PATIENT X & SAVING GRACE (Filipino) Chapter 15

Namilog ang mga mata ko. Akmang magrereklamo pa ako pero nagpatiuna na siyang maglakad at walang alinlangang pumasok sa shop kahit pa obvious namang pambabae iyon. Tarantang napabilis ang lakad ko para makasunod sa kaniya.

Pagpasok ko sa shop ay nakita kong nilapitan na ng isang staff si Dr. Martin at nakangiting binati siya kahit nakikita kong gulat ang babae. Pero nawala ang pagkagulat at napalitan ng pagkaunawa ang ekspresyon ng staff nang mapatingin sa akin. “Oh, shopping for your girlfriend, sir?”

“We like to try the black corset,” sagot ni Dr. Martin.

“Okay, sir.” Mabilis na umalis ang staff para kumuha siguro ng stock.

Manghang lumapit ako sa doktor. “Hindi mo man lang siya itinama. Akala niya tuloy…” Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin. Itiniim ko na lang ang mga labi ko.

“Mas gusto mo bang ipaliwanag ko sa iyo na psychiatrist ako at pasyente kita?”

Natigilan ako at hindi nakasagot. Kasi may punto siya. Frustrated na bumuntong hininga ako. “Bakit ba kasi pumasok ka rito at bigla akong gustong ibili ng corset? Sinabi ko na sa iyo na hindi maganda ang alaala ko na related ‘don,” reklamo ko.

Hinarap niya ako. “Iyan mismo ang rason kung bakit papasuutin kita ng corset. Hindi ba sinabi ko na sa iyo? I expose my patient to the very thing that she find traumatizing. Kapag hinarap mo ang takot mo, mas madali mo ma-o-overcome. Alam ko na maliit na bagay lang ito sa komplikadong pinagdadaanan mo ngayon pero maniwala ka sa akin na makakatulong ito sa iyo. We will solve your complex trauma one step at a time.”

Umawang ang mga labi ko at magrereklamo pa sana na sa private place naman namin gawin ang exposure therapy na gusto niyang gawin. Kaso ay nakalapit na ulit sa amin ang staff, may dalawang corset, dalawang size para mapagpiliian daw namin ng mabuti. Saka kami itinuro sa dressing room kung saan daw ako puwede magsukat.

Saka lang ako nakapagsalita nang mapagsolo ulit kami ni Dr. Martin. “Puwede mo naman ako doon sa labas hintayin.”

“Are you sure you can manage on your own?” Bumaba ang tingin niya sa mga bitbit kong corset. “Those garments look complicated to me. Mahirap iyan isuot ng walang tulong ng iba.”

Uminit ang mukha ko. Ang totoo ay magkukunwari lang sana akong isinukat ang mga iyon. Dahil sa totoo lang ay hindi ko kayang isuot iyon nang hindi maaalala ang mga namagitan sa amin ni James.

“Please, doc… hindi ko kayang gawin ito. Not here. Bibilhin ko na lang itong isa t-tapos sa bahay ko susubukan isuot okay?” pakiusap ko.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata at itinuro ang dressing room. “Wear it now. Kung hindi ako ang magsusuot niyan sa iyo.”

Gusto ko na maiyak sa mga sandaling iyon. Nagmamakaawa ko siyang tiningnan pero matigas ang ekspresyon niya. Laglag ang balikat at kumakabog ang dibdib na pumasok ako sa maliit na cubicle. Pikit mata akong naghubad. Saka ko tinitigan ang corset, hindi ko pa rin iyon maatim isuot.

“Ang sabi mo niregaluhan ka ni James niyan. Kailan iyon?” biglang tanong ni Martin mula sa labas ng cubicle.

Kinagat ko ang ibabang labi, dahan-dahang niluwagan ang pagkakabuhol ng lace sa likuran ng corset bago sumagot, “Nang araw na… dinala niya ako sa bahay niya.”

Katahimikan.

“Dinala ka niya sa bahay niya?” Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagkabila sa boses niya.

Mapait akong ngumiti, “Mahirap bang paniwalaan na hindi na lang niya ako sa hotel dadalhin, doc?”

“No. Hindi ganoon ang iniisip ko,” mabilis na sagot niya.

Hinaplos ko ng mga daliri ang lace na disenyo ng corset. “It was one week after the… part I already told you about. Iyong sabi mo ay pagsubok. Tinawagan niya ako pagkatapos ng shift ko sa trabaho. Nagkita kami sa isang restaurant at bago kami kumain, nginitian niya ako at inabot sa akin ang isang magandang paperbag. Ang sabi niya, regalo daw niya sa akin. Something I can wear daw at gusto niyang palagi kong isuot. Katunayan, inudyukan niya akong magpunta na sa restroom at isuot ang regalo niya sa akin. Nag-alangan ako pero sa kabilang banda ay masaya at touched na naisipan niya ako bigyan ng regalo. Sa restroom ko na nakita kung ano ang laman ng paperbag.”

