Hindi ko alam kung gaano katagal kaming sumasayaw. Hindi ko alam kung ilang beses inulit ng mga musikero ang awitin. Nawalan ako ng pakielam kung may nakakakita man sa amin. Basta ang alam ko lang, nang tumigil kami sa pagsayaw at tingalain ko si Martin para magtagpo ang aming mga paningin ay may kakaibang enerhiya ang namagitan sa amin.
Enerhiyang hindi nawala kahit nang magpasalamat at magbigay kami ng bayad sa mga musikero. Kahit nang tapusin namin ang pagkain. Enerhiyang dahilan kaya hindi kami nag-holding hands na gaya ng dati pabalik sa cottage namin. Dahil para iyong bomba na siguradong sasabog kapag nagdikit kahit dulo lang ng mga daliri namin.
At nang makapasok na kami sa loob ng cottage ay pakiramdam ko kinakapos na ako ng hangin sa tindi ng enerhiyang iyon. Talo pa ang magnetic field.
“Can you tell me something?” basag ni Martin sa katahimikan. Nakatayo kami sa tabi ng nakasarang pintuan, parehong tila hindi makakilos para tuluyang pumasok sa cottage.
“Ano iyon?”
“Did he ever kiss you? As in really kiss you?” mahinang tanong niya.
Sumikdo ang puso ko. “Never,” bulong ko. Nilingon ko si Martin at sa mas malakas na boses ay umaming, “He never kissed me.”
Nilingon din niya ako. Isang segundong nagtagpo ang aming mga paningin at bigla na niyang hinawakan ang batok ko at hinigit ako palapit kasabay ng pagyuko at pagsalubong niya sa mukha ko.
Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, nahalikan ako sa mga labi.
Sa kabila ng bahagyang kagaspangan ng paghigit niya sa mukha ko ay maingat ang naging paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko. Sa simula ay nagulat ako sa biglaang paghalik niya sa akin.
Then his scent, his firm lips, his taste, penetrated my awareness. Napalis ang pagkagulat ko nang muli siyang kumilos. Martin tilted my head back and slid his tongue between my lips. He thrust, exploring me, tasting me. Hanggang sa lumabo na ang takbo ng isip ko at para nang sinisilaban ang katawan ko.
Napasinghap ako at napakapit sa mga balikat niya nang may humiwang tila mainit na likido sa puson ko, pababa sa pagitan ng aking mga hita. I never thought I can feel this electrifying sensation with just a kiss. Hindi ko inakala na nakakalunod ang isang halik pero ayokong umahon mula sa pagkalunod. Hindi ko inakala na masarap at nakakabaliw pala sa pakiramdam ang mahalikan.
Pumaikot ang isang braso niya sa baywang ko habang ang isang kamay ay hindi inalis sa batok ko. Hinigit niya ako hanggang sa madikit na ako sa katawan niya. He was so hot. So hard. Nararamdaman ko ang arousal niya sa bandang puson ko at para akong napunta sa gitna ng napakainit na pugon.
Napaungol ako sa kanyang mga labi. His lips shaped and caressed my lips skillfully, leaving me open for his tongue’s possession. Walang halong pagmamadali pero damang dama ko ang matinding pagkauhaw niya sa aking mga labi. He possessed the inside of my mouth with his tongue, then suckled my upper and lower lips, biting them with his teeth. Then he gave me an open-mouthed kiss like he wanted to swallow me whole.
Nagkaroon ako ng matinding udyok na tikman din ang mga labi niya. Ang gawin ang ginagawa niya sa akin.
Don’t be afraid to demand what you want.
So I slid my tongue against his, engaging in the kiss, tasting him, exploring him. Katulad ng ginagawa niya sa mga labi ko. He groaned in my mouth, the vibration tingled my senses. Humigpit ang hawak niya sa akin at para bang hindi napigilan na napagalaw ang balakang kaya lalong dumikit sa akin ang kabuuan ng kanyang pagkalalaki.
He was huge and hard. My sex clenched tight. Humakbang pa at napaatras ako. Hindi niya nilubayan ang mga labi ko habang gumagalaw kami, siya pausad, ako paatras. Hanggang sa maramdaman ko nang tumama ang mga binti ko sa kama. Napaupo ako sa paanan, sumunod ang mga labi ni Martin, hindi pa rin tinitigilan ang halik. Katunayan ay nagiging magaspang na iyon, mas malalim, mas mapanghanap.
Nagwala ang mga paru-paro sa sikmura ko nang marahan niya akong itulak pahiga sa kama, ang katawan niya agad na sumunod padagan sa akin. Napaungol ako at para bang may sariling isip ang katawan ko na tumingkayad ako para salubungin pang lalo ang katawan niya.
