Kumabog ang dibdib ko. Naka-relate ako. At mukhang sinadya ni Dr. Martin na sandaling tumigil sa pagsasalita para talagang tumimo sa akin ang sinabi niya.
“Ang sabi ng nagsulat ng research na iyon, katulad ng paano natututo at nagdedevelop ang isang sanggol sa pamamagitan ng pag-i-imprint sa kanila ng mga magulang nila ng mga behavior at kaalaman habang sila ay lumalaki, ganoon din daw ang nangyayari sa sexual development ng mga tao. Through childhood until we become adults, there are sex-scripts imprinted in all of us. Ang mga iyon ang nagdidikta sa sexual responses at sexual behaviours natin. It dictates what turns us on and what kind of sexual fantasies and sexual interests we have.”
Sinalubong niya ng tingin ang mga mata ko bago maingat na nagpatuloy sa pagsasalita, “Imprinting is sudden and permanent. Ayon sa nagsulat ng research paper na iyon, isang pangyayari lang sa buhay natin ay may kakayahang magbigay sa atin ng sexual imprinting. And even if we might later wish to ‘lose’ that piece of imprinting, he said it remains a part of our sexual responses through-out our lives.”
Umawang ang mga labi ko. Nanuyo ang lalamunan ko. “S-so… sa kaso ko ba, ang isang pangyayari sa buhay ko na dahilan ngayon kung bakit… kakaiba ang hinahanap ng katawan ko sexually ay ang mga nangyari sa pagitan namin ng ex-boyfriend ko?”
Tumango si Dr. Martin.
Napahinga ako ng malalim at mahigpit na humalukipkip. “At permanente na ito…”
“Hypothetically. Hindi pa iyon scientifically proven.”
Muntik na akong matawa ng histerikal. Ang galing talaga ni James. Ipinagpalit na niya ako sa iba pero nag-iwan siya ng permanenteng marka sa pagkatao ko. Now I’m really never going to be the same again.
“Kung permanente na ibig sabihin buong buhay na akong magiging ganito? Para saan pa ang pagkonsulta ko sa iyo, kung hindi naman pala maalis ang … masochistic tendency ko pagdating sa sex?”
“Calm down,” matatag na utos sa akin ni Dr. Martin, derekta ang titig sa mga mata ko.
Narealize ko na nasa bingit nga ako ng isang panic attack. Sunod-sunod akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Katulad ng dati ay pasensiyoso akong hinintay ni Dr. Martin. Nang maging okay na ako ay saka siya nagpatuloy sa pagpapaliwanag niya.
“There might be a possibility that you will have that kind of sexual desires through-out your life, but we can still control your behavior and reactions emerging from your desires. Kailangan hindi ang sexual interest mo ang may kontrol sa iyo. Ikaw dapat ang kumokontrol ‘non.”
“Ang daling sabihin pero mahirap gawin kung hanggang panaginip ay ginugulo ako ng pagnanasa ng katawan ko,” reklamo ko.
“Sinabi ko na sa iyo, miss Madrid na bawat tao ay may sexual urges. Bawat tao ay may pantasya sa utak nila at may mga bagay na nagiging trigger para ma-arouse sila. Nagkataon lang na nakuha mo ang sa iyo sa kakaiba at traumatic na paraan. Nagkataon lang din na hindi kasing simple ng sa iba. Pero hindi ibig sabihin ‘non ay dapat kang matakot at mag-panic. You don’t have to feel guilty or ashamed.”
“But I am feeling guilty!” frustrated nang sagot ko. “I feel ashamed for being abnormal and dirty.”
Tumiim ang ekspresyon ni Dr. Martin. “Ang mga emosyong iyan ang aalisin natin sa sistema mo. Those emotions are tying you down, miss Madrid. Kailangan mong bitawan ang mga iyan para mas matanggap mo ang sensuwalidad mo. And when you finally accepted your sensuality and when you finally realize that there is nothing to be guilty about, nothing to be ashamed of, then that will be the time that you will finally recover.”
Napatitig ako sa kaniya. “Accept my sensuality? Sinasabi mo ba na tanggapin ko na lang na na-tu-turn on ako kapag nakakaramdam ako ng sakit? That I crave to be humiliated and punished during sex? That I have these fantasies inside my head that I can’t speak about?”
Naging matatag ang titig sa akin ni Dr. Martin. “Acceptance is part of the healing process. The more you deny it, the more difficult it is for you to heal. Sinabi ko na sa iyo kung anong klase ng therapy ang ginagawa ko sa mga pasyente ko. I expose them to the very thing that traumatizes them. Ganoon din ang gagawin ko sa iyo.
“You have to face your darkest desires. You need to accept the sensual woman inside you. You need to let go of your fear of being different, of your fear that no one will accept the part of you that is craving for a different kind of pleasure. Kailangan mong pakawalan ang mga alaala na nagbibigay sa iyo ng trauma. And then after that, you need to move on. Alam ko na kaya mo. Nakikita ko ang tapang sa mga mata mo.”
