PATIENT X & SAVING GRACE (Filipino) Chapter 35

THERE is something about intimacy that always makes me wistful. Kung paanong malalaman mo kaagad na intimate ang isang pareha kapag napagmasdan mo sila. May kung ano sa palitan nila ng tingin, sa ngiti at kahit sa kaswal na pag-uusap, ang magbibigay ng senyales na mayroon silang intimate relationship. May kung ano sa simpleng paghawak sa siko o paghawi ng buhok na humarang sa mukha, ang magbibigay ng senyales na hindi lamang ganoong haplos ang nagagawa nila sa isa’t isa. Minsan nga, kahit magkatabi lamang ang magkapareha at hindi naman nagkakalapat ang mga katawan, mapapansin pa rin ang tila kakaibang aura na nakapalibot sa kanilang dalawa.

Dati ay napapaisip ako, may makikilala ba akong isang tao na makakatabi ko lang ay masasabi na ng mga taong makakakita sa amin na mayroon kaming intimate relationship? May makikilala ba ako na isang tao na magkatinginan lang kami ay para na kaming may telepathy na magkakaintindihan? Isang tao na magiging komportable talaga ako.

Palagi kong naiisip noon na ang taong iyon ay isang lalaki na mahal na mahal ko. Boyfriend. Lover. Mula nang ma-in love ako kay James, siya palagi ang nakikinita ko na taong makakasalo ko sa isang intimacy na hindi ko pa naramdaman noon.

Pero kahit tatlong buwang may nangyayari sa amin, hindi kami nagkaroon ng intimacy. Ngayon ko lang narealize na posible pa lang nagtatalik kayo pero hindi kayo intimate. Dahil ang intimacy ay hindi lang binubuo ng pisikal na pag-iisa. Dapat may emosyonal at mental na koneksiyon din ang dalawang tao.

Narealize ko rin ngayon, na puwede kang makaramdam ng intimacy sa piling ng isang tao na hindi mo naman karelasyon. Katulad namin ni Martin. Mula nang gabing naiyak ako pagkatapos naming gawin ang ikalawang fantasy sa listahan ko, damang dama ko na may naiba sa amin. Bukod sa gumaan ang loob ko at mas naging komportable ako sa kaniya. Bukod sa naramdaman kong bumait at mas naging masuyo siya sa akin. Nagkaroon kami ng… spark.

I feel the sparks flying whenever our eyes meet. Kapag nagkakabunggo kahit sandali lang ang mga balat namin ay parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan naming dalawa. Kapag hinahawakan niya ako para alalayan sa siko, o para gagapin ang kamay ko, o kapag lumalapat sa lower back ko ang palad niya, umiinit ang pakiramdam ko sa paraang hindi lamang seksuwal.

Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nasa malapit si Martin. Kapag nag-uusap kami at mas lalo kong nalalaman na marami kaming pagkakapareho, natutuwa ako. Lalo na kapag nagkakatinginan kami at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkakaintindihan na kami agad. When he touches me I feel as if I’m being… healed.

Komportableng komportable akong kasama siya na nang tanungin niya ako kung gusto kong bumalik na sa maynila ay napasagot ako ng hindi. Gusto ko pang manatili sa Hidden Paradise kung saan unti-unti kong nalilimutan ang mga sakit at alaalang sumasakal sa akin noong nasa Maynila ako.

At nang sumang-ayon siyang manatili pa kami roon kahit isang linggo na kami doon ay nakahinga ako ng maluwag. Na napalitan ng munting kaba nang makita kong may nag-iba sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Hindi naman eksaktong nakakatakot o nakaka-alarma ang naging pagbabago. At least, normally, hindi. Kaya binalewala ko ang kaba na nadama ko.

Sa mga sumunod na araw pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay napansin kong mas madalas nang ngumingiti si Martin kapag nakikita ako. Mas maasikaso pa siya sa akin ngayon kaysa dati. May lambing at pagsuyo sa boses kapag kinakausap ako.

Kung dati ay ako ang sinasabihan niyang humawak sa kamay niya, ngayon ay madalas na niyang kusang ginagagap ang kamay ko. Ang hawak niya sa siko ko, o ang paglapat ng palad niya sa likod ko ay hindi na rin magaan at may reserbasyon na katulad ng dati. His touch now is firmer. Almost possessive.

At ang tingin niya sa akin, alam ko na kung ano ang naiba. His gaze now looks wistful. Affectionate yet more intense. Intimate. At iba pang emosyon na hindi sa hindi ko mapangalanan. Hindi lang handa ang utak kong iproseso sa ngayon.

Ang alam ko lang, ang tingin niya sa akin ay hindi na tingin ng isang psychiatrist sa kanyang pasyente. Pwede ko bang sabihin na tingin na ng isang malapit na kaibigan ang ipinupukol niya sa akin? Pero iyon ba ang tawag sa mayroon kami ni Martin? Magkaibigan? Do friends see each other naked? Do friends pleasure themselves in front of each other? Does a friend make the other reach her orgasm with his hands and mouth? O para kay Martin, lahat ba ng mga ginawa namin sa loob ng cottage namin ay parte ng trabaho niya, na parte iyon ng exposure therapy ko? Pero matagal na niyang hindi binabanggit ang tungkol doon kaya hindi ko masiguro.

