“CHERINNA, what time are you going home later?” hustong nakababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Alyanna. Mamaya pang 10 am ang klase nito kaya naman hindi pa ito nakakapag-ayos. Nasa may sala ito habang nakaupo sa may sofa at may kausap sa cellphone, malamang ay si Keij na naman iyon at nagbabalak na naman ng kung saang gala ang dalawang ‘to. Napailing na lang ako ng marahan.
“Uuwi ako agad after class, bakit?” tanong ko nang lumakad papalapit sa kanya. Naroon din si Nikolai na pinapakain ni Ate Mildred. “Hi, baby…” bati ko rito bago hinagkan ang ulo. “Mommy needs to go to school…” napasimangot ako habang nakatingin sa anak ko. Kung maaari lamang ay hindi ako aalis sa tabi niya upang asikasuhin siya ngunit hindi naman papayag si Mommy at Daddy na hindi ako makapagtapos sa pag-aaral.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang humagikgik ang anak ko. Bahagyang singkit ang mga mata nito at tila laging nakatawa.
I could still remember the first time I laid my eyes on him. Siniguro kong normal ang bawat parte ng katawan niya, panay rin ang tanong ko sa mga doctor noon kung wala bang komplikasyon o ano. Alam ko ang chances na magkaroon ng diperensya at laking pasasalamat ko naman na walang ganoong nangyari kay Nikolai.
We named him Christian Nikolai. Well, Christian was from Ian, and Nikolai… mom insisted we should use that since she missed Jahann so much. Simula kasi ng umalis si Jahann, hindi pa ito umuwi. Dumaan ang pasko at bagong taon na hindi siya nagpakita sa amin, at naiintindihan ko naman kung bakit… kahit na minsan, hindi ko na rin alam kung bakit nga ba.
“The game isn’t over.”
“Cherinna!”
Napapitlag ako nang tapikin ni Alyanna nang malakas ang braso ko. “Aray naman!” singhal ko rito. Natatawa naman ito habang hawak pa rin ang cellphone. “Para ka kasing nalunod na diyan bigla, eh…” tumatawa pa ring sabi ni Alyanna sa akin.
“Ano ba ‘yon? Bakit ka nagtatanong kung anong oras ako uuwi?” tanong ko bago ko kinuha ang pagkain ni Nikolai para ako ang magpakain dito.
“Nag-aaya kasi sila na magpuntang Sweet Desire mamayang hapon kapag wala ng klase, go tayo?” ani Aly habang nakatuon naman ang mga mata sa screen ng cellphone nito.
“Pass na muna ako. Uuwi ako agad mamaya, eh…” sagot ko bago subuan ng pagkain si Nikolai na tila sarap na sarap naman at pumapalakpak pa. Hindi ko mapigilang ngumiti. Napakabibo ng anak ko kaya naman lahat talaga ay natutuwa sa kanya. Maging sila Tito Thunder at Tito Hunter ay tuwang-tuwa kay Nikolai.
“Twin, it’s been a while since nagkasama-sama tayong lahat,” sabi ni Alyanna na may kalangkap na lungkot ang boses. Totoo naman ang sinabi nito. Hindi naman na kami nabubuo lalo nang manganak ako. Nakukumpleto lamang kami, liban kay Jahann, kapag sila ang nagpupunta sa bahay. Pero nagrereklamo si Theon dahil laging nasa bahay si Mommy kapag nagpupunta sila. Lagi na lamang raw may sermon dahil sa nangyari sa akin. Pilit silang pinapaamin kung may ibang Dela Cruz na, na nabubuhay sa mundong ito dahil sa kanila ni Keij.
“It’s fine, Cherinna. Go with them.”
Sabay kaming napalingon ni Alyanna nang marinig namin ang boses ni Daddy na pababa ng hagdan. Katabi ito ni Mommy at nakaakbay si Daddy sa kanya.
“Good morning, Mommy, Daddy,” bati ni Alyanna sa dalawa. Ganoon din ang ginawa ko.
