PATIENT X & SAVING GRACE (Filipino) Chapter 26

Napabuntong hininga ako nang malubog ako hanggang leeg. Maligamgam ang tubig, masarap sa balat. Dahil nakatingin pa rin ako kay Martin ay nakita ko nang kumislap ang mga mata niya na parang naaliw. Pero katulad ng dati ay hindi ko masiguro kung tama ako ng basa sa nakita ko dahil hindi naman siya nakangiti.

Maya-maya ay itinaas ni Martin ang kamay. Then he crooked his finger at her. Sinesenyasan akong lumapit sa kaniya. Napalunok ako. Bakit parang may iba sa kaniya ngayon? Umangat ang kilay niya, para bang tinatanong ako kung bakit hindi pa ako lumalapit.

Pasimple akong huminga ng malalim bago lumangoy palapit sa kaniya. “Go under the falling water. It will relax you,” sabi niya sa akin. Kaya tumalikod ako sa tubig at umupo sa batong inuupuan din niya, paharap sa pool na katulad niya. Nang sandaling tumama sa mga balikat at likod ko ang malakas na bagsak ng tubig ay hindi ko napigilang mapaungol. “Oh, God, that feels so good.”

“I’m glad you like it,” anas ni Martin sa tabi ko, bakas ang amusement sa tinig. Nang lingunin ko siya ay nakatitig siya sa mukha ko, may munting ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi. Napalunok ako dahil parang hinalukay ang sikmura ko.

Is it possible that he’s flirting with me?

Agad na binawi ko ang tingin. Imposibleng iyon nga ang ginagawa ni Martin. Napapraning lang ako. Pasimple akong huminga ng malalim at itinutok na lang ang atensiyon ko sa pakiramdam ng pagmamasahe ng tubig sa balat ko.

Hanggang sa bahagyang kumilos si Martin at sandaling magkadikit ang mga braso namin. Napaigtad ako at muling napalingon sa kaniya. Napatingin din siya sa akin at alam kong napansin niya ang naging reaksiyon ko. Himbis na dumistansya ay muli niyang pinagdikit ang mga braso namin. Napasinghap ako.

“Get used to it,” sabi niya.

Umawang ang mga labi ko pero hindi ako nakapagsalita. Aware ako sa kilabot na idinudulot ng pagkakalapat ng mga braso namin. Parang may static energy na na-activate ng magkadikit naming mga balat, gumagapang sa buong katawan ko, nagpapabilis sa tibok ng puso ko, nagpapagulo sa mga paru-paro sa sikmura ko at nagpapalito sa utak ko. Because I don’t know if I’m feeling disgusted or… turned on.

Uminit ang mukha ko sa pagkapahiya sa naisip ko. Why did I turn out like this? Mariin akong pumikit at mukha ni James ang sumagi sa isip ko. Kasunod niyon ay parang bumulong sa tainga ko ang boses niya. “I am going to make your body the most sensitive and divinely responsive thing in the world.” Nakaramdam ako ng pait sa isiping nagawa nga iyon ni James.

Naramdaman ko na naman ang paggalaw ni Martin sa tabi ko at dumilat ako para kausapin sana siya pero natigilan ako dahil may narinig akong mga papalapit sa boses. Nang lumingon ako ay siya nang pagdating nang pareha na naghaharutan. Pareho nang nakapanligo ang dalawa at ang mga kamay ay kung saan-saan na dumadapo. Napasulyap sa direksiyon namin ang pareha kaya alam kong aware sila sa presensiya namin ni Martin. Pero nang lumusong ang dalawa sa tubig ay parang walang pakielam kahit may nakakasaksi na naghalikan ang dalawa.

Ako na ang napaiwas ng tingin. Pero nag-e-echo ang hagikhik ng babae at ang tunog ng dalawang labing naghahalikan. At nang marinig ko ang ungol ng pareha dahil mukhang hindi na lang halikan ang balak nilang gawin ay parang sasabog ang ulo ko dahil ako ang nahihiya para sa kanila.

“They want us to watch. It arouses them.” Nanayo ang balahibo ko sa batok at nahigit ko ang hininga nang tumama sa tainga ko ang mainit na hininga ni Martin. Hindi ko namalayan ang pagyuko niya para bumulong sa akin. Napasulyap ako sa pareha na hindi pa rin tumitigil sa ginagawang kahalayan bago ako lakas loob na tumingin kay Martin. Na isang pagkakamali dahil sa ginawa ko ay ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha namin. Bahagya kong inilayo ang ulo ko at pilit hinamig ang sarili sa kabila ng background noise ng magkasintahang kasama namin sa pool.

“D-do you think they will… go all the way?”

