PATIENT X & SAVING GRACE (Filipino) Chapter 43

MARAMING MAGKAKAIBANG kasabihan tungkol sa unang pag-ibig. Ang sabi ng iba, first love never dies. Ang iba naman sinasabing kaya nga may first ay dahil may second, third at hanggang makarating sa last love.

In my opinion, you can never really move on from your first love. Kahit pa maghiwalay kayo, magkaroon ng ibang karelasyon, hanggang sa may iba kayong makatuluyan at hindi na magkita pa, may naiwan na sa puso at pagkatao mo ang iyong unang pag-ibig. Katulad ng kung paanong hindi mo malilimutan ang unang lugar na napuntahan mo na talagang nagustuhan mo, o ang unang bagay na binili mo sa unang pera na kinita mo, hindi mo rin malilimutan ang unang beses na nagmahal ka. Gaano man kasaya o kamasalimuot ang karanasan na iyon.

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Isabella at marealize ko na mahal ko pa rin si James, hindi ako umiyak. Hindi rin ako na-depress. Katunayan ay nalinawan pa ako. Everything seems to make sense. Kung bakit kahit pakiramdam ko si Martin ang lalaking tama para sa akin, hindi ko pa rin siya magawang papasukin sa puso ko. Kung bakit kahit na gustong gusto ko naman siya, hindi ko pa rin siya magawang mahalin. At kung bakit gustong bumaligtad ng sikmura ko sa labis na self-disgust nang marealize ko na magkapatid sila.

Habang nasa biyahe ako pauwi sa apartment ko ay gumitaw sa isip ko ang mukha ni Martin. Ang masuyo niyang ekspresyon, ang kislap ng pagmamahal sa kanyang mga mata, ang lahat ng mga sinabi at ginawa niya para sa akin kaya nakabangon ako mula sa depresyon at nakawala ako mula sa trauma. Ang mga salitang binitiwan niya nang aminin niyang mahal niya ako. Na puwede ko raw samantalahin ang damdamin niya para sa akin. Na puwede ko raw siyang saktan.

Hindi ko iyon gagawin. Martin doesn’t deserve that. Kung puwede lang turuan ang puso, igigiit kong siya na lang ang mahalin. Pero hindi eh. My heart, my mind and my soul are stubborn. Isang tao lang ang isinisigaw.

Why did I fell in love with James? Why someone as evil as him –

May nahagip ang mga mata ko sa labas ng bintana ng sasakyan habang nasa biyahe. Isang malaking billboard. Napaderetso ako ng upo at sumikdo ang aking puso nang makita ang higanteng larawan ni James Salgado. Black and White ang iyon, para sa isang clothing company. Hindi nakatingin si James sa larawan, nakalugay ang may kahabaang buhok at nakangiti na para bang may kung anong nakapagpatawa sa kaniya habang ginagawa ang photoshoot na iyon.

Bigla ay bumaba sa akin ang reyalisasyon kung bakit ko siya minahal. Sa isang after party ng fashion show ni Anton isang taon ang nakararaan, doon ko siya unang nakita ng personal. He looked bored that night. Kahit na may mga babaeng lumalapit sa kaniya ay hindi niya ineentertain ng matagal. Nakita ko nang tumayo siya mula sa pagkakaupo sa stool sa bar counter at lumabas.Natagpuan ko ang sarili kong sumunod sa kaniya. Hindi pa malalim ang gabi at may mangilan-ngilan pang taong nasa parking lot sa tapat ng venue. May ilang mga batang kalye ang nag-aalok sa mga tao roon na lilinisin ang sasakyan nila para sa kaunting barya. Himbis na pumayag ay halata pa ang pandidiri ng mga tao roon, tinataboy pa ang mga bata na parang mga asong kalye.

Si James lang ang lumapit sa mga bata at itinuro ang kotse niya. Wala ni katiting na pandidiri o panghuhusga sa mukha niya. Katunayan ay nakipagkuwentuhan pa siya sa mga bata habang nililinis nila ang kotse niyang makintab naman at walang bahid ng alikabok. Ngumiti siya, tumawa, at nagtawag pa ng waiter mula sa loob ng venue na sandali lang ay naglabas na ng mga take-out na pagkain na ibinigay din ni James sa mga bata na tuwang tuwa.