“I’ll just check our breakfast, love,” ani Mommy kay Daddy bago nagtungo ito sa kusina.
“Dad, okay lang sumama si Cherinna later?” tanong ulit ni Alyanna kay Daddy. Tumingin naman sa akin at tila nagtatanong. Napabuntong-hininga na lamang ako. “Dad, I know Nikolai needs me here, hindi na lang ako sasama mamaya.”
“It’s fine, Cherinna. Go with them. I won’t go to work today so I’ll take care of Nikolai…” he smiled and looked at my son. Daddy loves Nikolai so much. Alam ko na ganoon din si Mommy base na rin sa tingin niya at pag-aalaga rito. Well, Si Nikolai naman din ang unang apo ng Dela Cruz-Anderson kaya naman alagang-alaga ang anak ko.
“Are you sure?” pagkukumpirma ko. Namimiss ko na rin naman makasama sila. Si Lean ay nakagraduate na, maging si Enzo. Si Theon ay graduating, maging si Kol at Keij ay ganoon rin. Si Aly ay nasa third year habang second year naman ako.
My dad nodded and Alyanna’s smile grew bigger. “Ask your Tita Steph for your mom’s favourite cake, alright?” sabi pa nito sa amin. Tumango naman kami ni Alyanna.
Nang matapos kumain si Nikolai, kinuha na ito ni Ate Mildred para mapadighay. Hindi na sa akin pinagawa dahil baka raw matagalan bago ito dumighay.
“Hindi ka susunduin ni Kol?” tanong ni Aly nang nagpatawag ako ng taxi. Umiling ako bago inayos ang gamit ko. “Hindi raw, may kakausapin daw siya, eh…” kibit-balikat kong sagot.
“Okay, see you later! Sabay na tayong magpunta sa SD mamaya…” narinig kong sabi ni Alyanna bago ako lumabas ng bahay. Mabilis naman akong pumasok sa sasakyan at nagpahatid na sa eskwelahan.
Kinakabahan pa rin ako sa mangyayari. Nanlalamig ang kamay ko. Hindi ko naman first time papasok sa school pero iba pala ang pakiramdam kapag ganito. Iba ang pakiramdam kapag papasok kang alam mong nahuli ka na. Makikita ka ng mga kaklase mo noon at pag-uusapan ka dahil sa nangyari.
Sumandal ako sa upuan at huminga ng malalim. Kung tutuusin, wala naman akong pakialam kung pag-usapan nila ako o ano. That won’t do me any good. Wala naman din silang alam sa nangyayari o nangyari sa akin.
Hindi ko naman kasi maintindihan sa mga tao ngayon, hindi naman sila kasali, nakikisali. Kung minsan pa, sila pa nagpapalala ng sitwasyon, sila nagdadagdag ng mga impormasyon at kuwento.
Naalala ko noon na may tsismis na lumabas na varsity player ng school ang nakabuntis sa akin at sa may school pa raw naming ginawa. Ni wala nga akong kilalang player, magpapabuntis pa ako?
Hinayaan ko na lamang ang tsismis na iyon. Ganoon naman lagi. Pag-uusapan ka ng mga taong wala namang alam tungkol sa’yo pero kung makapagsalita, parang katabi mo ang crib noong bata pa lamang kayo.
Wala naman din akong balak na patulan unless, si Nikolai ang idadamay nila.
Maya-maya ay nakarating na rin kami sa school. Matapos akong magbayad ay bumaba na ako at dumiretso sa loob. May mga iilan na tumitingin sa akin, sa pakiwari ko’y mga dati pang estudyante roon na nakakakilala sa akin.
Hindi naman ako sikat sa school, ang mga pinsan ko at si Jahann ang dahilan bakit kilala nila kami. Karamihan sa mga babaeng kaklase ko noon ay kinakaibigan ako at nagmemessage pa sa facebook para lang ipakilala ko raw sa mga ito. Karamihan sa mga ito, si Jahann pa ang gusto.
Dumiretso na ako agad sa building kung saan ang klase ko.
