HABOL ko ang paghinga nang magising ako. Ang init ng pakiramdam ko at dama ko ang pananayo ng tuktok ng mga dibdib ko. Nang tingnan ko ang mga iyon ay nakabakat ang mga iyon sa manipis na hospital dressing gown na suot ko. I can feel that I’m moist between my legs.
Napapikit ako at frustrated na napaungol. Dinadalaw pa rin ako ni James hanggang sa panaginip. Parang totoo. Ang mga haplos niya, ang mga labi niya sa balat ko, totoong totoo. Sa panaginip ko, katulad ng tunay na nangyari ilang buwan ang nakararaan ay narating ko ang rurok. Pero ngayon… ugh. I badly need my release. Pero alam ko na kapag pinaraos ko ang sarili ko ay makakaramdam na naman ako ng matinding guilt pagkatapos. I will feel dirty, abnormal and worthless and I hate feeling like that.
Uminit ang mga mata ko dahil kahit nagtatalo ang loob ko ay gumagalaw na ang kamay ko pababa. Para bang may sariling isip ang katawan ko. Naka-programa. Mahirap kalabanin. Bago pa marating ng kamay ko ang nais niyong patunguhan ay nakarinig na ako ng mga yabag papalapit sa pinto ng hospital room ko. Agad na huminto sa puson ko ang kamay ko kasabay ng pagbubukas ng pinto.
Lumingon ako sa mga bagong dating. Si Lizzy at ang doktor na sumuri sa akin ang una kong nakita. Mukhang gulat na maabutan akong gising. Hindi ako nagtataka. Alam ko na puro tulog lang ang ginagawa ko. Hindi ko mapigilan. Palagi akong inaantok. At iyon lang ang gusto kong gawin. Gusto kong natutulog dahil sa ganoong paraan ay nananaginip ako. At sa mga panaginip ko, palaging si James ang kasama ko.
“Joy, mabuti naman at gising ka na. Gusto mo na bang kumain? Bibili ako sa canteen,” masayang sabi ni Lizzy.
Nagpapasalamat ako sa kaniya na matiyaga niya akong dinadalaw at kapag walang trabaho ay binabantayan pero umiling ako. “Hindi ako gutom,” paos na usal ko. “Lizzy, baka may trabaho ka. I’m okay. Go to work, please.”
“No. Hindi kita iiwan,” matatag na sagot ng kaibigan ko.
Umiling ako. Ayokong idamay siya sa kamiserablehan na nararamdaman ko. Ayokong makita ang awa sa mga mata niya tuwing tinitingnan ako. Gusto kong mapag-isa. “Please,” giit ko sa tinig na kahit sa pandinig ko ay malamya.
Umawang ang bibig ni Lizzy, mukhang magpo-protesta pa. Pero may nauna sa kaniyang magsalita.
“Tama siya. Hindi mo kailangan ihinto ang buhay mo para sa kaniya. Hindi makakatulong sa kaniya ang ginagawa mo.”
Napalingon si Lizzy sa nagsalita. Ganoon din ako. Ngayon ko lang napansin ang isa pang lalaking nakaputi na nakatayo sa bukana ng pintuan. Ni hindi ko namalayan na may kasama pala si Lizzy at ang may-edad na doktor nang pumasok sa kuwarto ko.
“Martin,” saway ng may-edad na doktor.
“Nagsasabi lang ako ng totoo,” sagot ng bagong dating. Naglakad siya palapit sa kinahihigaan ko. Huminto siya sa mismong harap ko at tiningnan ako. “Hindi nakabubuti sa pakiramdam ang kinaaawaan. In fact, it only makes a person feel worse.”
Kumirot ang puso ko. Para kasing nabasa niya kung ano ang nararamdaman ko na hindi ko magawang sabihin kay Lizzy. Alam ko na inaalala ako ng kaibigan ko. Pero sa totoo lang ay nasasakal ako ng labis niyang atensiyon.
“Okay,” pabuntong hiningang sabi ng kaibigan ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “Aalis na ako pero babalik ako kapag wala akong trabaho, okay?”
“Okay,” mahinang sagot ko.
Dumeretso ng tayo si Lizzy, nagpaalam sa dalawang lalaki, nagbilin, nagpaalam sa aking muli at saka lumabas ng silid.
Tumikhim ang may-edad na lalaki, lumapit na rin sa gilid ng kama ko at mabait na ngumiti. “Joy, gusto kong ipakilala sa iyo si Dr. Martin. Siya na ang magiging doktor mo simula ngayon.”
Bumalik ang tingin ko sa lalaking mukhang nasa late twenties to early thirties ang edad. Hindi katulad ng may-edad na doktor ay hindi nakangiti ang lalaki. Mas lalong hindi siya mukhang mabait. Katunayan ay mukha siyang galit.
Sa totoo lang, wala akong interes sa hitsura ng bago kong doktor. Mas lalong wala akong makapang kahit na anong emosyon sa isiping iba na ang hahawak sa akin.
