pangitain mo'y kailangan nating isara ang lagusan. Handa ka ba?"

"Ano ho ang mangyayari sa akin?"

"Hindi mo na makikita kung ano man ang trahedyang magaganap. Hindi mo na makikita ang kahit na anong elemento, masama man o mabuti. Ngunit, hindi mo na rin pwedeng baguhin sakali mang may maganap na hindi mo nakita. Dahil isasara ko ang mata ng iyong pangitain."

"Ano ho ba ang ibig mong sabihin?"

"Third eye kung tawagin ng iba. Iyon ang dahilan kung bakit ka nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba. Ngunit sa pangitaing nakita mo patungkol sa iyong anak-"

"Papa!"

Tila ba nagising ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang matinis na boses ng anak kong si Sandra.

"Gusto ko rin pong maging katulad mo pag laki ko," giit niya. Umupo na rin siya sa tabi ko at sinimulan na naming kumain.

Habang lumalaki si Sandra'y kamukhang kamukha ni Samantha. Maganda, mapagmahal at magalang na bata. Kung kayat hindi ko kakayanin sakali mang may mangyari sa kaniya, sa kanilang dalawa ni Samantha.

"Buhay... Kapalit ng buhay."

Iyon lang ba ang tanging paraan upang maisalba ko ang anak ko sa pangitaing nakita ko? Buhay, kapalit ng buhay? Pero paano? Kaninong buhay?

Ilang minuto pa'y natapos na kaming maghapunan at akmang papasok na sa silid. Ngunit ang kalapit bahay naming si Amanda ay bigla na lang pumasok sa bahay.

"Tulungan n'yo kami! Ang anak kong si Alain!"

"Amanda anong nangyari?" Kuryosong tanong ko.

Ngunit imbes na sumagot ay muli siyang lumabas at nagmadaling tumakbo. Kung kaya naman pinauna ko ng pumasok sa aming silid ang mag-ina ko. Sinigurado ko rin na sarado ang pinto at mga bintana.

Sinabihan ko rin si Samantha na huwag lumabas kahit na anong mangyari, at bantayan si Sandra ng mabuti. Nag-aalala man ay tumango lang si Samantha bilang tugon, matapos iyon ay nagmadali na rin akong sumunod kay Amanda.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko ang asawa niyang hawak ang batang si Alain, nang makarating kami sa kanila. Habang nakatutok sa leeg nito ang itak!

"Parang awa mo na Joseph bitawan mo ang hawak mo at akina ang anak ko!" Pagmamakaawa ni Amanda sa kaniyang asawa.

Namumula ang mata ni Joseph na kung susuriin ay lulong sa droga. Tumatawa rin siya na tila ba nababaliw at nasisiyahan sa kung ano man ang ginagawa at nakikita niya.

"Hindi ko ito anak diba? Anak 'to ng demonyo! Demonyong nakabuntis sa'yo!"

Sa kabilang banda, hindi naman mapakali si Samantha sa kinalulugaran niya. Nag-aalala siya sa nangyayari sa labas. Nag-aalala siya para sa kaniyang asawa.

"Sandra anak, dito ka lang lalabas lang ako saglit," pagpapaalam ko sa aking anak na nakahiga na sa kama.

Hindi ko na hinintay na sumagot si Sandra. Kinuha ko ang susi at ni-locked ang pinakapintuan ng bahay, bago lumabas.

Nagmadali akong pumunta sa bahay ng kaibigan kong si Amanda. Habang papalapit ay rinig ko ang ingay na gawa ng mga kapit bahay. May nagtitilian, ang iba ay sumisigaw ng tulong at may umiiyak.

Ngunit nang makalapit ako ng husto.. Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan ko!

"Alfredo!!!"

Nasapo ko ang sarili kong bibig matapos kong isigaw ang pangalan ng asawa ko. Tila nauupos na kandilang nilapitan ko siya, habang hilam ng luha ang aking mga mata. Nanginginig ang aking mga kamay habang dahan dahang hinahaplos siya. Hindi ito maaari! Hindi ito totoo!

"Alfredo mahal ko," tumingin ako sa gawi ni Joseph at pinanlisikan siya ng mata. "Anong ginawa mo Joseph! Hayop ka! Demonyo! Magbabayad ka sa ginawa mo!" Sigaw ko pa habang hilam pa rin at malayang umaagos ang luha sa aking mata.