Hindi pa ako nakakatapak sa loob ng building nang magring ang phone ko. Pangalan ni Kol ang nakarehistro sa screen.
“Kol? Bakit?” sagot at tanong ko sa tawag niya. Naglakad na ako para hanapin ang room ko.
“Where are you?” tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko. Ang alam ko may kakausapin siya, bakit naman tumatawag sa kanya?
“School. Akala ko ba may kakausapin ka? Di ka sinipot?” pang-aasar ko rito. Alam ko naman na hindi kliyente ng Summer’s ang kakausapin niya.
“Shut up. Aly texted me about their plan. Are you going with them?” masungit na sagot nito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang patuloy ang paglalakad ko.
“Kol, halatang-halata na naiinis kang hindi ka sinipot. Ang aga naman kasi ng usapan niyo. Chinese ba kayo?” sinundan ko iyon ng pagtawa kaya naman alam kong mas nainis si Kol.
“Shut up,” he hissed.
“Sige na, nandito na ako sa room. Magkita na lang tayo mamaya,” paalam ko bago ibinaba ang tawag. Wala akong masyadong alam tungkol sa babaeng kikitain ni Kol pero ang alam ko, matagal ng kilala ni Kol ang babaeng ‘yon.
Well, whoever that girl is, she’s so lucky.
Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib ko bago ako humakbang papasok sa kwarto.
Hindi ko alam kung may mali ba akong nagawa o ano pero lahat sila ay nagtinginan sa akin. Inilibot ko ang mata sa loob ng kwarto at kahit alam ko na walang pamilyar na mukha sa akin sa kwartong iyon, sinubukan ko pa rin.
Sa kadahilanang wala naman akong kilala sa kwartong iyon, naupo na lamang ako sa silyang nakita kong bakante. May nakaupo sa tabi nito na babaeng bilugan ang mga mata. Tahimik lamang ako habang naghihintay sa pagpasok ng professor namin.
“You’re Cherinna, right?” tanong nito sa akin paglipas ng ilang minuto. Nilingon koi to at tumango ng marahan. “Uh, yeah. How did you know?” kunot ang noo na tanong ko sa kanya.
“Well, have of the class are member of Keij and Kol’s fans club…” sabi nito na talaga namang ikinabigla ko.
“Fans club?” tanong ko sa kanya. May fans club sila? Alam ko na maraming may gusto sa dalawang iyon pero fans club?
“More like, we created a group on facebook, para sa mga pinsan mo, kay Enzo, at kay Jahann…” nakangiti nitong sabi. Maya-maya lamang ay nakapalibot na sa akin ang mga kaklase ko.
Oh, God.
“Hindi na ba virgin si Enzo?” narinig kong tanong ng isang kaklase ko. Hindi ko naman malaman kung matatawa ba ako o maeeskandalo sa tanong nito.
“Si Keij ba, wala talagang steady girlfriend? Para kasing ang dami naman niya laging nakakasama,” sabi naman ng isa pa.
Hindi ko naman malaman kung saan ko ibabaling ang ulo dahil kanya-kanya sila ng tanong tungkol sa limang lalaki.
Ano namang malay ko kung ano nangyayari sa mga buhay nila?
Bahagya akong napayuko.
“Sorry, wala rin kasi akong masyadong alam sa nangyayari sa buhay ng mga pinsan ko, eh…” mahinang sagot ko sa kanila. Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Keij ang nangyayaring ito. Malamang ay sasabihin nun sa akin na normal lang ang bagay na ito, eh. Normal naman kasi talagang maraming may gusto sa kanila.
“Wala? Eh, diba pinsan mo sila? Lagi mo ngang kasama si Kol, diba?” sabi ng kaklase kong hindi ko alam ang pangalan. Wala pa naman din talaga akong kilala ni isa sa kanila.