“Isa siyang psychiatrist, Joy,” patuloy ng may-edad na doktor. “Puwede mo siyang kausapin. Tutulungan ka niya, hija. He’s the best of the best pagdating sa kaniyang field of expertise.”
Hindi ako kumibo. Tiningnan lang ang bagong dating. Hindi rin siya nagsalita. Tumingin lang din sa akin. Mukhang wala sa amin ang balak magsalita.
Ang may-edad na doktor ang tumikhim at bumasag sa katahimikan. “Maiwan ko na kayo. Joy, gusto kong makita at makausap ko bago ka lumabas ng ospital. And I hope it will be soon.” Pagkatapos ay bumaling ang doktor sa nakababatang lalaki, “Mauuna na ako.”
Nang kaming dalawa na lamang ay saka ako nagsalita, “Hindi ko kailangan ng psychiatrist.”
“Iyan ang sinasabi ng mga taong kailangan ng psychiatrist,” sagot niya saka hinatak ang isang silya at umupo roon paharap sa akin. Akala ko magsasalita pa siya pero itinikom niya ulit ang bibig.
Mahabang katahimikan. Hanggang ako ang hindi na nakatiis. “Kailan ako puwedeng lumabas ng ospital?”
“Depende.”
“Depende saan?”
“Kung sa tingin ko ay mentally capable ka na.”
Kumurap ako. “Walang problema sa pag-iisip ko.”
“Ginutom mo ang sarili mo ng tatlong linggo. You have hypersomnia. At kahit ngayon, ni hindi mo kayang bumangon ng normal dahil halos isang buwan nang nakahiga ka lang sa kama. Your physical examinations are perfectly fine. Kung hindi pisikal, psychological and dahilan kaya ka nagkakaganiyan. So yes, miss Madrid, there is something wrong with your mind. Kailangan mong tanggapin iyon. Kailangang ikaw mismo ay gustong gumaling. Dahil kung hindi, kahit ano pang treatment ang gawin ko sa iyo ay walang eepekto,” prangkang sabi ng batang doktor.
Napamaang ako sa kaniya. “Ganiyan ba talaga magsalita ang mga psychiatrist? Hindi ba malumanay sila magsalita, sympathetic, friendly at understanding?”
Umangat ang mga kilay niya. “Ganoon bang doktor ang gusto mo?”
Sandaling hindi ako nakakibo. Hindi lang dahil pinag-iisipan ko ang tanong niya kung hindi dahil napagod ako sa pagsasalita. Lately, mabilis akong mapagod at tamarin magsalita.
“That’s another sign,” sabi ng doktor. Nakikita ko sa mga mata niya na alam niya ang dahilan kaya huminto ako sa pagsasalita. “Mayroon kang clinical depression, miss Madrid. At habang tumatagal na hindi ka nagagamot, lalong babagsak ang katawan mo. Gusto mo bang hanggang dito na lang ang buhay mo? Bata ka pa. Sayang kung susuko ka na ngayon pa lang. Pwede ka pang bumalik sa normal mong buhay basta gugustuhin mo.”
May bumara sa lalamunan ko. Normal na buhay? Sa tingin niya posible pa sa akin iyon? Muntik na akong histerikal na matawa. “Hindi na ako magiging normal pa ulit, doctor,” mapait na usal ko. Kahit gaano pa gustuhin ng utak ko maging normal. Hindi na nakikinig ang katawan ko.
Natigilan ang doktor at napatitig sa mukha ko. “Bakit?”
Mariin kong itinikom ang mga labi at nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang sabihin kahit kanino ang naging pagbabago sa buhay ko, ang naging pagbabago ng hinahanap ng katawan ko. Hindi ko kayang sabihin ang mga takot na sumasakal sa akin. Hindi ko nasabi kay Lizzy. Paano naisip ng lalaking ito, kahit pa isa siyang doktor, na sasabihin ko sa kaniya ang laman ng isip ko?
Siguro napansin niyang wala na akong balak magsalita pa kaya hindi na rin siya nagsalita. Akala ko ay tatayo na siya, magpapaalam at aalis na. Pero hindi siya tuminag sa pagkakaupo. Dama ko na pinagmamasdan lang niya ako. Hanggang sa mamigat na ang mga mata ko at ginupo ng antok.
Nang muli akong magising, nakaupo pa rin siya sa tabi ng kama ko. May hawak siyang folder at nagbabasa ng kung ano. Kumunot ang noo ko. Bakit nandito pa siya? Nakaidlip lang ba ako?
“Alas otso na ng gabi,” hindi nag-aangat ng tingin na sabi ng doktor. Sinasagot ang tanong sa isip ko na para bang isang mind reader. Maya-maya ay isinara niya ang folder na hawak at tiningnan ako. “Tamang-tama ang gising mo. Tumawag na ako sa nutrition department para dalhan ka ng makakain.”
“Hindi ako gutom.”
“Kakain ka kahit hindi ka gutom,” sagot niya. Tumayo siya at lumapit sa kama ko. Saka biglang yumuko at hinawakan ang mga braso ko. Napasinghap ako, napaigtad, nanayo ang mga balahibo at nataranta. “Don’t touch me!”
