PATIENT X & SAVING GRACE (Filipino) Chapter 30

Narealize ko sa mga sandaling iyon na ang Martin sa harapan ko ngayon ang tunay na siya. Hindi ang masungit na lalaki na bihirang ngumiti at nakasuot ng puting coat na nakikita ko sa ospital. Isang lalaking malambot ang puso sa kabila ng matigas na panlabas. Isang lalaking mapagkakatiwalaan ko at talagang maibababa ko ang depensa ko kapag kasama ko siya.

Bigla ko ring naisip, ganoon din ba ako kanina? Nakita rin ba ni Martin ang tunay na ako nang hinayaan ko ang sarili kong dalhin ng sensasyon at palisin ang inhibisyon? Anong klase ng babae ang nakita niya?

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Kumurap ako ng bigla siyang ngumiti. “Did you enjoy that?” pabirong tanong niya.

Uminit ang mukha ko pero natagpuan ko ang sariling tumango. “Did you enjoy it?” tanong ko.

“Yes,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Martin. Wala ni katiting na bahid ng pagkapahiya o guilt o kung ano pang emosyon na palagi kong nararamdaman kapag ako ang gumagawa niyon. Kahit pa ang sabi niya ay bihira niya iyon gawin. Dahil ba lalaki siya at babae ako? After all, the world seems to accept that men masturbate and more reluctant in accepting that women do it too.

“Nababasa ko kung ano ang iniisip mo Joy,” biglang sabi ni Martin. Kumurap ako at noon ko lang napansin na nahatak na niya pasuot ulit ang shorts niya habang ang t-shirt na hinubad ay hawak na niya, nakabalumbon. “You’re thinking why people accept that men pleasure themselves while they don’t accept women doing it, right? Simple lang ang sagot, Joy.”

“Ano ang sagot?” curious na tanong ko.

Sinalubong niya ng tingin ang mga mata ko. “Dahil kayo mismong mga babae, hindi niyo tinatanggap ng lubusan na sensuwal din kayo at may pangangailangang kailangang punan. You don’t have to broadcast it but at least, inside, you must embrace your sensuality. It’s all about the attitude.”

Lumunok ako. “P-pero paano kung talagang hindi kaya ng babae na talikuran ang lahat ng moral rules na natatak na sa isip niya mula pa noong bata siya? Paano kung hindi niya kayang alisin ang hiya at guilt sa tuwing may ginagawa siyang… hindi tulad ng normal.”

Sumeryoso si Martin. “Then she should just take a vow of purity and abstinence. Wala rin akong nakikitang mali roon. But you see, Joy, everything in this world, even our sexuality, is always affected by our choices. Do you choose to let go of your inhibitions and accept your sensuality? That’s okay. Do you choose the path of purity? That’s okay, too. Ang mahalaga ay kung ano ang magbibigay sa iyo ng kaligayahan, contentment at peace of mind.”

Hindi ako nakakibo. Tumalikod si Martin at naglakad patungo sa banyo. Pero bago tuluyang pumasok doon ay lumingon siya. “Gusto mo bang malaman kung anong klase ng babae ang nakita ko kanina habang pinapanood kita?”

Sumikdo ang puso ko at napalunok. Ilang segundo ang lumipas bago ako tumango.

Umangat ang gilid ng mga labi ni Martin. “I saw a strong woman with a fire in her soul. I saw a woman who can take control of her life and who cannot be repressed. A woman who can be anything, do anything, as long as she wants it.” Saka siya muling tumalikod at tuluyang pumasok sa banyo.

Naiwan akong nakamaang sa sumarang pinto. Naglalaro sa likod ng mga mata ko ang mga nangyari sa pagitan namin sa gabing iyon at nag-e-echo sa utak ko ang mga sinabi niya. May bumikig sa lalamunan ko at namasa ang mga mata ko. Pero hindi iyon dahil malungkot ako o nasasaktan ako. Katunayan ay may ibang emosyon ang gustong tumalon mula sa puso ko. Relief. Gratitude. Hope.

