PATIENT X & SAVING GRACE (Filipino) Chapter 16

Noong una ay akala ko simpleng corset at underwear lamang ang pinasuot sa akin ni James nang araw na iyon. Pero nalaman kong may iba pa pala siyang intensiyon nang kumakain na kami ng dinner. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magpaalam siya sandali para magpunta daw sa restroom at kung puwede ba daw na umorder pa ako ng bote ng wine sa waiter?

Pumayag ako, matamis na ngumiti at sumikdo ang puso nang yumuko siya at mabilis akong hinalikan sa pisngi bago lumayo sa lamesa namin. Nang makalayo siya ay tinawag ko naman ang waiter na agad lumapit.

“We’ll have another bottle of wine.”

Ngumiti ang waiter na mukhang hindi nalalayo ang edad sa akin. Guwapo rin pero hindi kasing hot ni James. “The same one as your previous order ma’am?”

Ngumiti ako at akmang magsasalita para sumang-ayon pero bigla akong napasinghap at napaigtad sa pagkakaupo dahil biglang may nag-vibrate sa pagitan ng mga hita ko. The vibration is directly on my sensitive bud. The tingling pleasure washed over my whole body like lightning. Muntik na ako mapaungol at mapapikit sa sensasyong dulot ng vibration na iyon. My breasts began to swell and the tips hardened against the bodice of the corset I was wearing.

“Ma’am? May problema ho ba?” tanong ng waiter na halos hindi agad nag-register sa pandinig ko dahil nakabibingi ang bilis ng tibok ng pulso sa sentido ko. Sumabay pa ang pagsikdo ng puso ko sa isiping na-a-arouse ako kahit may ibang tao sa harapan ko.

Bakit may vibration sa pagitan ng hita ko, in the first place?

“Ma’am?” Yumuko pa ang waiter, hinawakan ako sa balikat na parang dadaluhan.

Napaigtad ako palayo sa hawak niya. Masyadong sensitibo ang katawan ko para magpahawak kahit kanino. Sa halip ay mariin akong humawak sa lamesa, lakas loob tiningala ang waiter at pilit nginitian, “I’m oka – y!” Naging singhap ang sinasabi ko nang biglang lumakas ang vibration. Mariin kong pinagdikit ang mga hita ko para hindi mapaindayog ang balakang ko para sakyan ang sensasyong dulot ng vibration. Pinipigilan kong mamilipit sa kinauupuan ko. My nipples were so hard and sensitive and aching to be touched.

Napatitig sa mukha ko ang waiter. Nanlalaki ang mga mata. Uminit ang mga pisngi ko sa magkahalong arousal at matinding pagkapahiya dahil may pakiramdam akong nakikita ng waiter sa mga mata ko kung ano ang dahilan at nagkakaganoon ako. Namumuo ang pawis sa noo ko kahit na malamig sa restaurant.

Lalong lumakas ang vibration at sa pagkakataong iyon ay impit na akong napaungol at napaangat ako sa kinauupuan ko. I felt the pleasure building up inside me and I badly need to move my hips, to touch my breasts, just to be released from the sweet torture.

“P-please…” anas ko, hinihingal na. Hindi ko matingnan sa mga mata ang waiter dahil halos gusto ko na lamunin ng sahig sa sobrang kahihiyan. “J-just go and get our wine.”

Napakurap ang waiter, parang nagising sa kung anong mahika ng pagtitig sa mukha ko. Saka dumeretso ng tayo, tumalikod at mabilis na naglakad palayo.

Sa nanlalabo kong paningin ay iginala ko ang tingin sa paligid. Maraming customer ang restaurant pero magkakalayo ang mga lamesa. Wala akong napapansing nakatingin sa akin. Si James? Nasaan na ba si James? Kailangan ko siya. Sa tingin ko ay hindi ko kayang tumayo mula sa lamesang iyon na hindi mapapansin ng mga tao ang nangyayari sa akin. Gosh, kahit ako hindi alam kung bakit may vibration sa pagitan ng mga hita ko –

Huminto ang tingin ko sa direksiyon ng restaurant kung nasaan ang mga banyo. At doon ay pasandig na nakatayo sa may pader si James. Nakahalukipkip habang pinagmamasdan ako. May init at katuwaan sa kislap ng mga mata. At nang makita yatang nakatingin na ako sa kaniya ay itinaas ang isang kamay, may hawak siyang maliit na bagay na hindi ko malaman kung ano. May kung ano siyang kinalikot doon.

I gasped and I almost moaned loudly when the vibration against my sensitive flesh became stronger. Saka sumagi sa isip ko ang reyalisasyon. Ang lacy panties na pinasuot niya sa akin. Doon nanggagaling ang vibration. Halos lumubog na ang tiyan ko sa sobrang sensasyon at hindi ko na napigilan pa ang paggalaw ng balakang ko. I grinded and rolled my hips against the chair, riding the vibration and the rising build up of pleasure. I’m so close. Ang mga dibdib ko, parang puputok na at sikip na sikip na sa suot kong corset. The peaks were begging for friction to ease the pleasure-pain of arousal.

Tinitigan ko si James, tahimik na nagmamakaawa na tigilan na niya ang torture na ginagawa niya sa akin. Pero ngumiti lang siya at hindi kumilos para lumapit sa akin. Hanggang sa hindi ko na talaga kinaya pa. I felt that I’m getting over the edge. Alam ko na kapag hindi ako nakarating sa rurok ay hindi papatigilin ni James ang vibration. I need to come.

