Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 1

MABILIS akong bumaba ng sasakyan nang maihinto na ito ni Kol sa labas ng gate ng bahay naming. Kagagaling lang naming dalawa sa school dahil sinamahan niya akong mag-enroll.

I stopped for one year, dahil na rin sa nangyari at kailangan ako ng anak ko.

“Wala ka pang anim na oras na nawalay sa kanya, calm down, Cherinna,” narinig kong sabi ni Kol nang bumaba ito sa sasakyan nito. Ngumiti ako sa kanya at binuksan ang gate. “I miss him, already…” sagot ko naman. Napailing na lamang ito bago isinara ang pinto ng sasakyan at sumunod na sa akin. Hindi na niya ipinasok ang sasakyan dahil aalis din ito kaagad.

“You know what, you should really calm down…” aning muli ni Kol habang naglalakad kaming dalawa papasok ng bahay. Dala nito ang cake na binili naming sa Sweet Desire bago umuwi.

“Kol, I’m really fine. Hindi naman na ako kasing clumsy ko dati, besides, may anak na ako, oh? Alangan namang madapa-dapa pa ako rito, dinaig ko pa anak ko ‘non…” sinabayan ko iyon ng pagtawa.

“Whatever you say, just take care, alright?” sabi nito na pinagbuksan pa ako ng pinto papasok. Ngumiti naman ako sa kanya at agad na pumasok sa loob.

“Yaya, si baby?” tanong ko kay Mildred nang maabutan ko siyang nililigpit ang gamit ng anak ko.

“Nasa may garden po, Ma’am. Kasama ang mommy mo,” magalang na tugon naman nito sa akin. Si Mildred ay kinuha ni Daddy para katulong ko sa pag-aasikaso sa anak ko. I’m really thankful to have her since wala naman akong alam talaga sa pag-aalaga sa bata. She’s teaching me how since she’s a nurse. Katulong ko rin si Mommy sa pag-aasikaso sa anak ko.

“Tara sa garden?” aya ko kay Kol na agad namang sumunod sa akin. Naabutan ko si Mommy na nakaupo sa may damuhan na sinapinan nila ng tela katabi si Daddy at nilalaro ang anak ko.

“I’m home,” I announced my presence. They both looked at me and smiled. Maging ang anak ko ay napatingin sa akin at ngumiti.

“Nakapag-enroll ka na?” tanong sa akin ni Mommy nang tumabi ako sa kanya. Tumango naman ako bilang tugon. “Tinulungan ako ni Kol, Mom, para mapabilis…” natatawa kong sabi. Umupo naman ito sa silyang naroon at inilapag ang cake sa may lamesa. Kahit naman noon pa, si Kol ang katulong namin sa pag-eenroll. Mas mabilis kasi ang pagprocess kapag siya ang kasama, noong dating si Keij ang kasama namin, inabot kami ng halos isang oras sa cashier, ang sabi niya ay mahaba ang pila, iyon naman pala ay student assistant ang nasa counter at nakipag-usap pa doon.

“Thank you, Kol,” sabi ni Daddy rito nang lumingon ito sa kinauupuan ni Kol. Tumango naman si Kol at nagsabi ng walang anuman.

“Kol, is it true that you asked Kuya Hunter to have your own condo?” tanong ni Mommy kay Kol habang kinakarga ang anak ko.

Bago pa man makasagot si Kol ay nagsalita na ulit si Mommy. “Para kang pinsan mo. Maayos naman ang bahay, okay naman, walang problema, hindi ko malaman sa inyo, bakit gustong-gusto niyong bumukod na…” iiling-ling na sabi nito. Nakita ko namang napangiti si Daddy dahil sa sinabi ni Mommy.

Alam ko naman kung anong tinutukoy niya… sinong tinutukoy niya.

Hindi na lamang ako kumibo at hinawakan ang kamay ng anak ko. Napangiti ako habang nakatingin sa mukha nito. He’s really cute. Ang taba-taba ng pisngi niya, halatang hindi nagkukulang sa kinakain at gatas dahil na rin laging nandirito si Mommy sa bahay. Hanggang ngayon naman ay nagbbreastfeed pa rin siya sa akin kung minsan.

“Tita, I just want to live on my own. Halos araw-araw pa rin naman akong nagpupunta sa bahay, pumayag din naman na si Dad,” Kol smiled at my mom.

