May kilabot na humagod sa likod ko sa sinabi ni Martin. Gustong tumanggi ng utak ko pero ang katawan ko ay lalong hindi mapakali. Hanggang sa muli akong dumilat at sinalubong ng tingin ang mga mata ni Martin. “Help me,” anas ko.
Agad siyang tumayo. “Hintayin mo ako. May kukunin lang ako.”
“What?” manghang tanong ko nang tumalikod siya at muling bumaba ng hagdan. Paano niya ako nagawang iwan na ganito ang kalagayan?
I am aching all over and I feel like I’m on fire.
Maya-maya – na para sa akin ay ilang oras na ang lumipas – ay bumalik si Martin. Nahigit ko ang hininga sa relief. Na napalitan ng kaba at pagkasabik. Mapapangiti na ako nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin pero natigilan ako nang mapansin kong may hawak siya sa mga kamay niya. Isa sa mga iyon ay mukhang… tali.
Namilog ang mga mata ko at hilakbot na napatingin sa mukha ni Martin na ngayon ay nakatayo na sa paanan ng kama. Ngayon ko narealize kung ano ang balak niyang gawin.
Mukhang napansin niyang nakita ko na ang hawak niya dahil bahagyang lumambot ang ekspresyon niya. “It’s soft rope, Joy, but it still looks like the heavy-duty variety.”
“Martin… I-I don’t think I’m ready,” anas ko.
Marahan siyang umiling. “Hindi ka patatahimikin ng mga panaginip mo hangga’t hindi mo naalis sa sistema mo ang isa sa mga darkest erotic fantasies mo, Joy. Pangalawa ito sa isinulat mo, hindi ba? You fantasize about bondage.”
Kumabog ang dibdib ko at para akong kakapusin ng hangin. Saka ako muling napatingin sa hawak niyang tali. “Hindi ko alam na may dala kang ganiyan.”
Napatingin din si Martin sa hawak niya. “I thought it’d look . . . well, incredibly sexy, to be honest, for the fulfillment of your fantasy. The texture of the black rope winding around your pale, soft skin.”
Kumurap ako. May kumalat na init sa katawan ko sa mahina niyang paglalarawan.
“But I also have some pieces of cloth in my pack. We could use those. Whatever you want.”
Lumunok ako. Kinabahan. Bumalik na naman sa isip ko ang mga imahe mula sa panaginip ko. Bumalik ang pakiramdam ng magaspang na tali na kumakagat sa balat ko. Ang contrast niyon sa mainit na kamay ng isang lalaki na bumubuhay sa nakakakuryenteng sensasyon sa balat ko. Ang malupit na tinig ni James na paulit-ulit na sinasabi kung gaano ako kasama at karuming babae na na-a-arouse ako ng mga ginagawa niya sa akin kahit sa umpisa ay hindi ko gusto ang ginagawa niya. Kung paano niya sinasabi na balang araw, ako mismo ang magmamakaawa sa kaniyang igapos ako. That the next time we ‘play’, he’s going to tie me and claim me like his captive.
Naghiwalay kami bago niya magawa ang sinabi niya. Pero ngayon tuloy ay laman ng mga panaginip ko ang mga senaryong inilalarawan niya sa akin noon. Hindi ako pinapatahimik. Ginugulo ang isip ko.
Nanginig ang mga labi ko. “Am I bad and dirty if I do this with you?” bulong ko.
“Everybody is entitled to their thing when it comes to sex. As long as the participants are one hundred percent consenting and responsible adults,” sagot ni Martin.
Kahit kailan ay hindi hiningi ni James and opinyon o permiso ko sa lahat ng mga naging pagtatalik namin. Katunayan ay hayagan niyang ipinapakita ang katuwaan kapag natatakot ako at napapahiya kapag nag-re-react ang katawan ko kahit ang isip ko ay tumatanggi. Pero kahit ganoon ay minahal ko si James. A love that is almost an obsession, especially before he noticed me.
Ngayon, alam ko na walang gagawin si Martin na hindi ko gusto. Na kapag sinabi kong ayoko at tumigil siya ay gagawin niya. Ngayon ay may pagkakataon akong alisin sa sistema ko ang mga pantasyang gumugulo sa isip ko. May pagkakataon na akong palisin ang boses ni James na palagi kong naririnig at nagiging dahilan kaya parang gusto kong lumubog sa labis na kahihiyan at mababang self-esteem.
I need to get these fantasies out of my system. I need to forget and move on from the trauma of my past relationship. Kailangan kong pakawalan si James at ang mga alaala at ideyang iniwan niyang nakapagkit sa katawan, isip at puso ko.
Kinagat ko ang ibabang labi at muling napatingin sa itim na tali na hawak ni Martin. At nang umangat ang tingin ko sa mukha niya ay mas determinado na ako. Kumilos ako mula sa kama, binitiwan ang kumot na kipkip ko at bumangon paluhod. Huminga ako ng malalim at marahang inilapat ang mga kamay ko sa laylayan ng suot kong night dress.
