MARAHAN kong hinaplos ng daliri ang palapulsuhan ko. Mayroon pa ring bakas ng peklat na dulot ng pagkakasugat ko sa posas. After all, hindi lang naman isang beses niya akong iginapos ng ganoon sa kama niya. Kahit ngayon na buwan na ang nakalilipas mula nang maghiwalay kami ni James, hindi lang ang peklat sa balat ko ang naiwan niya.
Huminga ako ng malalim. “Kinabukasan pagkatapos ng gabing iyon, hindi ako pumasok sa trabaho. Alam ko na pwede kong itago sa tamang kasuotan ang sugat sa mga kamay ko at gasgas ng mga kuko niya sa braso ko. Kaya ko ring itago ng make-up ang pamamaga ng mga pisngi ko na sinampal niya, ganoon din ang mga pasa sa iba pang bahagi ng katawan kong tinamaan ng mga kamay niya. But the emotional damage of what happened that night, the confusion I feel from the different faces of him that I’ve seen… it was difficult for me to cover it all up.”
Hindi sumagot si Dr. Martin na katabi kong nakaupo sa bench. Nakatitig siya sa harapan namin. Ganoon din ang ginagawa ko. Ilang metro mula sa amin ay may mga nag-ja-jogging. Kanina pa kami umalis sa underwear shop at suot ko pa rin ang corset na binili namin. Iginiit niya kanina na isuot ko iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportableng suot iyon. Pero ang sabi ng psychiatrist ko, kailangan ko harapin ang bagay na nagdudulot sa akin ng trauma. Iyon daw ang paraan para mabilis kong ma-overcome ang masasamang alaala. Pero kahit nasabi ko na sa kaniya ang isang bahagi ng mga alaalang iyon ay ang sikip pa rin ng dibdib ko.
“Ilang beses pang naulit ang ginawa niya sa iyo?” tahimik na tanong ni Dr. Martin makalipas ang mahabang sandali.
“Maraming beses.”
“At palagi kang may pasa at may sugat.”
Kinagat ko ang ibabang labi at tumango.
“Palagi niya bang ginagawa iyon na walang permiso mo?”
Uminit ang mukha ko at umiling. “T-tama siya ng sinabi sa akin nang gabing iyon. That soon… I will beg him to do the things he wants to do to me. Dumating sa punto na… ako na ang naghahanap ng pakiramdam na nakagapos kapag nagtatalik kami. It came to a point when I am begging to be spanked.”
Mariin akong pumikit. “Even though I hated it at first, eventually I became… what he wants me to be – a slave of pleasure and lust. His slave.” Niyakap ko ang aking sarili. “Siguro, ganito talaga akong babae. Maybe I’m really craving for pain. Hindi ko lang alam dati dahil si James ang unang lalaki sa buhay ko.”
“Kung iyan nga ang kaso, dapat noon pa, kahit papaano ay nag-manifest na ang tendency mong ma-arouse sa pain,” sagot ni Dr. Martin. Sa wakas ay nilingon niya ako. “Alalahanin mo, bago mo siya nakilala, kahit minsan ba ay na-arouse ka sa ideya ng bondage? Have you read a book or watched a video related to pain during sex and have an instance when you got aroused?”
Hindi ako agad nagsalita. Pilit inalala ang nakaraan. Ni hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang katotohanang wala na akong nararamdamang pagkailang na tungkol sa ganoon ka-sensitibong paksa ang pinag-uusapan namin ni Dr. Martin. At sa isang lugar pa na baka may mga taong makarinig. Kahit seryoso siya palagi at kaninang pagdating ko lang sa opisina niya ay nadama kong dinidistansya niya ang sarili sa akin, may kung ano pa rin sa lalaki ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na magsalita at sabihin sa kaniya ang pinakatago-tago kong lihim.
Siguro ang katangian niyang iyon ang dahilan kung bakit kahit mukha siyang unsociable ay isa siyang magaling na psychiatrist na marami nang natulungan.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, miss Madrid,” untag ni Dr. Martin.
Kumurap ako. Dumeretso ng upo at binalikan sa isip ko ang nakaraan. Marahan akong nagsalita, “College ako nang unang ma-expose sa sex. Liberated ang mga blockmate ko noon lalo na ang mga babae at binabae. Walang araw na hindi sila nag-uusap tungkol sa mga sexual experience nila at hindi ko maiwasang hindi marinig dahil hindi naman sila patago mag-usap. Naging barkada ko sila at sila ang unang nagpanood sa akin ng adult video. Para sa isang tulad ko na noong high school ay puro holding hands lang ang ginagawa kasama ang mga nagiging boyfriend ko na mas matatawag namang kaibigan kaysa lover, na-culture shock talaga ako sa pinanood namin. Natatandaan ko na tinawanan nila ang reaksiyon ko. At nawili sila na tuwing may project kaming ginagawa sa bahay ng isa sa amin ay nanonood kami ng mga ganoong klase ng palabas. Binigyan pa nila ako ng mga babasahin. Aralin ko raw para hindi naman ako inosenteng inosente. Kawawa naman daw ang magiging boyfriend ko kung wala akong alam.”