“Kol is actually a very reserved person. Hindi niya pinagsasabi kung ano nangyayari sa buhay niya ng ganoon-ganoon lang…” tugon ko naman. They should know better. Kung gusto nila na mapapansin sila, kay Keij at Theon lang sila dapat nagkakagusto. Walang kaplano-plano mamansin ng babae ni Enzo dahil ang alam ko ay pumapasok na ito sa kompanya ni Tito Blue at tinitrain ito para ito ang mamahala ng negosyo nila baling araw. Si Kol naman, bukod sa busy sa Summer’s, wala naman itong nakukuwento na babae sa akin maliban sa nakilala niya noon na isang beses niya lang nasabi sa akin, hindi pa binanggit ang pangalan.
Tila gusto ko namang awayin mamaya ang mga lalaking iyon dahil sa nangyayari sa kanya ngayon. Ano ba namang malay niyang kalahati ng classroom nila, member ng fansclub ng mga ito? Iniisip ko na ring magpalipat ng block bago matapos ang araw na ito.
“Eh, si Jahann? Kailan daw uuwi yung kapatid mo? Nakakausap mo naman siguro siya ng madalas, no? Gosh! I’m so inggit!” sabi ng babaeng katabi niya na ang pangalan pala ay Kiana base sa nakalagay na pangalan sa binder nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Nakakausap ng madalas? Si Jahann, nakakausap niya ng madalas? Mas madalas pa ngang nakakausap ng kasambahay namin si Jahann kaysa sa akin. No—hindi pa nga kami nakakapag-usap talaga.
Umiling na lamang ako. “Wala pa siyang sinasabi tungkol doon…” matipid kong sagot. Huminga ako ng malalim. Wala naman talaga akong alam sa nangyayari kay Jahann. Ilang beses ng nangyari na kakausapin siya ni Aly at kapag ako na ang kakausap sa kanya, ibababa na niya ang tawag. Sinubukan ko noon na tumawag sa kanya pero sa ilang beses kong pagtawag, ni isa sa mga iyon, walang sinagot si Jahann.
Laking pasasalamat ko na lamang nang dumating na ang professor namin at pinaayos sa mga kaklase ko ang upuan. Orientation pa lamang ang nangyayari sa unang araw kaya inaasahan ko naman na rin ang early dismissal namin.
Bago lang mag-lunch ay wala na akong gagawin pa kaya naman tinawagan ko na lang si Alyanna para magsabi na mauuna na ako sa pagpunta sa SD dahil ang alam ko, hanggang after lunch ang schedule nito.
Sinabihan ko na lang din ang lahat na mauuna na ako sa SD at doon na lamang kami magkita. Lahat naman ay nag-agree. Si Enzo ay isasabay na lang si Lean dahil dadaanan pa niya ito sa Cyan’s. Sabay na lang din daw na magpupunta si Theon, Keij at Alyanna dahil sabay-sabay matatapos ang klase nila habang si Kol naman ay manggagaling pa sa Summer’s.
Malaki ang ngiti nang buksan ko ang salaaming pinto ng SD. Agad na bumungad sa akin ang mabangong amoy ng mga pagkain sa loob. Isa sa mga dahilan kung bakit isa sa mga pinaka paborito kong lugar ang Sweet Desire.
“Hi, Tita Steph, Tita Cristine…” bati ko sa dalawang babaeng nakaupo habang nag-uusap. Para ko na rin talaga silang magulang, kaming lahat naman, actually. Ang magulang ng bawat isa ay magulang naman ng lahat.
Si Tito Thunder ang financer.
“Cherinna, how are you?” tanong ni Tita Stephanie matapos makipagbeso sa akin. Umupo naman ako sa tabi ni Tita Cristine.
“I’m fine po…” nakangiti kong sabi.
“You’re glowing! Hiyang ka na may anak…” masuyong sabi naman ni Tita Cristine. I smiled a little bigger.
Sobrang nagpapasalamat ako talaga na hindi sila nagalit sa akin gaya ng inaasahan ko. Somehow, alam ko nadismaya sila sa akin pero sa dulo, lahat naman sila naintindihan ako, at lahat sila, mahal na mahal si Nikolai.