Gulat na binitawan niya ako. Agad na niyakap ko ang sarili, kinuskos ang bahagi ng mga braso kong nahawakan niya. Napatitig sa akin ang doktor. May espekulasyon sa kanyang mga mata. Hanggang sa para bang may naisip siya at nagmukhang galit. Tumiim ang panga.
“Sinasaktan ka ba niya?”
Kumurap ako sa tanong niya. “Anong –”
“Ang taong dahilan kung bakit nalugmok ka sa depresyon. Sinasaktan ka ba niya?”
Paano niya nalaman ang tungkol kay James? Ah. Si Lizzy. Of course sasabihin ng kaibigan ko ang tungkol kay James. At malamang pati ang break-up namin ay alam ng doktor. Humigpit ang pagkakayakap ko sa sarili. “It’s not what you think.”
“Kung ganoon bakit ayaw mong hawakan kita?”
You’re body is mine. No one is allowed to touch you but me. Disobey me and I will get angry. But you like that, don’t you? You like it when I get mad.
Nangikig ako nang tila bumulong sa tainga ko ang marahas at mapang-akit na tinig ni James. He was roughly fucking me against a bricked wall when he said that. Walang pakielam kahit nagagasgas ang likod ko o nauuntog ang ulo ko. Ang kanyang mga mata, marahas at puno ng pagnanasa. Nasa after party kami ng isang show na siya ang director. Ni hindi naman niya ako pinapansin buong gabi dahil lihim ang ugnayan naming dalawa. Mag-isa lang ako sa gilid ng venue nang lumapit sa akin ang isang modelo na minsan nang binihisan ni Lizzy at personal na naipakilala sa akin ng kaibigan ko noon. Nag-usap kami, nagkatawanan. Natuwa ako dahil kahit papaano ay nawala ang pagkainip ko. May pinagtatawanan kami ng kausap ko nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Paglingon ko ay nahuli ko ang matiim at tila galit na titig ni James sa akin. Sandaling nagtagpo ang aming mga paningin bago siya tumalikod at naglakad palabas. Natagpuan ko ang sarili kong sumusunod. Nang makalabas kami ay saka niya ako hinatak pasandig sa pader, sa gilid ng gusali kung saan madilim at hindi madaling makita.
Mula noon, sa tuwing nagtatalik kami ay bukambibig niya ang mga salitang iyon. Mula noon, parang may sariling isip ang katawan ko na sinusunod ang utos na iyon ni James.
Even now, when he already got tired of my body. Even if I don’t own him the way he seems to own me still. Even if he doesn’t want me anymore.
Uminit ang mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagbalong ng mga luha. Pumihit ako patalikod pero alam ko na nakita na ng doktor na umiiyak ako. Namaluktot ako sa kama. “Leave me alone,” garalgal at malamyang taboy ko sa kaniya.
Pero mukhang hindi marunog sumunod sa pasyente niya ang psychiatrist ko dahil nanatili siyang nakatayo sa tabi ng kama ko. Nagtalukbong na lang ako ng kumot at nagpatuloy sa pag-iyak.
“Hindi ka puwedeng manatiling ganiyan,” sabi niya maya-maya. Mas malumanay ang tinig. “Hindi naman siya babalik kahit magpaka-miserable ka. Hayaan mong tulungan kita, Joy.”
Sa unang pagkakataon mula nang sumulpot sa hospital room ko ang lalaki ay nahimigan ko ang sinseridad sa boses niya. Hindi awa na katulad ng kay Lizzy o kay Dr. Silva. Kung hindi purong sinseridad.
Humikbi ako. Unti-unting humuhupa ang mga luha. Pero hindi ako kumilos para alisin ang nakatalukbong na kumot sa akin.
Narinig kong bumuntong hininga siya. “Parating na ang pagkain mo. Kumain ka at magpalakas. Babalik ako bukas. Umaasa ako na bukas, nakakabangon ka na sa kama at kusang loob ka nang magpapatulong sa akin para magamot ang kung ano mang pinagdadaanan mo ngayon. It’s such a waste to give up on your life this early.”
Maya-maya pa ay naramdaman kong lumayo na siya sa kama ko. Hanggang marinig ko ang bumukas at sumarang pinto. Saka ko lamang dahan-dahang inalis ang pagkakatabing ng kumot.
Ako na lang mag-isa sa silid.
Tumihaya ako ng higa at malalim na bumuntong hininga. Saka marahang hinaplos ang magkabila kong braso. Sandali lang lumapat ang mga kamay niya sa balat ko pero para akong nakuryente. Nandiri ako. Na para bang hindi ko dapat ipahawak ang sarili ko sa iba. Nakaramdam din ako ng takot. Na para bang kapag hinawakan niya ako ay baka malaman niya sa simpleng paglalapat lang ng mga balat namin, kung anong klaseng babae ako.
Magiging ganito na lang ba ako habambuhay?
May bumikig sa lalamunan ko at mariin akong pumikit dahil uminit na naman ang mga mata ko.
At katulad ng dati, nilunod ko ang sakit na nadarama sa pagtulog.