Sa sandaling iyon siya napatingin sa entrada ng venue kung saan ako nakatayo. Nagtagpo ang aming mga paningin pero ilang segundo lang. Binalik niya rin agad sa mga bata ang atensiyon.

Pero ako ay nabato-balani na. Para akong pinana ni kupido at mula ng gabing iyon, nahumaling na ako kay James Salgado.

Lumobo ang puso ko at sumikip ang paghinga ko sa alaala. Uminit ang aking mga mata. He’s not really a devil. Narealize ko iyon nang gabing makita ko ang tunay at mainit ngiti sa mukha niya habang nakikipag-usap sa mga batang kalye noon. And that James, that part of him that showed a piece of his true self, that James who smiled so warmly, I fell in love with that man. Iyon ang lalaki na pilit kong inaaninag sa James na nakasama ko sa nakaraang mga buwan. Ang James na pinanghahawakan ko kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya. Kaya hindi ko siya magawang kalimutan.

Pero alam ko na hindi na niya ako babalikan. Hindi ako ang babaeng makakapaglabas ng tunay na pagkatao niya. Dahil kung ako, dapat nagawa ko na iyon sa loob ng tatlong buwang ugnayan namin. Alam ko na kailangan kong tanggapin na hindi niya ako magagawang mahalin kahit pa mahal na mahal ko siya.

Sa mga sumunod na araw ay nanatili lang ako sa apartment ko. Pero hindi na ako tulad ng dati. Hindi ako na-depress kung hindi nag-isip lang at gumawa ng mga desisyon at plano. Sa gabi bago ang araw ng appointment ko kay Martin, may nabuo na akong desisyon.

MALAWAK na ngiti at affectionate na kislap sa mga mata ang naging salubong ni Martin sa akin nang dumating ako sa opisina niya sa ospital kinabukasan. May bumikig sa lalamunan ko nang makita ang guwapo niyang mukha pero pilit ko iyong nilunok at gumanti ng ngiti.

Umupo ako sa sofa at agad siyang lumapit sa akin. “Masaya akong dumating ka. Sandaling akala ko ay hindi ka sisipot.”

Huminga ako ng malalim at sinalubong ng tingin ang nakangiting mga mata ni Martin. “Nagpunta ako para sabihing hindi ko na itutuloy ang treatment session ko.” Nawala ang ngiti niya. “Nagdesisyon akong sumunod sa tatay ko sa France. Matagal na niya akong pinagbabakasyon doon at panahon na para pagbigyan ko siya. I… I want to reconnect with my parents. I think it’s about time.”

Kumislap ang sakit sa mga mata ni Martin at tumiim ang bagang. “You’re running away. You’re running away from me,” pasumbat na usal niya.

Umiling ako, namasa ang mga mata. “I can’t be with you, Martin. We can’t.”

“Bakit?” Lumapit siya sa akin, lumuhod sa harap ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Paano mo nasasabi iyan nang hindi pa natin sinusubukan? We’re compatible. We’re good together.”

Nanginig ang mga labi ko. “Hindi kita mahal,” anas ko.

“Hindi pa sa ngayon. But you will. I know you will. Makakalimutan mo si James at mamahalin mo ako.”

Umiling ako. “Even if I forget about him, I cannot be with you. I don’t want to. Magkapatid kayo, Martin. Hindi ba sinabi mong kayo na lang ang pamilya? Sisirain mo ba ang relasyon ninyo dahil sa akin? He said he doesn’t want to see me anymore. Magagalit siya kapag nalaman niyang nagkaroon tayo ng koneksiyon. Ayokong magkalamat kayo. Kaya akong palitan sa buhay mo, pero hindi kayang palitan ang pamilya, Martin.”