“Cherinna, next month pala, anniversary ng SD. Tumulong kayo, ha? May plano na ako para doon. Kailangan lang i-convince natin ang mga boys…” malawak ang pagkakangisi ni Tita Cristine. Bakas sa mukha nito na tila nga may binabalak ito. Tinignan ko naman si Tita Steph at natatawang napapailing na lamang ito.
Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na si Enzo kasama si Lean. Lean still likes Kevyn. Hindi ko alam ang detalye tungkol sa kanilang dalawa pero ang huli kong narinig kay Alyanna, Kevyn’s currently dating someone. Mystery kung sino ang babae.
Lumabas na ako para salubungin ang dalawa at para na rin pumuwesto sa spot namin kapag naroon kami.
Maya-maya lang ay dumating na rin sina Aly, Keij at Theon, gamit ang kotse ng huli.
“Ang VIP. Ang lapit ng school, nauna pa kami…” irap ni Lean nang maupo si Theon.
“Kotse kasi yung dala ko, hindi helicopter, hindi ako nakaiwas sa traffic. Palibhasa kaya kang liparin ng hangin, di mo problema ang traffic,” ganti naman ni Theon dito.
“Ewan ko sa’yo!” inis na sabi ni Lean bago tumayo at nagsabi na papasok muna sa loob para kumuha ng makakain.
“Time of the month ba ‘nun?” tanong ni Theon kay Enzo.
Enzo looked at him sharply. “What makes you think I’m aware of those events in her life?”
“Tangina mo, red days lang tinatanong ko, may pa-event ka pang sinabi…” sagot ni Theon dito.
“Tangina mo rin,” seryosong sabi ni Enzo.
Hindi ko mapigilang mapangiti. I missed them.
“Nasaan si Kol?” tanong ni Keij sa akin nang kalabitin niya ako. Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam. Bakit di mo tawagan?” kinuha ko ang juice na nasa lamesa at sumimsim.
“He’s not answering his phone,” kunot-noong sabi ni Keij. “Nagkita kaya sila?” mahinang bulong nito pero nahagip pa rin ng pandinig ko. Kilala ni Keij ‘yung kinita ni Kol?
Parami nang parami na ang costumers sa SD nang dumating si Kol. Gaya ng nakasanayan, napaka seryoso ng mukha nito.
“Bal, what happened?” agad na usisa ni Keij sa kakambal nito. Hindi naman sumagot si Kol at naupo na lang sa tabi ko. Hindi naman na ako nagtanong dahil halata naman na ayaw nitong magkwento.
“Guys, Tita Cristine mentioned SD’s anniversary earlier. She wants us to help…” sabi ko sa kanila habang kumakain kami.
“What kind of help? Benta natin si Theon?” natatawang sabi ni Keij bago inakbayan si Theon. “O kaya, pa-raffle natin alaga mo, Theon. Di naman nagagamit…” mas lumakas ang tawa ni Keij.
“Keij, ang baboy mo!” pinanlakihan ng mata ni Alyanna si Keij.
“Ikaw na lang i-raffle natin?” tanong ni Keij kay Alyanna.
Napailing na lang ako. Wala talaga kaming napapag-usapang matino kapag ganito. Noon kasi, kasama si Ate Caryl at Kuya Kiro na nagpaplano, idagdag pa si Kol at si Jahann.
Napahugot na lamang ako ng malalim na buntong-hininga.
“What if we make something for the anniversary?” tanong ko sa kanila. “For example, for a week before the celebration may pa-raffle nga tayo, ganon?” dagdag ko.
“Mas maganda kasi kung kumpleto tayo, eh…” may halong lungkot na sabi ni Lean.
“Wala naman tayo magagawa, eh…” kibit-balikat kong sabi. Kahit pa magpunta si Kuya Cloud, Ate Caryl at Kuya Kiro, hindi pa rin kami makukumpleto.
“What do you think, Kol?” tanong ko sa katabi ko pero ang mga mata nito ay nakapako sa dalawang babaeng naglalakad papasok sa SD. “You know them?” untag ko rito bago sinundan din ng tingin ang tinitignan ni Kol.
I saw his jaw tightened.
“Kol…” tawag kong muli rito.