“Should I undress?” mahina ngunit walang pag-aalinlangan na tanong ko.
Kumislap ang mga mata ni Martin, naging matiim ang titig. Tumiwid ang kanyang pagkakatayo at umigting ang mga kalamnan. “Yes,” anas niya.
Lumunok ako at pasimpleng huminga ng malalim. Saka ko itinaas ang suot ko, mula sa laylayan, paangat sa bandang hita ko, paangat pa hanggang lumitaw na ang lace panties na suot ko, paakyat sa baywang ko, pataas sa dibdib na hindi natatakpan ng bra at paangat pa.
Narinig ko ang paghigit niya ng hininga nang nasa ulo ko na ang pantulog ko. Naramdaman ko ang pag-init ng titig niya na nakumpirma ko nang tuluyan ko nang mabuhad ang damit ko at hinayaan iyong bumagsak sa kama. Pinigilan ko ang sarili kong takpan ang kahubdan ko. Lumunok ako at sinalubong ng tingin ang mga mata ni Martin. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata niya na dahan-dahan kong ibinaba pahubad ang natitira kong saplot sa katawan.
Mariing tumiim ang bagang ni Martin, lumabas ang mga litid sa leeg habang pinapasadahan ako ng tingin. Tiningnan ko rin siya. Mula sa magulo niyang buhok na halatang kababangon lamang mula sa pagkakahiga, sa mukha niyang may bakas ng stubbles, pababa sa katawan niyang natatakpan ng puting t-shirt, pababa pa kung saan nakikita ko na ang patunay na apektado siya ng kahubdan ko.
Nahigit ko ang hininga nang nagwala ang mga paru-paro sa sikmura ko at kumalat ang init sa bawat himaymay ng katawan ko. I am mesmerized by the realization that I affect him.
“You like showing yourself to me, don’t you?” paos na tanong ni Martin.
Huminga ako ng malalim at nagpasyang maging tapat sa sarili at sa kaniya. “Yes. I feel powerful and…”
“Beautiful?” bahagyang nakaangat ang mga labi na dugtong niya.
May bumikig sa lalamunan ko at may init na humaplos sa puso ko. “Yes. I feel beautiful.”
“Good. Because you are beautiful. Huwag mong kakalimutan iyan,” anas niya, bumaba ang tingin sa dibdib ko, sandaling nagtagal doon, bago bumaba pa at humintong muli sa pagitan ng mga hita ko. Kumislap sa paghanga at iba pang emosyong hindi ko mabigyan ng pangalan ang mga mata niya. “Beautiful.”
Para akong idinuduyan ng boses niya. Dahil naririnig ko ang katapatan at sinseridad sa sinasabi niya. Nawawala ang hiya ko, ang pagdududa sa sarili ko at ang panliliit. Kapag tinitingnan niya ako ng ganoon ay tumatapang ako at nagiging kompiyansa sa sarili. Siguro dahil sa tuwing sinasabi ni Martin na maganda ako ay nahihimigan ko na hindi lamang panlabas na anyo ko ang tinutukoy niya. Na para bang may nakikita siya sa akin na kahit ako ay hindi ko pa nakikita.
Nag-angat ng tingin si Martin at muling nagtama ang aming mga paningin. “Bago tayo magsimula… puwede ba kitang hawakan? Sandali lang.”
Huminga ako ng malalim. “Sige,” anas ko.
Naglakad siya palapit sa akin, bawat hakbang ay katumbas ng pagsikdo ng puso ko. Nang makalapit siya sa akin ay umangat ang nakabukang kamay niya at sinapo ang batok ko, ang hinlalaki ay marahang hinaplos ang panga ko.
Sandali akong napapikit at nanigas nang maalala ang isa pang haplos sa balat ko, mas marahas, mas magaspang at mapanakit. Nilamutak ang puso ko nang alaala at bahagya akong kinapos ng paghinga.
“Joy. Tingnan mo ako.” Kahit namimigat ang mga mata ko sa tensiyong bigla kong nadama ay pilit akong dumilat. Nagtagpo ang aming mga paningin. “Hindi kita sasaktan. Kailangan mo akong pagkatiwalaan,” mahinang pangako niya habang humahaplos ang daliri niya sa pisngi ko.
His feathery touch makes me feel heady. And when he ran his fingers through my hair, spreading them around my shoulders, I sighed.
Napawi ang pagsisikip ng dibdib ko. Kumalma ang pakiramdam ko. Naging masuyo ang ngiti ni Martin habang nakatingin sa mukha ko. Pagkatapos ay yumuko siya at magaan na inilapat ang mga labi sa pisngi ko.
Ikinabigla ko iyon at hindi ko malaman kung ano ang magiging reaksiyon sa ginawa niya. Pero bago pa ako makaisip ng sasabihin ay inilayo na niya ang mga labi hanggang sa magkaharap na kaming muli at sabihin ni Martin, “Handa ka na bang magsimula?”
“Sa palagay ko,” mahinang sagot ko.
Tumango siya. Pagkatapos ay dumeretso ng tayo at humakbang palayo.