PATIENT X & SAVING GRACE (Filipino) Chapter 44

NAKATANGGAP ng tawag si James Salgado. Nasa ibang bansa siya at katatapos lamang ng fashion show na pinamahalaan niya. Numero lang kaya noong una ay hindi niya sinasagot. Baka babae. At kung hindi nakarehistro sa cellphone niya ang pangalan ay ibig sabihin wala siyang pakinabang sa kung sino man ang tumatawag. Dahil iyon lang ang silbi kay James ng mga babae. Hindi halata dahil nababansagan siyang playboy, pero sa totoo lang ay wala siya ni katiting na paghanga o kahit respeto sa mga babae.

Because the truth was, James Salgado hates the female species.

Nag-ugat ang lahat noong siya ay labing limang taong gulang lang. Nang mapilitan siyang kumapit sa patalim para sa kaligtasan ng nag-iisa niyang kapatid na si Martin na noon ay labing dalawang taong gulang lang. Kapalit ang maliit na halaga, ibinenta niya ang katawan sa babaeng amo niya. She used him like a toy for her pleasure. Mayroong sadistic streak ang babae na hindi niya magamit sa asawa niya. Palibhasa ay para siyang maamong tupa kapag nasa piling ng may-edad na asawa. Pera lang kasi ang habol ng babae. Kaya sa tuwing umaalis ang asawa para sa negosyo, ginagamit niya si James.

He has been her lover for a year. Hanggang sa hindi pa nakuntento ang babae. Idinidisplay pa si James sa mga kaibigan niyang mga asawa rin ng mga mayayaman at matatandang negosyante. He was a very handsome young man and the older women decided they want to have a taste of him too. Kapalit ang mas malaking halaga, hinayaan niyang gamitin siya ng mga babaeng iyon. Salitan. Depende kung sino ang handang magbayad.

Pinaligaya niya ang mga babaeng iyon. Pero kasabay niyon ay umusbong ang matinding pagkamuhi sa puso niya. He hated that they were taking advantage of him. Getting what they want, using him, dirtying him, just because they have the money to do so.

Kaya nagdesisyon siya. Hindi puwedeng siya ang naaagrabyado. He will show them who’s stronger. Ipapakita niya kung sino sa kanila ang may kontrol. That was when he began to hurt and humiliate them during sex. Ikinatutuwa niyang makita na nawawala ang pagiging mapagmataas nila pagdating sa kama. Na kapag nagtatalik, handa silang magmakaawa sa kaniya na higit na mas mababa ang antas sa buhay kompara sa kanila. Ginawa niya sa kanila ang ginawa ng mga ito sa kaniya. He took their money and he used them until they break.

Lahat ng iyon ay itinago ni James sa kapatid niya. Kung siya ay nabubuhay sa kadiliman at maruming kalakaran ng pagbebenta ng laman, pinag-aral at binihisan niya si Martin. Binigay niya ang lahat ng pangangailangan nito para mabuhay ng tahimik at walang paghihirap. Nang magtapos ng medisina ang kanyang kapatid, siya ang pinakamasaya.

Martin was everything to him. He was his light. His salvation. Ginawa ni James ang lahat huwag lamang magdusa ang kanyang kapatid. Nangako siyang handa siyang maging masama para lamang masigurong walang magdudulot ng sakit o pagdurusa kay Martin.

To hell with guilt. To hell with karma.

Nagpatuloy sa pagtawag ang kung sino man iyon kaya napilitan si James na sagutin ang tawag. “Who’s this?” bored na tanong niya.

“James Salgado. This is Doctor Silva. Puwede bang bumalik ka ng pilipinas? Martin, your brother, badly needs you.”

Sa isang iglap, umuwi si James ng Pilipinas. Alam na niyang may kakaiba kay Martin bago siya umalis ng bansa. Patunay niyon ang katotohanang tumanggi itong makipagkita sa kaniya kahit alam ng kapatid na matagal siyang mawawala. Hindi dinetalye ng doktor kung ano ang sitwasyon pero saka na niya aalamin. Ang mahalaga ay makita niya si Martin.

Sa ospital niya natagpuan ang kanyang kapatid. Sa mental illness ward. Nakahiga sa kama, payat, malalim ang mga mata at tulala. Nilapitan ni James si Martin, nanginginig ang kanyang katawan, ang kanyang dibdib ay masikip.

“How did you end up like this?” paos na tanong ni James. Ni hindi siya tiningnan ni Martin.

“He suffered from a nervous breakdown. And now, depression,” mahinang sabi ng matandang doktor na nakilala niyang si Doctor Silva. Puno ng pagsisisi at simpatya ang mukha nito habang nakatingin kay Martin. “Kapag hindi siya galit at nagwawala ay ganiyan siya.”

“What happened?” galit na tanong ni James.

Hindi siya nilingon ng doktor, nakatitig pa rin kay Martin. “Doctors are the most vulnerable of human beings. That’s why some people call doctors, wounded healers. Marahil dahil mas exposed kami sa sakit at pagdurusa ng mga pasyente namin, kahit na umakto kaming indifferent at hindi apektado, triple ng pagdurusa ng mga nakakasalamuha namin ang nararamdaman namin. Lalo na si Martin. He’s the most soft hearted doctor I’ve ever met. That’s why his guard is always up. He always detach himself from his patients and sometimes even to his colleagues. Para pangalagaan ang sarili niya.”

“Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Ano ang nangyari?” malamig na giit ni James.

Saka lang niya ako nilingon. Seryoso ang mukha. “He fell in love.”

Ilang segundo bago niya nagawang mag-react. “Isang babae? Isang babae ang dahilan,” gigil na anas ni James.

Naningkit ang mga mata ni Dr. Silva, pinagmasdan ang mukha niya. “You hate women don’t you?”

Hindi nagkaila si James. “Sino ang may gawa nito sa kapatid ko?” mapanganib na tanong niya.

Sumeryoso ang matandang doktor. “Ikaw.”

Kumurap siya. “Ako?” manghang bulalas niya.

“Ikaw ang ugat ng lahat. Do you remember Joy Madrid?”

Hindi nakasagot si James. May gumitaw na mukha sa isip niya pero malabo na iyon sa kanyang alaala. Hindi niya natatandaan ang mukha ng mga babaeng iniwan na niya.

Mukhang nahalata iyon ng doktor dahil bumakas ang disgusto sa mukha nito. “She was almost lifeless because of clinical depression when you left her. She was traumatized. Martin, knowing you were the one who made her that way, took her as his patient. Napagaling niya si Joy. But he fell in love with her in the process. Pero umalis si Joy at hindi na namin alam kung nasaan siya. Martin… he didn’t took it well. He had a nervous breakdown.”

Napalingon ulit si James kay Martin. Parang nilamutak ang dibdib niya habang nakikita ang kalagayan ng kapatid. Pain, grief and guilt took over him. Something he never felt in a very long time.

“Hindi ko alam kung bakit galit ka sa mga babae. But don’t hurt innocent women just to appease your anger. Even in science, there is a law that for every action there is an equal and opposite reaction. For every force there is a reaction force that is equal in size. Mabuti siguro kung sa iyo babalik ang lahat ng ginagawa mo. Ang masama ay kung ang balik niyon ay sa taong importante sa iyo.”

Napalingon si James sa matandang doktor. Sinalubong nito ng seryosong tingin ang tingin niya. “Alam mo siguro kung ano ang mas kilalang tawag sa sinabi ko, hindi ba?” Iyon lang at tumalikod na ang doktor. Tinapunan nito ng huling tingin si Martin, lumambot ang ekspresyon, “He was the best psychiatrist in the country. Pero ngayon, siya na ang nangangailangan ng doktor.” Tumingin sa akin ang doktor. “Siya na ngayon ang kailangan ng tulong.” Saka tuluyang lumabas ng silid si Dr. Silva.

Nang silang dalawa na lamang magkapatid ay nanginig si James. Napalis ang kanyang maskara. Pinagmasdan niya ang kanyang kapatid. May bumikig sa kanyang lalamunan at humapdi ang kanyang mga mata. Lumapit siya kay Martin at niyakap ng mahigpit.

“Martin, ako ito, ang kuya mo. I’m back,” anas ko.

“Kuya?” mahinang sagot ni Martin at lalong humigpit ang yakap ni James. Bigla ay bumalik siya sa nakaraan, noong nagkasakit ang kapatid niya. Umuwi siya pagkatapos makuha ang pera mula sa babaeng gumamit sa kaniya. May dala ng gamot at pagkain. Ang tono ng labing dalawang taong si Martin noon ay katulad ng tonong ginamit nito ngayon.

“Yes. I’m here. I’m sorry,” anas niya. “I’m sorry.”

Umangat ang mga braso ni Martin, gumanti ng yakap sa kaniya. Mariing pumikit si James para pigilan ang pamamasa ng kanyang mga mata. Pinupunit ng pagsisisi ang dibdib niya. Sinasakal ng self-loathing ang leeg niya.

Buong buhay niya ay pinrotektahan niya si Martin, inilayo sa kahit anong maaaring makapanakit dito. Pero sa huli, napagtanto ni James na siya mismo ang naging dahilan kaya nagdurusa ng ganoon ang kanyang kapatid.

“Kuya,” anas ni Martin, umaalog na ang mga balikat.

Tinatawanan at minumura lang niya ang karma noon. Hindi iyon pinaniniwalaan. Now he knew better. Malaking kahangalan ang hamunin ang karma.

Humigpit ang yakap ko sa kaniya. “It’s okay. Nandito na ako. Everything is going to be fine. You will be fine. I promise.”

Gumaralgal ang boses ni James. Hanggang sa maging siya, umiiyak na rin. Bagay na hindi niya ginawa mula noong labing apat na taong gulang siya. There was something refreshing about crying. There was something healing about it. At para sa magkapatid, lalo na para kay James, simula iyon ng pagbabago.

Dahil hindi lamang si Martin ang pasyente doon. Mas lalo na si James. And it’s time for them to finally get cured. To break free from the past. To move forward. Katulad ng naging desisyon ni Joy Madrid. Kung nasaan man siya ngayon, tiyak na iyon ang gusto niya para sa dalawang taong nagkaroon ng malaking papel sa buhay niya.

~ITUTULOY ANG KUWENTO NI MARTIN SALGADO SA SAVING GRACE-

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.