Ang dapat na tahimik na gabi ay napuno ng malakas na sigawan at mga bulong bulungan, gawa ng mga taong nakapaligid sa akin. Sa amin ni Alfredo.

Hawak ko siya.

Yakap ko...

Pero hindi ko mapigilan ang sakit at galit sa dibdib ko! Dahil ang lalaking mahal ko, ang asawa ko!

"Alfredo mahal... umayos ka na at uuwi na tayo," pagpupumilit ko sa kaniya.

"Samantha patawad. Patwad... patawarin mo ako. Kasalanan lahat ito ni Joseph!" Hindi ko inintindi ang mga sinasabi ni Amanda, dahil ang atensyon ko ay na kay Alfredo. Sa asawa ko, habang hawak ko siya. Yakap ko...

Hawak ko ang ulo niya na humiwalay sa kaniyang katawan ng ihataw sa kaniya ni Joseph ang itak!

Ang gabing ito ay hindi ko malilimutan kaylan man! Dalawang buhay... dalawang buhay ang nagwakas at nakita ko mismo. Nakita ko kung paanong tumilapon ang ulo ni Alfredo bago dahan dahang bumagsak ang kaniyang katawan.

Nakita ko rin kung paano ginilitan ni Joseph ang kaniyang sarili matapos niyang bitawan ang batang si Alain!

__end of flashback__

"2021(Monday 08:00am)"

"May mga bagay at pangyayaring hindi kayang ipaliwanag ng sensiya. Hindi rin gawa o likha sa makabagong teknolohiya, ngunit nakikita ng mapanuri mong mata." Bumaling sa amin si Sir Jef bago ngumiti at nagpatuloy.

"This activity will help you to be more focus. Ngayon, dumukot kayo ng isang papel na nasa loob ng kahon na iyon." Itinuro niya ang kahon na nasa gilid, malapit sa pinto bago muling bumaling sa amin.

"Ano man ang mabunot n'yo, iyon ang magiging tema n'yo para sa activity na ito." Giit niya pa, bago pinanood ang mga kamag-aral kong mabilis na pumila upang bumunot sa kahon na itinuro niya.

Isa isang tumayo ang mga nasa harapan at bumunot. Hanggang sa ako na ang tumayo upang bumunot din.

Tinitigan ko ang kahon na nababalot ng kulay dilaw na art paper, bago ko isinuot sa butas nito ang kamay ko. Nang makabunot ay muli na akong bumalik sa upuan at tinitigan ang nakarolyong papel na nasa aking kamay.

Ilang minuto pa at natapos na kaming lahat. Tahimik ang buong klase hanggang sa nagsalita na si Sir.

"Ngayon, buksan at basahin n'yo ang papel na hawak n'yo sa pamamagitan lamang ng inyong mata. Isa isip n'yo lang at 'wag ipapaalam sa iba." Muling sambit sa amin ni Sir Jef.

Ang kaninang tahimik na klase ay umingay dahil sa samot saring salita at emosyon ng aking mga kamag-aral. Dahan dahan kong binuksan ang papel na nabunot ko at binasa iyon sa pamamagitan ng aking mata.

Pangitain...

Ito ang tema ko para sa activity na ito? Pero paano ko naman gagawin 'yon kung ganito ang tema?

"Sir, paano po ba namin gagawin ang activity na ito sa pamamagitan ng nakasulat sa papel na nabunot namin?" Nag-aalangan na tanong ni Alain. Tulad niya'y iyon din ang nasa isip ko. Kung paano namin gagawin ang activity na gustong ipagawa sa amin ng aming propesor.

Malapit na ang last sem at final grade, kung kaya't halos lahat kami ay nagsusumikap na upang mapataas ang aming mga grado.

Napatingin ako sa kaniya at mababakas sa mukha niya ang kalituhan, pag-aalala at takot. Pero bakit? Ano kaya ang nakasulat sa papel niya?

Ngumiti si Sir Jef sa aming lahat bago nag salita. "This activity called predict the unpredictable. Kayo ang magpapasya, kayo ang gagawa, kayo ang bahala. At kayo ang huhusga base sa nabunot n'yo. Good luck."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.