I rubbed against him instinctively, feeling his defined muscles, stroking his enormous erection with my body. He hissed and tore his mouth away from mine. Napadilat ako at nakatitigan kami. Parehong hinihingal. Nakikita ko ang matinding pagnanasa at iba pang mas malalim na emosyon sa mga mata ni Martin. Nakita ko rin na pilit niyang hinahamig ang sarili. Pilit kinokontrol ang pagnanasa kahit pa pinapasadahan niya ng tingin ang katawan ko, lalo na ang dibdib ko. Nang sulyapan ko iyon ay uminit pang lalo ang mukha ko nang makitang nakabakat na ang mga tuktok ng dibdib ko sa suot kong blouse.
Hindi ako sigurado kung gusto ko bang makontrol niya ang sarili niya. Masyado nang sensitibo ang buo kong katawan. Masyado nang nagliliyab. Kapag huminto siya ay para na rin niya akong tinorture. Kaya nang dahan-dahan niyang inilayo ang katawan sa akin hanggang bumangon na siya paluhod sa kama ay para akong sinaksak. Napahikbi ako at kusang umangat ang mga kamay para pigilan siya. “Martin, no,” garalgal na usal ko.
Umiling siya kahit na alam kong kabaligtaran iyon ng gusto talaga niyang gawin. Habol pa rin niya ang paghinga, matingkad ang kulay ng mukha at mainit pa rin ang titig. When I look down, I saw the huge bulge on his pants. He wants me and I know he knows I want him too. Pero tuluyan na siyang umalis sa kama at namasa na ang aking mga mata sa labis na frustration at pagpoprotesta.
Huwag mong gawin sa akin ito! Gusto kong isigaw iyon sa kaniya pero may bumikig na sa lalamunan ko. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tumitig sa isang bahagi ng cottage. Maybe he doesn’t want me as much as I think. Maybe, he doesn’t want me at all. After all, he already saw my naked body twice and he never tried to go all the way with me. Maybe –
“Tigilan mo iyan,” biglang sabi ni Martin dahilan kaya naputol ang tumatakbo sa isip ko. Mababa ang boses niya at pagalit ang tono. Napasulyap tuloy akong muli sa kaniya. Nahigit ko ang hininga nang makita ang ekspresyon niya. “Nakikita ko sa mukha mo kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Don’t ever think that I don’t desire you. I’m not going to get this hard for you if I don’t want to fuck you, Joy.”
Napasinghap ako sa biglang pagbabago ng pagsasalita ni Martin. Nawala ang politeness na mayroon siya sa dalawang beses na akala ko ay magtatalik kami.
“Naniniwala ka ba sa akin?” tanong niya.
Huminga ako ng malalim. “Yes, I believe you,” anas ko.
“Good,” sagot niya pero tensiyonado pa rin ang hitsura. Nakakuyom ang mga kamao at maigting ang mga kalamnan. Humakbang siya palayo sa kama at kahit naghuhumiyaw ang katawan ko sa atensiyon at haplos niya ay bumangon na rin ako sa kama. Buo na sa isip ko na mahihirapan akong matulog sa gabing iyon nang muling magsalita si Martin. “Lumabas tayo.”
Napakurap ako at litong tiningala siya. “A-ano? Saan?”
“Sa batis.”
Natigilan ako bago namangha. “Gusto mong mag-swimming?” Idadaan na lang ba niya sa paglangoy ang tensiyon at pagnanasang nararamdaman namin ngayon himbis na ituloy ang nasimulan na?
“Not just swimming.” Naglakad siya palapit sa bedside table, binuksan ang drawer at sa isang leather organizer ay may dinukot siya roong papel. Sumikdo ang puso ko nang agad kong makilala kung ano ang laman ng papel na iyon. Tiningnan ako ni Martin at bahagyang itinaas iyon. “Tapusin na natin ang lahat ng nakalagay sa listahan mo.”
Oh my. Lumunok ako at nilakasan ang loob ko. “Will you really do it?” anas ko.
Tumiim ang ekspresyon niya at kumislap ang matinding pagnanais sa mga mata niya. “This time, I’m not going to restrain myself Joy. You want to get fucked outdoors where people might see us at any moment? Then I will give it to you. As long as you trust me.”
Kinagat ko ang ibabang labi at naglaro sa isip ko ang mga posible naming gawin sa pool. Lalong tumindi ang pangangailangan ng aking katawan. I unconsciously pressed my thighs together to slightly ease the ache between my legs.
“I trust you,” anas ko.
Huminga ng malalim si Martin at parang hindi nakatiis na humakbang na naman palapit sa akin, hinawakan ako sa batok, yumuko at mabilis akong siniil ng halik sa mga labi. Pagkatapos ay bumulong siya habang nakalapat pa rin ang mga labi sa akin, “Good.”