“Even so, hindi niyo man lang naisip ang mararamdaman namin ng mommy mo,” sagot ni Mommy na ayaw magpatalo. Nakakunot pa maging ang noo nito.

“I’m still in the Philippines, Tita,” Kol said simply.

“Ai, your son’s fine. Huwag mo na masyadong alalahanin dahil kaya naman ni Jahann ang sarili niya,” hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy. “Don’t worry too much, okay?” ngumiti siya rito at napabuga naman ng hangin si Mommy at inirapan si Daddy.

“Ano pa nga bang magagawa ko kundi hayaan ang magaling mong anak,” my mom rolled her eyes.

Nagkunwari na lamang akong abala sa pakikipaglaro sa anak ko upang indahin ang pagkakabanggit sa pangalang pilit kong iniiwasan sambitin.

Ramdam kong nakatingin sa akin si Kol pero hindi ko siya nilingon. Kung meron naman kasing isang taong nasasabihan ko ng lahat, si Kol lang iyon. Si Kol lang naman nakakaalam ng totoo. Hindi ko masabi kay Aly dahil una sa lahat, hindi ko naman alam paano ko sisimulan sabihin.

Hindi ko masabi kay Mommy dahil na rin alam kong mali ang nangyari.

“Cherinna, what’s your plan? Kayo ni Ian?” tanong ni Mommy sa akin maya-maya.

I silently sighed.

“Ai, we talked about that already…” si Daddy ang nagsalita.

“Yes, we did. But it doesn’t mean it’s fine with me, Mikael. Lumalaki na itong anak ni Cherinna, hindi ako papayag na lalaki siyang hindi kasal ang nanay at tatay niya…” seryosong sabi ni Mommy.

Mom accepted our apology. Pinatawad niya na kami ni Daddy sa ginawa naming pag-alis na lang bigla sa kasal noon, pero hanggang ngayon, pinipilit niya pa rin na ikasal ako kay Ian.

“Mommy…”

“Cherinna, dapat lang naman na maging Montenegro ang anak mo dahil Montenegro ang tatay. Walang kaso sa akin na apelyido natin ang gamit niya ngayon pero isipin mo rin ang anak mo…” sagot niya sa akin bago pa man ako makapagsalita.

“Tita, I guess, it’s fine for him to use Anderson. It suits him well…” biglang sabi ni Kol. Tinignan ko naman siya ng masama. A small smile was playing on his lips.

“Ai, the baby’s too young,wag mo na muna problemahin ang bagay na ‘yan,” mahinahong sabi ni Daddy kay Mommy. Kung meron naman kasing nakakapagpakalma kay Mommy, si Daddy lang iyon.

“But Mikael…”

“Ai, stop,” pigil ni Daddy kay Mommy. Seryoso ang mukha nito base na rin sa pagkakatingin niya kay Mommy.

“Fine!” irap ni Mommy kay Daddy.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt kapag ganito ang nangyayari. Hindi naman lingid sa kaalaman kong laging kailangan suyuin ni Daddy si Mommy kapag nagkakaroon sila ng sagutan dahil sa kagustuhan ni Mommy na magpakasal ako kay Ian.

Hindi ko naman siya masisisi. Alam ko na gusto lamang niyang lumaking may buong pamilya ang anak ko, kahit naman ako, iyon ang gusto ko.

Pero mas malinaw pa yata ang tubig sa Ilog Pasig kaysa sa iniisip kong mabubuo ang pamilya ko.

Hindi na lang ako kumibo pa.

“Tita, we brought a cake,” sabi ni Kol. Alam kong ginawa niya iyon para maiba ang usapan dahil na rin sa namumuong tension kina Daddy at Mommy. “It’s your favourite,” dagdag pa ni Kol.

“Yes, Mommy. Tita Steph baked it personally…” sabi ko rin dito sabay ngiti. Mabilis akong tumayo para na rin buksan ang cake na dala namin ni Kol.

“Ian will be here later…” ani Mommy nang kunin ni Daddy ang anak ko.

“Bakit daw po?” tanong ko. Huli na para marealized na ang tanga ng tanong ko.

Of course, iniisip nilang lahat na si Ian ang tatay ng anak ko, malamang ay pupunta ito para dalawin ang “anak” niya.

“Anong bakit?” kunot-noong tanong ni Mommy. “Of course, he’ll visit you and his son…”

“Uh, yeah, of course…” yumuko na lamang ako at naglagay ng cake sa platito na naroon.