Isa pa, kapag magkasama kami ni Martin at ineenjoy ang mga amenities ng Hidden Paradise, nawawala rin sa isip ko ang tungkol doon. Nawawala sa isip ko na kailan lang ay ni hindi ako lumalabas ng apartment ko sa labis na depresyon at pagluluksa sa isang relasyong natapos. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko isa akong normal na babae. With him I feel special and beautiful.

Katulad nang gabing iyon, sa ikawalong araw namin sa resort. Katulad ng dati ay sa labas naka-set-up ang buffet at mga lamesa. Siguro dala ng ambiance, pero sa kalagitnaan ng pagkain ay huminto kami sa pag-uusap. Sa tuwing nagkakatinginan kami ay umiinit ang mukha ko. Everytime he smile at me with that glint in his eyes, I feel my stomach fluttering.

Naputol ang katahimikan nang lumapit sa amin ang mga musikero, marahang tumutunog ang gitara sa isang mabagal ngunit nakakahalinang himig na unti-unting naging isang awitin nang pareho na kaming nakatingin ni Martin. Nagsimulang kumanta ang mang-aawit.

“Oh my love for the first time in my life…my eyes are wide open. Oh my love for the first time in my life. My eyes can see.”

“I know this song,” nausal ko, hindi naiwasang masabik. Paborito ko kasi ang awitin.

“Oh my love by John Lennon. That is one of my favorites,” biglang sabi ni Martin.

Manghang napalingon ako sa kaniya. Umangat ang mga kilay niya, mukhang nagtaka sa naging reaksiyon ko. Pero nang magtagpo ang aming mga paningin habang naririnig pa rin namin ang awit na dagdag na naman sa listahan ng mga pagkakapareho namin, napalis ang pagtataka sa mukha niya at napalitan ng ngiti.

Gulat na napatingala ako sa kaniya nang tumayo siya, hinawakan ang kamay ko at hinigit din ako patayo. Inilapit niya ang mukha sa akin at nakangiti pa ring bumulong sa tainga ko. “Let’s dance to it.”

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa paligid namin. Maraming tao. Humigpit ang hawak ni Martin sa kamay ko kaya bumalik ang atensiyon ko sa kaniya. May paghamon sa kislap ng mga mata niya. “Pagsayaw lang na maraming tao sa paligid, kakahiyaan mo ba?”

Itinaas ko ang noo. No. Hindi ako ang tipong nahihiya sumayaw. At least, hindi noong hindi pa nagagasgasan ng husto ang self-esteem at self-worth ko. I want to be that woman again. Before the man I love broke me. No. I want to be far better than the past me.

Himbis na sumagot ay kumilos lang ako palayo sa lamesa namin. Ako pa ang humatak kay Martin. Mukhang natuwa ang mga musekero na umatras para bigyan kami ng espasyo at inulit sa simula ang awitin.

Ipinatong ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya at pinanatili ang maluwag na espasyo sa pagitan ng magkaharap naming mga katawan. Umangat ang gilid ng mga labi niya bago pinaikot ang mga braso sa baywang ko. Napasinghap ako nang marahan niya akong hinigit hanggang sa magkalapat ang mga katawan namin. Saka siya nagsimulang gumalaw sa saliw ng mabining awitin.

Huminga ako ng malalim, kinakalma ang biglang pagwawala ng mga paru-paro sa sikmura ko habang sumasabay sa galaw niya. “Relax and enjoy this,” bulong niya sa akin.

Napatitig ako sa mukha niya at sa kabila ng mapusyaw na liwanag ng kakaunting ilaw sa paligid at sa kabila ng naglalarong anino sa mukha niya na likha ng mga kandila sa lamesa, nakita kong masuyo ang ekspresyon niya habang nakatingin sa mukha ko. At ang kislap sa mga mata niya na takot akong pangalanan dahil nagdudulot iyon ng kaba sa dibdib ko, naroon na naman.

Uminit ang mga mata ko at may bumikig sa lalamunan ko nang makita iyon. Ang mga kamay ko na nakapatong sa mga balikat niya ay umangat, pumaikot sa batok niya dahil bigla ay parang gusto ko siyang yakapin. Dahil napakahirap balewalain ng emosyong nakikita ko sa mukha niya.

Huminga ako ng malalim at pinalis ang mga alalahanin ko. Sinunod ko ang sinabi ni Martin. Nag-relax ako at hinayaan ang sariling dalhin ng mood, ng awiting tumutugtog, ng pakiramdam na sa wakas ay napapadikit na ako sa isang lalaki na hindi ako inaatake ng panic. At nang maramdaman ko ang marahang paghaplos ng mga hinlalaki niya sa lower back ko ay napahilig ako sa balikat niya at pumikit.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.