Hindi siya nakasagot, humigpit lang ang hawak sa mga balikat ko. Pero nakikita ko sa mga mata niya na naiintindihan niya ang mga sinasabi ko. Lumunok ako at ikinulong ko sa mga palad ko ang magkabilang pisngi niya. “I want to say that in another life, I would choose to fall in love with you. Pero kung may nalaman ako sa nangyari sa akin sa nakaraang mga buwan, iyon ay hindi mo pala mapipili kung sino ang taong mamahalin mo. Mahal ko si James. And I think I will always do, kahit na dumating ang panahong mababawasan na ang pagtingin ko sa kaniya at makakahanap na ako ng iba,” malumanay na litanya ko.

“Joy,” paos na tawag niya sa pangalan ko, halos daing. Umangat ang mga kamay niya at ikinulong ang mga kamay kong nakahawak sa mukha niya.

Huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti. “Gusto ko na kalimutan mo ako, Martin. Humanap ka ng isang tao na mamahalin ka. Isang babaeng karapat-dapat para sa isang kahanga-hangang lalaki na katulad mo. I'm sorry I cannot be with you. Ayokong pumagitan sa inyong magkapatid. Ayokong mabuhay tayo, lalo na ikaw, na pinupulaan ng mga tao kapag nalaman na nagkaroon din ako ng relasyon kay James. Ayokong samantalahin ang damdamin mo para sa akin. Mas lalong ayokong saktan ka. I owe you too much for that. And you deserve so much better.”

Matagal siyang napatitig sa mukha ko. “Kahit anong sabihin ko, hindi magbabago ang isip mo, hindi ba?” mahinang tanong niya.

Umiling ako. “Nakapagdesisyon na ako.”

Nalaglag ang mga balikat niya at bumuntong hininga siya. Inalis niya ang mga kamay ko mula sa mukha niya at ginagap ang mga iyon. Bakas ang paghihirap at pagmamahal sa ekspresyon niya nang gawaran niya ng halik ang mga kamay ko. Saka iyon niyakap sa dibdib niya. “Then I have to let you go,” mahina at paos na anas niya.

Uminit ang mga mata ko. “Alagaan mo ang sarili mo. At alagaan mo rin ang kapatid mo. He has demons he must be fighting inside him everyday. Hindi ako ang kailangan niya. Hindi ang iba pang mga babaeng dumaan at dadaan pa sa buhay niya. Ikaw lang ang maaaring manatili sa tabi niya, Martin.”

Humigpit ang pagkipkip niya sa mga kamay ko. “Then can you do me a favor? No, do this for yourself.” Tiningala niya ako. “Never again allow any man make a playground out of your body.”

Namasa ang mga mata ko. May init na humaplos sa puso ko at dahil may bumikig sa lalamunan ko ay tango lang ang naging sagot ko. Kahit na hindi ko tinanggap ang damdamin niya para sa akin, ako pa rin ang inisip niya hanggang huli.

Yumuko ako at magaan na hinalikan ang pisngi niya. “Thank you for everything. I owe you my second life, my freedom, and my future happiness. You changed me, Martin,” taos pusong bulong ko. Saka ako tumayo at bumitaw mula sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

Bubuksan ko na ang pinto ng opisina niya para lumabas nang muli niyang tawagin ang pangalan ko. Lumingon ako.

“Magkikita pa ba tayo ulit?” tanong ni Martin, may pakiusap sa tinig.

Huminga ako ng malalim at malungkot na ngumiti. “Hindi ko alam Martin. Maybe someday, we’ll see each other again. Maybe not. Pero kahit anong mangyari, isa ka sa mga taong hindi ko makakalimutan.”

“I will never forget you too,” nanginginig ang boses na sagot niya.

“I wish you forget me,” anas ko. “I wish you happiness.” Nginitian ko siya sa huling pagkakataon. Saka ako tumalikod at tuluyang lumabas ng opisina niya. Alam ko na ang pag-alis ang makabubuti para sa aming lahat. I may be running away. But I am doing it with a purpose.

I am breaking free. I am moving forward. And I will experience a new beginning. So I left. Leaving Martin, James and my traumatic past relationship behind

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.