“Oo na nga! Nandito na ako sa bahay kasi, ang gulo mo!”

Napatingin kami sa may pinto nang marinig namin ang boses ni Aly. May kausap ito sa phone habang naglalakad papunta sa direksyon namin.

“Hello, nagdadrive ako kanina, alangan namang sagutin ko ‘yung tawag mo? Gusto mo palang makausap sila Daddy, bakit hindi ka kay Cherinna tumawag?” tanong nito sa kausap. Huminto muna ito habang nakatingin sa amin at sumenyas na sandali lang. “Oh, nandito pala si Cherinna, eh! Tamang-tama, mag-video call na lang tayo, kaya?” tanong niya sa kausap.

“Who is that?” Dad asked Aly. Tumayo ito habang karga-karga ang anak ko.

“Si Jahann, Dad…” naglakad na si Aly papalapit sa amin.

Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Something was thumping inside my chest. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.

“Ang arte mo, Jahann!” sabi ni Aly muli. Mukhang alam ko na kung ano ang sinabi ni Jahann sa kanya

Inabot ni Kol ang platito na hawak ko bago ko pa ito mailaglag dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Mabuti na lamang din at walang nakapansin ng bagay na iyon.

“Kami-kami lang naman ‘to, eh. Si Dad, si Mom, ako, si Cherinna, si Kol tsaka si baby…” ani Aly. “Ang arte mo, ewan ko sa’yo. Here, talk to Dad, makikipaglaro ako muna kay Niko,” binigay nito ang phone niya kay Daddy at kinuha ang anak ko.

“Hi, baby! You missed Tita?” tanong ni Aly sa anak ko.

“Jahann…” narinig kong sabi ni Daddy bago ito naglakad papalayo.

“What is it, Aly? Bakit tumawag ang kapatid mo?” tanong ni Mommy kay Aly. Nagkibit-balikat naman si Aly. “Hindi ko alam ‘dun, Mommy.”

“Love, let us talk to Jahann, too!” malakas na sabi ni Mommy kay Daddy.

Kayo lang. Kayo na lang.

Wala naman akong sasabihin sa kanya.

Wala rin siyang sasabihin sa akin.

Naupo na lamang ako sa tabi ni Alyanna. “Huwag mong pakainin ng cake!” pinitik ko ang kamay ni Aly na akmang susubuan ang anak ko ng icing ng cake.

“Aray! Papatikimin lang, eh!” reklamo ni Aly.

Ilang sandali pa ay bumalik si Daddy at lumapit kay Mommy.

“Here, talk to your mom,” sabi nito at ibinigay ang phone kay Mommy. Pilit naman akong umaaktong normal kahit pa pakiramdam ko ay naninigas lahat ng buto ko sa katawan.

“Jahann, kailan mo ba balak umuwi?” tanong agad ni Mommy sa kausap. Paglingon ko kay Kol ay nakatingin siya sa akin. I smiled a little, pinaparating ko sa kanya na okay lang ako. Alam kong hindi siya naniniwala.

“Jahann, I just want you home, okay? Ang layo-layo ng New York dito sa Pilipinas!” muling sabi ni Mommy sa kausap. “Hindi mo pa nakikita ang anak ni Cherinna dahil sa hindi mo pag-uwi rito.”

“Yes! Hindi mo nakikita gaano kacute si Baby Niko!” malakas na sabi ni Aly kahit pa hindi naman nito naririnig ang isinasagot ni Jahann.

“Talk to Cherinna, baka si Cherinna pa makakumbinsi sa’yong umuwi ka,” ibinigay sa akin ni Mommy ang phone ni Aly.

“Ha?” napatingin ako sa phone na inabot sa akin.

“Talk to him,” ani Mommy sa akin. “Alyanna, baka mabalian si Nikolai sa pagkarga mo!” tumayo ito at kinuha ang anak ko kay Aly.

I could feel my own heartbeat.

Nanlalamig ang mga kamay ko.

Magkakausap lang naman kami sa phone. Bakit ba ako kabadong-kabado?

Ilang beses akong napalunok bago inilapit ang cellphone sa tainga ko.

“H-Hello?” halos walang boses kong sabi.

Isang mahabang beep ang sunod kong narinig.

Ibinaba niya ang tawag.

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.