“The corset,” sabi ni Dr. Martin.

Lumunok ako. “And a lacy black panties.”

Natahimik sa labas. Napalingon ako sa nakasarang pinto. Napaisip kung ano kaya ang reaksiyon ni Dr. Martin sa pinag-uusapan namin.

“Sinuot mo ba?” tanong niya sa kalmado at seryoso niyang tono.

Lumunok ako. Huminga ng malalim. “Yes. I took off my clothes, even the underwear I was wearing that time. Sinuot ko ang regalo niya sa akin.”

“Wear the one you’re holding now,” marahang sabi ni Dr. Martin.

Nahigit ko ang hininga. “P-paano mo nalaman na–”

“I don’t hear you moving in there for a while now. Hindi mo pa isinusuot ang corset.”

Uminit ang mukha ko. Tinitigan muli ang corset at sa tumatahip na puso at parang nilalamutak na sikmura ay dahan-dahan ko iyong sinuot. Iyong mas maliit na size muna. Pero hindi ko inabalang sikipan ang tali sa likuran niyon.

“S-sinuot ko na.”

Katahimikan. Saka ko narinig ang pagkilos ni Dr. Martin mula sa loob. “Buksan mo ang lock ng pinto at tumalikod ka. Aayusin ko ang ribbon sa likuran niyan.”

Sumikdo ang puso ko. “No!”

“Hindi kita hahawakan. Not yet,” sagot niya sa mababang tinig.

“Hindi mo na kailangan ayusin. Kasya na ito. Bibilhin ko na.”

“But I want you to wear it now.”

Umawang ang mga labi ko. “Bakit?”

“Sinabi ko na sa iyo. Kailangan mo ma-expose sa mga bagay na dahilan ng trauma mo at kailangan mo ma-overcome iyon. You got a panic attack just by seeing a corset. Hindi pwedeng palaging ganoon. Kailangan mong makasanayan isuot iyan na hindi nakakaramdam ng stress o panic. Kailangan nating palisin ang negatibong alaala na kadikit niyan. Gusto mong gumaling, hindi ba?”

Sandali pa akong nag-alangan. Bago nanginginig ang mga kamay na inalis ko ang lock ng pinto. Saka ako tumalikod. Nang bumukas ang pinto ay nanayo ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa antisipasyon. Nang maramdaman ko ang presensiya ni Dr. Martin sa likod ko ay mariin akong napapikit. Nakatakip ang mga braso ko sa dibdib ko na hindi naman natatakpan ng husto ng corset na suot ko. Paano kung mahawakan niya ako at hindi ko na naman mapigilan ang reaksiyon ko?

Nang magsimulang gumalaw ang kamay ni Dr. Martin para ayusin ang ribbon sa likuran ko ay nahigit ko ang paghinga. Marahan at maingat ang ginawa niyang pag-a-adjust sa ribbon sa likuran ko. Hindi niya ako hinahawakan pero nahihigit ko ang paghinga sa tuwing dumadampi ang likod ng kamay niya sa balat ko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang reaksiyon ko habang nararamdaman ko ang mga kamay niya sa likod ko. Mula sa itaas, sa bandang balikat ko, pababa hanggang sa masikipan na niya ang corset at maramdaman kong ibinubuhol na niya iyon sa bandang lower back ko.

“Tama lang ba ang sikip?” anas ni Dr. Martin.

Tumango ako at lumunok dahil naramdaman ko ang paghaplos ng mainit niyang hininga sa buhok ko nang magsalita siya. Narealize ko na sa loob ng lampas isang buwan ay ngayon lang ako ulit naging ganoon kalapit sa katawan ng isang lalaki. It makes me nervous.

Biglang may sumaging alaala sa isip ko, alaala nang palagi kong pagmamakaawa na luwagan ang corset pero tawa lang ang nagiging sagot sa akin. Marahas akong umiling para palisin ang alaala.

“What’s wrong?”

Huminga ako ng malalim. “I’m okay. L-lumabas ka na.”

Humakbang palayo sa akin si Martin. His hand lingered a little longer on the ribbon located at my lower back. Saka siya tuluyang lumabas ng cubicle at muling isinara ang pinto.

“Baka mayroon din sila ng kapareha ng corset na iyan, katulad sa niregalo sa iyo. Magtatanong ako –”

Pagak akong natawa kaya napahinto siya sa pagsasalita. “Malabong mayroon sila ‘non dito.” At malabo yatang palisin sa isip ko ang mga alaala. Nag-uunahan na ang mga imahe ng nakaraan sa isip ko. Mahirap na kontrolin, mas lalong mahirap pigilan.

“Bakit naman?”

Isinuot ko ang blouse na suot ko kanina. Saka binuksan ang cubicle para makaharap si Dr. Martin. “It was a vibrating panties.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.