Hindi sumabad si Dr. Martin, nakikinig lang. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy, “It was only when we graduated and we lost contact with each other that I realize how shallow our friendship was. Nang makilala ko si Lizzy at naikuwento ko ang tungkol sa barkada ko ay pumalatak siya at nainis. She told me that I got caught by a bad crowd.”
“Tama siya,” sabi ng doktor ko.
Tumango ako. “Narealize ko nga rin nang sabihin sa akin ni Lizzy ‘yon. Dahil sila rin ang nagdala sa akin sa bar para mag-party, ang nagturo uminom, ang nagpasubok sa akin manigarilyo na hindi ko nagustuhan at higit sa lahat, ang mag-flirt sa mga lalaking lumalapit sa amin sa bar. It was as if they are all desperate to see me finally getting rid of my virginity.”
Kumunot ang noo ni Dr. Martin. “Hindi ka dapat ma-involve sa isang tao sexually dahil lang atat ka magkaroon ng karanasan.”
“Alam ko naman iyon. Kaya nga naging matibay ako at hindi nangyari ang hinihintay nila. Buo ang determinasyon ko noon na magtatapos ako ng pag-aaral na hindi naisusuko ang virginity ko. Mas lalo na kung isusuko ko lang iyon dahil sa peer pressure.”
Tumango siya bilang pagsangayon sa sinabi ko.
“Hindi ko nasabi sa mga barkada ko noon dahil alam kong tatawanan lang nila ako, pero romantiko akong tao. I dream of meeting someone who will sweep me off my feet. I dream of a man who will make love to me slowly and sweetly. Parang sa mga romance novels. Kaya nang makita ko sa unang pagkakataon si James, parang may pumana sa puso ko. Sa isip ko napasabi ako na ‘ Siya na ‘to! Ang aking The One!’”
Tumiim ang mga labi ni Dr. Martin, may dumaang emosyon sa mga mata niyang agad ding nawala kaya hindi ko nabasa. Maya-maya ay naging seryoso ang tono niya, “Did he turn out to be the man you imagined? The man you fell in love at first sight with?”
May kumurot sa puso ko at bumikig ang lalamunan ko. Nagbaba ako ng tingin. “Noong simula, oo. But when he finally showed me his true nature when it comes to sex… I felt like I’m inside a nightmare. Sex became… unpleasant and horrifying. Pero kahit ganoon, mahal ko siya. I love how passionate he is with his work. I love his intelligence and his confidence. Mahal ko ang lalaking umoorder ng sobrang pagkain sa restaurant kung saan kami nag-de-date at pagkatapos ay ibibgay niya sa street children na nadadaanan namin. Mahal ko ang lalaking nakikita at nakakasama ko na ibang-iba sa lalaking kasama ko sa loob ng pribado niyang silid. At dahil mahal ko siya kaya hindi ako kumawala sa relasyon namin. Hanggang sa makasanayan ko na ang taste niya sa sex at…hanap-hanapin ko na.”
“Ibig sabihin hindi totoo ang suspetsiya mo na iyan talaga ang sexual nature mo, miss Madrid,” malumanay na sabi ni Dr. Martin makalipas ang ilang segundong katahimikan.
Napatingala ako sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin. “Hindi?”
Tumango siya. “You’re body is craving those dark, erotic fantasies inside your head because he imprinted it to you. Hindi lang sa katawan mo, kung hindi sa subconscious mind mo.”
Napakurap ako. “Anong ibig mong sabihin?”
Pumihit siya paharap sa akin. “May isang psychologist ang naglathala ng kanyang research paper tungkol sa tinatawag na sexual imprinting. The paper was based on hypotheses, guesses, and observations from years of readings. Hindi matatawag na scientific fact. But I think his paper was enlightening when it comes to human sexuality.
“Ang sabi niya, may mga sexual responses ang isang tao na hindi naman siya ang may likha. Na may mga pantasya sa utak ng isang tao na parang may sariling buhay. Sexual drives that seem to possess us rather than we possessing them, images that arise in our minds without being invited and urges that sometimes run counter to our more rational desires.”