Saka bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Dr. Martin, umangat ang gilid ng mga labi at naging malumanay ang tono. “Gusto kong makita kang bumangon. Gusto kong makita ang Joy Madrid na hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makita dahil natabunan siya ng depresyon. Higit sa lahat, nasasabik akong makita ang Joy Madrid na uusbong pagkatapos ng treatment natin. Katulad din kaya siya ng dati? Or will she emerge as a stronger, bolder and more beautiful version of you?”
May init na humaplos sa puso ko sa sinabi niyang iyon. Tuluyan na akong nakalma. Hanggang sa matagpuan ko ang sarili kong bahagya nang nakangiti. “Kaya ka siguro psychiatrist. Magaling ka magsalita.”
Tipid na umangat ang gilid ng mga labi niya. “Kokontrahin ka ng mga kasama ko sa ospital kapag narinig nila ang sinabi mo.”
Naniniwala ako sa sinabi niya. Noon pa mang naka-confine ako sa ospital ay napansin ko nang hindi palasalita si Dr. Martin. Kahit kanina, habang naglalakad kami palabas ay marami kaming nakasalubong na halatang hindi maialis ang tingin sa kaniya at parang gusto siyang batiin. May ilang nurse na naglakas loob pero tipid na tango lang ang naging sagot ng doktor. Na para bang hindi siya kumakausap ng tao kapag hindi treatment session ng pasyente niya.
Humugot ako ng malalim na paghinga at hinayaang bumagsak ang mga balikat ko. “Okay. Paano tayo magsisimula? How does exposure therapy works?”
“Una sa lahat, kailangan mo masanay na hinahawakan.”
Sumikdo ang puso ko at agad napaatras nang umangat ang kamay niya na para bang hahawakan ako. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga paningin namin.
“Stay still. Hindi pag-aari ng kung sino ang katawan mo. Sa iyo iyan at puwede kang hawakan ng kahit na sinong gusto mo. Walang magpaparusa sa iyo dahil lang may humawak sa iyo. Let me touch you.”
Napalunok ako. Mabilis ang tibok ng puso ko at nanlalamig ako. Saka ako huminga ng malalim at tumango.
“Ibigay mo sa akin ang kamay mo,” malumanay na sabi ni Dr. Martin.
Lalong kumabog ang dibdib ko. Kahit na malumanay ang boses niya ay nakita ko ang kislap ng paghamon sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim at kahit nanginginig ay iniangat ko ang kamay ko hanggang sa nakatihaya na ang palad ko sa harap niya. Pigil ko ang paghinga nang dahan-dahan niyang ilapit ang kamay sa palad ko, hanggang lumapat ng tuluyan ang mga daliri niya sa balat ko.
It was a light, barely-there touch. Pero sapat na para mapaigtad ako at bumalik sa alaala ko ang paulit-ulit na bulong ni James sa tainga ko na hindi ako puwedeng magpahawak sa iba. Kasunod ang malakas na paglapat ng mga palad niya sa balat ko sa tuwing ‘pinaparusahan niya ako’. Nangikig ako, uminit ang mga mata at akmang babawiin na ang kamay pero nauna nang ilayo ni Dr. Martin ang mga daliri niya sa balat ko.
“Gusto kong dagdagan ang araw nang pagkikita natin mula ngayon. Everytime we meet, I will touch you. Hanggang makaya mo nang mahawakan ng matagal. Saka lang natin magagawa ang susunod na stage ng treatment mo.” Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa bench.
Ganoon din ang ginawa ko. Mukhang doon na magtatapos ang session namin sa araw na iyon. Ibinaba ko na ang kamay ko pero hindi pa rin iyon magawang isara. My palm is still tingling with the memory of his light touch.
“At sa tuwing magkikita tayo, gusto kong isuot mo ang corset na binili natin.”
Natigilan ako, uminit ang mukha. “B-bakit?”
“Because that is the physical representation of your trauma. Isa iyang paalala. Gusto kong isuot mo iyan hanggang sa hindi ka na naapektuhan ng mga alaalang kadikit niyan.”
Parang nanikip lalo ang corset na suot ko. Pero kahit may alinlangan ay tumango pa rin ako.
“May assignment ako para sa iyo,” sabi ni Dr. Martin.
“Ano?” takang tanong ko.
“Gumawa ka ng listahan na ipapakita mo sa akin sa susunod na appointment natin.”
“Listahan?”
Sinalubong niya ng tingin ang aking mga mata. “Yes. A list of your darkest, most erotic fantasies. Fantasies that you can’t get out of your head. Fantasies that you crave. Gusto kong ilista mo mula sa pinakasimple hanggang sa pinaka-extreme.”
Uminit ang mukha ko at parang may lumamutak sa sikmura ko sa isiping isusulat ko ang mga naglalaro sa utak ko. “A-at babasahin mo?” kabadong tanong ko.
“Hindi lang babasahin.” Seryoso ang ekspresyon ni Dr. Martin pero ang tono niya ay bumaba, naging tila mainit na hagod sa balat ko. Lalo na nang muli siyang magsalita.
“I will give you back the power over your own body, over your own sensuality. All your darkest erotic fantasies, I will make them come true.”