Lumingon naman siya sa akin pero hindi nagsalita. Muling ibinalik ang atensyon sa loob ng SD kung saan tanaw mula sa kinaroroonan namin ang dalawang babae. Sino naman sa dalawang iyon ang tinitignan ni Kol?
“Si Jahann ba, walang balak umuwi?” dumukwang si Keij sa lamesa at inilapit sa amin ni Alyanna ang mukha.
“Oo nga. Ang tagal na niya sa New York, ah?” sabi rin ni Lean. “Hindi naman din siya nagrereply sa chat…”
“Hindi ko siya nakakausap…” nag-iwas ako ng tingin.
“Mahihirapan na tayo pauwiin ‘yon…” sabi ni Aly bago inilapag ang cellphone sa lamesa. Nilingon naman namin siyang lahat. Si Lean ay kunot ang noo at ako naman ay kating-kati’ng magtanong kung bakit.
“May girlfriend na ‘yata si Jahann sa New York, eh…” kibit-balikat na sabi ni Aly.
“What?” hindi ko napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses.
Girlfriend?
Si Iris ba? Naging sila na?
Takang-lumingon sa akin si Alyanna. “Ang OA, twin…” natatawang sabi nito.
“What are you talking about, Aly? May girlfriend na tapos hindi pinapakilala sa atin? Ang galing ng kapatid niyo, ah?” paismid na sabi ni Lean.
“Hindi pa naman niya kino-confirm, I just heard him…” sagot ni Alyanna rito.
“Ano bang narinig mo? Baka naman di ka naglilinis ng tainga mo?” ani Keij dito.
Hindi ko naman maialis ang mga mata kay Alyanna. Inaabangan ang sasabihin niya tungkol kay Jahann.
“Well, yesterday, I called Jahann. He called someone Ai.”
Tila mas kumunot ang noo ni Keij at Theon sa sinabi ni Alyanna.
“Oh, ano naman?” tanong ni Theon sa kakambal ko.
Pakiramdam ko ay may kung anong malamig na bagay ang tumusok sa puso ko. Hindi ko malaman kung bakit parang nahirapan din ako huminga.
“Duh, Theon? Ai ang tawag ni Daddy kay Mommy. Ai means love. Meaning he’s calling someone love…” iritang sabi ni Alyanna sa mga ito.
Naramdaman ko ang pagtingin ni Enzo sa akin. I just smiled to hide the truth.
Dinampot ko na lang ang baso sa may lamesa at uminom habang patuloy sila sa pag-uusap tungkol kay Jahann at sa sinasabi ni Alyanna na girlfriend nito.
Ai.
He even used our parents’ endearment.
Humigpit ang hawak ko sa baso.
“Washroom lang ako,” paalam ko sa kanila at kaagad naman akong tumayo at pumasok sa loob. Ilang beses kong pinuno ng hangin ang dibdib ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Pero isa lang naman ang sigurado ako.
Nasasaktan ako.
Nasasaktan akong malaman na may iba na siya…
Agad kong pinalis ang luha ko nang maramdaman ko ang pagtulo nito sa pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko at pilit na pinipigilang tuluyang mapaiyak.
Hindi ko naman mapipigilan si Jahann kung magkagusto siya sa iba.
Hindi ko mapipigilan kung pipiliin niya ang iba.
Ilang minuto akong nakatingin sa repleksyon ko sa salamin at pinilit ikalma ang sarili bago ako lumabas para daluhan na ang mga kasama ko.
“Let’s go inside…” ani Kol bago pa ako makalapit sa mga kasama namin. Kumunot ang noo ko sa kanya. “Why? What’s wrong?” tanong ko.
“Hi, Jahann’s not available now. You want to leave a message? I’ll just pass it to him…”
Malinaw kong narinig ang boses ng babae mula sa phone ni Aly. They called Jahann. Bago pa man makapagsalita si Aly, isang pamilyar na boses ang nagsalita.
“Ai, who’s that?”
It was Jahann’s voice.
Aly’s right.
May girlfriend na nga si Jahann.
I smiled sadly.