Nagkibit balikat si Martin. “Hindi ko alam. All I know is that one of them will surely…”

Uminit ang mukha ko. Sinadya niyang huwag ituloy ang sinasabi pero naintindihan ko iyon. Mabilis akong kumilos paalis sa batuhan. “Let’s get out of here,” sabi ko at mabilis na lumangoy. Naramdaman ko ang pagsunod ni Martin. Iniwasan kong tingnan ang magkapareha hanggang sa makaahon ako sa tubig. Hinablot ko ang dress ko at isinuot iyon kahit hindi pa ako nagpupunas. Saka hinablot ang tuwalya.

“They look disappointed,” anas ni Martin nang makalapit na sa akin at kinuha ang tuwalya. Ipinunas iyon sa sarili habang ang hinubad niyang t-shirt ay kaswal na lang niyang ipinatong sa balikat.

“I don’t want to watch,” gigil na bulong ko at mabilis na naglakad palayo sa Lover’s Pool. Sumunod sa akin si Martin. Nakarating na kami ulit sa hanging bridge at madilim na nang hindi ako nakatiis at naunang magsalita, “Bakit sila ganoon? Kahit na alam nilang may ibang tao maliban sa kanila.”

Bumilis ang lakad ni Martin hanggang sa nakaagapay na siya sa akin bago siya sumagot, “May ibang tao kaya mismo sila ganoon. Sinabi ko na sa iyo, it arouses them. Maybe strangers watching them making out is their fantasy. You have your own fantasies remember?”

Sumikdo ang puso ko at nanlaki ang mga matang napalingon sa kaniya. Huminto siya sa paglalakad at hinawakan ako sa siko, magaan lang pero sapat na para mapaigtad ako. Akmang lalayo ako pero humigpit ang hawak niya sa akin at hinuli niya ng tingin ang aking mga mata. “Don’t,” pinal na sabi niya. “Don’t run away from my touch. Don’t run away from the fact that you have your own fantasies. Lahat ng tao ay mayroon, hindi lang ikaw. There is nothing to be ashamed of.”

“A-anong gusto mong sabihin?”

Napasinghap ako nang ang hinlalaki ng kamay niyang nakahawak sa siko ko ay marahang humaplos sa balat ko. Nagdulot iyon ng tila kuryenteng sensasyon sa katawan ko. “Tumakbo ka at nailang dahil katulad nila, pantasya mo rin ang panoorin.”

Kumabog ang dibdib ko at kumalat ang init sa buo kong katawan. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko na tinangkang itanggi ang sinabi niya dahil isinulat ko na iyon sa listahang nasa pangangalaga niya.

“You run away because you’re getting aroused,” patuloy pa ni Martin.

Mariin akong pumikit. “Stop it,” garalgal na saway ko.

Noon ko naramdaman ang isa pa niyang kamay sa baba ko. Napasinghap ako, napadilat at napatingala hanggang sa muli nang magkasalubong ang aming mga paningin.

“Joy, lahat ng tao may erotic fantasy. At least, gusto kong marealize mo iyan. Wala kang dapat ikahiya dahil hindi ka nag-iisa.”

Lumunok ako. “Kahit ikaw?” mahinang tanong ko.

Natigilan siya at akala ko hindi siya sasagot pero naging matiim ang titig niya at saka nagsalita, “Yes.”

Umawang ang mga labi ko at para na namang may lumalamutak sa sikmura ko. “What is your fantasy?” anas ko.

Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Humilig siya palapit sa akin hanggang sa ilang pulgada na lamang ang distansya namin sa isa’t isa. “Right now, my fantasy is to help you fulfill all your fantasies, Joy,” bulong niya. Humampas ang mainit niyang hininga sa mukha ko at kumalat ang init na dulot niyon sa buong katawan ko. “Hayaan mo akong gawin iyon.”

Matagal na nagtagis ang aming mga paningin. Sa loob ko, nagtatalo rin ang mga emosyon. Hanggang sa napahugot ako ng malalim na paghinga at kahit nag-aapoy pa rin ang mukha ay tumango ako.

Napangiti si Martin at gumaan ang hawak sa akin hanggang sa tuluyan niya akong pakawalan. “Good. Let’s start with the first on your list.”

Uminit ang mukha ko at nahigit ko ang paghinga nang maalala ang una kong isinulat sa listahang pinagawa niya sa akin.

It has been my darkest fantasy to pleasure myself in front of a man. At sa isip ko, si James palagi ang lalaking iyon.

Ni hindi sumagi sa isip ko kahit minsan na gagawin ko iyon sa harap ng ibang lalaki. Pero heto ako ngayon, sumangayon na gawin ang isa sa mga pinakatatago kong pantasya.

Sa harap ni Martin. Ang aking psychiatrist. Kailangan ko ipaalala sa sarili ko kung sino siya sa buhay ko. Na lahat ng gagawin namin ay treatment sessions.

Wala ng iba pa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.