PATIENT X & SAVING GRACE (Filipino) Chapter 37

KADALASAN ay hindi na kami nagpupunta sa batis pagkatapos ng hapunan. Kaya nagulat ako nang makitang marami pa rin palang guest ng resort ang naliligo sa iba’t ibang batis pool kahit ganoong oras na ng gabi. Katunayan ay mas maraming tao kaysa sa hapon. Nag-e-echo ang mga usapan at halakhakan ng iba’t ibang grupo. Sumasabay sa tunog ng umaagos na tubig ng batiss mula sa kabundukan.

Pero sa pandinig ko ay walang mas iingay pa sa mabilis na tibok ng aking puso. At duda ako kung mapapawi ng tubig ang matinding init na pakiramdam ko ay sumisingaw na sa katawan ko mula pa kanina nang nasa cottage pa kami. Paano ako kakalma kung alam kong hindi lamang paliligo ang gagawin namin doon ni Martin?

Ni hindi niya ako hinayaang magpalis ng swimsuit. Humatak lang siya ng dalawang tuwalya para sa amin. Saka hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palabas ng cottage.

“Paano ako lulusong sa tubig, wala akong panligong suot?” sa wakas ay nagawa kong sabihin nang nakatayo na kami sa tabi ng railing ng lover’s pool na sa kabutihang palad ay walang naliligo sa mga sandaling iyon.

Isinabit muna ni Martin ang mga tuwalya sa railing bago ako tiningnan at sumagot, “Hubarin mo lahat ng suot mo.”

Nanlaki ang mga mata ko at parang umangat sa lalamunan ko ang puso ko. “L-lahat?”

Sa kabila ng dilim ay nakita kong ngumiti si Martin. Kuminang kasi ang maputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. “Oo lahat. Hindi mo pa nasubukan mag skinny-dipping?” Hinubad niya ang pang-itaas. “Masarap mag-swimming ng walang kahit na anong suot.” Sinunod niyang tanggalin ang pagkakabutones ng pantalon niya. Nang marinig ko ang tunog ng ibinabang zipper ay napanganga ako.

“Seryoso ka?” Lumingon ako sa daang pinanggalingan namin. “Paano kung may dumating para maligo rin dito?”

“That’s exactly why it feels good to swim naked, Joy.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya dahil nahimigan ko ang amusement sa boses niya. Ngiting ngiti pa rin si Martin. “It’s the thrill of the possibility of getting seen. Ganoon din naman ang punto ng huling pantasya na isinulat mo, hindi ba? You find the idea of people seeing you getting fucked outdoors.”

Uminit ang mukha ko. “Not people seeing me. But the possibility of getting caught. M-magkaiba iyon.”

Bahagyang natawa si Martin. Na para bang natutuwa siya sa sitwasyon. Hindi katulad noong dalawang beses na ginawa namin ang nasa listahan ko na sa simula ay parang doktor magsalita, ngayon ay mas relax siya. “Para sa akin pareho lang iyon,” sabi pa niya at tuluyang hinubad ang pantalon. Kasunod ang boxer’s short. Napasinghap ako. Hinubad talaga niya lahat!

“So? Hindi mo kaya?” may paghamon sa boses niya.

Kumunot ang noo ko. May pakiramdam ako na aware si Martin na kapag ganoon ang tono na ginagamit niya ay napapapayag niya ako.

“Come on, be bold. Alam ko sa loob mo ay may matapang at daring na babae,” susog niya sa akin.

Lumunok ako at huminga ng malalim. Saka sinimulang hubarin ang blouse na suot ko. Nahuli ko nang mawala ang ngiti ni Martin at mahigit niya ang paghinga bago ko tuluyang mahubad ang pang-itaas ko.

“You’re wearing it,” anas niya.

Pinaraan ko ang mga daliri sa corset na suot ko, sa bahaging dibdib. “Yes. Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin na isuot ito palagi? Though tuwing dinner ko lang ito nasusuot.”

“Hindi ko napansin.”

Bahagya akong natawa. “Of course not. May damit ako sa ibabaw nito.”

Umiling si Martin. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin. You don’t look and act the way you did the first time you wore that.” Humakbang siya palapit sa akin, balewala kahit nakahubad siya at sa kabila ng dilim ay hinuli ng tingin ang aking mga mata. May init na humaplos sa dibdib ko nang makita ang pride sa titig niya. “Hindi ka na apektado,” anas niya, bakas ang katuwaan sa tono.

Natigilan ako at may bumikig sa lalamunan ko nang maintidihan ang sinasabi niya. Hindi na ako apektado ng alaalang kaakibat ng corset na suot ko, ang mga alaala ng mga sexual encounters namin ni James. Hindi na ako nasasakal o kinakapos ng paghinga kapag naiisip ko ang lahat. Uminit ang mga mata ko at napangiti. “Oo. Tama ka. Do you think I’m cured now?”