Mas lamang ang pag-asa. Na wala namang mali sa akin. Na hindi katulad ng paulit-ulit na sinasabi ni James sa tuwing nagtatalik kami ay hindi naman ako masama at maruming babae. Na magiging okay ako at makakabalik sa normal kong buhay bago ko nakilala si James. Na darating ang panahon na malilimutan ko na siya at ang pagmamahal na naramdaman ko para sa kaniya.

May umalpas na mahinang tawa sa lalamunan ko. At nang marinig ko ang tunog ng shower mula sa banyo ay napahiga akong muli sa kama. Nakangiti akong tumitig sa kisame bago pumikit. Maya-maya pa ay tila inuugoy na ako ng antok. Kaya hinayaan ko ang sarili kong makatulog.

MARAHANG haplos sa buhok ko ang nagpamulat sa akin. Napaungol ako at sandaling na-disorient nang iangat ko ang mukha mula sa pagkakasubsob sa kama. Nagising lang nang tuluyan ang diwa ko nang makita ko si Martin na nakaupo sa gilid ng kama, nakabihis na at medyo basa pa ang buhok mula sa shower.

Napabalikwas ako ng bangon at suminghap nang muntik nang matanggal ang kumot mula sa pagkakatakip sa katawan ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa mukha niya. Nakangiti siya at may kislap ng amusement sa mga mata.

“Hindi ka ba nagugutom? Pwede tayong magpunta sa dining hall para mag-dinner,” kaswal na sabi niya sa akin. Na para bang hindi ako nakahubad at wala kaming ginawa kani-kanina lang.

Na para bang isang normal na gabi lang iyon sa pagitan namin. Na para bang matagal na kaming intimate.

Lumunok ako. “Gagamit muna ako ng banyo,” sabi ko sa kaswal ding tinig. Kung hindi siya apektado ay ayoko ring maging apektado.

Lumawak ang ngiti ni Martin, tumango at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. “Hihintayin kita sa labas ng cottage natin.”

“Okay,” pabuntong hiningang sagot ko nang palabas na siya ng cottage.

Hanggang bigla siyang huminto at lumingon ulit na parang may biglang naalala. “Don’t forget to wear your corset. Baka makalimutan mo.” Sumikdo ang puso ko. Ngumiti lang siya at tuluyang lumabas.

Pagkapinid ng pinto ay saka lang ako umalis sa kama para hanapin ang mga hinubad kong damit. Wala na sa sahig ang mga iyon. Sunod akong napatingin sa nakabukas na pinto ng banyo. Bago pa man ako makapasok doon ay alam ko nang naroon ang mga hinubad kong damit. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makita ang mga iyon na maayos na naka-hanger, kahilera ng mga basang damit ni Martin at parang… nilabhan na.

Nilabhan niya ang mga damit ko. Mababaw ba ako kung may bumikig sa lalamunan ko sa simpleng bagay na iyon? Pero para sa akin kasi, hindi iyon simpleng gesture. Para sa akin ay mas intimate pa ang ginawa niyang iyon kaysa sa nangyari kanina bago ako makatulog.

Hinamig ko ang sarili. Saka kumilos para mabilis na maligo. Makalipas ang dalawampung minuto ay nakapaligo at nakapagbihis na ako. Medyo nasasakal pa rin ako ng corset na suot ko at alam kong wala iyong kinalaman sa pisikal na sikip niyon. Pero at least ngayon ay hindi na naging sobrang hirap para sa akin ang isuot iyon.

Pagbukas ko ng pinto ng cottage ay lumingon sa akin si Martin na nakatayo sa labas. Ngumiti siya. At natagpuan ko ang sariling ngumiti rin. Inilahad niya ang kamay sa harap ko. “Let’s go,” aya niya.

At sa unang pagkakataon ay walang pagkailang o pag-aalinlangan kong inabot ang kamay niya.

We held hands like we always do. But somehow, that moment feels different.

Ilang minutong lakaran bago ko narealize kung ano ang naiba. Ang dahilan ay dahil may naiba sa loob ko. Dahil mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon.

I feel lighter and a little bit better than the past months of my life.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.