Kaya kahit maraming tao sa paligid, kahit na baka may makakita, ay inilapat ko ang noo sa lamesa, pinag-igi ang indayog ng balakang at hinayaan ang dalawa kong kamay na abutin ang tuktok ng aking mga dibdib. I pinched hard and I bit my lip just to stay quiet when I finally exploded. Nanginig ang buo kong katawan. Habol ko ang paghinga.

Ilang segundo ang nakalilipas ay huminto ang vibration mula sa lacy panties na suot ko. I can feel the wetness between my legs and I worried that I might leave a wet spot on the chair I was sitting on.

I just had an orgasm. Sa pampublikong lugar. Na maraming tao sa paligid. Parang malamig na tubig na bumuhos ang kahihiyan sa buo kong pagkatao sa reyalisasyon na iyon. Muntik na akong mapahikbi at uminit ang aking mga mata. Hindi ko magawang iangat ang ulo ko sa takot na kapag ginawa ko iyon ay makita kong nakatingin sa akin ang mga tao – na nakita nila ang nangyari sa akin.

Maya-maya ay naramdaman kong may lumapit sa lamesa. “Ma’am? Here’s your wine.”

Oh. God. Ang waiter na naman. Namasa na talaga ang mga mata ko. Akmang mag-aangat pa lang ako ng mukha para lakas loob na harapin ang waiter nang may bigla na magsalita.

“I’ll take that. Thank you.” Si James.

May pagkatarantang nagpaalam ang waiter saka umalis. Pagkatapos ay naramdaman kong umupo na sa katabi kong silya si James. Hindi ko pa rin tinangkang mag-angat ng tingin. Kumilos siya payuko hanggang sa maramdaman ko na ang hinigna niya sa gilid ng ulo ko, malapit sa tainga ko. “How does it feel to come with people around you?”

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko at hindi kumibo. Hinawakan niya ang isa kong braso at hinigit ako para dumeretso ng tayo. Hinayaan ko siya pero nakayuko pa rin ako. Lumapat ang kamao niya sa baba ko at itinaas ang mukha ko hanggang sa maglapat ang aming mga paningin. Nagulat ako sa pagnanasang nakita ko sa mga mata niya. “Watching you helpless and consumed with lust, seeing you rocking your hips to get your release and seeing you come while surrounded by strangers turned me on, Joy. You were such a spectacle to watch.”

Uminit na naman ang mukha ko. Saka ko lang nahamig ang sarili ko at walang lakas na hinampas ang braso niya. “Ikaw! A-ano ang pinasuot mo sa akin?” mahinang asik ko.

Ngumisi siya, inilapit ang bibig sa tainga ko at bumulong, “Vibrating panties. You love it?”

“No,” gigil na sagot ko.

“Liar. You came. Even the waiter enjoyed it. I bet he’s going to jack off with you in his mind.” Mariin akong pumikit at inis na pinaglapat ang mga labi. Hinalikan ni James ang tainga ko. “Hindi ko lang gusto na hinayaan mo siyang hawakan ka. Ako lang ang puwedeng humawak sa iyo. I’m going to punish you for that. Later,” babala niya.

Umayos na siya ng upo at dumistansya sa akin. Kaswal niyang binuksan ang bote ng wine na dinala ng waiter, nagsalin sa dalawang kopita at inabot sa akin ang isa. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang tanggapin ko iyon. Uminom si James mula sa kopita habang nakatingin sa akin. Lumunok ako at itinaas ang noo.

“Don’t do that to me again in public. I don’t like it.”

Umangat ang kilay niya. “But I do.”

“Pero ako ang –”

Biglang ibinaba ni James ang kopita sa lamesa. Nawala na ang amusement sa mukha niya at naging matiim ang titig sa akin. “Napag-usapan na natin, hindi ba? You said you are willing to play with me. Ibig sabihin, kung ano ang gusto ko, iyon ang masusunod. What I enjoy, you will do.”

Hindi ako nakapagsalita. Nagulat ako sa biglang pagbabago ng tono at aura niya.

“Huwag mo ring isipin na mag-back out at iwan ako. Nagsisimula pa nga lang tayo. In this relationship, I am the only one allowed to leave you. You will be with me as long as I want. Nagkakaintindihan ba tayo?” seryoso pa ring sabi ni James. Hindi ako sumagot. Naningkit ang mga mata niya, hinawakan ang batok ko at dumiin doon ang kamay niya. Nahigit ko ang paghinga. “Sagutin mo ako. Nagkakaintindihan ba tayo?”

“O-oo,” sagot ko.

Lumuwag ang hawak niya sa akin, nawala ang balasik sa mukha at bumalik sa pilyong ekspresyon. Nginitian pa niya ako. “Good. Now drink you wine.”

May sumikdong kaba sa puso ko pero katulad ng dati, napalis ang alalahanin ko sa ngiti niya. Kaya huminga na lang ako ng malalim at ininom ang wine.

NAPARAMI ako ng inom nang araw na iyon. Kahit wine lang pala ang inumin kung tatlong bote naman ang maubos ng dalawang tao ay may tama pa rin talaga. Bukod sa napagal ang katawan ko pagkatapos ng vibrating panties scenario. Hilo at napipikit na ako nang lumabas kami ng restaurant at sumakay sa kotse ni James.

“Go on, sleep,” susog niya sa akin habang pinapaandar niya paalis sa parking lot ang sasakyan niya.

Bahagya ko siyang nginitian bago isinandal ang ulo sa headrest ng passenger’s seat at ipinikit ang mga mata. Sandali pa ay ginupo na ako ng antok at tuluyang nakatulog.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.