Naging mapang-akit ang kislap ng mga mata niya. “You’re getting there. Now, continue undressing.” Saka siya humakbang paatras para bigyan ako ng space.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makaramdam ako ng antisipasyon. Sunod kong hinubad ang maong shorts ko. Naiwan ang lacy panties na ipinareha ko sa corset. Hindi itinago ni Martin ang matiim na titig niya sa paghuhubad ko. Nang bumagsak sa sahig ang shorts ay dumeretso ako ng tayo. Saka marahang pumihit patalikod sa kaniya. Hinawi ko ang buhok ko patagilid hanggang sa hindi na niyon hinaharangan ang likod ko. Saka nilingon si Martin. “Pakitulungan naman ako hubarin. Hirap na hirap ako isuot ito dahil sa ribbons sa likod,” anas ko.

Huli na nang marealize ko na mapang-akit ang naging labas ng sinabi ko. Narinig ko kasi ang paghigit niya ng hangin at ang bahagyang panginginig ng mga kamay niya nang simulan niyang kalasin ang pagkaka-ribbon ng suot ko. Napabuntong hininga ako nang lumuwag ang corset at makalaya ang mga dibdib ko mula sa ilang oras na pagkakaipit. Siya pa ang maingat na umalis ng saplot sa katawan ko at maayos iyong itinabi sa blouse ko. Naiwan na lang ang aking lacy panties.

Muling umatras si Martin pero nakatitig pa rin sa akin. Bigla ay may lakas ng loob na sumapi sa akin. I bent at the waist, my bottom arching up and slowly removed my underwear.

“Damn, Joy. That is sexy,” he groaned.

Napangiti ako at dumeretso ng tayo. Nilingon ko siya pero hindi ako pumihit paharap sa kaniya. Sa halip ay nagpatiuna ako sa paglusong sa pool. Napabuntong hininga ako nang madama ang maligamgam na tubig sa hubad na katawan ko. Sa likuran ko ay narinig ko ang paglusong din ni Martin. Sumikdo ang puso ko, nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura ko at umalerto ang buo kong katawan. Wala sa loob na napalangoy tuloy ako papunta sa bahagi ng pool kung saan may mini-falls at mabato.

Maya-maya ay lumingon ako at parang umakyat sa lalamunan ko ang puso ko nang makitang lumalangoy din siya, pasunod sa akin. Para bang nakikisama ang gabi na biglang lumiwanag, napalis marahil ang ulap na nakatakip sa buwan. Kaya nakita ko ang intensidad sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Sexual thrill and excitement run through my veins. Ibinalik ko sa harapan ang tingin ko at nagpatuloy sa paglangoy. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Nang marating ko ang mini-falls at napakapit ako sa malapad na batuhan ay hinihingal na ako. Alam ko na hindi lang iyon dahil sa paglangoy na ginawa ko.

Napasinghap ako at napaigtad nang maramdaman ko si Martin sa likuran ko. Lalo na nang ilapat niya ang mga kamay sa batuhan sa paraang nakulong ako sa mga bisig niya. Naririnig ko ang kanyang paghinga, nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan na ilang pulgada lang yata ang distansya sa katawan ko.

“You enjoyed that chase, huh?” nakangiting tanong ni Martin sa tainga ko dahilan kaya tumayo ang mga balahibo ko sa batok. “You really have a dominant streak sometimes, Joy. I like that.”

Napapikit ako nang halikan niya ang tainga ko saka bumaba sa balikat ko, pababa pa sa bahagi ng likod ko na hindi nakalubog sa tubig. Humigpit ang hawak ko sa batuhan at napaungol nang tuluyan na niyang ilapit ang katawan sa likuran ko. I can feel his hot and hard body against my back. I can feel his erection between the cheeks of my bottom. Ang isa niyang kamay ay bumaba sa tubig, humaplos sa baywang ko, paakyat sa gilid ng dibdib ko.

I moved a little, wanting to give him more access to my breasts, wanting him to touch me more. He obliged. He cupped my breasts, his thumb doing lazy circles in my nipples, making it hard and aching. He took his time there before he reach for my other breast. Akala ko ay magiging magaan at masuyo rin siya sa kabila kong dibdib. Kaya napaungol ako ng malakas nang maging mas magaspang siya. He squeezed the flesh firmly and then tugged at my nipples with his thumb and forefinger. Nang bumaba ang kamay niya sa tiyan ko ay magaan na naman, nanunudyo. Pero nang bumaba sa baywang ko ay mariin na naman niya akong pinisil. Pagkatapos ay naging magaan na naman ang paglalakbay ng kamay niya hanggang marating ang pagitan ng mga hita ko.

Napayukyok ako sa batuhan, hindi kinakaya ang sensasyong dulot ng magaan at marahas na haplos ng kamay niya sa katawan ko. “You like it soft yet you like it hard,” anas ni Martin, tila namamangha. “You’re really a contradiction, Joy. So alluring.”

“Ohh!” Hindi ko na napigilan ang mapahalinghing ng malakas nang magsimulang maglaro ang mga daliri niya sa pagkababae ko. He rubbed my slit lightly, leisurely. But when his thumb found my clit he pressed hard, knocking the air out of my lungs with the intense pleasure it brought me. I moved my hips unconsciously, rubbing my bottom on his erection in the process. He groaned, cupped my sex and began thrusting himself to meet the movement of my hips.

“Oh, God!” napalakas na ungol ko, halos mag-echo sa lover’s pool.

“Humarap ka,” anas niya sa akin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.